Chapter 26: Everything went black

Days passed by blur. Malapit nang matapos ang sem for this school year. I'm kinda excited for the coming school year. Malapit na akong makatapos. Me and Glen? Medyo natanggap ko na ang maling nagawa ko. Still, hindi ko pa din maamin sa kanya ang ginawa ko. I'm afraid.

Simon? He distant himself. I guess? Hindi ko na kasi siya nakikita. Ang daya nga, he's not here but his presence haunts me. Everything I do? Palaging siya ang nakikita ko. Everytime I speak? Imahe ni Simon ang lumilitaw sa isip ko. Ugghh--- Pero mas masama ang kutob ko kapag tahimik si Simon. I don't know, basta iba.

Naglakad lakad ako sa labas ng subdivision kasama si Heart. She's bigger now. And she's my only ally. Palagi kasi akong nagsusumbong sa kanya about sa lahat ng sama ng loob ko kay Simon.

"Arf! Arf!" Napatingin ako kay Heart ng magtatahol ito. Sinundan ko pa nga ng tingin ang tinatahulan niya pero wala akong nakita. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy maglakad.

Inaya ako ni Glen sa bahay nila coz' tita and tito came back. Hindi naman ako makahindi dahil magtataka na si Glen. Hindi na kasi ako bumalik sa bahay nila. Ayoko. Maraming memories doon na ayoko nang balikan.

Isa pang pumipigil sa akin ay baka nandoon si Simon. I don't want to see him. I'm still mad at him. Wala eh, gusto ko man siyang sisihin ng buo pero kapag bumabalik ang mga pangyayari ay alam ko naman sa sarili ko na may kasalanan din ako. Fuck! I'm the one who initiated everything. I shooked my head. Pagod na pagod na ang utak ko na balikan ang mga pangyayari.

Umupo ako sa tapat ng gate namin matapos namin mag ikot sa subdivision ni Heart. Everytime I looked at her? Naiisip ko lahat ng pinagdaanan at ginawa sa akin ni Simon. How he take care of me-- how he tried to please me. Yung tibok ng puso ko kahit na maisip ko lang ang pangalan niya-- nandito pa din iyon. At naiinis ako!

"Maggie!" Napasinghap ako ng bigla nalang sumigaw si Mommy mula sa pinto ng bahay. Nanlaki pa ang mata ko ng mapagtanto ko na hawak ko si Heart ngaun.

"M-mommy?" Tumayo ako at nagpagpag ng pang upo. Lumakad si Mommy palapit sa akin na malaki pa din ang ngiti. "I know you have that--" tinuroturo niya si Heart na ikot ng ikot ngaun sa paanan ko. Umirap ako kay Mommy. " She's Heart, Mom. Not this or that or whatever."

Namilog ang bibig ni Mommy at may maharot na ngiti na naglaro sa kanyang labi. " Oh--- you are really taking care of her, huh."

"Bakit kayo nandito?" Linagpasan ko si Mommy. Lumakad ako papasok sa gilid ng garden kung saan ko nilipat ang bahay ni Heart.

"Bye, baby.." hinimas ko muna ang ulo niya tsaka ipinasok sa loob ng dog house.

Nang pabalik na ako kay Mommy na parang diring diri kay Heart ay natigilan ako. Para kasing biglang nagdilim ang paningin ko.

"What happened, Maggie?" Nawala ang ngiti ni Mommy at napuno ng pag aalala. Umiling ako sa kanya. Marahil ay sa puyat at pagod kaya ako nagkakaganito.

"Pagod lang po siguro." Sagot ko. Nang maayos na ang paningin ko ay lumakad na ako papasok ng bahay. Dumiretso ako sa kusina at mabilis na uminom ng tubig.

"Are you sure pagod lang yan? You look pale, anak." Sambit ni Mommy na nakasunod na pala sa akin.

"Where's dad?" Pag iba ko ng usapan. Wala nga lang ang pagdidilim ng paningin ko. Ang kulit naman!

Tinaasan ako ng kilay ni Mommy. "he's with your brothers."

Nagkibit balikat ako. Pupunta nalang ako sa kwarto ko para magpahinga.

"Where are you going?" Natigilan ako sa pag lalakad ng magsalita si Mommy. Huminga ako ng malalim at hinarap siya. " In my room, Mom. I'll take a nap."

"Be sure you'll wake up before we go to Simon's house." Napakunot ang noo ko. Bakit ba puro Simon nalang si Mommy. I remember that I already told her na si Glen ang boyfriend ko. Bakit ba Simon siya ng Simon?

"We? At pwede naman Glen's house diba?" Umirap ako kahit kaharap si Mommy. Lumapit siya sa akin tsaka bahagya akong binatukan.

"Of course, we. Simon also invited us that's why we're here. And I like Simon better, sa kanya din naman ang bahay na iyon diba?"

"But Glen's my boyfriend." Sagot ko. Umirap si Mommy sa akin na para bang naiinis.

"Baliw ka kasi! Matulog ka na nga!" Singhal ni Mommy kaya nalaglag ang panga ko. What the?

