Chapter 12: Kunwari
After our deal. I fixed my things. Umuwi din si Simon sa kanila to get his things too. Medyo hindi ko pa nga alam kung ano ang gagawin ko or dadalin ko. I forgot to asked him kung saan ang bakasyon na sinasabi niya. To be sure, Nagdala ako ng damit na pwede sa init, sa tubig, sa lamig or kahit saan pa kami pumunta. Ayoko naman tawagan siya at baka sabihin niya na masyado akong excited.
"Margaret! nandito na si Simon!" Sigaw ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. I sighed. Hindi naman siguro magagalit si Glen diba? Tsaka malamang nasa byahe pa 'yon. Besides, we had a deal. After this, Simon will get out of our way.
Pagkalabas ko ng kwarto ay malaking ngiti ni mommy ang bumungad sa akin."Take care, Margaret. And enjoy too." Humalik si mommy sa pisngi ko kaya hindi ko mapigilan mapa irap ng lihim. Pakiramdam ko talaga ay binebenta nila ako kay Simon.
Mag aalas sais na ng gabi. Paglabas ko sa gate at naabutan ko si Simon na nakahalukipkip sa bagong sasakyan niya. Hindi ko pa nga pinahalata na nagulat ako. He got a Range Rover. Aksayado talaga 'to sa pera. Bawat hakbang ko ay napapalunok ako. Lalo na ng umayos ng tayo si Simon at seryoso akong tinignan. Fuck! Ayan na naman ang panglalambot ng tuhod ko sa presensya niya.
"Seems like you prepared yourself too much." Tinaasan ako ng isang kilay ni Simon at tinignan mula ulo hanggang paa. Nanlaki pa nga ang mga mata ko eh, pakiramdam ko ay namula pa ang pisngi ko. Feelingero talaga!
"E-excuse me-- palagi naman akong prepared ah?!" Masungit na sabi ko. Bahagyang humalakhak si Simon kaya naghurumentado na naman ang puso ko. Sigurado ba talaga ako na sasama ako sa kanya? I mean-- dedemonyohin lang ako nito eh.
"I know, mas maganda ka lang ngaun." Tinagilid niya ang ulo niya para tignan ako mabuti ng bigla akong tumalikod papasok ng sasakyan. Nang makaupo ako ay bigla akong napahawak sa dibdib ko. I felt my cheeks heated up. At nakakainis dahil lihim akong napangiti!
Tahimik ang byahe namin dalawa. Naglaro na nga lang ako sa cellphone ko ng Zombie Tsunami. Nakakailang kasi ang katahimikan. Minsan ramdam ko pa na pasulyap sulyap si Simon, kapag nga nalalaglag ang kumpol ng Zombie ko ay humahalakhak siya. Like, the eff!?
"Are you hungry?" Malamig na utas ni Simon. Pasimple pa din ako naglaro sa cellphone ko kahit nagkakalaglagan lang naman ang Zombie's ko. Ugh! Kinabahan kasi ako. Simon's voice really intimidates me, or--- basta!
"Not really." Salita ko pero hindi ko pa din siya tinitignan. I just heard him sighed.
Nang nainip na ako sa paglalaro ay tinuon ko ang mga mata ko sa kalsada. Medyo gabi na din, pero nakakatuwang panuorin ang ilaw na nagmumula sa mga sasakyan.
I sighed. Hindi ko matiis na hindi tanungin si Simon kung saan kami pupunta. Napatingin ako sa kanya kaya naabutan ko siyang tamad na nakahawak sa manibela habang nilalaro ng mga daliri niya ang kanyang labi na paboritong ginagawa niya. Oh shit! Lumunok ako bigla. I really like when he's doing that. Para kasing ang bait bait niya, idadagdag mo pa na ang lakas talaga ng dating niya.
"Where are we going?" Pinilit kong magsalita. Alam ko naman kasi na alam niya na nakatitig ako sa kanya. And I fucking hate him for smiling time to time.
