Chapter 9: Pretending
"Hi Miss Beautiful, p'wede ba makiupo?" Since wala pa si Dwight, wala akong kasama rito sa table namin kaya may lumapit na isang lalaki.
"Nope, may kasama ako eh. Hanap ka na lang ng ibang table, baka magalit kasi 'yon eh." Paliwanag ko sa lalaking naka-harap sa akin.
Mabuti na lang at wala pa si Dwight rito. Kasi kapag nagkataon na narito siya, baka masapak pa niya ang lalaking 'to.
"Hindi magagalit 'yon..." Wika niya kasabay ng pagtikhim ni Dwight na palapit na sa akin.
"What the fvck! Who the hell are told you na p'wede mong kausapin ang girlfriend ko?" Napatayo ako nang marinig ko 'yon kay Dwight. Mukhang may mangyayaring kaguluhan kaya kailangan ko ng mag-handa.
"Wala ka na roon. Hindi ka naman niya boyfriend eh," Bumaling ang tingin sa akin ng lalaking 'yon. "'Di ba Miss beautiful?" Dagdag niya pa.
Hay, hindi ba talaga sila titigil? Ghad, pinagtitinginan na kaya kami ng mga tao. Bulag ba sila kaya hindi nila makita 'yon?
"At sino naman ang dumbass na nagsabi sayo niyan? Napaka-tanga naman niya para sabihin niya 'yon sayo at mas lalo kang tanga kasi naniwala ka sa kaniya.
Gulat akong napa-tingin kay Dwight nang hapitin niya ako palapit sa kaniya at ipinulupot niya ang kaniyang kanang kamay sa baywang ko.
"Dwight? Ano ba ang ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya ng makahulugan sa akin.
"Oh, 'di ba nagrereklamo lang si Miss beautiful. Isa lang ang ibig-sabihin niyan, nagpapanggap ka lang bilang boyfriend niya." At sasagot pa kasi eh, ba't ba kasi hindi na lang siya umalis at iwan na kami ni Dwight. Baka mamaya pa'y magkaroon ng ramble rito sa restaurant at ako pa ang gawin nilang referee.
"Pwede ba, tumigil na kayo, hindi ba kayo nahihiya? Ang daming tao na naka-tingin sa atin. Ikaw, Mister who ever you are. Umalis ka na lang, ayaw namin ng gulo..." Pakiusap ko sa lalaking kasagutan ni Dwight kaso hindi siya nag-patinag.
"No way, hindi ako aalis hangga't hindi ko nakukuha ang number mo..."
Namilog naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ng lalaking 'to. Baliw na yata eh.
"Ok fine..." Sagot ko sa kaniya kaya nakuha ko ang atensyon ni Dwight na naka-tingin na sa akin ngayon at binibigyan ako ng looks na 'What are you doing?'
"No way, huwag mong ibigay..." Bulong niya sa akin pero sa tantsa ko'y narinig ng kaharap namin kaya napapa-ngisi na ang baliw na lalaking 'to.
"Para nga tumigil na siya, bakit ano ba ang gusto mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi malakasan ang boses ko. Napa-tingin tuloy ang mga tao sa akin. Ang kulit kulit naman kasi ng dalawang 'to.
"Ikaw!" Sagot niya sa akin habang naka-tingin ng diretso sa mga mata ko. 'Di ko alam pero parang kinilig ako ng kaunti lalo na't sinabi niya sa akin 'yon habang naka-tingin sa mga mata ko.
Stop this non-sense Pearl, huwag kang kiligin, kasama lang 'to sa pag-pre-pretend ninyong dalawa.
"Huh?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.
Umiwas ng tingin ang loko at halatang nahiya sa sarili niyang kagagawan.
"I mean, i wanted you to shut up!" Ma-awtoridad na utos niya sa akin.
'Yon lang naman pala ang gustong sabihin eh, pa intense pa, umasa na naman tuloy ako.
Bakit ba hindi ko mapigilan na hindi umasa sa lalaking 'to.
Eh kung sapakin ko na lang kaya ang lalaking nasa harap namin ngayon para matigil na 'to.
Pero hindi p'wede, baka isipin ni Dwight na sadista akong babae, baka mag back off pa sa akin. Wow, para namang nanliligaw lang ang peg.
Ika nga ng linya niya, don't assume!
Bumitaw na rin siya sa pagkakahawak niya sa baywang ko. Okay na rin, mas komportable na ako, nakakailang kasi na medyo nakakakilig.
Umupo ako saglit sa upuan ko kanina at nag-sulat ng numbers, samantalang si Dwight naman ay nanatili lang na nakatayo at tila binabantayan ang lalaki. Mukha ba siyang magnanakaw para bantayan? Pero posible nga naman, now a days, marami ng modus ang mga magnanakaw para lang makagawa ng maling bagay, hindi ba sila naaawa sa sarili nilang dignidad?
Nang matapos na ako sa pag-susulat ay agad na tumayo ako at binigay sa lalaki ang kapiraso ng papel kung saan naka-sulat ang number ko daw kuno.
"Don't do this Miss Samonte!" Parang galit na ang tono ni Dwight ah.
Nag-wink lang ako sa kaniya kaya umiwas naman siya ng tingin at nagkaroon na rin ako ng pagkakataon para ibigay sa baliw na lalaki ang number kuno.
