Chapter 7: Prince Charming

Pearl's Pov

Lunch break na, lumabas na ako kanina agad sa room dahil ayoko na ma-expose sa lalaking 'yon, ang rami niyang ginawa sa room. As in, umupo lang naman siya buong oras tsaka wala na.

Tapos ang isa pang nakaka-inis, hindi naman yata siya seryoso tungkol sa lunch na sinasabi niya kaninang umaga. Baka nag-pe-play time lang ang lokong 'yon.

Dumiretso na lang ako sa cafeteria at nakita si Xander na mag-isang kumakain.

Lalapit na sana ako sa kaniya kaso may dalawang babae na humarang sa harap ko na naging dahilan ng pag-hinto ko sa aking paglalakad.

Hindi ko naman sila kilala, pero kung makaharang sa dinaraanan ko, akala mo, close kami. Ghad, sila na kaya mga kontrabida sa buhay ko? Kagaya nang mga napapanood ko sa TV rati? Sana naman wala silang gawin na masama sa akin.

"Ah, excuse me! Makikiraan po ako!" Wika ko sa kanila kaso tinabig nila ako kaya napaupo ako sa sahig.

Buti na lang talaga, na-co-control ko pa ang sarili ko, dahil kapag nagkataon na hindi ako nakapag-pigil, babasagin ko talaga ang nguso ng dalawang babaeng 'to.

Tumingala ako para makita ko sila ng maayos.

Parang nakita ko na ang dalawang 'to noon. Tama, sila nga iyong mga babae na malakas ang ilusyon kay Dwight, i mean kay President Cheon. Ayaw nga pala niyang natatawag siya sa kaniyang first name kasi magmumukha kang walang manners kapag ginawa mo iyon.

"Ano bang problema niyo? Wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah. Mga baliw ba kayo?" I'd loss my temper. Papatulan ko na talaga ang mga epal na 'to. Tumayo ako para mapantayan ko sila.

Kung noong first year high school kami, binu-bully lang nila ako, pwes ngayon hindi ko na kaya pang tumahimik, kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi naman yata iyon masama sa batas ng tao at sa mata ng diyos. I am just protecting myself against this two bitches.

"May, nakapag-sabi lang naman kasi sa amin na nilalandi mo daw si Dwight, now Miss, can you tell us kung totoo lahat ng 'yon?" Sabi nang isa sa kanila.

Neknek niya 'no, ano siya pulis para magpaliwanag ako sa kaniya? Saan siya nakakuha ng swerte niya? No way!

"I have no time to explain kasi wala naman talaga akong ipapaliwanag..." Matapang na sabi ko sa kanila.

Ginaganito nila ako dahil lang sa isang lalaki? Ghad, insane!

"Aba, ang tigas ng mukha ng babaeng 'to ah, alam mo ba na wala pang estudyante na kumalaban sa amin? Huh?" Sabi pa nang isa. Habang nakataas ang isang kilay niya.

"Well ngayon meron na, at ako 'yon, hindi ko hahayaan na gawin ninyo kung ano ang ginugusto ninyong gawin."

Matigas na sabi ko sa kanila. With matching irap pa.

Hindi ko alam pero hindi naman ako lumalaban rati, hindi ako umiimik at lalo nang takot akong lumaban, siguro nga, pinatapang ako nang mga tao na nang-aapi sa akin rati.

"Tama na, hindi ko na kaya..." Umiiyak na sabi ko sa isang babae na naka-hawak sa buhok ko... feeling ko, matatanggal na ang anit ko dahil sa mahigpit na sabunot sa akin ng babaeng 'to. Wala naman akong kasalanan sa kanila, hindi ko rin alam kung bakit nila ginagawa ito sa akin. I have no idea.

"Anong tama na? Kulang pa nga 'yan eh, hindi mo ba alam na nabagsak ako kasi hindi mo ako pinakopya? Huh? Ngayon, pagbabayaran mo lahat ng 'yon..." Malakas na sigaw sa akin ng babaeng kaharap ko.

"Hindi lang naman kita napa-kopyahan kasi naka-tingin si Ma'am sa atin, hindi ko naman siguro kasalanan na hindi ka nag-aral ng mabuti..." Sagot ko sa kaniya.

Anim kami na narito sa isang abandonadong room, grade seven pa lang ako pero nakakaranas na ako ng matinding pam-bu-bully.

Dahil lang sa hindi ko sila napa-kopyahan, ginagawa nila 'to sa akin. Eh kung gawin ko rin kaya sa kanila 'to, ano kaya ang mararamdaman nila? Well, masasaktan rin sila, kagaya nang nararamdaman ko ngayon, mga tamad kasing mag-aral eh.

"Aba, sumasagot pa..." Sabi nang isa sa kanila.

