Chapter 25: Akin lang

He never failed me, but I failed him. Isang buwan na si Glen dito pero hindi ko siya maharap ng maayos. Ang sabi niya ay dito na niya tatapusin ang pag aaral para makasama ako. My guiltness and conscience is eating me. I'm still wondering what happened to me that--- ughhhh! Naibigay ko ang hindi ko dapat ibigay kay Simon.

Para may kung anong bumagsak sa pagkatao ko. I can't even look at Glen straight through his eyes. I can't. My life is indeed fucked up! Damn you Simon!

Palagi nalang bumabalik sa isip ko kung paano niya ako inangkin at paano ako nag paangkin sa kanya. How he kissed every part of my body and how I felt about it. Isa lang ang alam ko. Hindi ako yun babae nung gabi na yun. I don't know-- but it's not me. Urggh!

I smiled bitterly. Ala na. Ala na yung iniingatan ko. Dahil sa isang gabi ng frustration ko ay nagkandaleche leche ang buhay ko. Paano kami ni Glen? Paano ko sasabihin? Niloko ko siya.

Kasalanan ito ni Simon! He took advantage of me! Ugghh---

"Mags, aren't you going to school?" Sigaw ni Prim sa labas. Umiiling ako kahit hindi niya nakikita. "No," sagot ko.

"Are you okay?" Si Sage naman ang narinig kong nagsalita. Naiinis na ako. Araw araw nila itong ginagawa sa akin. I don't want to go to school. I still don't have the guts to face Glen and--- the devil Simon. "May sakit kaba?" Sabay na sabay na salita ng dalawa.

Huminga ako ng malalim at nagpigil ng inis."I'm fine--" ginulo ko ang buhok ko." Just leave me alone!"

"Fine!" Sagot ni Sage. Napairap pa ako ng marinig ko na magsalita si Prim. "Baka may dalaw." These jerks! I'm not in the mood.

"Anyway, Glen called. He'll be here." Sagot ni Sage. Napatayo ako mula sa pagkakahiga. Oh no-- ayoko!

" Tell him I'm sick." Sigaw ko.

Rinig na rinig ko ang bulungan ng dalawa. "Simon will be here, too." Natatawang salita ni Prim kaya biglang nag-init lalo ang ulo ko.

"Tell him I'm dead!" Ang tibay niya! May mukha pa talaga siyang ihaharap sa akin?

Nung gabing iyon. Si Glen talaga ang dumating. Halos magkandadapa dapa ako sa pagmamadaling lumabas ng mansion nila. Perks ko nalang siguro na kabisado ko lahat ng pasikot sikot ng bahay nila kaya nakalabas ako ng matiwasay. After that night. Hindi ako nagpakita kay Simon. When he's here, palagi akong nagkukulong. Sa school naman, palagi akong sumasama kay Glen or kay Dominic. Ayoko na! Sobrang nakokonsensya ako kay Glen. Hindi din ako masyadong hirap sa school dahil graduate na si Simon. It's just that-- palagi siyang nasa school to wait for me.

Lalo na ngaun na bumabawi si Glen. I don't deserve everything that he's giving me. I already betrayed him. I broke my promise. Can we still have our someday? Of course, hindi na. Nanlulumo ako. Hanggang ngaun tanong ko pa din sa isip ko kung paano ko nagawa iyon. Kung ano ang nangyari sa akin ng gabing iyon.

Hindi kasi ako makapaniwala. I planned my future with Glen. He's the right one for me at sigurado ako doon. Pero bakit bumigay ako kay Simon ng ganon lang?

Nang alam kong wala na ang kambal ang lumubas ako para uminom ng tubig. Nawalan din ako ng ganang kumain.

"Hindi ka papasok, Margaret?" Bungad sa akin ni Nanay Norma. Mabilis akong umiling at nagsalin ng tubig sa baso. Nang mapatingin ako sa salamin sa may kitchen ay agad akong nag iwas. I can't even look at myself. Goddammit!

"May problema kaba, iha?" Tanong niya tsaka nagsimulang maghiwa. Kumunot ang noo ko at umupo sa high stool chair sa counter top habang nakaharap sa kanya.

"Mukha ba akong may problema, Nanay?" Sagot ko sa kanya. Sinalin ni Nanay Norma ang nahiwa niya sa caldero at hinarap ako. Napakunot lalo ang noo ko ng titig na titig siya sa akin.

