Chapter 17: Hello

Final's over. Mag papracticum na din ako sa second sem. I still can't decide kung saan ako papasok. I don't want naman sa company nila mommy. For sure ma ii-stuck ako sa probinsya. Dom asked me sa company nalang nila. I still can't answer him.

Magulo ang utak ko ngaung araw. Pati emosyon ko ay magulo. Glen's leaving any time now. Ang sabi pa nga niya ay ayaw niya akong sumama maghatid sa kanya sa airport. I want to, but he doesn't want. Baka daw kasi hindi na siya tumuloy kapag sumama ako.

"Sage! did you gave, Heart, her food?" I shouted. Nag aayos kasi ako ngaun, any minute now ay dadating na dito si Glen to say his goodbye. I hate goodbyes. But we need that for now.

"Opo, ate!" Sage shouted back. Napangiti pa nga ako. Very rare kasi na tawagin ako ng kambal ng, ate. Sometimes, they call me that way kapag iritable sila or when we're talking some serious matter.

Heart, she's bigger now. And everyday, I get fond of her. She's sweet and adorable puppy. Inalagaan ko siya. I treat her like she's my child. I don't know. Something inside me really cares for her. A lot.

When I finished fixing myself ay patakbo akong bumaba sa laundry area, 'don ko kasi inilagay si Heart. Kapag kasi nandito sila mommy ay hindi ko pa siya mailabas. I know my mom won't like the puppy. Mabuti nalang ay mas madalas na wala dito sila mommy.

Nang makarating ako kay Heart ay lumaki ang ngiti ko. Tumahol siya ng tumahol at tumakbo palapit sa akin tsaka umikot ng umikot sa paa ko.

"Hi, baby. Did you enjoyed your meal?" Hinimas ko ang ulo niya. Tumahol ng tumahol si Heart tsaka ako dinilaan ng dinilaan sa kamay.

"Maggie, nandito na si Glen." Napatingin ako kay Sage ng tawagin niya ako. Umirap pa nga ako dahil may hawak siyang tootbrush at nagsimulang magsepilyo sa harap ko.

"Get in! You're so gross!" Nagpagpag ako ng sarili at binalik si Heart sa kulungan.

"Whatever, Maggie." Tumalikod si Sage at dumiretso sa sink sa kitchen. Lumiko ako sa kabilang side para puntahan na si Glen.

Nang makarating ako sa sala ay naabutan ko siyang nakahalukipkip sa may slidding door sa sala habang malayo ang tingin. I stopped. Hindi ko kasi alam kung malulungkot ako or magiging masaya para sa kanya. I should be happy diba?

Kaso, ipokrita ako kung sasabihin ko na ayaw ko siyang pigilan umalis. I wanted. I just don't want. Ayokong maging selfish, ayokong papiliin siya between me and his future.

Long distance relationship was hard. I never tried but I know it's hard. I've seen long distance relationship ended with a broken heart. I have cousins. And it happened to Sage.

I shooked my head. I trust Glen. Alam ko na magtatagal kami. I will make it possible. Sana.

"Aviel," ngumiti ako ng tipid at lumapit sa kanya. He looked at me and smiled timidly. Bakit pakiramdam ko nabroken hearted ako sa ngiti ni Glen? It's the saddest smile he ever gave me.

Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya ay mabilis niya ako niyakap. Yung sobrang higpit. Sabi ko kagabi, I will never ever cry infront of him before he leave. Why am I crying now?

Ilang minuto kami sa ganong pusisyon.

"This is the saddest part of our story," basag ang boses ni Glen ng kumawala siya sa yakap sa akin. Tears continued flowing on my eyes. His eyes has bloodshots.

I can't speak. Baradong barado ang lalamunan ko sa sobrang daming emosyon ko. I want to stop him now. I want him to be with me, pero hindi pwede.

He smiled again and touched my face. " You know I'm doing this for our future, right?" Patuloy ang luha ko. Tipid akong tumango. Future. We never talk about it. But I'm happy that he's planning for it.

"If I leave you now, will you promise me that you'll wait for me? Coz' I promise you that I'll wait for the day we'll be together. I can't be there for you all the time. I can't protect you. All I can do is to watch you from afar. Can you wait for me, Maggie?"

Pinunasan niya ang luha ko sa mga mata ko. "Of course, Glen. I'll wait for you."

Ngumiti si Glen at hinalikan ang noo ko. Napapikit pa nga ako sa ginawa niya. "I'm keeping your words, Maggie. That's the only thing that I'm holding until I return. After this, we will have our someday."

Bigla akong napahiwalay kay Glen ng dumating si Dom. He smiled at me. I smiled at him, too.

"It's time dude." Seryosong usal niya kay Glen. Eto na ba 'yon? Aalis na talaga siya?

Huminga ng malalim si Glen. "Give me a minute, susunod na ako." Sagot niya. Tumango lang si Dom at dumiretso na lumabas.

"Take care, Maggie. I'll call you often if I have time. See you soon.. I love you.." he kissed me. I kissed him back. Short kiss but full of warmth.

"I love you, too." Sagot ko sa kanya. Natigilan si Glen na tila ba gulat na gulat sa sinabi ko. Tumingala pa nga siya at nagpakawala mg isang mura.

