Chapter 23: Crazy

Christmas vacation is almost over. Pasukan na sa susunod na araw. Ang weird ng araw ko ngaun. Kanina pa ako hindi mapakali kakatingin sa lahat ng social media accounts ni Glen. It's my birthday today! Naiinis ako dahil hindi manlang yata niya naalala.

Well, Simon's here early this morning to tell me na may party para sa akin sa Bulshoi. I disagreed with the party pero ginawa pa din niya. Hindi ako sumagot. Masyadong na okupa ni Glen ang isip ko. The thing is, hindi ko lang naman birthday ngaun. It's also our one year and third month. But nothings happening as of now. Hindi naman ako nag eexpect nang kahit ano. Simpleng greetings from him knowing na naalala niya ako ay sapat na.

Gusto kong intindihin ang mga pangarap at responsibilidad niya. Pero bakit hindi niya ako maisingit sa mga iyon? Kahit sandali lang naman.

"You have your own party, Mags. Cool--" nakasalubong ko si Prim ng pababa ako ng hagdan. Nakangiti siya at may hawak hawak na isang maliit na bote at isang makulay na papel.

Nakakunot ang noo kong lumapit sa kanya at hinablot ang papel.

You're invited at Claudine Margaret's 20th birthday.. see yah at Bulshoi---

Blah-- blah-- naiiling akong ibinalik kay Prim ang papel. I'm not into party. Simon should know that! At bakit ba nagpaparty pa siya? Kung nagpaparty siya para magsaya? Well, excuse me. I'm not in the mood right now.

"Aren't you coming?" Tanong ni Prim na nakasunod pala sa akin. Ibinaba ko ang laptop ko sa coffee table sa sala at binuksan muli.

Umirap ako. " I'm not coming." Pinal na sagot ko. Tumikhim si Prim kaya napatingin ako sa kanya.

"You're absurd, Maggie." Naiiling na sabi niya. "There's someone who's very willing to give you everything but you're waiting for someone who's giving you nothing. Kung mahal ka ni Glen, bibigyan ka niya ng effort." Natulala ako sa harap ni Prim. He so damn serious. Para siyang bulkan na bigla nalang sumabog. "You don't need anything, yes, pero alam kong nasasaktan at naghahanap ka din, Mags. Why don't you break up with him and be with Simon?"

Parang may kung anong umakyat sa ulo ko at bigla akong nakaramdam ng iritasyon kay Prim. Alam ba niya ang sinasabi niya?

I smiled bitterly. Effort? Hindi naman hinihingi iyon. Kusa iyon binibigay kung talagang importante ka sa tao.

"You don't know what you're talking about, Prim." Malamig na salita ko. Sirang sira na ang araw ko kaya ayokong madagdagan pa iyon ni Prim.

"You don't know what you're talking about either. Leave Glen and be with Simon-- alam kong may feelings ka para kay--"

Hindi na natuloy ni Prim ang sasabihin niya ng napahampas ako ng malakas sa coffee table. He made me so pissed.

"Shup up, Prim! I'll never leave Glen, okay?" Sigaw ko.

Umiling siya na parang dismayado. Ako din namam ay sobrang dismayado. Kung ano man kami ni Glen ay aayusin or tatapusin ko iyon ng kaming dalawa. Hindi para sa iba.

"You're making things complicated, Mags." Huminga ng malalim si Prim at tumayo. "Happy birthday, though."mabilis siyang umalis sa harap ko. Marahas kong pinunasan ang luha sa mata ko na walang humpay ang pagtulo. I know, hindi ako bibiguin ni Glen. He'll have his way. Maghihintay ako.

Alam ko naman na concern lang sa akin si Prim. Pero the thought na mas gusto nila si Simon kaysa kay Glen ay nagpapainit ng usto sa akin. Pakiramdam ko ay napapagkaisahan si Glen ng walang kalaban laban. Ayoko non'. At hindi ko hahayaan na mangyari iyon. I care a lot for Glen.

On the other side ay gusto kong maniwala kay Prim. Kung mahalaga ako kay Glen ay mag eefort siya. Kahit manlang konti diba? I'm still holding into our someday Glen. Don't fail me.

Hapon na pero nakatitig pa din ako sa laptop ko na malolowbat na. Ala pa din Glen na lumilitaw. I even looked at my cellphone pero puro greetings ng classmates at ilan kakilala. I sighed. Don't do this to me, Glen.

Napasinghap ako ng biglang may nag doorbell. Bahagyang may umikot sa sikmura ko na di ko malaman. Naexcite ako bigla.

Pagbukas ko ng pinto ay nawala ang ngiti ko. I didn't expect anyone. I'm hoping na si Glen iyon at susurpresahin ako. Really, Maggie? Halos matawa ako sa pag aasume na uuwi si Glen. Assuming does really suck!

"Happy birthday, Maggie!" Nakangiting bungad sa akin ni Dominic. Tipid akong ngumiti tsaka niya ako hinalikan sa noo. "Thank you, Dom."

