Chapter 66 Day 1 / Part 2

Pearl's Pov

"Bakit ang tagal mo?" tanong ko kay Dwight na magulo pa ang damit at ang kaniyang buhok.

"Fvck, may humabol na naman sa akin." inis niyang sagot sa akin.

Hindi ko alam pero parang kinabahan ako ng bahagya.

"Eh paano kung ulitin na naman nila iyong ginawa nila sa inyo ni Xander? Baka maaksidente na naman kayo nang dahil sa kanila." kunot noo kong tanong.

Narito nga pala kami ngayon sa cafeteria, nag-aalmusal si Dwight kasi hindi pa daw siya kumakain.

"Subukan lang nila, papatayin ko silang lahat!" galit na ani niya bago sumimsim sa kaniyang kape.

Hindi ako natatakot kay Dwight kahit na ganito siya kung mag-salita. Alam ko na alam niyang bawal pumatay nang tao...

"Maiba tayo, ano na nga palang update sa kaso ninyo ni Xander? May lead na ba ang mga pulis?!" ilang araw na rin kasi kaya imposible na wala pang lead ang mga pulis.

"Pina-stop ko ang investigation!" ani niya na nakapagpa-mulagat sa akin.

"Huh? Baliw ka ba? Eh paano natin ngayon malalaman kung sino ang utak nang aksidenteng nangyari?!" nakapatong pa ang dalawa kong kamay sa lamesa kaya bahagya niyang ginalaw ang kaniyang kamay para hawakan ang mga kamay ko.

"Ako na mismo ang hahanap sa kanila. Kilala ko na sila, ayokong madamay ka pa!" aniya at bahagyang pinisil ang aking kamay.

"Sino sila? Pwede mo bang sabihin sa akin?" pag-uusisa ko.

"No, hindi pwede. Huwag ka na pong makulit, mapapahamak ka lang eh!" pinisil niya ang kanang pisngi ko kaya nilayo ko kaagad ang mukha ko sa kaniya.

Inirapan ko na lang siya...

Nakaupo lang ako habang nakatingin sa kaniya, panay lang ang kain niya, may time pa na sinusubuan niya ako kaya napipilitan tuloy akong kainin ang mga pagkain sa kutsara niya kahit na busog pa talaga ako.

"Ate Pearl? President Cheon, congrats po ah. Kayo na po pala, akala po talaga namin hindi na po kayo ang magkakatuluyan!" biglaan na lang lumitaw sa harap namin si Rona.

"Uy, kumusta? Okay ka lang ba?" pangungusmusta ko naman sa kaniya.

"Okay lang po ako Ate..." sagot naman niya.

"In fact, nililigawan ko pa lang siya." aniya tsaka nag-wink sa akin. "Not fair, tinatawag mong Ate si Pearl tapos President Cheon sa akin? Call me Kuya na lang para balanse!" dagdag niya kaya napatingin kami sa kaniya.

"Talaga po? As far as i know, hindi mo po gusto na tinatawag kang Kuya nang sino man!" don't worry Rona, hindi lang ikaw ang may akala niyan.

"Oo nga..." gatong ko naman.

"Noon 'yon, iba na ngayon!" pagtatanggol niya sa kaniyang sarili.

"Kung ganoon, thank you po Kuya Dwight, ninong po kayo ah tapos ninang po si Ate Pearl!" ani pa ni Rona habang naka-ngiti ng malapad.

Parang baby na talaga namin ang batang ito. Bukod kasi sa mas bata kaysa sa amin, napaka-lambing rin niya. Sana lang talaga'y alagaan siya nang magiging ama nang anak niya.

"Oo naman, you don't have to say about that! Alam ko na 'yan rati pa!" wika ni Dwight bago bumalik sa kinakain niya.

Pagkatapos naming tumambay sa cafeteria, nagkahiwalay muna kami ng landas ni Dwight kasi may aasikasuhin ako sa room namin, tapos siya may gagawin raw sa room rin nila, medyo busy kami kasi inaasikaso namin ang booth namin.

"Sure ba kayo na picture booth ang sa atin?" tanong ni Bianca.

"'Yon na ang rating napag-usapan, ba't babaguhin pa?!" tanong naman ni Whiskey.

"Sure ba kayo? Ang cheap huh, kagaya nang isa riyan!" hindi mo na kailangan hulaan kung sinong nag-sabi niyan dahil linyahan pa lang, pang maldita na.