"Thank you Miss beautiful!" Sabi niya saba'y flying kiss pa.
Sinangga naman ni Dwight ang flying kiss ng lalaki kaya hindi nakarating sa akin iyon. Parang baliw lang si Dwight habang nagtatapon sa hangin na wala namang hawak na kung ano. Natawa ako ng mapagtanto na iyong flying kiss pala ng lalaki ang tinatapon niya sa hangin. Grabe, naturingan bilang SSG President pero parang bata kung umasta. May side rin pala si Dwight na ganoon, baby mode on.
Pero matagal naman na siyang baby eh, baby ko! Kyah, kinikilig ako sa lalaking 'to. Hindi ko mapigilan kahit na ano pang gawin kong pagpipigil.
"Bakit mo binigay?" Galit na tanong niya sa akin.
"Sino bang nag-sabi na ibinigay ko ang totoong number ko? Hindi kaya ako stupid 'no." Humalakhak pa ako ng makita ang kaniyang mukhang parang nalugi haha.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain pero may pagkakataon na napapahinto ako kasi panay ang masid niya sa akin.
"Nga pala, late na tayo sa class natin. Ang tagal mo kasi kanina eh." Nag-iba ako ng topic kasi naiilang ako sa mga tingin niya.
O baka naman kasi may dumi sa mukha ko, wah, nakakahiya...
"Wala tayong class stupid, half day lang tayo ngayon... kaya nga niyaya kitang mag lunch para hindi ka sagabal sa oras ko eh. Tsaka may ginawa ako kanina kaya medyo natagalan ako." Grabe sa sagabal ah, nakakatanga. Pero ano naman ang ginawa ng lalaking 'to?
Hindi ko naman siya sinagot kaya nagsalita siyang muli. "What are you doing?" Tanong niya sa akin pero hindi ko pa rin siya sinasagot kasi busy ako sa pagtingin sa aking sarili mula sa salamin na hawak ko.
"Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa akin eh. Baka may dumi na ang mukha ko..."
Nang tignan ko ng mabuti ang aking mukha sa salamin, wala naman ah, wala namang dumi.
"Feeling, hindi ikaw 'yong tinitignan ko. Ayon oh, 'yong babaeng maganda malapit sa atin." Wika niya habang napapa-ngisi pa.
Pftt, maganda na agad? Hindi pa nga niya nakikita ang harap ng babae. Nakatalikod kaya siya 'no.
Hindi na ako sumagot dahil ayoko nang mapahiya muli.
Nang lumabas na kami sa restaurant, dumiretso na kami sa may kotse niya.
Nakatayo lang ako sa may gilid ng kalsada at hinihintay siya na iliko niya ang kaniyang kotse.
"Wahhh," Sigaw ko ng muntikan na akong mahagip ng kotseng humaharurot.
"Hey, okay ka lang ba? May nangyari ba sayo?" Tanong niya habang paulit ulit na tinitignan ang kabuuan ko.
"A-ayos lang a--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil niyakap na niya ako.
Hindi lang basta yakap, kung 'di isang mahigpit na yakap.
Namilog naman ang aking mga mata dahil sa ginawa niyang 'yon.
"Damn that asshole, nag-alala ako sayo ng sobra. Kung nakita ko lang sana ang Tarantadong 'yon babasagin ko ang bungo niya. Swerte niya kasi madilim na at hindi ko nakita ang pagmumukha niya, he's lucky kasi kapag nakita ko 'yon, baka hindi ko alam kung ano ang magawa ko sa kaniya." He whispered. OA pero halata na nag-alala talaga siya sa akin which is na-touch ako.
Siguro nasa dalawang minuto kaming nagyakapan bago ako kumalas.
Ayoko naman umasa kasi baka part lang ito ng pag-pre-pretend niya.
Pero wala naman na rito iyong baliw na lalaki kanina ah. Ang gulo...
Nang nasa loob na kami ng kotse, panay pa rin ang tingin niya sa akin. Umiiwas naman ako ng tingin kapag may pagkakataon na nagtatama ang tingin naming dalawa.
Ghad, nakakailang kaya ang mga tingin ng isang 'to.
"Thank you Dwight, nabusog ako!" Wika ko sa kaniya ng maihatid niya ako sa harap ng gate namin. Medyo madilim na rin ang paligid.
Nakaka-wow pa kasi pinagbuksan niya ako ng pintuan kanina bago ako bumaba which is hindi niya ginawa kanina.
Ang gulo talaga niya.
Ngumiti lang naman siya kaya tumalikod na ako at akmang aalis na.
"Wait..." Pagpigil niya sa akin.
Binigyan ko naman siya ng looks na 'Bakit? Ano na naman?'
"Kung ikaw nabusog, ako naman nag-enjoy." Sabi niya with matching ngiti na halos hindi na makita ang kaniyang mga mata.
I smiled back at him.
"Good night Pearl!" Wika niya bago pumasok ng kotse niya at pinaharurot ito ng mabilis.
Amazing, tinawag niya akong Pearl? At hindi Miss Samonte?!
Wah, mukhang hindi yata ako makakatulog dahil sayo Dwight.
"I love you na talaga!" Sabi ko while walking papasok sa loob ng bahay.