"Oo, iha." Nalaglag ang panga ko sa direktang salita ni Nanay Norma. She knows me so well. I want to hug her and tell her everything happened but I can't. May parte kasi sa akin na ako mismo ay nadismaya sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim." Nanay Norma, you think mapapatawad ako ni Glen kapag nalaman niyang may mali akong nagawa?" Swear! I want to tell exactly to Nanay kung ano ang dinadala ko. I don't have friends. Si Dominic? Hell no! Mamatay ako pero hinding hindi ako magsasalita sa kanya. And even if I have a friend. I don't think I can tell my story either! I feel so down-- and so low..

"Ano ba ang kasalanan mo? Minahal mo si Simon na kapatid niya?" Diretsang sabi niya kaya biglang kamalabog ang puso ko. Is not that-- I mean-- Why the hell on earth na nasasabi nila na mahal ko Simon?

"Nanay.." seryosong sabi ko. " hindi ko po mahal si Simon." Pumikit ako ng mariin pero biglang lumitaw ang mukha ni Simon. Ugghh--- gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader! Stop messing me!

Kumunot ang noo niya at nagsimula ulit maghiwa. " hindi iyon ang nakikita ko, iha." Seryosong sagot niya kaya naiwan akong tulala.

No one will understand me. Kasi, kahit ako mismo ay hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Hapon na ng nag ayos ako ng sarili. Gusto kong malibang para mawala sa isip ko ang bumabagabag sa akin. Nang maayos ako ay bigla naman may nag doorbell. Abo't ang kaba ko at natigilan sa kama . Sino naman iyon? Simon keep on texting and calling me. Gusto ba niyang sumabog ang cellphone ko? Hindi ba niya maintindihan na ayoko siyang makausap? Na ayoko siyang makita?

"Margaret, Nandito si Glen." Sigaw ni Nanay Norma sa labas ng silid ko. Hindi ko alam kung magpapanggap ba ako na tulog o ano. Medyo nakakaramdam pa ako ng panghihina at pagkahilo. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako sa mga pangyayari sa buhay ko.

Sa huli, lumabas na din ako. Glen don't deserve this. Mahalaga siya, pero paano ko pa siya mamahalin ng buo kung ako mismo ay hindi ko magawang mahalin ang sarili ko? After that night, Simon took everything from me.

"Hi, Aviel." Tipid akong ngumiti ng makita ko siya sa sala habang nakahalukipkip. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya napaiwas ako ng tingin. Agad na kalabog ang puso ko. Damn, napapraning na talaga ako!

"Are you okay? Sage told me that you're not feeling well." Lumapit siya sa akin tsaka ako mabilis hinalikan sa labi. Literal na nanigas ako. And fuck! It's Simon face I'm seeing.

Bwiset talaga yung kambal na 'yon!

"Don't mind him. I'm fine." Halos hindi ako dumidikit kay Glen. Pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko.

Huminga siya ng malalim. " alright, lets go to the mall," he reached my hand. Medyo napasinghap pa ako kaya tinignan niya ako ng nakakunot ang noo. "Ayos ka lang ba talaga?" Salita niya. Tumango ako at nag iwas nalang ulit ng tingin. It's awkward. Palagi nalang ganyan ang nararamdaman ko when we're together.

Nang makarating kami sa mall ay medyo hapon na. Ang sabi pa nga ni Glen ay tinapos niya lahat ng report niya so we could have this date. Noon, eto ang pangarap ko. He has a lot of time for me, yung mag dedate kami, yung may oras siya sa akin. Bakit ngaun ay parang nawala lahat? Nawalan ako ng gana sa lahat.

"Let's watch movie? or you want to eat first?"

"Huh?" Parang tangang sagot ko sa kanya. Hindi ko kasi namalayan na nagsasalita pala siya. He creased his forehead tsaka inipit ang magkabilang pisngi ko gamit ang palad niya. I wanted to cry. Gusto kong umamin sa kanya and say sorry for what I've done. Natatakot ako.

"I love you, Maggie." Biglang sabi niya tsaka niya ako mabilis hinalikan sa labi. Napaatras agad ako at bahagya siyang naitulak. "Sorry, ang daming tao." Pagdadahilan ko. Sumeryoso lang si Glen at umayos ulit ng tayo sa gilid ko. Your lips doesn't deserve mine, Glen. Urgghh-- this is so frustrating!

Napagdesisyonan namin ni Glen na manuod nalang ng movie. Bumili siya ng dalawang popcorn at softdrinks tsaka kami tahimik na nanuod. Paminsan minsan pa nga ay dumadantay si Glen sa ulo ko kaya nawawala na naman ako sa ulirat. His touch is like a poison to me. Na para bang isang dikit niya ay mamatay ako sa dami ng konsensya na bumabagabag sa akin ngaun.

"Hey, hindi naman nakakaiyak ang scene ah?" Nagpahid ako ng luha ko. Hindi nga nakakaiyak ang pinapanuod namin pero bakit naiiyak ako?