Aayain ko sana siyang pumasok pero tumanggi siya. May mga aasikasuhin pa daw siya kaya naman tumango nalang ako.

Paalis na sana si Dom ng hilahin ko ang siko niya."Have you heard something from, Glen?" Pigil na pigil ako sa pagkabasag ng boses ko. Halos matuyo nga ang lalamunan ko dahil sa paghinga na sa bibig ko na ginagawa.

Kumunot ang noo niya. " Yesterday, he told me that he's in Hawaii." Sagot ni Dom. Mas lalong bumigat ang mabigat na pakiramdam ko. Bakit si Dom nakakausap niya? Bakit ako hindi ko alam?

"Is there any problem?" Seryoso ang tono ni Dom. Sunod sunod ang pag iling ko. Dama ko na nag iinit ang mata ko at anytime ay tutulo na ang luha ko. Hindi na ako nagsalita. Huminga ng malalim si Dom at ngumiti." Trust, Glen, okay? He loves you." Salita ni Dom hanggang tuluyan ng sumakay sa sasakyan niya. He loves me? Big word! Ang daling sabihin pero ang hirap patunayan.

Hindi naman ako naghahanap kay Glen. Ngaun lang. Bakit ang sakit? Ang sakit umasa.

"Are you sure you're not coming?" It's already dawn when Prim came out of nowhere. Bihis na bihis ito.

Seryoso lang akong nakatanaw sa laptop ko na nama-alam na." Still, No." Matabang na sagot ko. Umiling lang si Prim at tuluyan ng lumabas.

"Margaret, bakit hindi kapa nakaayos, iha?" Tinanggal ko ang talukbong kong comforter ng marinig ko si Nanay Norma na nagsalita. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang sa akin si Nanay Norma na may halong habag.

"Pumunta ka sa party. Nag effort si Simon para sa birthday mo, anak." Ngumiti siya ng tipid. Alam ko naman na pinagagaan lang ni Nanay Norma ang pakiramdam ko. Kung siya kasi ang tatanungin, mas gusto niya si Glen kay Simon. Pero, natutuwa siya kay Simon dahil na sa akin halos lahat ang atensyon nito.

Tama ba na pumunta ako? Tumingin ako sa side table ko para makita ang oras. Mag aalas otso na ng gabi ngaun. Huminga ako ng malalim. Maybe kailangan ko ng diversion to ease the pain.

"Sige po, maghahanda na ako." Tumango si Nanay Norma at lumabas na ng kwarto ko.

Nang maayos ko na ang sarili ko ay mag aalas nuebe na. Isang timbang luha pa kasi ang niluha ko sa loob ng cr. Ngaun? Pakiramdam ko ay namanhid ang buong pag katao ko. I want to get drunk. I want to enjoy. I want to loosen up. Kahit ngaun lang, birhtday ko naman diba?

Mabilis ang patakbo ko ng sasakyan hanggang makarating ako sa Bulshoi. Umaliwalas ng kaonti ang pakiramdam ko ng matanaw ang ilaw na patay bukas habang nagsasaya ang ibang kakilala. Nang lumabas ako sa sasakyan ko ay bumungad sa akin ang malakas na trans music galing sa loob.

"Happy birthday, Maggie.." panay ang bati sa akin ng mga nakakasalubong ko. Panay ang ngiti ko at tango sa kanila. When I entered the club mas lalong umingay. Hindi masyadong matao dahil nirentahan ni Simon ang buong lugar. Huminto ako sa gitna. Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Somehow, may kung ano akong naramdaman. Maraming litrato ko ang nakakakalat sa buong Bulshoi. I can't believe Simon would do this for me.

Bumaling ako sa kabilang side kung saan madaming kumpol ng tao. I even saw Simon na tahimik lang at umiimom ng alak habang nakatingin sa mga naglalaro ng beerpong.

"The birhtday girl is here---" Napasinghap ako sa tili ni Sasha. Seriously? Nadaig pa niya ang malakas na tugtog mula sa mga stereo. Natigilan ang ilan at nagsimulang kumanta. I got astounded. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Lumapit sa akin si Luther na nakangisi habang may dalang cake. Pinaikutan nila ako kasabay ang paglapit sa akin ni Simon.

"Happy birthday, Love." Natatawang sabi ni Luther. Nawala ang ngisi niya ng nag igting ang panga ni Simon at tinignan siya ng masama. "From-- Simon." Pahabol niya kaya nailing nalang ako at natawa.

Hinipan ko ang kandila kaya sabay sabay silang nagpalakpakan.

"Make a wish na. Dali." Sasha said while giggling. I took a deep breath and closed my eyes.

"I want to be happy, kahit ngaun lang."

Pagkaihip ko ng kandila ay mabilis akong dumilat. Nagtama agad ang paningin namin ni Simon. He handed me a huge syringe na may lamang---

"What's inside?" Tanong ko sa kanya.

