Chapter 15: Not good

We're now at our third year. Ang bilis bilis ng panahon. Glen's still busy with his thing with the university and school stuffs. Magpapracticum na din kami sa second sem kaya very hectic na ang sched. Halos di na kami nagkakasama ni Glen. Naiintindihan ko naman siya. Completely. But sometimes, I still find him some time for me. Mas madalas kasi siya ngaun wala. Si Dom naman, madalas na din sa shop niya. So, minsan, ako lang palagi mag isa.

"Maggie!!" Napatingin ako kay Sasha na malaki ang ngiti na palapit sa akin. Unlike noon, she's proper now. Hindi na siya pala tili at palaging nakasigaw. Ewan ko ba kung ano nangyari. Graduating na siya ngaung sem kaya di ko maiwasan mainggit. And speaking of, bigla ko nalang naalala si Simon. Graduating na din siya ngaung sem. I heard nasa US siya at doon ipinagpatuloy ang pag aaral. Totoong umalis siya. He kept his words to be out of my life.

Pero sa kabilang banda, bakit parang may kulang sa sarili ko? Pakiramdam ko ay may nawala sa akin na hindi ko naman malaman kung ano.

I smiled at Sasha." Hey," sagot ko at nagpatuloy na naglakad. I envy her. Nakakausap niya kasi Simon. Hindi ako nagtatanong ah? She's just telling things about him. Hindi ko din alam kung bakit naiingit ako sa kanya. Maybe Simon's gone, pero yung presence niya? Never iyon nawala. And it haunts me, everyday.

"OMG! You know what?" Kinikilig na sabi niya. Naabutan niya ako sa paglalakad kaya sabay kami ngaun naglalakad.

I frowned. "Syempre hindi." Palihim akong umirap. Tanungin ba ako ng hindi ko alam.

Sasha chuckled at bahagyang hinampas ang braso ko. " you're so funny," masayang masaya pa din siya. I continued to walk habang nakasabay pa din sa akin si Sasha. "I just got the news," napahinto ako ng itapat ni Sasha sa mukha ko ang cellphone niya. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang video ni Simon na topless habang rumarampa sa stage.

"Geez, nakapasok si Simon sa fashion week." Amuse na amuse na salita ni Sasha. Nakatitig lang ako sa video habang pinagmamasdan ang perpektong katawan at mukha ni Simon. My goodness! My heart is racing so fast again. He's like a devil who envades the whole stage. Damn it! He nailed it.

Yumuko ako ng bahagya to breathe properly. Fuck! Simon's really hot!

"He's hot." Hindi pa din mabura ang ngiti sa mukha ni Sasha. I rolled my eyes again. Bakit hindi nalang siya pumasok sa cellphone niya at yakapin si Simon? "What do you think, Maggie?" Segunda ni Sasha kaya napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?" Nag iwas ako ng tingin. I really hate when Sasha's talking to me na si Simon ang topic. Feeling ko kasi ay may laman ang bawat salita niya, or praning lang ako? either way, naiinis ako!

She smiled. " hmmm, nothing." Mabilis naglakad si Sasha palayo sa akin kaya naman pinagmasdan ko lang siya hanggang mawala siya sa paningin ko. Nang aasar ba siya or what?

Nagpunta ako sa main building ng LSU to wait for Glen. Sabi niya kasi, may meeting lang siya with the board and we'll have our dinner after.

Umupo ako sa bench sa tabi ng office and opened some of my notes. Halos kakasimula palang ng sem pero ang dami dami ng nangyayari. It's tiring, pero worth it naman 'to sa huli.

Sa dami ng notes na binabasa ko ay wala manlang kahit anong pumapasok sa utak ko. Nakakapit pa din kasi sa utak ko ang itsura ni Simon. I shooked my head. Why am I thinking of him? He seem okay naman. I mean--- he looked happy? I guessed.

