Chapter 22: Everything

"Fuck you!" Isang malutong na mura ang pinakawalan ko ng ihinto ni Simon ang motor. Halos mahilo ang pagkatao ko sa bilis ng patakbo niya kanina. Napatingin si Simon sa akin na halatang nagpipigil ng tawa.

"So mean," tinaasan niya ako ng kilay. Umirap ako at mabilis na inalis ang helmet na suot ko. Ganon' din ang ginawa ni Simon. Huminga ako ng malalim at dumiretso papasok ng bahay. Mag aalas singko ng hapon ng makauwi kami! My goodness! Alas diyes lang kami ng umaga umalis pero palubog na ang araw ng umuwi kami.

"Are we going to the wedding?" Salita ni Simon habang nakasunod sa akin. Marahas akong humarap sa kanya. "Ano pang wedding ang aabutan natin? Huh?" Iritableng iritable ako habang sinusuklay ng mga daliri ko ang nagdikit dikit na buhok ko.

Natawa siya. Nakakainis! Hindi ko matanggap na naisahan ako ni Simon kanina!

"Edi, sa reception na tayo."

"Tayo?" Halos maghesterical ako.

"Yes, tayo." Pinal na salita niya tsaka ako tinalikuran.

Ugh---- pag pasok ko sa kwarto ko ay mabilis akong pumasok sa cr para maligo. Ang lagkit lagkit talaga ng katawan ko. Natigilan ako ng mapatingin ako sa salamin. Naiiling ako habang natatawa nang maalala ang mga pinaggagawa ni Simon kanina. Nainis lang naman ako kasi napayakap ako sa kanya the whole time dahil sinadya niya. Pero on the other part? I enjoyed it.

Ang sarap pala ng feeling. Bawat haplos ng hangin sa pisngi ko? Sobrang nagenjoy ako.

Nang matapos ako maligo ay hinanda ko ang blower para patuyuin ang buhok ko. Naririnig ko pa nga dito sa loob ng kwarto ko ang ingay ng kantahan sa kabilang bakuran. Marahil ay nagsisimula na ang party para sa bagong kasal. I heard from Nanay Norma na may ibang tradition ang mga tiga dito kapag kasal kaya nasasabik akong pumunta.

I wore a white flowing dress na hanggang tuhod at doll shoe. I don't know if okay ito sa dadaanan but I know it's the appropriate attire to wear.

Isang beses akong lumingon sa salamin for the final look. Nang kuntento na ako ay mabilis akong naglakad palabas.

Nang pipihitin ko na ang knob ng pinto ay biglang nagbeep ang cellphone ko kaya napahinto ako.

Natigilan ako habang nakamata sa cellphone ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or ano. It was message from Glen.

Mapait akong ngumiti at matabang na binuksan ang message.

"Hi there, Mags.. how are you? Sorry if I wasn't able to call or message you these past days. Sobrang busy ko with my practicum and school stuffs. I know nagtatampo ka, but I hope you understand. Babawi ako when I come home. I miss you so much.. I love you, Maggie."

Sandali akong natahimik at natulala sa message niya. Yes, nagtatampo ako kay Glen. Pero, dapat intindihin ko naman siya diba? Pero bakit may tabang akong nararamdaman para sa kanya? I shooked my head. Hindi ko ito dapat maramdaman. I love, Glen.

"I'll wait for you to come home-- bumawi ka ah? I miss you , too, Aviel.."

Pagkatapos kong magtipa ay nilapag ko ang cellphone ko sa kama. Alam ko naman kasi na hindi na magrereply si Glen. He's always like that. Sending me message then kapag nireplayan ko na siya ay wala na akong matatanggap na reply. I'm still holding, Glen. Wag mo lang ako masyado baliwalain.

"Lets go," halos mapalundag ako ng tumambad sa akin si Simon na nakahalukipkip. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa tsaka ngumisi. Ano problema niya?

"Are you sure you're going to wear that?" Turo niya sa doll shoe na suot ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Suot ko na nga diba? Duh!" Umiwas ako ng tingin at nilagpasan siya. Mahinang natawa si Simon. Ghad! He's so damn gwapo! Nakakainis!

"Bakit ba ang taray taray mo sakin?" Napasinghap ako ng nakatabi na pala siya sa akin sa paglalakad. Hindi na kasi kami nagsasakyan. Tutal naman ay sa kabila lang ang kila nanay Norma. Kaso, ang layo pa nang lalakarin mo.

