Chapter 18: You

"Maggie, ikaw na ang gumawa ng report sa accounting, huh?" Napatingin ako sa dalawang kaklase ko na nakatingin sa akin. I was hesitant to answer them. Bakit ako lang? Diba group work ito?

Nag puppy eye pa ang dalawa at sabay na tumingin sa akin. "Pretty please.." sabay na salita nila kaya naman napailing ako, bumuntong hininga pa nga ako sa kanila. "Fine, pero kayo ang bahala sa reporting ah?" Sagot ko. Sabay na napatili ang dalawa na tila ba ligayang ligaya. Okay na din iyon, ayoko din naman kasi ng reporting. It's better kung ako nalang ang gagawa ng paper works.

"Teka, san ba kayo pupunta?" sagot ko tsaka nagsimulang magligpit ng gamit. Nagkatingin ang dalawa at sabay na napakunot ang noo.

"We'll buy dress for the party. Remember? Nagpaparty si Simon?" Kinikilig na salita ng dalawa. Seriously? Kulang na nga lang ay matusok sila sa sama ng tingin ko sa kanila. Hitad na mga babae! Inuna pa ang party kaysa sa school works.

Masayang masayang umalis ang dalawa. Ako naman ay nakaramdam ng kaba ngaun. Uwian na naman kasi, I'm afraid that Simon would find me again. Kahit anong iwas at pagtatago ang gawin ko ay palagi niya akong nakikita at nahahanap. I can't escape him.

It's been months since Simon returned. He's very--- well, he's very friendly to me. I mean-- I don't know how to describe what he's doing in more profound word.

Ala naman siyang ginagawa. It's just that, I don't feel right. Boyfriend ko si Glen which is thousand miles away from me. And Simon is his brother, ayoko lang na may masabi ang tao sa paligid namin.

But, tama naman si Simon, ala naman kaming ginagawang masama. We grew up together--well, I don't know how to label it lang. Hindi ko naman din kasi masabi na friends kami. We were not. Madalas ay bwiset siya sa akin, kaya naman lagi akong galit sa kanya. Things were different now. Nag matured na si Simon. He's not the most annoying person I've ever met anymore.

Mabilis na dumaan ang araw. Magpapa-party si Simon for the university after Christmas. It's December 24 today and Glen's very busy now. Medyo hindi ko siya nakakausap dahil sa dami ng ginagawa niya. Minsan, malungkot, pero nasasanay naman din ako.

Mabilis akong lumabas ng kwarto ko after kong mag ayos. Halos magkanda patid patid pa nga ako sa pagmamadali. Magsisimbang gabi kasi kami ngaun ng kambal.

"What took you so long?" Napairap agad ako ng maabutan ko si Prim na nakapamulsa at inis na nakatingin sa akin. Ano naman magagawa ko kung matagal ako mag ayos?

"Pwede bang iregalo mo nalang sakin yung day na 'to? Pasko na maya maya pero ang sungit mo.." ngumuso ako. kaya naman umirap si Prim. Hindi siya nagsalita, nagsimula siyang maglakad kaya napangiti akong sumunod sa kanya.

I was busy finding my phone inside my bag when I heard Sage and Simon laughing. I stopped. Hindi ako makakilos because I was shock. What's Simon doing here? I can't look at them. These past days ay palagi kaming magkasama ni Simon. Not that I want--okay? It's just that-- ugh!! He's always following me or should I say--- hindi ko din alam kung ano ang ginagawa niya.

"Ang tagal mo, Mags." Sage broke the silence. Huminga ako ng malalim at pinuno ng hangin ang dibdib ko. Gusto ko pa nga magmura ng madami. Ako na naman ang nakita nila. Tsk!

"Eto na nga ako, diba?" I sarcastically said. Napatingin pa ako kay Simon na seryoso palang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip at nakasandal sa bago niyang sasakyan. Fuck! He got an Audi this time. Nag iwas ako ng tingin bigla. My fucking heart is jumping again.

Why Simon is here by the way?

"Lets go," Simon said. I looked at him. God-- ayoko man tignan o pansinin si Simon but he's screaming for attention. Para bang ilegal kung hindi mo siya tignan o pansinin.

"Why are you here?" Sagot ko kay Simon. Bumaling pa ako kay Sage at Prim na parehong nakakunot ang noo sa akin. "I thought It's just the three of us?" Tanong ko sa kambal. Nag igting ang panga ni Simon. Huminga ng malalim ang kambal at inakbayan ako.

"Merry Christmas, Maggie. Will you stop being rude?" Bulong ni Sage sa akin. Natigilan ako. Am I rude? Masama naba magtanong ngaun?

Mabilis na naupo ang dalawa sa likod kaya naman napanganga ako. Don't tell me papasakayin nila ako sa harap? Binaba ni Sage ang window at ngumisi. "Are you going to join us?" Natatawang sabi niya. Fucker! I'm gonna break his neck later.

We arrived at the church safe and sound. Magsimula nang mag misa ang pari kaya tahimik kami. Paminsan minsan pa ay napapatingin ako kay Simon na seryosong nakikinig sa misa. Lumunok ako habang pinagmamasdan ang ang bawat galaw ng adams apple ni Simon. Jesus, Maggie! Focus on the mass!