"Bulacan." Tipid na sagot niya. Hindi mo pa din makakaila ang mga ngiti sa labi niya. Bulacan? My gosh! Ang dami kong dalang damit! Dito lang pala kami magbabakasyon.
Halos magtatatlong oras kaming nasa byahe ng magising ako. Medyo napagod kasi ako sa maghapon kanina. Pag kamulat ng mata ko ay may bumungad sa akin na malaking kalabaw na statwa at madaming ilaw dahil sa iba't ibang kainan.
I yawned."San na tayo?" Tanong ko kay Simon na diretso lang ang mata sa daan.
"Pulilan."tipid na sagot niya.
"San ba tayo?" Sagot ko.
Dumiretso si Simon sa highway. Bumungad sa akin ang iba't ibang kulay ng parol na madaming ilaw. Ang ganda! Oo nga pala, ber months na ngaun. Mangha akong nakatanaw sa iba't ibang tindahan ng parol. Sa itsura ng lugar ay parang di naman kami umalis sa lungsod.
"Almost at our destination, love. Baliuag tayo." Bumilis ang patakbo ni Simon. May tumatawag pa nga cellphone niya pero hindi niya ito pinapansin.
Sa daan madaming stablishment na parang nasa lungsod kami. Nang makarating kami sa Baliuag mismo ay mas namangha ako. Lumiko si Simon sa isang subdivision na mukhang exclusibo.
Nakaramdam ako ng excitement. Tumigil si Simon ng parahin siya ng guard ng Waterwoods. May kung anong binulong si Simon kaya pinatuloy kami ng guard. Nang malibo't namin ang loob ay lalo akong namangha sa mga nag gagandahan at naglalakihang bahay. Hindi kasi nalalayo ang itsura nito sa subdivision namin sa lungsod. Malalaki ang mga bahay dito at masasabi mo na may kaya sa buhay ang mga nakatira dito.
Nang huminto ang sasakyan ni Simon sa isang malaking bahay ay napakunot ang noo ko. Nasa labas kasi ng gate si Luther at Sasha. What the?
"We're here." Pagod na salita ni Simon. Napatingin pa nga ako sa kanya ng hilutin niya ang bridge ng ilong niya.
Nalilito ako. Kanino bang bahay ito? Why Luther and Sasha's here too? Hindi naman sa ayaw ko na nandito sila. Nagtataka lang ako.
Napansin siguro ni Simon ang pagtataka ko kaya siya na ang sumagot sa tanong ko. " this is Luther's house." Binuksan niya ang pinto sa side niya at lumabas. Tumango ako at ganon din ang ginawa ko. I was about to open my door when Simon did it for me.
Awkward.
Ngumiti ako sa kanya."thank you," lumabas ako tsaka sinara ni Simon ang sasakyan.
"Kyaaaa! My goodness! Siiiimooonnn!!" Bungad na tili ni Sasha. God, ang ingay niya! Natawa ng bahagya si Luther. Si Simon naman ay hindi ito pinansin. Tila ba sanay sanay na sa kaingayan ni Sasha. Umirap ako. Ayan na naman ang iritasyon na nadadama ko.
Inakbayan ako ni Simon kaya napangsinghap ako. "You okay, love?" Bulong niya sa akin kaya naman nagtayuan lahat ng balahibo ko. Simon's voice sents me shiver, fear, thrilled and excitement. Gosh! Nababaliw na talaga ako. Kalma, Maggie! For fuck sake. You're doing this to get rid of him okay?
Nagfist bumped sila Simon at Luther. Naalis lang ang kamay ni Simon sa balikat ko ng bigla siyang lundagin ng yakap ni Sasha. Napanganga pa nga ako dahil halos matumba sila ni Simon.
"Could you please act like a woman, Sasha?" Napatingin ako kay Luther na mukhang iritable ang mukha.
"Pake mo ba?" Sagot ni Sasha. Malamig ang mga mata ni Simon habang nakatingin kay Sasha na parang tanga na nakangiti sa kanya. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Sasha sa kanya pero ayaw bumitaw ni Sasha. Nag igting ang kanyang panga at nagpakawala ng isang mura.
