Chapter 14: Letter
I was so nervous after Simon and I had talked. Hindi na kasi siya nagsalita simula noon. He just drove us back pabalik sa bahay nila Luther.
Mag aalas siete palang ng gabi ng makabalik kami sa bahay. I felt so tired kahit ala naman kaming ginawa. Dumiretso si Simon sa bar ng bahay ni Luther at nagsalin ng alak sa kupita.
Me? Para akong lutang na nakatingin sa kanya mula sa inuupuan ko dito sa sala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I meant what I had told him, pero sa reaksyon niya? Pakiramdam ko ay napakasama kong tao. I shouldn't feel this, right? Ginagawa ko lang ang tama. I don't want to hurt Glen. Pero bakit parang hindi matanggap ng sistema ko na, nasaktan ko si Simon? Ugh! Nakakabaliw!
Nakatingin ako sa kanya sa bawat pag galaw ng adams apple niya habang linulunok ang alak sa kupita. I want to say sorry. I want to comfort him. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko. Pero--- Ugh! what done is done. This overthinking will kill me!
Tumayo ako para pumunta sa kusina. Magluluto na lang ako ng dinner kesa naman mabaliw ako dito habang kinakain ng konsenya.
"Where are you going?" Malamig na usal ni Simon kahit nakatalikod siya sa akin. Natigilan ako at saglit na pinuno ng hangin ang aking dibdib.
"Kitchen, I-I'll just cook." Putol putol na sagot ko. Nakatalikod siya sa akin pero nakaharap ako sa kanya, at hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw.
"You don't have to, I ordered our food already." Hindi pa din siya tumitingin sa akin. May kung anong kumurot sa puso ko dahil sa tono ng pananalita ni Simon. His voice was like drained or something. I mean, yung parang walang buhay. And it made me bothered. A lot.
Nagkibit balikat nalang ako at bumalik sa sala. I opened the television. Pakiramdam ko ay sasabog ang bahay sa sobrang tahimik naming dalawa.
Maya maya lang ay may narinig akong humintong makina ng sasakyan. I was about to open the door ng bigla itong bumukas at iniluwa sila Luther with the two girls. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko na kasi kayang tumagal kung kami lang ni Simon ang nandito sa loob ng bahay. It's awkward!
"Bakit nandito kayo? Bakit hindi kayo sumunod?" Sunod sunod na salita ni Sasha. Hindi ako kumibo. Napatingin ako kay Luther na tinaasan ako ng isang kilay at ininguso si Simon na tahimik pa din umiinom sa bar.
"What did you do this time?" Pabulong na sabi ni Luther pero sa tono ng may pag aakusa.
I rolled my eyes." Nothing," nag iwas ako ng tingin. Naiilang kasi ako sa paninitig ni Luther na para bang binabasa ang nasa isip ko.
Umiling siya na parang dismayado. "Yeah, nothing, huh?" He said sarcastically. Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Sa inakto kasi ni Luther ay parang sigurado siya na ako ang may kasalanan kung bakit ganyan si Simon. Though, ako nga ba? Ala naman talaga akong ginawa diba?
I just want to make things clear about the two of us. May boyfriend ako, at worse ay kapatid niya pa. Bakit hindi iyon maintindihan ni Simon? And I hate him in the first place. Ibalik nalang niya yung pakikitungo niya sa akin dati. I'm not used of him being caring and sweet to me.
Umirap ako kay Luther at patakbong umakyat sa kwarto. I can't stay here for too long.
Pabagsak akong humiga sa kama. My phone still dead. I need to go home na para makausap ko na si Glen. Being with Simon and making that deal was a bad idea. Bakit ba kasi ako nadala?
Nakatulala ako sa kisame. Simon really messing my head. Hindi naman ako ganito sa kanya dati. I mean---- hindi siya makapasok sa sistema ko noon. Bakit hindi ko na siya maalis ngaun?
"Maggie, the food's here. Lets eat," napasinghap ako ng bigla nalang pumasok sa kwarto si Sasha. I stared at her. Mayroon kasing kung ano sa boses niya na hindi ko mapagtanto.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Susunod na ako," salita ko.
"Gosh! lets go back together nalang kaya?!" Meron talagang emosyon si Sasha na hindi ko mabasa. But one thing is for sure. She sound irritated.
Huminga ako ng malalim at tumayo. Ayoko naman na masabihan ako na pa-importante.
"Bakit hindi kayo sumunod sa amin? Why Simon's like that?" Seryoso na salita ni Sasha na nagpakabog na naman sa dibdib ko. Her tone made me more confused. Para kasing inaakusahan din niya ako kung bakit ganoon si Simon ngaun.
I shrugged. Ayoko naman pahalata sa kanya na apektado ako sa mga sinasabi nila. And for fuck! Mas lalo lang ako naguguilty sa paraan na pagtatanong nila. "Maybe, he doesn't feel good." Sagot ko. Medyo binilisan ko pa nga ang lakad dahil ayokong masundan pa niya ang pagtatanong niya.
"Does he?" Ayan na naman ang tono ni Sasha na may pag aakusa. It doesn't feel good talking to her in a normal way. Pakiramdam ko ay hindi siya si Sasha na palaging nakasigaw.
Napatingin ako sa kanya. Walang bakas ng biro sa mukha ni Sasha. She smiled weakly at me. "I know that he likes you, Maggie.." pagsisimula ni Sasha. Napalunok ako bigla. I don't know what to react nor to say. Masyado siyang straight forward.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Wala akong pinakita na kahit anong emosyon. "But you love, Glen. Do you?" Malungkot na salita ni Sasha. Gusto kong makaramdam ng iritasyon para sa kanya. Pero may bahagi sa akin na naawa sa kanya. When you look at her? Nasasaktan siya.