"Pwede ba Jaynie, kung wala kang maitutulong umalis ka na lang sa harap namin?!" sarcastic na sabi ko sa kaniya.

Putak kasi nang putak parang manok, wala namang ambag.

"Masaya ka Pearl? Balita ko kasi nililigawan ka raw ni Dwight. Anong gayuma ang pinainom mo sa kaniya at na-inlove siya sayo?!" naka-cross arm niyang tugon.

"Medyo lang, teka, ano bang pinagsasasabi mong gayuma? Mukha ba akong mangkukulam sa ganda kong 'to?!" tinuro ko pa ang mukha ko.

Hindi ka talaga makakapag-pigil kung nasa harap mo na si Jaynie, sobrang maldita kasi talaga niya. Kahit sinong mahaba ang pasensya, iikli talaga kung siya kausap mo.

"Ow, akala ko lang kasi. May narinig kasi ako na ginayuma mo raw siya. Kaya mo kayang pakinggan kung sasabihin ko sayo kung kanino ko nalaman!" she raised a brow on me kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

Walang ibang magsasabi sa kaniya kung hindi si Xander. Siya lang ang may kaya na sabihin sa pinsan niya ang bagay na iyon. Imposibleng si Kier o sila Bianca at Whiskey kasi inis rin sila sa babaeng 'to.

"Then tell me, sino ang nag-sabi nang fake news na 'yan?!" nag-cross arm na rin ako.

Nanggigigil talaga ako sa babaeng ito, sana'y makapag-pigil ako, dahil kung hindi, masasapak ko talaga siya nang wala sa oras!

"Kung fake news nga, ba't kating kati kang malaman kung sino?!" i let out a heavy sigh, kaunti na lang...

Inhale... Exhale...

"Isa..." pagbibilang ko kaya nag-smirk siya.

"It's Xander, and he betrayed you..." aniya bago ako talikuran, tumawa pa siya nang mahina habang binabangga ang balikat ko.

Bakit naman ganoon?! Akala ko ba mapagkakatiwalaan si Xander? Akala ko ba kaibigan ko siya? Bakit niya naman sinira ang tiwala ko sa kaniya?

Anong rason niya para sabihin kay Jaynie ang secret na tanging ang mga pinagkakatiwalaan ko lang ang nakaka-alam.

Oo alam ko, simpleng bagay lang ang ginawa niya pero nag-promise siya eh. Feeling ko, tinraydor niya ako!

"Best? Huwag ka munang magalit kay Xander, baka eme lang 'yon nang babaeng iyon!" si Whiskey.

"True, kausapin mo muna si Xander bago ka mag-isip nang kung ano ano!" si Bianca naman.

Hindi ko na alam, ramdam ko na may bumagsak na namang luha mula sa akung mga mata.

Iniwan ko muna sila Whiskey roon sa room para sila na muna ang mag-bantay sa booth na nabuo namin kanina, simple lang naman iyon pero maganda naman ang kinalabasan.

Gusto kong huminga...

I don't know how it feels na ma-betray, pero ngayon na nangyari na sa akin, grabe, nakaka-tanga pala sa pakiramdam.

Baliw na mga paa, kusa na lang kasi akong dinala sa room nila Xander.

Agad akong nakilala nang mga classmates niya kaya tinawag nila si Xander. Siguro, madalas rin nila kaming makita na magkasama kaya alam nila na magkaibigan kaming dalawa.

"Napadalaw ka?" iyan lang ang sinambit niya.

Hindi na siya iyong rati na kapag nakikita ako'y tinatawag niya ako na 'Magandang Pearl' Wala na, at hindi ko alam ang dahilan kung bakit biglaan na lang nawala...

"You betray me..." hindi ko na naman mapigilan na hindi maiyak.

"Ano bang sinasabi mo? Huwag ka nang umiyak, nasasaktan ako!" pagpapatahan niya sa akin kaso hindi iyon umubra.

"Akala ko mapagkakatiwalaan kita. Alam ko, na wala ako sa posisyon na magalit pero nangako ka Xander. Nangako ka na hindi mo sasabihin sa iba hangga't hindi pa kami nakakakuha nang lunas!" at this point alam kong gets na niya kung ano ang sinasabi ko.

"Sorry, nadulas ako..." pag-amin niya kaya natawa ako ng mahina.