"Ano ba naman?!" Halos sumigaw na ako ng bigla nalang lumundag si Sage at Prim sa kama ko. Ang laki na nila pero isip bata pa din!

"Why are you always sleeping? Tawag kana ni Mommy. Mag ayos kana daw." Narinig kong salita ni Sage. Pakiramdam ko ay tamad na tamad ako at antok na antok. Pumikit ulit ako pero hindi pa din ako tinantanan ng dalawa.

"Ano ba, Prim!" Halos sumabog ang kwarto ko sa sobrang lakas ng sigaw ko. Natahimik ang dalawa kaya minulat ko ang mga mata ko.

Okay, naguilty ako bigla. Mukha kasing gulat na gulat ang dalawa sa inasta ko. "I'm sorry.." salita ko pero ala pa din kumibo. Huminga ako ng malalim at nag iwas ng tingin sa dalawa.

"Why are you always like that?-- I mean you're always grumpy. Tulog ka kasi ng tulog kaya ganyan ka! Tumataba kana, Mags. Get a life."

Hindi ko alam kung nang aasar ba si Prim or what. Medyo naconcious pa nga ako ng sinabi niya na tumataba ako. Baliw na 'yon!

Hindi ako kumibo. Tumayo si Prim at tuluyan ng lumakad palabas. Nanatili si Sage sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. He breathed heavily and face me as well.

"Do you have a problem, Mags?" Seryosong sabi ni Sage. I stare at him pero hindi ako kumibo. "Whatever it is. It will pass. You're strong, you're smart. So please, bring back my ate Maggie.." tumayo na si Sage at tuluyan ng lumabas.

He left me dumbfounded. Ganon naba talaga ako nawala sa sarili ko? Malaki naba ang pinagbago ko? I really don't know. Dahil kahit ako mismo ay hindi ko makilala ang sarili ko.

Nagsuot ako ng tube type na cocktail dress. Silverio's used to wear formal attires when they're together. Ganon' talaga siguro ang mga rich. Nilugay ko nalang ang buhok ko at naglagay ng ka-onting make up. Nag cologne na nga lang ako dahil nahihilo ako ngaun sa pabango ko. Ang weird nga, I've been using my perfume for almost a decades pero ayaw ko na itong gamitin ngaun. I wore flats. Ayokong magsuot ng heels dahil masyado nang oa. It's just a simple dinner.

"Woah--- you'll pass to be the next Asia's top model." Nakangising bungad sa akin ni Prim. Ngumuso ako at nilagpasan siya. Okay, I admit-- kinilig ako sa sinabi niya. Pero syempre, hindi ko ito pinahalata.

"Where's mom?" Tanong ko sa dalawa na parehong nakataas ang paa sa table sa sala. Umupo ako sa gitna nila kaya naman siniksik nila ang sarili nila sa akin. "Ano ba!" I scolded them. Lalo lang silang sumiksik at parehong umakbay sa akin. "Ang taray taray mo, You're just 20 pero parang matandang dalaga ka, daig mo pa si Nanay Norma." Ngumisi si Prim kaya tinignan ko siya ng masama.

"Lumayas nga kayo sa tabi ko!" Singhal ko ulit. Pilit ko pa ngang inaalis ang kamay nila sa balikat ko pero ayaw talaga nilang umalis. Ughhh!

"Lets go kiddos," literal kaming napanganga ng biglang lumabas si Mommy kung saan. Naiiling na tumayo ang kambal.

"Where did you get your fashion, Mom?" Bulong ni Prim habang umiiling. Nakita ko ang pigil na tawa ni Daddy kaya naman napailing ako kahit na gusto ko din tumawa.

"Mom, we're just having dinner. Hindi tayo aattend ng Gala night." Salita ni Sage kaya natahimik kami. Oh--Geez! Binulong na nga ni Prim isinigaw pa niya. Si Prim ay tuluyan ng humagalpak ng tawa.

Mom looked at Sage with her dagger eyes." What? Gusto niyo bang magmukhang kawawa ang Mommy niyo? Si Mrs. Silverio nga palaging naka gown. Ako hindi pwede?" Ngumuso si Mommy. Nailing si Sage. Mas lalong tumawa si Prim kaya natawa nalang ako.

Mom's wearing a gown. Not that literally gown. Siguro, masyado lang extravagant para sa isang dinner. Mom is Mom. Kapag sinabi niya, sinabi niya. Kapag gusto niya, gusto niya.

Nang makarating kami sa mansion ay nagsimula nang kumalabog ang dibdib ko. Hinanda ko na naman ang sarili ko na magkita ulit kami ni Simon, e. Bakit ganyan pa din ang kabog mo? Malayo palang ay kita ko na ang malaking ngiti ni Glen habang nasa garden at halatang hinihintay kami.

Nang tumigil ang sasakyan ay lumapit siya sa amin. Napatingin pa ako sa isang Lamborghini na naghuhumiyaw sa gilid.

