Chapter 19: Might fall
Isa, dalawa, tatlo.. ugghhh!!! Isang bundle na yata ng papel ang nalalamukos ko sa pag gawa ng report sa accounting. Nakakainis! Bakit hindi ko makuha ng tama?
Pumikit muna ako at sinandal ang ulo sa study table ko. Kanina ko pa ito ginagawa pero hindi ko talaga maayos!
"What the---" hindi ko pinansin si Sage na diretsong naupo sa kama ko. Ala na akong lakas para makipag harutan o ano pa man sa kanya. "Hindi mo ba alam na madaming puno ang pinutol para makagawa ng papel?" Seryosong sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Ano connect?" Tamad akong tumayo at pumameywang sa harap niya. Umiling si Sage at tumayo din sabay ayos ng nagusot niyang damit.
"You're wasting those papers. Be sensitive sometimes, Maggie." Seryosong seryosong usal ni Sage. Nalaglag ang panga ko. Ano naman 'yon? Papel pa ba ang pinag uusapan namin dalawa?
Huminga ako ng malalim at pinulot isa isa ang mga papel na nakakalat sa kwarto ko. Inayos ko ulit ang report na gagawin ko at pinagsama sama sa envelope. Maybe, kailangan ko ng sariwang hangin para magawa ko ito ng tama. Inipit ko lahat ng gamit ko sa kili kili ko at diretso lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko ay nagulat pa ako sa naabutan ko. "Hello, ate Maggie!" Sabay sabay salita ng troupe ni Prim. Ngumiti ako at tumango sa kanila. Paano? Ugh! Akalain mong hindi ko manlang alam na nandito sila.
"We're having our Christmas party, wanna join us?" Nakangiting sabi sa akin ni Prim. Umiling ako agad at pinakita ang paper works na kailangan kong gawin.
Umirap si Prim at Sage sa akin. "Why we even asked her?" Masungit na salita ni Sage. Natawa ng bahagya si Prim at tinapik ang braso ni Sage. "Our sister is certified manang." Natatawang sabi niya. Nanlaki agad ang mga mata ko. How dare he?! Ako? manang? Hindi lang ako friendly or socialize sa iba pero hindi ako manang noh!
"Get out of my face." Masungit na sabi ko sabay martya sa garden. Grabe talaga ang dalawa na iyon sa akin. Nagpakawala lang ng malakas na tawa ang dalawa habang papunta ako sa garden. Tsk! I hate being the only girl.
"Ugh!!" Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang inis. Hindi din ako makapag concentrate dito dahil maingay sila sa loob. Kung nandito lang sana si Glen ay madali ko itong matatapos sa kanila. About him, I miss him so bad. Masyado na kasi siyang busy ngaun. Eventhough there's Skype, Facebook etc... ala naman siyang oras para sa akin. Does he even know that we're having our anniversary? I bet---
"There's something wrong with your drafts." Naputol ang mga iniisip ko at halos mapatalon ako ng bigla nalang lumitaw si Simon mula sa likuran ko. Pwede magmura? Uggh--- ang mga mata ko ay nakasunod lang sa kanya hanggang makaupo siya sa tapat na upuan ko. And my fucking nose is following him, too! Ang bango bango niya! What the hell?
"Ano naman yung mali?" Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Bagong paligo pa yata si Simon kaya sobrang bango niya. At nakakainis dahil napapalunok ako sa pag lalaro niya ng mga daliri niya sa mapupulang labi niya.
He chuckled. Agad nagtindigan ang balahibo ko. There's really something on Simon na napapatameme ako. To the fact na tumawa lang siya, bakit nayanig na naman niya ang pagkatao ko? Dammit!
"There's few. Let me help you.." halos nakabuka na ang bibig ko habang titig na titig sa kanya. Inabot niya ang ballpen na hawak ko mula sa kamay ko kaya naman libo libong boltahe ng kuryente ang naramdaman kong dumaloy mula sa mga veins ng katawan ko.
He arched his brow. "You alright, Love?" Seryosong seryosong sabi niya kaya bumalik ako bigla sa katawang lupa ko. Geez!
"Of course," sagot ko. I heaved a sigh when he focus his eyes on the papers. Seryosong seryoso si Simon kahit paminsan minsan ay napapakunot ang noo niya. Jesus! Ang gwapo ni Simon lalo dahil sa ginagawa niya.
Abo't ang sagot ni Simon habang ako naman ay titig lang sa kanya. Halos nabilang ko na nga ang bawat galaw ng adams apple niya, e. He's more attractive when he's serious, and even more attractive when he look dangerous. Tapos ang talino pa niya. Tapos----
"Pinagpapantasyahan mo ba ako?" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Simon. Bahagya pa nga siyang ngumisi kaya yumuko ako ng bahagya. "You can have me, anytime, anywhere, sabihin mo lang." Tumawa ng bahagya si Simon sa akin. My God! I missed him being this proud! Yung tipong nakakainis yung sinasabi niya pero may kung ano sa loob ko na natutuwa sa kanya.
Umiling ako. "Are you seducing me, Simon?" Masungit na sagot ko. Ayoko kasing makita niya na natutuwa ako sa sinasabi niya. Ayokong makita niya na may kung ano sa akin na lumundag dahil sa sinabi niya! And Jesus! The feeling's bad. So bad. And weird, too.
Tumaas ang kilay niya at diretso akong tinignan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabayan ang tingin sa akin ni Simon. It was like, he's entering my soul through my eyes.