"Fuck the hell off." Matigas na ingles ni Simon na tila ba nagdala kay Sasha sa katinuan. Napanguso si Sasha at bahagyang humiwalay sa kanya. I don't know kung bakit napangiti ako. Ang sungit ni Simon.
"Why is she with you?" Iritadong bulong niya kay Luther. Nagkibit balikat si Luther at bahagyang natawa.
"Hindrance, dude." Natatawang bulong niya. Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Simon na nagpahagalpak ng tawa kay Luther.
"Fuck you!" Naiiling na sagot ni Simon kay Luther. Natawa ulit si Luther.
"C'mon Simon, you enjoyed the ride, tho." Makabuluhan ngisi ang binigay ni Luther kay Simon.
Tumaas ang sulok ng labi ni Simon at pumameywang sa harap ni Luther. "Very much,"
Kinabahan ako bigla ng sabay sila tumingin sa akin. Oh Shit! Napaiwas ako ng tingin. Adik talaga 'tong dalawa na 'to.
Akala ko papasok na kami sa bahay nila Luther pero nagkamali ako. Pinatunog niya ang sasakyan niya kaya napakunot ang noo ko. San na naman kami pupunta? Diba pwede magpahinga muna?
"Are we not going to eat?" Bulong ko kay Simon. Nagulat pa nga ako ng hilahin niya ang kamay ko tsaka pinapasok sa backseat ng sasakyan ni Luther. "We will," malambing na sabi niya tsaka tumabi sa akin sa likod.
"Simon, patabi seyo!!" Matinis na boses ni Sasha. Mabilis na isinara ni Simon ang pinto kaya hindi nakapasok si Sasha.
"Get in, baliw!" Sigaw ni Luther kay Sasha. Walang nagawa si Sasha kundi sumakay sa frontseat katabi ni Luther.
"Where to eat?" Salita ni Luther. Hindi ako makakibo. Masyado kasi kaming magkadikit ni Simon kaya pakiramdam ko ay nawala ako sa ulirat. Lalo pa akong kinabahan ng dinantay ni Simon ang ulo niya sa balikat ko.
"Anywhere will do." Sagot ni Simon. Kita ko ang pagngisi ni Luther sa rear mirror.
"Alright." Luther said happily.
Nagsimula nang magmaneho si Luther. Ang ganda ng place. Para ka din nasa city. Pag labas ng subdivision nila ay bumungad ang St. Augustine Square. Diniretso ni Luther ang pagmamaneho. Nakatingin lang ako sa labas at di makakibo. Nakapatong pa din kasi ang ulo ni Simon sa balikat ko habang nakapikit ang mga mata niya.
"Oh. Shit! may SM!" Halos mabingi ako ng sumigaw na naman si Sasha. Ngaun lang ba siya nakakita ng SM? Napangiti ako ng dumaan kami sa SM city Baliuag. I told yah, the place looks like the city.
"The hell, Sasha!? Pwede ka bang magsalita ng normal?" Iritableng sabi ni Luther. Umirap lang si Sasha sa kanya.
Patuloy ang pagdadrive ni Luther. I'm enjoying the place. Lumingon si Sasha sa gawi namin kaya bahagya kong naitulak si Simon.
"How's Glen?" Malumanay na salita ni Sasha which gave me creeps. Nakakapanibago pala kapag normal lang na nagsalita si Sasha.
"On his way to US." Sagot ko. Napatingin pa nga ako kay Simon ng may ibulong ito na hindi ko naman maintindihan.
"I see." Bumalik ang tingin ni Sasha sa harap at tumahimik bigla, which made me feel bothered. I almost forgot Glen! Ugh!
"Where are we?" Malamig na salita ni Simon kay Luther.
"Bayan." Simpleng sagot ni Luther. Nagpark nga siya sa may Mcdo. Paglabas namin ng sasakayan ay nag inat pa ako. Si Simon naman ay nakabusangot ang mukha na nakatingin sa lugar. The place was good. May malaking tower clock sa gitna ng circle na nag iiba iba ang kulay. Mayroon ding night market sa gilid. At mayroon din kainan ng street food at kung ano ano pa.