"Pake mo?" Binilisan ko ang lakad ko kaya binilisan din ni Simon ang lakad niya.

"Stop that? Love---"

Hindi na natuloy ni Simon ang sasabihin niya ng bigla akong nadulas. O. M. G.

Napapikit nalang ako pero ramdam ko na nasalo ako ni Simon. Mabilis akong umayos ng tayo dahil sa paglundag na naman ng puso ko.

"Ang daldal mo kasi!" Paninisi ko sa kanya. Uggh--- nawala ang poise ko sa nangyari! It's so embarrasing. Kumunot ang noo ni Simon.

"Why me?"

"Ang kulit mo kasi!"

"I didn't do anything," maang sabi niya.

"Yes, you did! Stop annoying me okay?"

"Then stop that--" hindi na naman niya natuloy ang sasabihin niya ng tinignan ko siya ng masama.

"Stop what?" Matalim na titig ang binigay ko sa kanya. Parang nagsisi ako dahil nakakalunod na titig ang binigay niya.

"Acting like that-- I mean yung pagtataray mo-" hindi niya ulit natuloy ang sasabihin niya ng putulin ko ito.

"Ano naman problema mo sa pagtataray ko seyo?"

Huminga siya ng malalim. "You're making me fall harder." Walang abog na sabi niya.

The heck! Napanganga ako sa harap niya kaya ngumisi siya at nilagpasan ako. What the hell, Simon? That's it? He's still into me? Why does he need to be straight forward? Hindi ba kayang magpigil ni Simon?

Tahimik kami hanggang makarating kila Nanay Norma. Medyo nailang pa nga akong dumaan sa Waig dahil sa dilim. Ayoko naman tawagin si Simon kahit natatakot na ako. Good thing he waited for me. Tikom ang bibig niya pero nakakalunod pa din ang tingin niya sa akin. Bakit palagi ka nalang gumagawa ng dahilan para mailang ako seyo? Urggh--- nakakabaliw ka!

" Claudine," napangiti ako sa bunsong anak ni Nanay Norma. Ang sarap pala sa feeling na maisip ko na minsan pala akong nagkaroon ng kaibigan. Si Nathalia.

Ngumiti sa akin si Nathalia. Ang kayumangi niyang balat ay ganoon pa din. Kahit na kulot ang kanyang buhok ay hindi mo mapapagkaila ang ganda ng mukha niya. She's a typical Filipina.

"Congrats," I smiled and kissed her cheeks.

Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang paninitig niya sa likuran ko. "Thank you.." nakangiting sabi niya pero kay Simon pa din siya nakatingin. I wonder what's with Simon at bakit lahat ng daanan namin ay napapatitig sa kanya. Given na naman talaga na gwapo si Simon. But, hello? Hindi lang namam siguro siya ang gwapo sa mundo. There's Glen, and Dominic and--- okay pati si Luther na din.

Umupo kami sa table malapit sa unahan kung nasaan si Nathalia at kanyang asawa. Napa-irap pa nga ako kay Mommy ng tumingin siya sa gawi namin ni Simon at ngumisi.

Pumunta kami ni Simon sa buffet table. Medyo nag alangan pa nga ako sa mga pagkain dahil karaniwan nakikita ko ay seafoods.

"Naku, Margaret, maupo na kayo ni Simon. Magdadala nalang kami ng pagkain sa inyo." Salita ng isa pang anak ni Nanay Norma. Tumingin muna ako kay Simon na nagkibit balikat lang.

Isa isang nilapag sa harap namin ang pagkain. Ayokong masabihan maarte pero hindi ako kumakain ng seafoods dahil mabuburiri kainin lalo na ang crabs at shrimp. Kailan mo pa balatan kagaya ng hipon. Kailangan mo pa himayin like crabs. Yung fish naman minsan pagsinisipag ako alisan ng tinik. Sobrang gutom na gutom na ako.

Nagkakainan na ang lahat. Nakatingin ako sa pagkain sa harap ko. Ugghh-- naagaw ni Simon ang atensyon ng madami siyang seafoods na inilagay sa plato niya at sinimulan himayin. Ganon' ba siya kagutom? Nangingiti ako habang pinagmamasdan si Simon na hinimay ang mga ito ng walang hirap. Buti pa siya.

"Here," napaiwas ako agad ng tingin sa kanya ng iaabot niya sa akin lahat ng nahimay at nabalatan niyang hipon at crabs. Mangha akong tumingin sa kanya. "For me?" Tanong ko. Tumaas ang kilay ni Simon. "Yes, for you.." ramdam ko na nag-init ang pisngi ko at may kung anong kumiliti sa loob ko dahil doon.