"Were you seduce?" Seryosong sabi niya tsaka pumangalumbaba sa harap ko. Lumunok ulit ako. How can Simon looked at me straight in the eyes na walang kurap? Na parang normal lang?
"Are you serious? I-I'm too smart to be seduce by you!" Halos murahin ko ang sarili ko dahil sa pag kandautal utal ko. Humalakhak ng bahagya si Simon kaya napa irap ako. Masyado talaga siyang masaya--- at mayabang!
"Why stuttering, then?" Natatawang sabi niya. Tumagilid pa nga ang ulo niya na parang pinagmamasdan ako. Tumayo ako at mabilis na tumalikod. Humigop ako ng hangin at pinuno ang dibdib ko. Why does he asking me question that I don't know the answer? I don't know either Simon! Ughh--
" 'dyan ka na nga!"hindi na ako lumingon sa kanya. Diretso lang akong nagmartsya papasok ng kitchen. Bigla kasi akong nag crave ng leche flan. Maryosep!
"Nanay Norma, may ingredients po ba para sa leche flan?" Salita ko nanay Norma. Napakunot pa nga ako ng noo ng mapansin ko na titig na titig sa akin si nanay norma na para bang may mali. "Bakit po?" Tanong ko sa kanya.
Umiling ang matanda. "Wala naman, medyo namumula lang ang pisngi mo, iha. May sakit kaba?" Tanong niya sa akin kaya mabilis akong napahawak sa pisngi ko. Totoo ba? Hays---
"W-wala po." Nauutal na sagot ko. God, Margaret! Ano ba ang nangyayari seyo?
Hinanda ko lahat ng ingredients para sa pag gawa ng leche flan. Lumabas lang saglit si nanay Norma para bumili ng ilang kakailanganin niya sa pagluluto. Inabot ko ang whisker para mahalo mabuti ang egg yolk at gatas na pinagsama ko. I was about to whisk it nang nadaplisan ng lata ng gatas ang kamay ko.
"Shit!" Narinig ko ang boses ni Simon sa likod ko. Hindi ko nga alam kung bakit lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil ba kay Simon or sa sugat ko na patuloy ang pagdudugo.
"Bakit hindi ka nag ingat?" Tarantang lumapit sa akin si Simon at mabilis na hinablot ang kamay ko na nasagutan. Umirap pa nga ako sa kanya. "Duh! Malayo naman 'to sa bituka." Sagot ko. Hindi ko nga namalayan na nahila na niya ako sa sink para hugasan ang kamay ko patuloy pa din ang pagdudugo.
Seryosong seryoso si Simon habang hawak ang kamay ko na itinapat niya sa umaagos na tubig mula sa gripo. "I'm serious, Maggie. You don't know how much I want to take care of you. So, please," huminga siya ng malalim. Tumingin siya sa akin kaya nagtama ang paningin namin. "Ingatan mo naman ang sarili mo, or else--" natigilan si Simon. Pantay pa din ang mga paningin namin hanggang siya na ang nag iwas ng tingin. Ugh---
Pakiramdam ko ay nadismaya ako ng bahagya. I was waiting for him na dugtungan ang sasabihin niya pero hindi na niya ginawa.
Inalalayan niya akong maupo sa stool. Nakatingin lang ako sa kanya na seryosong seryoso pa din. I smiled secretly. I never though Simon would take care of me like this. We were not like this. He used to annoy me. What happened now? Why do I have this feeling that I'm starting to get fond of him?
Sinuot ni Simon ang apron na suot ko kanina." What are you doing?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. He shrugged. "I'll continue this," sagot niya kaya lalo akong nagulat. Kaya niyang gumawa? Seryoso?
Tahimik na hinalo ni Simon ang mixture ko kanina. Napapangiti pa nga ako dahil masyado siyang dedicated sa ginagawa niya. Na para bang bawal na guluhin siya dahil malalagot ka kapag hindi naayos ang ginagawa niya.
"I didn't know that you're good at this." Pagbasag ko sa katahimikan. Isa isang nilagay ni Simon ang lanera sa steamer at mabilis itong tinakpan. He took a deep breath tsaka ako hinarap.
"Coz' you never look at me," ngumiti siya. I felt something on his smile. It's weird dahil may pain akong nadama. Nakatingin lang ako sa kanya. My heart skipped again.
"What are you doing?" Sagot ko ng buksan niya ang pantry at ref namin. Naglabas siya ng pasta at iba't ibang seafoods. Hindi siya tumitingin sa akin kaya medyo naiirita ako. I'm used of him na sa akin lang ang atensyon niya.
"I'll cook your favorite pasta, Love." Hindi pa din siya tumitingin kaya malaya akong napapagmasdan ang bawat galaw niya. Sometimes, naiisip ko why he likes me. Si Simon kasi yung tipong pinagkakaguluhan, hindi siya yung tipo na naghahabol. Minsan din, naisip ko, bakit hindi siya? Simon's not that bad--- well demonyo lang talaga siya before. Marami din siyang qualities na magugustuhan mo. Bakit hindi ko ba iyon nakita noon? Or masyado lang akong naka focus kay Glen? Nonetheless, mahal ko si Glen.
Nakatalikod sa akin si Simon kaya naman natitigan ko siya na hindi ko nagagawa kapag nakaharap siya. God, napakaswerte ng magiging girlfriend niya----
Napahinto ako sa pag iisip ng umayos ng tayo si Simon. "Stop staring, Maggie. You might fall for the devil." Kitang kita ko na napangisi siya. Damn! How did he know?