"Hi, Maggie.." napasinghap ako ng bigla nalang lumitaw si Luther si gilid ko. He's all smiling at me kaya naman tipid akong ngumiti. Ngaun lang kasi ako ulit nilapitan ni Luther after what happened to Bulacan. I don't know why, pero he looked annoyed at me before.

"Hi," tipid kong sagot at itinuon ulit ang paningin ko sa notes na binabasa ko. Naramdaman ko ang bahagyang pag upo ni Luther sa tabi ko kaya hinayaan ko nalang.

"It's been a while, how are you? How's you and Glen?" Salita ni Luther. I took a deep breath and closed my notes. I looked at him with my forehead creased.

"We're fine, Luther." Sagot ko at tsaka ibanaling ang paningin ko sa kabilang side. I just hope Luther didn't noticed the bitterness in my voice. We're fine naman talaga. It's just that, Glen's really been busy to the point na wala na siyang panahon sa akin. Minsan, may lakad kami na hindi nalang natutuloy bigla. It sucks!

"Hmmm," sagit ni Luther at tsaka may kung anong dinukot sa bulsa niya. It's his phone.

"Why asking by the way?" Sagot ko sa kanya. Nagkibit balikat lang si Luther at may kung anong dinayal sa phone niya.

"Nothing, masama ba? Friends naman tayo diba?" Seryoso ulit na sabi niya. I rolled my eyes. Did he ever considered me as his friend? I'm not sure. Pakiramdam ko nga ay pinapansin niya lang ako dahil kay Simon.

"Yeah, right--" bago pa man ako matapos sa pagsasalita ay biglang may nagsalita sa kabilang linya ng phone ni Luther. Coldness rushed thru my veins when I heard his voice. The arrogant and authoritive voice that always sents me shiver. The voice that can make my heart beats so fast. Damn.

"How are you, dude?" sagot ni Luther sa kabilang linya sabay baling sa akin. I can't swallow dahil pakiramdam ko ay may nagbara kung ano sa lalamunan ko. Ngumisi si Luther habang ako naman ay bahagya pa yatang naka nga-nga. Shit-- why do I feel that I miss him? It's been what? He's gone for almost a year now.

When he was here, I really want him gone. Yes! Gone. Simon is my living annoyance. When he left. I just felt that there is something missing on me. I mean-- my life became boring. Walang thrill, walang kahit ano. Even with Glen? I can't feel the feeling that Simon had given me.

"Pretty damn good." Sagot ni Simon sabay halakhak sa kabilang linya. God! Even his laugh can make me feel something. I remembered the last time we talked. The pain, the sadness, the sorrow, it's all gone now.

I should be happy for him, right? Bakit parang bumigat ang pakiramdam ko knowing the fact that he'd already move on?

"Do you want to talk to him?" Nabalik ako sa ulirat when Luther spoke. Mabilis at sunod sunod ang pag iling ko. Why the hell did he want me talk to him? I can't. I just can't. I want, but I still can't.

Humalakhak si Luther. "Chill, he ended the call, though."

Tumayo si Luther at mabilis na lumakad. My eyes nailed on him. That call is like a dagger that stabbed me. I felt pained.

"Sorry for making you waited," napasinghap ako mg biglang lumabas si Glen at mabilis na halikan ang labi ko. I froze. This is the second he kissed me on my lips. Bakit nambibigla siya?

Kumunot ang noo niya at biglang ngumiti. " Sorry to stole a kiss." Nakangiti pa din si Glen habang nilalaro ang mga daliri ko. I felt stupid. He wasn't my first kiss. It's Simon. Memories flashed like waves in the ocean. How Simon stole my first kiss. Bakit siya ang naiisip ko tuwing hinahalikan ako ni Glen?

"Binigla ba kita?" Yung ngiti ni Glen ay napalitan ng pag aalala. I shooked my head and smiled timidly. My fucking conscience was attacking me again. Naguguilty ako Glen. You don't know how my guilt was eating me everytime.