"What are we doing here?" Kumunot ang noo ni Simon. Si Sasha naman ay apura ang selfie habang iritang irita si Luther sa kanya.
Naglakad kami sa gilid. Ang daming tao kapag gabi. May nag titinda ng ihaw- ihaw, kwek-kwek, yung itlog na kulay orange, yung chichow at kung ano ano pa. I tried those. Sinama na kasi ako ng kambal minsan.
"What are we doing here?" Pag ulit niya. Sa itsura palang ni Simon ay di mo alam kung nandidiri siya or ano. Medyo natawa pa nga ako.
"We'll eat here." Walang abog na sabi ni Luther. Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Simon. "Are you fucking serious, Luther Jameson?" Singhal ni Simon. "You think, I'll let Maggie eat that fucking fried chick?" Singhal ulit niya. Hindi ko na napigilan na hindi matawa. Diring diri kasi ang itsura ni Simon.
"That's one day old, not fried chick." Sagot ko habang natatawa. Napatingin sa akin si Luther at Simon. Si Sasha naman ay nagpipicture na naman ng mga pagkain.
"You knew that?" Gulat na gulat na tanong ni Simon. I nodded. " I've tasted that. Kasama ko ang kambal." Sagot ko.
Hindi pa din mawala ang pangdidiri sa mukha ni Simon kaya umirap ako. Certified rich kid!
Umorder ako ng mga pagkain at ganon din si Luther. Mayroon kasing mga table sa gilid kung saan pwede kayong umupo. Yung usok ng inihaw ay gumawi sa amin kaya naman lalong nairita si Simon, vain talaga!
"What the hell is this?" Hawak ni Sasha ang stick ng isaw habang parang tangang pinagmamasdan ito.
"Chicken intestine." Sagot ni Luther tsaka sumubo ng isa. Parehong napangiwi si Sasha at Simon. Umirap ako bigla! Ang arte nila.
"Kumain na kayo, try these. Para maging tao naman kayo." Sumubo ulit si Luther ng isaw. "Mamaya dun tayo sa park, may bibingka at puto bungbong don." Pahabol niya. Nakaramdam ako ng excitement. I'm starting to love Baliuag.
"You are disgusting, Luther." Nakangiwi si Simon sa kanya. Nagsimula akong kumain. Binabad ko muna sa suka ang one day old chick. Honestly, it looks creepy talaga. But when you tasted it? God! Masarap siya.
"I can't believe you're eating that thing." Bulong sa akin ni Simon. Titig na titig pala siya sa akin. My goodness! Sa sobrang gutom ko ay di ko na napansin ang poise ko. And it's not the usual thing we eat, kaya nasabik ako.
Umorder nalang si Sasha sa Mcdo kaya umalis sila ni Luther. Medyo nailang na talaga ako dahil kay Simon.
"Try mo kaya." Alok ko sa kanya. Mabilis pa sa alas kwatro na umiling si Simon." Over my dead body." Masungit na sabi niya.
Napatingin pa nga ako sa mga kababaihan sa gilid na halos mangisay na habang nakatingin kay Simon. I rolled my eyes.
Tinusok ko ng stick ang isang day old at inarko na isusubo kay Simon. I saw him froze for a moment na parang gulat sa inakto ko. And me? I was stunned too. Oh Maggie! Ano ba yang ginagawa mo?
Ibaba ko na sana ang stick ng hawakan ni Simon ang kamay ko. I got froze too. Titig na titig siya sa akin. Ngumisi si Simon tsaka pumikit at mabilis na isinubo ang day old na hawak ko. My heart skipped. Simon still holding my hand. I can't even look at him dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Can you l-let my h-hand free?" Halos magkandautal utal ako. He didn't move. Nakakalunod ang paninitig niya sa akin.
"Give me a moment, I just want to feel the feeling."
"Huh?" Sagot ko.
Huminga siya ng malalim. "Gusto ko lang madama yung pakiramdam na kunwari ako yung mahal mo."