"Woah-- who's Lambo is this?" Nilapitan ni Prim ang sasakyan na mukhang manghang mangha.

"Mine." Isang malamig na boses ang lumabas galing kung saan. Lumitaw si Simon na humihiyaw ang awra sa karangyaan. Napalunok ako at mabilis na nag iwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Fuck! Handa na nga ako diba? Glen held my hand. Bumati siya kila Mommy. Tinanguan lang siya ni Mommy at lumapit kay Simon.

"Really? Are you collecting wheels, son?" Lumapit si Mommy kay Simon na nakahalukipkip sa sasakyan. Kinabahan ako bigla. Masyadong showy si Mommy na gusto niya si Simon. He even called him son? What the? Si Glen nga tinanguan niya lang. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngaun. Hindi ko alam kung bakit kabang kaba ako na tipong gusto kong masuka.

"Uhm-- lets go inside?" Untag ko kay Glen na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Mommy na nakikipagtawanan kay Simon. Okay--this is indeed awkward!

"Yeah." Matabang na sagot ni Glen. Pumasok kami sa loob. Dumiretso na kami sa dinning kung saan naroon na ang parents nila.

"Margaret, it's been a while." Nakangiting salubong sa akin ng Mommy ni Glen. He smiled heartily. May kung ano na naman bumagabag sa akin. Nahihiya ako sa kabaitan ng Mommy nila Glen gayun may nagawa akong hindi maganda.

"You look stunning, tita." Sagot ko. Alam ko kasi ang kahinaan ng Mommy nila. She likes compliments. Sino ba naman ang hindi?

"You're so unfair, Margaret." Sabay sabay kaming napalingon sa grand entrance ni Mommy. Ngumuso nalang ako at nag iwas ng tingin ng magtawanan sila.

Umupo na kami sa long dinning table nila. Humihiyaw sa karangyaan lahat ng makikita mo dito. Simple pero elegante. Ang engrandeng chandelier ang nagbibigay buhay sa hapag kainan.

Food was served in formal way. Sinimulan sa appetizer hanggang sa main dish. Tahimik ang lahat. Para bang nakakahiya kung lilikha ka nang ano mang ingay.

"You want this?" Inilapag ni Glen ang hipon sa plato ko. Why are you putting that Glen? Diba alam mo may allergy ako dyan? O alam mo talagang wala?

Tumikhim si Simon na nasa harap ko kaya naman lalo akong kinabahan. Ano na naman ba 'to? Hindi ko nga siya tinitignan!

"Balatan mo muna," napatingin ako kay Simon. Walang bakas ng biro or humor sa salita niya. Napuno ng tensyon ang hapag. Ramdam ko iyon na para bang kaming tatlo lang ang pinapanood nila.

"Let them be, Simon." Baritong boses ng Daddy nila ang nagsalita kaya napalunok ako. Napatingin pa nga ako sa kanya. He's always at his stoic expression. Pareho sila ni Simon.

"What? I'm just--" their Mom cut him off. Abo't ang mura na nagawa ko isip. What the hell Simon.

"Simon, we're eating, son. Respect." Malumanay pero puno ng awtoridad na salita ng Mommy nila. Tumahimik si Simon. Kahit hindi ko siya tinitignan ay dama ko ang paninitig niya sa akin. Lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"I'll--" pinutol ko ang sasabihin ni Glen.

"Ako na." Tipid na sagot ko. Natahimik ang hapag hanggang dumating na ang desserts. Paminsan minsan ay napapatingin ako kay Simon na titig na titig pa din sa akin. Pumikit ako ng bigla ulit nagdilim ang paningin ko.

"So, what's the dinner for?" Tumikhim ako ng bahagya ng magsalita si Mommy. Ayoko kasing magsimula siya at alam kong dirediretso na siya.

Nagulat ako ng tumayo si Glen mula pagkakaupo. Lahat ng mata ay tutok na tutok sa kanya. May kung ano siyang dinukot sa bulsa niya na nagpalaglag ng panga ko. Hindi ako assuming but I'm not naive. It's a ring box.

"What the hell, Glen?" Matigas na salita ni Simon. Napasinghap kami ng biglang napatayo si Simon. Napapikit pa ako sa sobrang kaba. Eto naba? Kakanta naba si Simon? uggh-- parang nanigas ako dahil sa takot at sobrang kaba. Yung pagdidilim ng paningin ko kanina ay napapadalas na.

"Shut up, Simon!" Singhal ni Glen.

"You two are seriously shouting infront of the table? Infront of us?" Salita ng Mommy nila. Namuo na ang tensyon kaya para akong sasabog ngaun.

"Tita, I'm asking for, Mag--" hindi na natuloy ni Glen ang sasabihin niya ng marahas akong hinablot ni Simon. Gulat na gulat ako at takot na takot. Lambot na lambot na ang tuhod ko.

"What are you doing?" Bulong ko kay Simon. Napatayo na sila ng hilahin ako ni Simon palayo. Pero ala pang ilang hakbang ay nagdilim na naman ang paningin ko. The last thing I heard was Simon's curses then everything went black.