"It is, tignan mo oh?" Turo ko sa babae na pinagtaksilan ang boyfriend niya pero hindi naman talaga niya ginusto. Nahulog lang siya sa other man coz' her real boyfriend took her forgranted. Damn it!

Nagkibit balikat lang si Glen at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Ayoko na! Pakiramdam ko ay kakainin na ako ng lupa sa bigat ng nadadama ko.

"Washroom lang ako." Tinanggal ko ang kamay ko na hawak niya. Tatayo pa nga sana si Glen para samahan ako pero hindi ko siya pinayagan. I want to breathe.

Nang papasok na ako ng comfort room ay biglang may humablot sa akin. Nanlambot bigla ang tuhod ko ng mapagtanto ko kung sino siya. After that night, ngaun lang ulit kami nagkita ng harapan dalawa.

"Stop, Simon." Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Pakiramdam ko ay hapong hapo ako at wala na akong lakas. Pero nagagalit ako! Galit ako sa kanya at sa sarili ko!

"Why are you here? Are you following us?" Seryosong usal ko. Halos matumba ako dala nang panghihina at sa mga mata niya na seryoso at direktang nakatingin sa mga mata ko.

"Yes, why are you ignoring me, Maggie?" I felt the coldness on his voice. The frustration and anger.

Nag-alab ulit ang galit ko sa tanong niya. Is he fucking insane?" Are you seriously asking me that question, huh?" Medyo nagtaas na tono ng boses ko. Hindi pa din natinag ang malamig na tingin niya sa akin. Nag igting ang panga ni Simon.

"Ano 'yon? Wala lang seyo yung satin--" I cut him off at sunod sunod ang pag iling na ginawa ko. " walang satin, Simon. What happened to us was a mistake." Diretsong sabi ko sa kanya. Gumuhit ang pait sa mukha niya at ngumisi na ikinatayo ng balahibo ko.

"Really, Love?" He said sarcastically.

"I'm not the girl that night, Simon." Huminga ako ng malalim dahil unti unti na akong nanginginig. Matapang kong tinignan si Simon sa mata.

"Did you drug me?" matagal ko na kasing tanong iyan sa sarili ko. Umaasa ako na hindi iyon gagawin ni Simon. He can't. Alam kong demonyo siya pero umaasa ako na hindi niya iyon gagawin. Pero yung pakiramdam ko ng gabing iyon? It's not normal.

Bahagyang napakunot ang noo niya na tila ba nagtataka. Walang umalis o umiwas sa titigan namin dalawa.

"Yes." Diretsong sagot niya kaya mabilis ang pagsampal na ginawa ko sa kanya. Parang bumagsak ang langit sa mukha ko. Ngaun masasabi ko na dissapointed na talaga ako sa kanya. Hindi nayanig si Simon. He's still intently looking at me.

"Did you know that Glen was coming?" Tanong ko ulit.

Gumalaw ng bahagya ang panga niya. "Yes." Malamig ulit na sagot niya. Isa isang nagpatakan ang luha ko kasabay ng isang malakas ulit na sampal sa kanya. He fucking played me! How could he? I know that he's evil but I didn't know that he's a devil.

"You're a monster, Simon! You're so selfish! you ruined my life!" Halos matumba na ako sa sobrang pag iyak. Inaalalayan pa nga niya ako pero hindi ko siya binigyan ng chance na mahawakan ako.

"I'm very loud about my feeling for you, Maggie. You made me feel that everything about us was real. I felt it, Maggie. You love me, your feelings for Glen was only in your mind."

Umiling ako. Pinunasan ko ang luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ko. Paano niya nasasabi iyon? Kapatid niya si Glen!

"I will never love you! Demonyo ka!" Sigaw ko.

Humalakhak ng bahagya si Simon kaya natigilan ako." You're already inlove with me. You're only fooling yourself, Maggie. Why can't you accept that you already fell for me? I had--" hindi ko na ulit siya pinagsalita ng sinampal ko ulit siya ng malakas. I'm starting to like you but --- this? Hindi kita mapapatawad! And even if I have feelings for him, It's all gone now!

Malamig ko siyang tinignan kasabay ng pag iling ko." You and me? It will never gonna happen, Simon. It will always be Glen."

Napauwang ang labi ni Simon kasabay pagkawala ng ano mang emosyon niya. Bahagya siyang tumingala sabay hilot ng bridge ng ilong niya. Bumalik ang tingin niya sa akin kasabay ng pag igting ng panga niya.

"You're wrong. I don't care about anything anymore. You and me? I will make it happen. I'll never stop, Maggie. Akin ka. Akin lang."