Chapter 20: Always
"Why did, Simon cancel the party?" Tanong sa akin ni Sage habang nakatuon ang paningin niya sa Wii. I shrugged. " I don't know." Naglakad ako papasok sa kitchen. Sasama kasi ako ngaun kay nanay Norma na umuwi sa Isabela. Tsaka, pinapauwi din ako nila Mommy. Hindi ko man alam kung bakit ay pumayag ako. Tutal naman ay dalawang araw lang ang sabi nila.
"Margaret, handa na ba ang gamit mo?" Bungad sa akin ni Nanay Norma. Mabilis akong ngumiti sa kanya at tumango. " opo, anong oras ang alis natin?"
Binuksan ko ang ref at kumuha ng leche flan na ginawa ni Simon. Nakakainis! Pakiramdam ko ay mas masarap pa ang luto niya sa akin. I shooked my head instantly. Umagang umaga pero ginugulo na naman ni Simon ang utak ko. I felt that my face heated up ng bumalik sa isip ko ang sinabi niya kahapon.
"Bakit pakiramdam ko mas masarap ang gawa mo?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong tikman ang leche flan na gawa niya. Ngumiti si Simon at tinaasan ako ng kilay.
"I put something on it,"
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Good thing he wasn't looking at me dahil busy siya sa pasta na niluluto niya.
"And what was that?" Tanong ko at tsaka sumubo ulit. Grabe! Ang sarap talaga!
Binuhusan ni Simon ng Wine ang pasta kaya bahagya itong nag apoy. Geez! He really knows how to cook.
He heaved a sigh and answered me without even looking at me. "Love."
"Hoy! Maggie, okay ka lang?" Halos mapalundag ako ng bigla nalang lumabas si Sage kung saan.
Umirap ako at uminom ng tubig. "Oo naman." Sagot ko tsaka ko ipinasok sa ref yung leche flan. Ngumisi si Sage tsaka umupo sa stool. "You seem not, kanina kapa tinatawag ng driver." Salita niya kaya nag iwas ako ng tingin. Tinawag ba ako? Bakit ala akong narinig?
"What about, Heart?" Lalakad sana ako palabas ng biglang nagsalita si Sage.
"What about her?" Kunot noong tanong ko.
"Walang mag aalaga sa kanya. Me and Prim are going, too." Ngumisi si Sage kaya hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi. Matalim ko siyang tinignan. Saan naman sila pupunta? He promised me that he'll take care of Heart. Ayoko naman isama at baka ma-stress lang sa haba ng byahe.
"Don't look at me like you want to kill me, Mags." Natatawang sabi niya. Sabi na, e. The twins really enjoying to ruin me. Mga bully!
"Take care of her, Sage. If anything happens to her, better be lost coz I'll kill you myself." Seryosong sabi ko kaya lalong tumawa si Sage.
"Oo na, kamahalan.. Simon will kill me first, tho." Biglang tumayo si Sage at nagtatakbo sa palabas. Simon? Bakit nasali nanaman 'yon sa usapan? Uggh--
"Nanay Norma, how long the trip will take?" Salita ko sa kanya. Apat na oras na kasi ang byahe namin at nagsisimula na akong mainip. Alam ko naman na mahaba ang byahe sa Isabela, I've been there for so many times. Sadya lang siguro na ayokong tandaan kung gaano katagal makarating 'don.
"Naku, Margaret, matulog ka muna. Ala pa tayo sa gitna." Sagot ni Nanay Norma tsaka ipinikit ang mga mata. Maybe Nanay's excited now. Nandon kasi ang pamilya niya. Ang alam ko pa nga ay kasal ng bunsong anak niya bukas.
I heaved a sighed and open my Facebook account. Medyo nakakainip talaga at masakit sa butt ang byahe. Nag scroll ako ng newsfeed ko, and to my horror, trending si Simon ngaun. What the---
Kung si Glen ang nandito, the party will not be canceled.
I like Simon more than Glen, but the fuck! He's so paasa!
Fucker, Simon, go to hell!
Damn it guys! Mas gwapo naman si Simon kay Glen!