"Margarita," sagot niya. Napakunot pa ang noo ko ng may makita akong pinong dahon na nakahalo sa loob.

"What's that small thing?" Nginuso ko ang syringe na hawak ko. Nag iwas ng tingin sa akin si Simon. "Ummh-- that's nothing, I mean- that's mint." Halos mautal utal si Simon. I shrugged. Pinindot ko dahan dahan ang syringe kaya lumabas sa bibig ko ang alak. Ahhhh--- ang saya pala!

"I'm glad you came, Maggie." Seryosong sabi niya. I don't know but I felt that there's something bothering him.

Maingay ang party. Lahat ng ladies drinks ay naka lagay sa malaking syringe. Ang galing! Lumalalim na ang gabi at hindi ko alam kung nakakailang syringe na ako. Nakakaramdam na ako ng hilo pero may iba akong nadadama sa sarili ko. Something hot starting to embrace me, pero ang high ng pakiramdam ko at the same time. Pumagitna ako sa dance floor at malayang nagsaya.

Bawat sabay ko sa tugtog ay lalo akong nahi-high! I don't know what's happening to me, but I feel so much alive.

Nang mapagod ako ay gumawi ako kila Luther na maingay at parang naglalaro. Hinahanap ko pa nga si Simon para magpasalamat pero hindi ko siya makita. I want to thank him, para sa lahat. He made me happy now. I appreciate it a lot.

"What are you doing?" Umiindak akong lumapit kila Luther.

Ngumisi siya. "You're so alive, Maggie." Tumango lang ako at tumingin sa kanila. May nag spin ng bottle at nilagok ang natapatan niyang alak. Ngumiwi ang babae kaya nagtilian ang lahat. Ang saya! Gusto kong sumali. Meron kasing malaking round table na may nakaikot na alak. May bote sa gitna gamit para paikutin at kung ano ang matapatan ay iinumin mo.

"Can I try?" Malakas na sigaw ko kaya lalo silang naghiyawan. Sumeryoso si Luther. Hindi niya alam kung papayag ba siya o ano. "Please.." nag puppy eye pa ako. Huminga ng malalim si Luther at tumango.

Nang pinaikot ko ang bottle at tumapat sa isang basong hard liquor. Mabilis akong napangiwi pero sa huli ay ininom ko ito. Bottoms up.

Lalo akong nahilo pero buhay na buhay pa din ang dugo ko. I never imagined being in a party would be this great.

Natigilan ako ng biglang may nagtilian sa dance floor. I creased my forehead when a saw lots of whore dancing infront of Simon. Tahimik lang si Simon habang umiiling sa kanila. Panay ang tili nila habang nag didirty dance sa harap niya. Umagaw ako ng isang shot ng vodka or kung ano sa waiter na nagdaan at mabilis nilagok.

"Excuse me," isa isa kong tinabig ang mga babaeng nakapalibot kay Simon. Wala na akong pake kung ano pa ang mga sinabi nila. I pulled Simon closer to me tsaka ko siya sinayawan.

"What the fuck!" Namilog ang mata ni Simon ng ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya. Naiinis ako! Bakit ba ang lapit ng mga babae seyo?

Patuloy akong sumayaw sa harap ni Simon ng bigla niyang hapitin ang beywang ko." Lets go, Maggie, you're so drunk. Iuuwi na kita." Malamig na sabi niya. Nung una ay panay ang pumiglas ko pero nahila pa din niya ako palabas.

Isinakay niya ako sa Audi niya at mabilis itong pinaharurot. Panay ang tawa ko habang nagdadrive si Simon. I don't know what's happening to me wala kasi akong ibang maramdaman kundi high na high. I felt like I'm on drug.

"Lets go," seryosong seryoso si Simon. Nilibot ko pa ang paningin pero ala ako sa amin. Nasa mansion nila kami.

"What are we doing here? I want to go back," malambing na sabi ko kay Simon tsaka ako napayakap sa kanya. Nagpakawala si Simon ng isang mura. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Please, Simon.." hinaplos ko ang pisngi ni Simon na ikinanigas niya.

Bahagya siyang tumingala at hinilot ang bridge ng ilong niya. "Fuck," tumingin si Simon sa akin mata sa mata. Wala akong maramdaman takot o kaba. It's really weird. Palagi kasi akong naiintimidate sa tingin ni Simon pero hindi ko iyong maramdaman ngaun.

"Stop, Maggie. I might do something crazy." Malamig na usal niya. Kumurap kurap ako sa harap niya. I swallowed hard habang nakatingin sa perpektong mukha niya. You made me crazy, Simon. What have you done to me?

Lumapit ako sa kanya at dinikit ang katawan ko sa katawan niya. " Can I do something crazier?" Usal ko. Natigilan si Simon at napakunot ang noo. Walang sabi ay hinablot ko ang batok niya tsaka ko siya hinalikan sa labi.