Chapter 13: Obsessed
Masakit ang katawan ko ng magising ako. Pakiramdam ko ay nagulpi ako sa bigat na nadadama ko. My head is throbbing na parang pinupukpok ng martilyo. Ang likot naman kasi matulog ni Sasha. And my body got wasted last night.
Napatingin ako sa wall clock sa kwarto. It's 1 pm na pala. It didn't bothered me though. Ala naman kasing tao dito maliban sa amin. Besides, halos umaga na kami umuwi. Pinasyal kasi kami ni Luther sa ibang gimikan dito. Ang sabi pa nga niya ay magna-night swimming kami sa 8 Waves mamaya. It's a good thing that I packed everything I needed.
I took a bath tsaka mabilis na nagbihis. Medyo na lessen na ang sakit ng ulo ko. Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang hall ng bahay. Ang laki naman kasi ng bahay nila Luther. And it's so good, moderno ang design ng bahay kaya parang wala ka din sa province. Pumunta muna ako sa may veranda sa dulo ng hall. I breathed the air. The place looks like the city but the air here is fresher indeed.
Napapikit ako ng humangin bigla. May magandang parte din naman pala ang bakasyon na ito. It made me relax. Nakaka stress naman kasi yung huling linggo ko sa school.
Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang magvibrate ito---shit! Si Glen. Hindi ko pa nga pala nasasabi na nag bakasyon ako. I can't, though. Ano ang sasabihin ko? Na-- hey, nasa bakasyon ako, with your brother-- fucking no way!
I canceled the call and started to type a message.
-Hey, US kana?
Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko talaga ay mali ang pagsisinungaling ko kay Glen. I needed to. After naman nito ay matatahimik na kaming dalawa.
-Why are you not answering? Yes, I'm in US. And I miss you so badly.
Magtatype na sana ako ng message when I saw Simon and Luther na parehong tumatawa papasok ng gate. Where did they go? Ugh! At ano naman ang pake ko?
-Sorry, may ginagawa lang ako. I miss you too.
Pagkatapos kong magtipa ay napatingin ulit ako sa dalawa. Nag aayos kasi sila ng ihawan ngaun. Tapos si Luther nakita kong naglabas ng pork at fish na nakabalot sa aluminum foil.
Napasinghap ako bigla ng nagvibrate ulit ang phone ko. It's Glen, he's calling through video call again. Fuck!
-I have something to do, take a rest. I'll call you later.
Pagkasend ko ng message ay mabilis kong pinatay ang cellphone ko. I felt guilty, okey. How can I talk to him if I'm going to feed him lies. Ayoko.
Nakatunganga ako sa veranda habang pinagmamasdan ang dalawa. Simon is genuinely happy. I don't know but I'm having this abnormal heartbeat again. Naghubad sila ng pang itaas na damit ni Luther.
"Hey, Luther. Kelan ka pa dumating?" The girl smiled at Luther. Napakunot pa ang noo ko dahil sa paninitig ng babae kay Simon.
"Yesterday, so, how are you?" Halatang halata kay Luther na naglalandi siya sa babae. Hindi pa din maalis ang tingin ko sa kanila dahil titig na titig yung babae kay Simon. I suddenly felt irritated. Kailangan talagang obvious how she drool over that devil? Ugh!
"I'm good. Who's with you?" The girl said. I rolled my eyes! She's obviously hitting on Simon.
"I'm with my friend, by the way, Simon, this is Leticia." Pagpapakilala ni Luther sa Leticia na iyan. Malaki ang ngiti ni Leticia na lumapit kay Simon. He looked at the girl with cold, stoic expression.
"Hi," malaki pa din ang ngiti ni Leticia. She's all smiling. Ni hindi niya nga napansin na wala lang ang presensya niya kay Simon. Napaangat ang gilid ng labi ko.
I don't know why I felt happy when Simon just ignored the girl. Hmmm, nakakahanga si Simon. Leticia is one of a hell hot and pretty. Ni hindi manlang natinag si Simon? Unbelievable!
Tumulong si Leticia sa kanila. I bet that girl didn't know what she's doing. Puro pabebe lang ang alam. I discreetly watching them over here. Ayoko kasi na mapansin nila ako. Lalo na ni Simon. I just can't be with him now. Lalo na kapag naalala ko ang sinabi niya sa akin kagabi.
"What's that?" Biglang sumigaw si Sasha sa likod ko kaya napatalon ako ng bahagya. Mabilis na napatingin sa gawi namin ang tatlo sa baba. Nag-iwas agad ako ng tingin ng mahuli ko ang paninitig sa akin ni Simon.
Abo't ang mura ko sa isip dahil sa kaingayan ni Sasha. Mukhang fully charged na naman ang itsura niya, e.
"Kanina pa kayo? Join us." Sigaw ni Luther mula sa baba. Humangin ng bahagya kaya kumalat ang usok ng niluluto nila. Biglang napaubo si Leticia kaya naman kumapit ito bigla kay Simon. Gusto kong tumayo at ibato itong monoblock na inuupuan ko sa mukha niya. Ang arte niya!