"You finally said it." He smiled at tapped my head. Napanguso pa nga ako at nag iwas ng tingin, pakiramdam ko kasi ay nag init bigla ang pisngi ko. Nagun ko lang ba talaga sinabi sa kanya na mahal ko siya? Ramdam ko kasi ngaun na mahal ko siya.

Lumakad kami palabas ng bahay. Dom started the engine.

"So this is goodbye for now, Maggie." Niyakap ulit ako ni Glen at hinalikan sa noo. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Pinanuod ko lang siyang pumasok sa loob ng sasakyan. I thought he will never look back but he did. Lumabas ulit siya ng sasakyan at mabilis na yumakap sa akin.

"Someday, Maggie.." patakbo ulit siyang pumasok sa sasakyan. I can't help not to cry again. Someday, Glen.

Days passed quietly. Palagi lang akong nasa bahay, ala naman kasi akong gagawin sa labas. Kapag may time si Glen ay madalas kaming mag usap sa Facetime. Next month will be our anniversary. Hindi ko nga alam kung naalala niya pa.

Sa susunod na araw ay pasukan na naman. I decided to take an advance class. Baka next year ko na ituloy ang pag papracticum. Tutal, ala pa din naman akong maisip na papasukan. I want to do it alone kasi. Yung tipong sariling sikap.

"Margaret! are you planning something today?" Napatayo ako bigla ng pumasok si Prim sa kwarto ko. Napahawak pa nga ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

"My God, Prim! Don't you know how to knock?" Iritableng sagot ko.

"I did knock." Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Umurong pa nga ako ng bahagya dahil pawis na pawis si Prim.

"You're sweat, umusad ka nga!" Tinulak tulak ko pa siya kaya naman napahalakhak siya.

"Ikaw ang tumayo. Magbihis ka! Lets jog together. Banatin mo naman yang mga buto mo."

I know nag kulong lang ako buong sembreak. That's why Prim's forcing me to go out. Pakiramdam ko nga ay sumasakit ang mga buto ko sa konting pagkilos lang. Maybe, kailangan ko ngang magbanat ng buto.

Nagbihis ako. I bun my hair. Nilagay ko ang earphone ko sa akin tainga para naman hindi ako mainip sa pagtakbo.

Pagbaba ko sa sala ay naabutan ko si Prim na nakabihis na nang pambahay at bagong ligo. Nanliit ang mata kong lumapit sa kanya.

"What the hell? Akala ko ba mag jo-jogging tayo?" Pinagkrus ko ang aking mga braso sa harapan niya.

"Oohh---I forgot, tapos na ako. Tutal naman ay nakabihis kana, tumakbo kana, Maggie." Natatawang salita ni Prim sabay subo ng pasta na kinakain niya. Uggh! He's bad! Akala ko pa naman-- Ughh!

"I hate you!" Padabog akong lumabas. Nakakainis! Pinagtitripan lang ba niya ako?

Tumingala ako sa langit at nilanghap ang hangin. Mabuti nalang din at papalubog na ang araw kaya hindi na ito masakit sa balat.

Naglakad lakad muna ako. Hindi naman kasi pwede na tumakbo agad ako at baka mabigla ang mga kalamnan ko. I'm not athletic nor sporty person. Perks ko nalang siguro na hindi ako tabain kaya hindi ko na kailangan mag-exercise. Madami din ako nakakasalubong na nag wawalking din. Ganito pala ang buhay sa subdivision kapag padilim na.

Napangiti ako. Hindi na masama, masarap din pala maglakad lakad kapag padilim na. I guess, hindi na ako tatakbo, I'm fine walking naman na.

Mga thirty minutes na akong naglalakad ng makaramdam ako ng bahagyang hingal at uhaw. Nevertheless, I enjoyed it.

Kinuha ko ang cellphone ko and decided to online on Facebook. Minsan kasi ay dito kami nag uusap ni Glen. I scanned my news feeds. There's nothing new. Puro post lang nga mga schoolmates and relatives. I scroll and scroll until I stopped when I saw Simon's updated his status.

Simon Aries Silverio updated his profile picture

My heart, it's fucking beating again like crazy. Titig na titig ako sa litrato ni Simon kahit na patuloy ang lakad ko. God, Simon's not a fan of social media. Kaya kahit i-stalk mo siya sa mga social media accounts niya ay wala kang mapapala. Okay, I admit, I tried to stalk him. But that was before.

His face matured a bit. He looks like a real man now. Pero teka? San ba shot itong picture? Bumagay pa sa kanya yung beard sa mukha niya.

Gosh--- my heart's betraying me again. Bakit ganito ka nanaman tumibok? It became wilder. I continued walking habang nasa cellphone lang ang mga mata. Why I can't take my eyes off him?

"What the---" bigla akong napahinto ng nabunggo ako. Yumuko pa nga ako para damputin ang cellphone ko na nahulog. Iritable akong tumayo at nag-wagwag ng sarili.

Nang na-ayos ko ang damit ko ay hinarap ko ang nakabangga ko. "Are you--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko si Simon sa harap ko. He's smiling habang nakahalukipkip at nasa magkabilang bulsa ang mga kamay. I want to curse so loud. Pakiramdam ko ay nahipan ako ng hangin dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Ang puso ko na naghuhurumentado kanina sa picture niya ay nagwawala na ngaun sa presensya niya.

What is he doing here?

He smiled. "Hello, Love."