Gwapo nga, ala naman isang salita!
I hate Simon Aries Silverio!
Blah---blah--- ano nangyari? Bakit galit ang mga students kay Simon? Dahil lang sa kinanselang party? Ganon ba sila kababaw? May kung ano sa akin ang nag alab dahil sa pinagsasabi nila kay Simon. Asan ba kasi siya?
Nag log out ako sa Facebook. Hinanap ko agad ang number ni Sasha sa phone ko pero cannot be reach naman. Ayoko naman direktang tawagan si Simon at baka kung ano lang ang isipin non. Medyo assuming pa naman 'yon.
I saw Luther's number. Medyo nagdadalawang isip pa nga ako kung si Dominic or si Luther ang tatawagan ko. Sa huli, si Luther nalang ang tinawagan ko.
Pag katapos ng ilang ring ay sinagot ni Luther ang tawag ko.
(What??) Damang dama ko ang iritasyon sa boses niya. Medyo nahiya pa nga ako dahil mukhang nagising ko pa siya.
[Ummhh---] Why I can't say anything? Naunahan kasi ako ng seryoso o may kung ano na boses ni Luther, it intimidates me.
(What, Maggie?) Ulit niya.
Huminga ako ng malalim.
[Do you know why Simon canceled the party? Have you been to Facebook? Everyone's bashing him.]
Bahagyang tumahimik sa kabilang linya. Maya maya ay humagalpak ng tawa si Luther kaya napakunot ang noo ko. Baliw ba siya?
(You can't blame them, everyone's prepared and excited. And why asking me the reason? I don't know either. You should ask Simon instead.) Hindi ko alam kung maasar ba ako o matutuwa kay Luther. Everytime I ask him, he always answer me in a sarcastic way.
[Where is he?] Tanong ko sa kanya. Tumawa ulit si Luther. Kung kaharap ko lang siya? Malamang napatay ko na siya!
(Times up, it's you to know where is he. Fuck, Maggie! I'm in the middle of fucking! Thank you for calling, Luther! Bye!) He hanged up. Bastos talaga! Ugghh--- manang mana siya sa pinagmanahan!
I was bothered the whole trip. Ni hindi ko nga namalayan na nasa Isabela na kami, and why am I bothered anyway? Ughhh--- naiinis kasi ako sa pinagsasabi nila kay Simon! Para lang sa party? Ganon na sila magsalita?
"Malapit na tayo, Margaret." Halos mapalundag ako ng biglang nagsalita si Nanay Norma. Tumango lang ako at inayos ng bahagya ang sarili.
"Hindi ka natulog, iha?" Tanong ni Nanay Norma. Mabilis at sunod sunod ang pag iling na ginawa ko. Hindi nga din ako makapaniwala na hindi ako nakatulog sa nine hours na byahe.
Bumungad sa amin ang sign na nasa Santiago na kami. Lumiko lang ang driver sa may kanto-- at voila! Tumambad na sa akin ang trucking nila Mommy.
"Mauna kana sa loob , Margaret, uuwi muna ako sa amin." Salita ni Nanay Norma kaya tumango ako. Sa kabilang lupain lang naman ang bahay nila. Natatanaw ko pa nga dito ang inaayos na bakuran nila para sa kasal bukas.
Nang makababa ako ay nag inat inat ako ng buto. Ngaun ko lang kasi nadama na nakakapagod at masakit sa katawan ang byahe. Bahagya nang madilim ang langit dahil medyo gabi na ng makarating kami. Tinignan ko pa nga ang cellphone ko kung may tawag si Glen or ano pero wala. And Jesus, mahina pa ang signal dito! Dati, palagi akong nadidismaya kapag walang tawag or message sa akin si Glen. Pero ngaun? Nasasanay na ako.
'Ma'am, mag ingat kayo." Salita ng driver ng dumaan kami sa Waig. Medyo madilim kasi sa tulay at walang ilaw kaya kailangan mong mag ingat. Kaya ayoko dito, e. Literal na nasa bundok ka! Malayong malayo sa city, puro palayan at lupa na puno ng iba't ibang halaman. Ni wala ngang signal dito eh. Paano akong mabubuhay dito?