"Puruhan mo na kaya 'yan..."

"Oo nga, bagsak tayo sa exam dahil sa kaniya..."

"Kasalanan niyang lahat ng 'to..."

Lahat nang iyan ay naririnig ko sa kanila. Kung nandito lang sana sila Whiskey at Bianca, ipagtatanggol ako nang mga 'yon.

Pero, hindi ko naman pwedeng iasa ang lahat sa kanila. Hindi sila forever na mananatili sa tabi ko. Kailangan kong lumaban for Pete's sake.

Sinubukan kong tumayo at lumaban kaso nahawakan ako nang dalawa sa kanila. Hinawakan nila ang braso ko at iniharap sa babae na kanina pang nananakit sa akin.

Pinagsasampal ako nang tatlo sa kanila samantalang iyong dalawa naman ay hindi ako binitawan hangga't sa manlambot ang mga tuhod ko.

This time, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nag-dasal ako at ipinikit ang aking mga mata.... naririnig ko pa rin ang malalakas nilang tawa at kasabay nang sunod sunod na sampal na kanina pa dumadampo sa magkabilang pisngi ko.

Hindi ko talaga maipaliwanag ang mga nangyayari ngayon, bakit ba may mga ganitong tao? Bakit ba may mga tao na nananakit kapag hindi sila napagbigyan sa kagustuhan nila?

Wala akong ibang ginawa kung 'di ang umiyak. Ang sakit na nang magkabila kong pisngi. Ghad, it's hurts! Feeling ko namanhid na ang dalawa kong pisngi.

Nanatiling naka-pikit ang aking mga mata.... hinihintay ko kung may dumapo pa ulit sa aking mga pisngi kaso wala. Wala nang palad pa ang dumapo sa aking mga pisngi.

"Close your eyes Miss. Hindi ko hahayaan na gawin nila sayo 'to, i am here to protect you!" Boses nang lalaki na hindi ko mawari kung sino.

Sandali kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang lalaking naka-talikod sa akin at nakikipag-sapakan sa tatlong lalaki na kasama noong dalawang babae kanina. Sa tantsa ko, mukhang mas matanda siya sa akin nang dalawang taon. Siguro nasa third year high school na ang lalaking tumutulong sa akin ngayon.

Bago bumagsak ang talukap nang aking mga mata'y nakita ko ang kaniyang pag-ngiti, kaso malabo iyon kasi sa mga pagkakataong iyon ay namumuo na ang mga luha ng aking mga mata.

Kinabukasan ay nag-tanong tanong ako sa mga tao sa school kung kilala ba nila ang lalaking tumulong sa akin, kaso isa lang ang sagot nila sa akin, 'Hindi'.

Kasaba'y no'n hindi ko na rin nakita ang pulseras na aking suot suot noong mga oras na iyon. Siguro may naka-hanap na no'n, o baka naman nakuha nang lalaki na tumulong sa akin. Baka dumating ang araw na makita ko ang pulseras na iyon at siya pang maging susi para mahanap ko ang aking prince charming.

Hanggang ngayo'y misteryoso pa rin ang lalaki na iyon para sa akin. Sana dumating ang panahon na makapag-pasalamat ako sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagli-ligtas sa akin.

Natahimik sila sa sinabi ko.

"Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo, tatlo kami rapat pero may hinihintay pa kaming isa at kapag nakilala mo siya hindi mo magugustuhan ang gagawin niya sayo kapag nalaman niya ang mga ginagawa mo sa amin ngayon..." Mahabang paliwanag ng isa.

"Kahit sino pa siya, hindi ako natatakot, kahit na kanino niyo pa ako iharap, wala na akong kinatatakutan ngayon. Ngayon pa ba? Ngayon pa ba na naaalala ko na naman ang nangyari three years ago..." Napapa-ngisi kong sabi sa kanila.

Siguro kung may salamin lang ngayon sa harap ko, malamang sa malamang hindi ko na makikilala ang aking sarili.

"Anong sinasabi mo?" Tanong naman nang isa.

"Nevermind. Tabi bitch!" Nilagpasan ko sila nang walang pasubali.

Kahit na kanino pa nila ako iharap, hindi ako natatakot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na naaalala ko na ang lahat. Rati kasi'y hindi ko maalala ang mga nangyari three years ago, para akong nagkaroon nang amnesia. Pero kanina nang naka-harap ko ang mga bitch na iyon, biglaan ko na lang naalala ang lahat. Bigla na lang nag-flashback. At ngayon, lalaban na ako kahit na si Satanas pa ang umapi sa akin.

Hindi na ako natatakot! Mga bully ang rapat sisihin kung bakit nag-bago ang mahinhin na si Pearl. Pero hindi pa rin ako nagbabago, ako pa rin si Pearl na baliw kay President Cheon.