Chapter 8: Peace Offering

Pearl's Pov

"Hi Xander...." Bati ko kay Xander tsaka umupo sa harap niya.

"Uy, ang tagal mo naman yata? May ginawa ka?" Tanong niya naman sa akin. Habang kumakain ng fries.

"Wala... pahingi..." I replied to him.

"Gutom ka na?" Tanong niya ulit sa akin.

"Oo, hindi pa kasi ako kumakain ng lunch..." Sabay dampot na naman sa kinakain niyang fries.

Hindi na talaga ako nahihiya kay Xander. Biruin mo, two days pa lang kaming magkakilala tapos close na agad kami. That's what you called, stranger turns into close friend.

"Ginutom yata kayo ni Dwight." Naka-ngising sabi niya.

"Huh?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Nag-paalam ang lokong 'yon sa akin kanina na mag-i-stay daw siya sa room ninyo kasi wala daw kayong prof. Pinagod niya ba kayo? Loko talaga ang lalaking 'yon." Sabi niya habang umiiling-iling pa.

Loko naman talaga siya, tignan mo nga oh, pinangakuan niya ako kanina na mag-lunch kami together, tapos hindi rin naman pala. G'wapong sinungaling nga naman.

"Hindi naman, wala nga siyang ginawa sa room eh. Naka-upo lang tapos nakatunganga."

Wala siyang ginawa nang ilang oras, ano nga ba ang p'wedeng itawag mo sa kaniya? Eh 'di nakatunganga.

G'wapong nakatunganga...

"Marami nga daw nagtataka eh, kung bakit pumunta siya sa room ninyo. Kasi hindi pa nga daw niya ginagawa 'yon sa tanang buhay niya. Tapos iniisip pa ng ibang estudyante na baka daw may pinopormahan si Dwight sa room niyo. May ideya ka ba kung sino? O baka naman ikaw?" May parte sa mukha ni Xander na napa-ngiti siya ng may pagka-bitter.

"Uy, hindi ah, as if naman na magugustuhan ako no'n 'no, oo gusto ko siya pero ang problema'y hindi niya ako gusto..." Ngumiti siya ng matamis bago pisilin ang magkabilang pisngi ko.

"A-aray naman Xander, ang sakit kaya..." Reklamo ko sa kaniya habang naka-hawak sa magkabilang pisngi ko na parang namumula na yata.

"Ang cute cute naman ng magandang Pearl ko, nasaan pala 'yong mga kaibigan mo?"

"Ewan, baka nag-fashionista na naman sila, 'yon naman hilig nila eh...."

Akmang aabutin na naman niya ang mga pisngi ko, kaso nailayo ko na 'yon sa kaniya.

"Ahy, bakit hindi ka sumama sa kanila? Sayang ang ganda mo Pearl, rapat mag-ayos ka, mag-make up...."

"Tss, hindi ko naman ugali na mag-make up, natural lang akong tao kaya hindi ko na kailangan ng make up make up na 'yan..." Napa-ngisi naman siya.

"Ang cute cute talaga oh..." Wala na, naabot na naman niya ang pisngi ko. Feel ko parang kamatis na 'yon dahil sa sobrang pula.

"Huhu naman Xander, ang sakit sakit na ng pisngi ko..."

Humahalakhak lang siya. Kalog rin talaga ang lalaking 'to. Kaya ang saya niyang kasama eh.

"Miss Samonte, tara na..." Boses ni Dwight na nasa likod ko na pala.

Napabitaw naman si Xander na kanina pang naka-hawak sa aking pisngi ang kaniyang mga kamay.

"Ah, eh, akala ko ba hindi na matutuloy?" Tanong ko sa kaniya, pero nanatili lang akong naka-talikod.

"Tatayo ka ba riyan o hindi?" Ma-awtoridad na tanong niya.

Kaya tumayo naman agad ako tsaka hinarap si Xander.

"Xander, maiwan na muna kita ah, may pag-uusapan lang kaming mahalaga."

"Pearl, saan kayo pupunta? Sama niyo na ako..." Sabi ni Xander na parang nagtataka.

"No way, maiwan ka na rito, Miss Samonte, let's go!" Wala na. Wala na akong nagawa kung 'di ang sumama sa isang 'to.

Kala mo naman hindi ako babae. Grabe kung makahatak.

Nagpumilit pa si Xander kaso ayaw talaga ni President Cheon na isama si Xander, kawawa naman ang isang 'yon, mag-isa na naman tuloy sa cafeteria.

Napansin ko na naglalakad na kami sa may parking lot kaya nagtaka ako kung bakit narito kami.

"Ahm, President Cheon, akala ko ba mag-la-lunch lang tayo? Eh bakit narito tayo ngayon sa parking lot?"