"Hindi ka nadulas, sinadya mo! Akala mo ba hindi ko napapansin na inilalayo mo ako kay Dwight, ano nga ba ang dahilan Xander at ikaw lang ang natatanging kaibigan ko na hindi ako masuportahan sa gusto kong mangyari..." tumataas na rin ang boses ko. Mabuti na lang at busy ang mga narito sa kanilang ginagawa kaya hindi nila kami pinakikialaman.

"Ayokong mangyari 'to eh. Ba't hindi mo na lang kasi sabihin sa lahat na nagayuma lang siya para siya mismo ang magising sa kahibangan niya. O baka naman kasi nagugustuhan mo ang nangyayari ngayon! Baka nga wala kang planong humanap nang lunas dahil obsessed ka sa kaniya..." magsasalita pa sana siya kaso hindi pa bumubuka ang bibig niya nang dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi.

"Anong tingin mo sa akin? Desperada kagaya nang pinsan mo? Na gagawin ang lahat para mapansin nang isang lalaki. Akala ko maiintindihan mo ako, pero nagkamali ako kasi kagaya ka rin pala nang pinsan mo na makitid ang utak. Mag-sama kayong mag-pinsan..." tatalikuran ko na sana siya kaso nahawakan niya ang palapulsuhan ko kaya nanatili ako kung saan ako nakatayo kanina.

"Ayokong maging kayo kasi gusto kita... I love you Pearl. Gusto ko palaging nasa akin lang ang atensyon mo, ayokong mapunta ka sa iba. Mahal na mahal kita, please forgive me! Ngayong alam mo na ang dahilan kaya kita inilalayo kay Dwight, pwede bang patawari mo ako?!" speechless ako this time.

So tama nga si Mom?! Tama nga siya na may gusto sa akin si Xander? Pero hindi... Hindi siya ang gusto ko!

"Kung gano'n, ikaw pala ang desperado, dahil sinabi mo kay Jaynie ang sikreto na rapat tayo lang ang nakaka-alam para masira kami ni Dwight... Para maging tayo, sorry Xander pero hindi tayo ang para sa isa't isa!" dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang naka-hawak sa palapulsuhan ko tsaka ako tumalikod at nilisan ang lugar na iyon.

After this, mahirap nang ibigay kay Xander ang buo kong tiwala.

Kung para sa iba, maliit na bagay lang ang nagawa niya, pero para sa akin ang laki no'n, kasi nangako siya and ang pangako niya ay napako lang.

Totoo nga kaya ang sabi nila na promise is meant to be broken...

Dumiretso na lang ako sa SSG office para makita si Dwight.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang makita. Siguro dahil mahal ko pa rin siya. Ngayon, naiintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin nang pagmamahal. Love is sacrifices, dahil sa pag-ibig, nasisira ang mga bagay na hindi rapat masira. Kapag pag-ibig ang usapan, marami kang kailangang isakripisyo at isa na roon ang pagkakaibigan na mayroon kayo. Kagaya namin ni Xander, nasira ang aming pagkakaibigan dahil umamin siya sa akin na gusto niya ako, which is mali kasi hindi naman siya ang itinitibok ng puso ko, mas mabuti sana kung isinikreto na lamang niya sa akin kaysa binanggit pa niya. Sorry for saying this pero mahal ko pa rin si Dwight and kahit na kailan, hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Maybe tama sila na parang gusto ko na ang sitwasyon namin ni Dwight ngayon pero hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko na humanap nang lunas para maalis sa kaniya ang gayuma.

"May ginagawa ka?!" tanong ko nang akmang makalapit ako sa kaniya.

Nilingon naman niya agad ako tsaka nilapitan. "Umiiyak ka ba? Sinong nagpaiyak sayo, tell me!" nag-aalalang tanong niya habang inuusisa ako.

Ngumiti ako ng pilit. "Wala naman, napuwing lang ako!" pinunasan ko ang aking pisngi gamit ang aking palad.

"Sus, sabihin mo lang sa akin kapag may nang-away na naman sayo. Hindi ko sila uurungan!" aniya tsaka pinisil ang ilong ko.

Hindi ito iyong Dwight na minahal ko pero bakit mas lalo pa akong nahuhulog sa kaniya?!

"Takot lang nila sa sayo..." natatawang saad ko.

Ngayon ay pareho na kaming nakatayo, inaayos pa niya nang bahagya ang magulo kong buhok.

"Tara sa gym... May mga mag-pe-perform roon, sure ako na kapag napanood mo sila, gagaan ang loob mo!" pag-aaya niya dahilan para ngumiti ako.