"Who the fuck is she?" Sigaw ni Sasha. Tumayo ako dahil ala na din akong choice. They knew that we're already awake.
Humalakhak si Luther sabay tingin sa akin. Napakunot pa nga ang noo ko. "Another hindrance," tumikhim si Simon at bahagyang lumayo kay Leticia.
"You motherfucker!" Malamig na singhal ni Simon na lalong nagpahalakhak kay Luther.
Nang makababa kami sa garden nila Luther ay gumilid ako. Luther introduced us to Leticia. I just nodded. Medyo nagkatinginan pa nga si Simon at Luther na parang nag uusap gamit ang mga mata. Luther smiled devishly while Simon just smirked.
"Let's eat.." iritableng salita ni Sasha sabay upo sa gilid kung san nakaupo si Simon. Medyo napaatras pa nga si Leticia ng ipagsiksikan ni Sasha ang sarili niya para makatabi kay Simon. Napailing nalang ako. These two girls were insane. Bahala nga sila.
Inilapag ni Luther ang inihaw nila ni Simon. Medyo kumalam pa nga ang sikmura ko. Nakakatakam naman kasi ang umuusok na inihaw na baboy at inihaw na bangus sa harap ko.
"Taste this," sabay na sabay na salita ng dalawang babae sa tabi ni Simon. Napatingin pa nga kami ni Luther ng sabay ilapag nang dalawa ang inihaw sa plato ni Simon.
Nakakunot lang ang noo ni Simon na halatang halata ang pagka irita sa dalawa. Umirap ako bago kumuha ng pagkain. Mukhang maraming iritasyon ang madadama ko ngaung araw. Medyo maingay din kasi si Leticia, but unlike Sasha, Leticia's bluntly flirting Simon.
"Could we eat properly? and please stop putting food on my fucking plate! Hindi ako imbalido." Iritadong sabi ni Simon kaya natahimik ang dalawa sa gilid niya.
Ngumiti ako tsaka sumubo ng inihaw at kanin. God, the food was great.
"Paghimay mo naman ako ng bangus, Maggie." Mapaglarong salita ni Luther sa akin. Kumunot ang noo ko ng napatingin ako sa kanya. Nakapuppy eye pa kasi si Luther sa akin.
Huminga ako ng malalim. Storbo naman si Luther! Pumiraso ako ng isda ng bigla nalang tumikhim si Simon. Napatingin ako sa kanya bigla. His eyes. Puno ng galit at pagkainis ang mga mata niya. Umirap ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nang ilalagay ko ang hinimay ko sa plato ni Luther ay bigla niyang iniangat ang plato niya at tumayo.
"I'd changed my mind, Maggie. Gusto ko pang mabuhay. Thanks, though."
Ugh! Gago naman ni Luther! Pinahirapan lang ako! Nagpatuloy ako sa pagkain. Yung dalawang babae naman sa tabi ni Simon ay maingay pa din. After we ate. Tumayo sila para mag handa, pupunta kasi kami sa 8 waves ngaun. I'm kinda excited pa nga. Napabuntong hininga nalang ako ng makita ko ang mga plato na nakakalat. My goodness! Sa Max's ba sila kumain?
Ala naman akong choice kundi iligpit lahat. Mukhang ala naman plano sila galawin ito. Sa susunod ay bibili nalang ako ng paper plate para disposable lahat! Grabe sila!
Nagsimula akong pagsamasamahin ang mga mumo ng plato. Nang matapos ako ay pinagpatong patong ko ang plato. Maingay si Sasha sa veranda habang nagsusukat ng swimwear na isusuot niya. Nang bubuhatin ko ng ang mga ito ay napasinghap ako ng bigla nalang lumapat ang kamay ni Simon sa akin. My heart literally beat so fast again. His breath to my nape gave me unknown feeling. Fuck.
Heat spread to my face instantly. "Let me do this, love." His voice made my knees trembled. I can't utter any word. I'm too stunned---.
Hindi na ako nakipagtalo. Pakiramdam ko ay hinang hina ako. Simon has the power to made me weak without even trying. What's happening to me?
Nakatingin lang ako kay Simon hanggang makapasok na siya sa loob ng bahay.
"Dumbfounded, huh?" Salita ni Luther na nagpabalik sa akin sa ulirat.
"Shut up!"singhal ko kay Luther. Mabilis akong tumakbo sa kwarto namin ni Sasha. Oh---shit! What's wrong with me?
Nag ayos ako ng sarili. My phone still dead. I don't know what will I say to Glen. Sobrang naguguilty talaga ako. Maybe I'll talk to him nalang later.
I wore a maong short and tank top. Sa resort naman kasi kami pupunta kaya ayos na ito. I just brought my cardigan para hindi naman masyado revealing ang suot ko. Hindi naman kasi pool agad ang bubungad sa akin kapag dumating kami doon.
Nagdala lang ako ng isang shoulder bag para sa damit na pamalit ko.