"Listen to father, Love.." salita niya kahit hindi nakatingin sa akin. Mabilis akong nag iwas ng tingin sa kanya. Geez! It was so embarrasing! Ano ba kasi ang nangyayari seyo Maggie? Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko. Idagdag mo pa na ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

"I-I am listening," I almost stuttered. Bumalik ang tingin ko sa harap at nagpanggap na nakikinig sa pari. Hindi ko na kasi matuon ang atensyon ko sa mga sinasabi ng pari.

Magbigay ng kapayapaan sa isa't isa--

Tumingin ako sa kambal tsaka sila sabay na humalik sa pisngi ko. Pag baling ko sa side ni Simon ay natigilan ako. Sabay kasi kaming napatingin sa isa't isa. I can't even say anything. All I can do is to look at him. Titig na titig siya sa akin. I almost breathed his own breath. Damn!

"Peace be with you, Love." Simon said kahit dikit na dikit pa din ang mukha niya sa akin. Ni hindi na nga ako nakasagot dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Simon broke our stare with a huge smile. Napalunok na lang ako at bumalik ang tingin sa harap. Gosh!

The mass went well. Naiilang pa din ako kay Simon. Palagi kasing dumadaan sa isip ko yung scene namin kanina. And I don't know kung bakit hindi iyon maalis sa isip ko. We almost kissed again! Jesus!

"Can we eat bibingka?" Pagbasag ni Sage sa katahimikan. Napalingon ako sa kanya. I yawned secretly. Ayoko kasi makita nila na inaantok ako kahit ang dami ko naman nagawang tulog kanina.

"Do you want, Maggie? Or you want to go home?" Baling sa akin ni Simon. Nanliit pa ang mata ko dahil sakin sila nakatingin. Pinandilatan ako ni Sage ng mata kaya nilakihan ko din ang mata ko sa kanya.

"Don't ask, Maggie, she's a kill joy." Salita ni Prim kaya lalong nanlaki ang mata ko. Grabe sila sakin!

"I am not, fucker!" I answered him.

"Watch your word, Mags. Kakatapos lang natin magsimba." Sagot ni Prim kaya humugot nalang ako ng malalim na hininga. Sorry, okay? Hindi ko naman sinasadya magmura. It's just my way of letting out the nervous that I'm having inside.

"So, are we going to eat?" Salita ni Sage. Tahimik lang akong sumunod sa kanila. Paminsan minsan ay nahuhuli ko pa si Simon na patingin tingin sa akin.

"What do you want guys?" Sage asked us. Nagkibit balikat ako. Anything will do naman sa akin. Tutal, madalas talaga kami kumain ng puto bumbong at bibingka after mass.

"Ikaw, Simon?" Prim asked Simon. Napatingin siya sa amin na tila ba gulat na gulat. Lihim akong napangiti, oo nga pala-- hello? rich kid ang kasama namin, tas sa bibingkahan lang namin dadalhin?

"Can you order me both?" Simon said.

"Alright." Tumayo na ang kambal para umorder. Gustuhin ko man umalma or pigilan ang isa sa kanila ay huli na ang lahat. Masyado naman akong obvious kapag sinigawan ko pa sila.

"What?" Pagtataray ko kay Simon. Kanina ko pa kasi siya nahuhuli na tumititig sa akin. Okay-- vise versa! Minsan nahuhuli niya din ako nakatitig sa kanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay tsaka humalukipkip sa harap ko. He didn't break his stare, and fuck! My heart's recing so fast again. Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa mga tingin niya. God! Why he has the power to make me weak?

"Did you complete the night mass?" Basag niya sa katahimikan. Of course, nakaugalian na namin magkakapatid na kumpletuhin ang simbang gabi. Sabi kasi sa amin ni Mommy, kapag nakumpleto mo na ang simbang gabi, pwede kang mag wish. Tsaka, gaano ba naman yung konting sakripisyo sa pag gising ng maaga diba?

Somehow, I knew that Simon just want me to feel at ease when we were together. Hindi ko nga alam kung bakit naghuhurumemtado ako kahit sa simpleng tingin niya!

"Yes." I answered him. Simon's presence really gives me a hard time. Suck it!

"Me too, alam mo ba na kapag nakumpleto mo ang simbang gabi pwede kang mag-wish?" Seryosong sabi niya kaya naagaw niya ang atensyon ko. How come he knew that?

Tinaasan ko siya ng kilay. "So, nag-wish ka?" Natatawang sabi ko. Hindi ko kasi naisip na may childish side pala si Simon. "Ano wish mo?" Hindi ko pa din mapigilan mangiti. Na aamazed kasi ako kay Simon. I never thought he would do that.

"Damn Love, don't smile," nag iwas siya ng tingin kaya lalo akong napangiti. Napansin ko kasi na bahagyang namula ang pisngi niya. "I'm just fucking desperate," pahabol niya kaya nawala ang ngiti ko. Sobrang kasing seryoso ulit niya na nagpakaba na naman sa akin. We stare at each other. Bahagya pa nga akong napalunok dahil nalulunod ako sa tingin niya.

"So, what did you wish?" I continued the conversation dahil awkward na. Hindi ko kasi kayang tagalan ang tingin ni Simon. Bahagya siyang umabante kaya naman nagkatapat na naman ang mga mukha namin. He sighed heavily.

"You."