Tumingin siya sa akin habang naka-poker face.

"First of all, don't call me, President Cheon, second, you think mag-la-lunch tayo sa cafeteria na 'yon? Wala kayang masarap na pagkain roon, and anong tingin mo sa akin, walang pera?" Sabi niya with matching irap pa. Bakla yata ang isang 'to eh.

Kung 'di lang kita crush, nasabunutan na kita riyan eh.

Nag-tanong lang naman ako, ang dami na agad sinabi tapos puro kayabangan pa. At akala ko ba hindi niya gusto na tinatawag siyang Dwight. Hay ang gulo naman ng lalaking 'to, kasing-gulo ng buhok niyang medyo kulot.

"Oo na, pero, iyon ang sabi mo sa room kanina 'di ba, na magmumukha kaming walang manners kapag tinawag ka namin sa first name mo..."

"Never mind, basta huwag mo na ulit akong tatawagin ng President Cheon, or else makakatikim ka sakin na babae ka."

Sabi niya habang naka-poker face pa rin as usual.

Galit galitan, malapit na kaya ang klase ko. Malilintikan ako nito baka malaman pa ni Mommy na nag-ditch ako ng class.

Buong byahe ay tahimik lang kaming pareho. Hindi rin naman siya kumikibo kaya bakit ko siya kikibuin, aba'y dapat lang na magpa-kipot ako sa kaniya 'no.

Hindi naman ako easy to get na babae!

"Good afternoon Sir. Kahapon pa po namin kayo hinihintay, naghihintay lang po kami sa inyo kung i-ca-cancel niyo po ba ang reservation o hindi."

Tumingin si Dwight ng makahulugang tingin sa babae. Baka naman type niya, feeling ko tuloy, nagtataksil siya sa akin kahit wala namang kami.

"Can you just shut up your fvcking mouth!" Hala, akala ko pa naman type niya, bakit niya pinagalitan? Bumabati lang naman eh.

Mainitin talaga ang ulo ng isang 'to.

"I am so sorry Mr. Cheon, pasok na po kayo..." Mukhang maiiyak na 'yong babae dahil sa ginawa ni Dwight.

Parang gangster talaga ang lalaking 'to. Miyembro kaya siya ng gang?

Nang makarating na kami sa table ay agad na pinagsilbihan kami ng mga waiter. Anong klaseng restaurant 'to? Hindi mo na kasi kailangan na mamili ng kakainin mo dahil sila na mismo ang naghahanda ng pagkain sa hapag.

Hindi naman na bago sa akin na kumain sa mamahaling restaurant kasi madalas naman na kumain kami ni Mommy sa labas kapag may free time siya.

Nag-simula na kaming kumain, pero hindi ko talaga mawari kung bakit niya ako niyaya rito. Buong akala ko talaga sa cafeteria lang kami kakain.

"Mukhang ang saya mo talaga kapag si Xander ang kasama mo..." Wika niya kaya napa-tingin ako sa kaniya.

Ewan pero parang gumaan ang pakiramdam ko ng medyo umangat ang kaniyang itaas na labi at hindi na mukhang galit ang kaniyang hitsura ngayon.

"Ah, oo, medyo hindi naman siya boring kasama." Sagot ko naman sa kaniya habang pinupunasan ang gilid ng labi ko gamit ang tissue paper.

"Eh ako ba, boring kasama?" Biglaan niyang tanong habang naka-tingin ng diretso sa akin.

Napansin siguro niya na naiilang ako kaya umiwas siya ng tingin.

"Never mind, by the way, huwag kang mag-assume, niyaya lang kitang mag-lunch dahil gusto ko lang mag-sorry tungkol sa nangyari."

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Alam naman pala niya kung ano ang salitang sorry.

Hindi man niya sabihin kung tungkol saan ang pag-so-sorry niya'y alam ko na, iyon ay tungkol sa napag-usapan namin ang walanjo kong ama noong kumain kami ng street foods kasama si Xander.

"I am sorry kung nasaktan ko ang ego mo dahil lang sa pag-ngisi ko, hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadya na asarin ka, without knowing na may pinagdaraanan ka pala sa Dad mo..." Seryoso niyang sabi at mukha naman siyang sincere.

"Okay lang, past is past, pero thank you ah, alam mo naman pala kung paano ang mag-sorry."

Hindi ko 'to in-expect, grabe lang, si Dwight ba talaga ang kaharap ko ngayon? Pero aaminin ko, na touch ako sobra, tsaka na-appreciate ko rin sobra.

"By the way, this is just a peace offering, don't assume, mag-c-cr lang ako, i'll be back afterwards."

Hindi ko napigilan na hindi mapa-ngiti. Tama ba na mas lalo pa akong ma-inlove sa kaniya?