She loves Simon. That's fact. Bata palang kami ay very expressive na siya sa feelings niya para kay Simon. Hindi ko lang inakala na tatagal iyon hanggang sa ngaun. And it made me feel bad. More.
"Of course," I said confidently. No doubt that I love him. I just that-- ay basta!
Ngumiti ulit siya. Yung ngiti na malungkot. Yung ngiti na parang mawawasak ang puso mo. " this is crazy!" Umiling siya. "Nasa laro ka, Maggie. You're the master of the game. The brothers are your warriors. Be careful how you play the game. It's either you make one of them, or you break one of them. I don't believe Glen will be your end game. There so much more with the game." Tinapik ni Sasha ang balikat ko. Lumakad siya pababa ng sala habang naiwan akong tulala. What does she mean?
Lalo akong nabother sa mga sinabi ni Sasha. Ayoko na nga sanang sumunod pero alam ko naman na hindi nila ako titigilan.
Pagbaba ko ng sala ay nakaikot sila sa sofa. Simon's beside Luther na may hawak nang gitara at kumakanta. Leticia and Sasha was infront of Simon na medyo ngumingiti na. It's awkward ng sabay sabay silang lumingon sa akin. I still walk though.
I sat beside Luther. "The pizza's nice.." ngumiti sa akin si Leticia sabay turo ng pizza. I just smiled a little. Naiilang talaga ako. Napatingin pa nga ako kay Simon ba bahagya ng sumeryoso at umayos ng upo. Luther continued to play the guitar. Panay ang talak ni Sasha at Leticia sa mga bagay na hindi ko naman maintindihan.
"I will just buy beer. Samahan niyo ako." Binaba ni Luther ang gitara kaya bahagya akong napalunok. "Excuse me," malamig na turan niya sa akin. Iniwas ko ng kaonti ang hita ko para makadaan siya.
"You, two, samahan niyo ako." Hinila ni Luther si Sasha at Leticia. Kitang kita ko ang iritasyon ni Leticia sa paghila ni Luther. Si Sasha naman ay tumingin sa akin tsaka kusang sumama kay Luther. What the fuck! Talagang maiiwan kami dito? Bakit hindi nalang ako ang sinama ni Luther? Ugh!
Nang makaalis sila ay tila ba may dumaan na anghel sa sobrang tahimik. Simon still holding his wine glass at bahagyang umiinom. Hindi ko alam kung saan ako titingin or ano ang gagawin ko. I want to grab a pizza dahil gutom na gutom na din ako. But, naiilang ako kay Simon. I can't even move knowing that he's watching me.
"Eat, Maggie." Lalo akong natigilan nang umalingawngaw ang ma-authoridad na boses niya. I swallowed a little and grabbed the pizza. Kakagatin ko ba? Fuck! Pakiramdam ko ay mukha akong tanga!
"I don't want you to feel uneasy when you're with me." Nagsalin ng cucumber lemonade si Simon at tinapat sa akin. How can I be at ease with him? Everything he do makes me weak. Makes me nervous. Makes me crazy!
Huminga ako ng malalim at nagsimulang kumain. Naramdaman ko ang bahagyang pagtabi sa akin ni Simon at kinuha ang gitara ni Luther. Hindi talaga ako makatingin sa kanya dahil pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
I got stiffened when he started to play the guitar. And Jesus! He's singing.
Bright lights, fancy restaurants
Everything in this world that a man could want
Got a bank account bigger than the law should allow
Still I'm lonely now
Pretty faces from the cover of the magazines
From their covers to my covers wanna lay with me
Fame and fortune still can't find
Just a grown man runnin out of time
My heart felt ached literally dahil sa tono ng pagkanta ni Simon. Something inside me was crying. He sang well. Damn. He's good at punong puno ng emosyon. I wanted to cry. I don't know why.
Napatingin ako sa kanya. I can't just ignore him now. I felt that I needed to looked at him. I almost lost my breath when he stared at me.
Nakatingin kami sa isa't isa.
Eventhough it seems I have everything
I don't wanna be a lonely fool
All of the women, all of the expensive cars
All of the money don't amount to you
So I can make believe I have everything
But I can't pretend that I don't see, that without you girl... my life is incomplete..
Tumulo ang luha ko sa hindi ko alam na dahilan. Mabilis na lumapit sa akin si Simon at pinunasan ang luhang pumapatak sa mata ko. He stared at me na para bang minemorya ang bawat angulo nang mukha ko.
"Our deal ends now, Love." Puno ng pait na salita ni Simon. He carresed my face tsaka siya mabilis na tumayo at umakyat papasok sa room niya.
I was dumbfounded. Patuloy ang luha ko na hindi ko talaga alam kung bakit tumulo. Nang marinig ko ang sasakyan nila Luther ay mabilis akong nabalik sa ulirat at nagmadaling tumakbo pabalik sa kwarto namin.
Mabilis kong binagsak ang katawan ko sa kama at nagtalukbong ng comforter. I cried silently.
Nasasaktan ako. And this is crazy!
Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang umiiyak.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Nakarinig kasi ako ng ingay ng sasakyan sa labas. Pupunta sana ako sa veranda para makita ang ingay ng biglang may nahulog na maliit na papel mula sa comforter na nakabalot sa akin.
Mabilis ang tibok ng puso ko habang binubuksan ko ang letter. Ayan na naman ang pain na nakatulugan ko kagabi. I don't know bakit ang sakit! I shouldn't feel this.
Love,
It pains me to leave you now, but this is all you've ever wanted. I will buy you some time for him now. But when I return, I promise that I will get mine..
Take care Maggie.. I love you..
Simon Aries --