Nang makakaba ako ay nandon na si Luther, Sasha at Leticia. Medyo napanganga pa nga ako ng makita ko ang suot ng dalawa. They're both wearing their two piece na pinatungan lang ng seethrough dress na kinulang yata sa tela. Bakit nagdamit pa sila?
Panay pa ang bangayan ng dalawa kung sino ang sasakay kay Simon. Nakatingin lang ako sa kanila. Nakakapagod silang tignan.
"Ako ang sasabay sa kanya!" Sigaw ni Sasha sabay takbo sa Range Rover ni Simon.
"Bitch! Sasabay din ako!" Sigaw ni Leticia. They're both pathetic! Sinasayang nila ang ganda nila. Halata naman kay Simon na hindi siya interisado sa dalawa.
Umiling si Luther at ginulo ang buhok niya."Ang sakit niyo sa ulo." Iritadong sabi niya. Nagkibit balikat ako. Sila lang kaya.
Biglang lumitaw si Simon sa harap namin. Medyo napalunok pa ako sa suot niyang sando at board shorts. Naka aviator din siya at isang Nike na tsinelas. I felt like I stopped breathing for a second. Damn!
May susi na inabot si Luther kay Simon at ganon din si Simon sa kanya. Tumango si Luther kay Simon at naglakad papunta sa sasakyan ni Simon.
"Lets go," hinila ni Simon ang kamay ko papunta sa FJ Cruiser ni Luther. Mabilis niya akong pinapasok sa frontseat at mabilis din siyang umikot pasakay ng drivers seat. Walang sabi ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan.
"Damn those girls." Bulong ni Simon habang nasa kalsada pa din ang mga mata niya.
I stayed quiet. Seryoso lang si Simon habang nagmamaneho.
"That's the resort." Salita ko ng dumaan kami sa resort. Hindi nagsalita si Simon at pinagpatuloy lang ang pagmamaneho. Madami siyang linikuan na hindi ko na masundan.
Nang naiparada niya ang sasakyan ay napakunot ang noo ko. Nasa isang resort din kami, bumungad sa akin ang malaking sign na Galeli.
Bumaba si Simon kaya ganon din ang ginawa ko. Ayoko naman magtanong dahil hindi niya din naman ako sinasagot.
Biglang hinawakan ni Simon ang kamay ko kaya natameme na naman ako. Pakiramdam ko ay nasagad na niya ang lakas ko para umalma pa sa kanya. Habang naglalakad kami ay madaming mata ang nakatingin sa kanya kaya bahagya akong dumikit sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang bahagyang paninigas ni Simon pero patuloy pa din siya naglakad.
Pumasok kami sa cafe sa harap lang ng resort. Pumwesto kami ni Simon sa gilid. Nakatingin lang ako sa bawat galaw ng panga niya habang umoorder sa waiter sa harap niya.
"I didn't eat well awhile ago. Ang gulo nila."iritadong sabi niya. I didn't talked. Tahimik lang akong nakamata sa kanya.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya. I still didn't talked. Nakatingin lang ako sa kanya. "I just want to be with you, alone." Salita niya ulit. Litong lito ako. I thought he wanted to have a vacation? Why is he acting like this? Akala ko ba tanggap na niya na kami na ni Glen? Bakit taliwas iyon sa mga kinikilos niya?
"I'm just confused," finally, may nasabi din ako. Nakatingin lang ako kay Simon. Tinanggal niya ang aviator niya kaya nagtama ang mga mata namin. "Confused?" Ulit ni Simon. Hindi ko nga alam kung nagtataka siya or natutuwa. Medyo umangat kasi ang sulok ng labi niya.
I nodded. "You know I'm only here because of our deal, right?" Salita ko. Yung saya sa mukha ni Simon ay mabilis na nawala. Nag igting ang panga niya at sumeryoso ang mukha.
"I know. You don't have to slap me the reality." Malamig na sabi niya.
"Then don't act like you still have something for me. I'm with your brother. Don't mess up our deal." Seryosong sabi ko.
Dumating ang order niya kaya naputol ang sasabihin niya. Nang matapos ilapag ang order ay huminga ng malalim si Simon at hinarap ako.
"I'm not messing up our deal, love. I gave you my words. And I intend to keep it." Humigop siya ng frappe na hawak niya. Hindi naputol ang tinginan namin dalawa.
"Then don't act like this. There's nothing I can give you. I'm here because I want you gone."
Nalaglag ang panga na Simon sa sinabi ko. May kung anong kumurot sa puso ko sa mga salitang binitawan ko. But I needed to. I want him to know na wala siyang mapapala sa akin.
"You're so heartless and cruel, love." Mapait siyang ngumiti. " Just give me some time and I'll be gone."
Hindi ko alam kung bakit iba ang nadama ko. His expression is full of hurt and sorrow. Am I heartless? Cruel? I'm just telling the truth. Naglapag ng pera si Simon at binitawan ang frappe na hawak niya.
"I'm not just inlove with you, Maggie. I'm obsessed, and you can't stop my feelings coz' it's not part of the deal."