"Alam ko naman na hindi ka kumakain ng seafoods kasi tamad ka magbalat at maghimay, so ayan, I did it for you." Pumangulambaba siya sa harap ko. Ang galing! Paano niya nalaman na yun ang dahilan ko kaya di ako kumakain ng seafoods? Even Glen doesn't know that. Ang alam nila ni Dom ay allergy ako dito.

"T-thank you," mabilis ako nag-iwas ng tingin sa kanya. Napatawa ng mahina si Simon."with pleasure, Love."

After namin kumain. Ay nagsimula ang programa. Medyo madilim na din ang langit dahil alas otso na.

"Lahat ng mga kababaihan maupo na sa harap." Salita ng MC sa lahat. Napatigil ako kasi isa isang lumalapit ang bagong kasal sa mga babaeng single pa.

"Claudine, sumali ka." Hinila ako ni Nathalia papunta sa harap kung nasaan na ang iba. Simon still at our place. Nakatingin lang siya sa akin.

"Ano ba gagawin?" Tanong ko kay Nathalia. Bahagya itong natawa at nag peace sign. "Paparehistro ang mga kalalakihan at magbabayad ng isang libo, after nun ay may karapatan na silang pumili ng babae na isasayaw nila." Natatawang sabi ni Nathalia kaya nalaglag ang panga ko. Eto ba yun? Grabe? Bakit ngaun ko lang nalaman?

Napatingin ako sa mga kababaihan sa tabi ko. Kung iba lang ako ay hindi ko maiintindihan ang salita na sinasabi nila. They're talking in Ilocano language. Umirap ako. Marunong ako mag Ilocano noh! Lahat sila ay si Simon ang pinag uusapan. Mga hitad!

Nagsimula ng pumila ang kalalakihan para magparehistro. Nagulat pa nga ako ng tumayo si Simon at pumila.

"Analyn, ikaw ang napili ni Ernesto!" Natatawang sigaw ng MC. Nakanguso na tumayo si Analyn ba yon at dismayadong lumapit kay Ernesto.

Kumalabog ang dibdib ko ng tinawag ang pangalan ko. "Claudine ikaw--" hindi natuloy ang sasabihin ng MC ng tumayo ang babae na nakapwesto sa nagpaparehistro at may binulong sa kanya. Kabang kaba ako habang nakatingin sa lalaki sa harap na parang manyak!

"Sorry Val, pero si Mr. Simon ang makakpareha ni Claudine--"

"Nagbayad ako-" sigaw ni Val. Lumapit sa kanya ang MC. "Pero 50, 000 pesos ang binayad ni Mr. Simon para isayaw si Ms. Claudine."

Napatingin ako kay Simon na gulat na gulat. Ngumisi siya at nagkibit balikat sa akin. Waldas niya! Hinila na nila palabas si Val na mukhang magwawala pa yata.

"Ms. Claudine, ikaw ang kapareha ni Mr. Simon." Parang kinikilig pa na sabi ng baklang MC. Apura ang bulungan ng katabi ko. Nahiya pa akong tumayo ng mapatingin ako kay Mommy at Nathalia na tuwang tuwa pa.

Naiiling akong lumapit kay Simon at inabot ang kamay niya. Halos mastatwa ako ng hinapit niya ang bewang ko. Magkidikit na magkadikit na ang aming katawan kaya parang hindi na ako makahinga.

"I got you," natatawang sabi niya habang isini-sway ang katawan namin dalawa. Hindi ko alam kung bakit natawa ako. Para kasing nanalo sa isang patimpalak si Simon.

"Why are you laughing? I'm serious. I'm happy coz' I got you." Bulong niya.

Hinampas ko si Simon ng mahina. Nakakahiya pa dahil parang kaming dalawa lang ang tao dito.

"Nakasursoron uray nataer ka!"sambit ko. Alam ko naman na hindi niya ako maiintindihan.

Napatawa si Simon kaya napatingin ako sa kanya. "Thank you, Love." Sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. Naintindihan niya? No! Niloloko lang ako ni Simon.

"Thank you? As if naman naintindihan mo?" Sagot ko pero may konting kaba akong naramdaman.

"I do." Confident na sagot niya kaya natigilan ako.

"P-paano?" Nauutal na sagot ko. Humigpit ang hawak ni Simon sa beywang ko tsaka niya idinantay ang ulo niya sa balikat ko. "I know everything about you, your everything is my everything."