Pag tapat ko sa gate ng trucking nila Mommy ay pinagbuksan ako ng guard ng gate. Binati niya ako kaya tipid akong ngumiti. Ugghh--- ilang sakong alikabok ba ang didikit sa akin bago makapasok sa bahay? Bago ka kasi makarating sa loob ay mahabang buhanginan ang lalakarin mo.
"Maggie," napatingin ako kay Mommy ng bigla itong lumabas sa pinto na malaki ang ngiti. Kahit maalikabok ay binilisan ko ang lakad ko para makarating na sa kanya.
"Mo---" natigilan ako sa harap niya ng biglang lumabas si Simon sa likuran niya. What is he doing here?
"Oh--sorry, anak. I forgot to tell you that Simon's here." Mapaglarong ngiti ang lumitaw sa labi ni Mommy. Don't tell me ibebenta na naman nila ako kay Simon?
Tulala pa din ako habang nakamata kay Simon na nakahalukipkip sa harap ko. "Come inside, Maggie, dinner's served." Hinila ni Mommy ang kamay ko pero hindi ako nagpahila.
Tumingin siya sa akin na mukhang nagtataka. "What's wrong?" Tanong ni Mommy. Huminga ako ng malalim at umiling. "Can I have a minute with Simon?"
Umirap ako ng ngumisi si Mommy. Si Simon naman ay nakakunot na ang noo ngaun. "Alright. Kahit hours pa anak." Natatawang sabi ni Mommy kaya nalaglag ang panga ko. Grabe lang!
Pagkapasok ni Mommy sa loob ay mabilis kong hinila si Simon sa swing sa gilid. Naalala ko pa na dito ako madalas umupo kapag sinasama ako nila Mommy dito. It feels nostalgic ng makita ko ulit ito na buhay pa din at mukhang hindi pinaglipasan ng panahon.
Nang makaupo kami ni Simon sa magkabilang gilid ng swing ay mabilis ko siyang tinignan ng masama.
"What are you doing here, Simon? Alam mo bang madaming galit seyo? Binash ka nila! Why did you cancel the party?" Seryosong salita ko sa kanya. Pag naalala ko lahat ng masasakit na salita nila kay Simon ay nasasaktan ako para sa kanya. It's crazy, I know.
Gusto kong mairita kay Simon dahil poker face lang siya sa harap ko. Hindi manlang ba siya na bother sa mga salita na binato ng buong university sa kanya?
"Speak up! Importante iyon sa kanila! And you canceled it dahil nandito ka? You're unbelievable!"patuloy ang talak ko. Hindi ko alam kung bakit tumulo bigla ang luha ko. Kanina ko pa kasi dinadamdam yung mga masasamang salita na binato nila kay Simon. I don't know what's happening to me. Pero amg bigat bigat talaga ng pakiramdam ko.
Umabante si Simon sa akin na malaki ang ngisi. Natigilan pa nga ako ng bigla niyang pinahindan ang luha ko. He smiled. "You're more important than anything else, Love." He hugged me. I got froze for a second at hindi ko alam kung bakit lalo akong naiyak. "I'm here coz I want to be with you. I don't care about them, I only care about you."
Kumawala siya mula sa pagkakayakap sa akin. "Don't mind them. It will always be you in the first place." Baliw na talaga si Simon! Hindi niya tinuloy ang party para sundan ako dito? At bakit tulala lang ako sa harap niya? Ang bilis bilis pa ng tibok ng puso ko. There's something on Simon na--- ewan ko. Basta! Ugghh-- nakakabaliw lang.
Nagulat ako ng bigla niyang hinalikan ang labi ko. Hindi ako nakagalaw o nagreklamo. My heart race again, voltage of electricity runs into my veins.
Sabay kaming dumilat. Tulala ako habang nakangisi si Simon at kagat ang pang ibabang labi. " It's only you who matters to me, not them, not anyone else. It's always you, Love."
Shocks! What was that?