"No," sagot ko pero hindi ako makatingin sa kanya.

"You sure?" Puno pa din nang pag aalala ang boses niya. I nodded and smiled to assure him that it was fine. Ala naman talagang problema sa halik niya. Ako yata ang may problema. Pakiramdam ko ay may tao nang nag mamay ari ng mga labi ko. And it's bad.

Pumunta kami sa shop ni Dominic para doon na mag dinner. Sa sobrang busy kasi namin ay hindi na kami madalas magkasama sama.

I'm busy with school stuffs, Glen's busy with school stuff and other obligations sa university. Si Dom? He's busy with his girls at tsaka sa shop.

When people age, madami talagang nagbabago. Hindi mo pwedeng mapanatili kung ano na yung nakasanayan mo. Fuck! Ano ba mga sinasabi ko?

"Welcome---" natigilan si Dom sa pagsasalita ng namataan niya kami ni Glen ang pumasok. Nagpakawala pa siya ng mura tsaka lumapit sa amin ni Glen. "It's been a while guys." Nakipagfist bumped siya kay Glen, then he kissed me on my forehead.

"You're fucking gay, Dom." Natatawa habang umiiling na salita ni Glen. Hinila niya ako sa pinakadulo kung saan walang naka upo.

"Ulul!" Abo't ang pagmumura ni Dominic kaya naman natatawa kami Glen. "Ako pa talaga ang bakla? I can't even count the girls that I slept with. Ikaw? Naka first base kana?"

Napaiwas ako ng tingin kay Dom ng bumaling siya sa akin. My gosh! Are they seriously talking about that infront of me?

Nag igting ang panga ni Glen at sumeryoso. "I'm not a fucker, asshole! I don't fuck. I make love." Lalo akong namula ng sumagot si Glen. Pakiramdam ko ay naputol ang dila ko sa usapan nila. Of course, it's a normal thing to talk about. Lalo naman kay Dom. But seriously?

Humagalpak ng tawa si Dom. " make," tinaas pa niya ang dalawang kamay niya na para bang nilagyan ng quotation ang word na make. Panay ang pagmumura ni Glen sa kanya.

"So, hindi kapa nakaka home run? Damn. Mamatay ka nang virgin." Halos umusok ang ilong ni Glen kay Dom na mabilis pa sa hangin na tumakbo. At some point. Eto yung moment na namiss ko.

Naka peace sign si Dom habang dala ang order namin. Matalim pa din ang tingin sa kanya ni Glen habang ako naman ay naiiling lang.

"Peace offering," inilapag niya ang pagkain sa lamesa na nagpatakam sa akin. Did I mention that Dom is one of hell good cook? Kaya lang, he was destined to managed the business of theirs, just like me.

Tumikhim agad ako ng pesto pasta. And heaven! It was really good. May future si Dom sa food industry. Kaso, eto lang talaga ang pwede niya gawin. Isang maliit na coffee shop to fullfilled his dream.

"How's Simon?" Biglang salita ni Dom kay Glen. I stopped from eating dahil sa kaba na nadama ko. Fucking heart! Ano ba? Pangalan pa lang niya ang binanggit, nagwawala kana!

I chose to stayed quiet. I don't want to intervine with their convo about Simon. And I have nothing to do with him.

Really.

Nothing.

"He's doing great." Tipid na sagot ni Glen. My heart can't stop from beating so fast. Why does everyone around me always reminds me of him?

"When will he come home?" Sagot ni Dom. Lalo akong hindi makasunod sa usapan nila. I felt awkward though Simon's not here. And for Christ sake! Nakaramdam ako ng excitement sa tanong ni Dom. I know it's not good. What I felt was dangerous.

Lumunok ako ng biglang napatingin sa akin ang dalawa. Kumunot ang noo ko sa kanila kaya nag iwas sila ng tingin sa akin. Nag igting ang panga ni Glen. "I hope he'll stay there for good, he's not good here."