"Tara..." naka-ngiti ko namang ani sa kaniya kaya hinawakan niya ang kamay ko, isang hawak na mahigpit. Napatingin pa ako roon dahilan para mahuli niya akong nakatingin sa kamay naming magka-hawak.

Akala ko aasarin niya ako pero nginitian lang ako ng loko.

Bumaliktad ang sitwasyon, noon si Xander ang comforter ko tapos ngayon, si Dwight naman. Hindi ko sinasadya na paasahin sa wala si Xander, sadyang hindi ko lang talaga in-expect na magugustuhan niya ako. Idagdag mo pa na naging kampante ako na kaibigan lang rin ang turing niya sa akin gaya nang turing ko sa kaniya.

Nakarating kami sa gym ni Dwight habang naka-hawak pa rin sa kamay nang isa't isa. Sinalubong naman ako ni Whiskey at Bianca.

"Iwan na muna kita sa mga kaibigan mo huh, may titignan lang ako saglit roon!" aniya tsaka bumitaw sa pagkakahawak sa aking kamay.

Tumango naman ako dahilan para tumalikod na siya.

"Uy ang sweet huh, magka-hawak kamay pa talaga kayo..." si Whiskey.

"Dito tayo..." nauna nang maupo si Bianca sa pwestong napili niya para sa amin.

"Nagsumbong na ba sa inyo si Xander?" tanong ko sa kanila pero na kay Dwight ang tingin ko na nag-aayos nang gitara sa may stage.

"Bakit anong nangyari? Kinompronta mo na ba siya? Anong sabi niya?" sunod sunod na tanong ni Whiskey.

"Totoo ang sinasabi ni Jaynie, sinabi nga ni Xander sa kaniya na nagayuma lang si Dwight, kaya naman pala ang lakas nang loob ni Xander na umamin sa akin ng feelings niya dahil ang akala niya'y gugustuhin ko siya!" sasabihin ko sa kanila kung ano ang pinag-usapan namin ni Xander, dahil totoo ko silang kaibigan at sure ako na hindi nila ako tratraydurin kahit na kailan.

"Oh my ghad, so umamin nga siya sayo, sabi ko na nga ba't may feelings ang lokong iyon sayo!" komento naman ni Bianca.

"Pero after nang ginawa niyang pagta-traydor sayo akala ba niya ibabalik mo ang pag-ibig na hindi nararapat para sa kaniya. Alam mo girl, pati kami, feeling namin na-betray kami ni Xander, kasi tayo lang ang nakaka-alam 'di ba tapos ganoon lang ang gagawin niya. He's not a real friend!" gigil na saad ni Whiskey.

"Ang sakit lang kasi pinagkatiwalaan ko siya, and nangako siya na hindi niya sasabihin sa iba hangga't hindi tayo nakakakuha ng lunas. Pero sa pinsan pa talaga niya na kaaway ko ang pinagsabihan niya nang sikreto na tayo lang rapat ang nakaka-alam!" saad ko.

"Maybe talagang mahalaga lang sa kaniya si Jaynie kaya no secrets sa pagitan nilang dalawa!" natatawang saad ni Whiskey.

By grades ang pwesto rito sa gym kaya hindi namin kasama si Rona, siguro'y nasa mga classmates niya siya.

Ilang saglit lang ay nag-simula na rin ang performances nang mga mag-pe-perform. Aliw na aliw ako dahil ang gagaling nilang kumanta at sumayaw.

Isa ang boyfriend ni Rona sa mga nag-perform sa section nila kaya nag-cheer ako para sa kanila.

"Ang galing nila 'no..." nakangiting saad ko sa dalawang tuwang tuwa rin kagaya ko.

"True, ang ha-hot pa nila..." si Whiskey na kanina pa hiyaw nang hiyaw.

"At ang ga-g'wapo pa nila..." gatong naman ni Bianca.

Baka nakakalimutan niya na may Kier na siya...

Okay na sana ang lahat kaso napakapit ako sa dalawa nang biglaang mag-brown out.

"Gosh anong nangyayari?" si Whiskey na natatakot na rin dahil sa sobrang dilim.

Nagsisigawan na rin ang mga taong narito. Wala ka talagang makita dahil sa sobrang dilim.

Creepy, medyo dumidilim na rin kasi ang paligid at ilang oras na lang ay sasapit na ang gabi.

Nakahinga ako nang maluwag nang bumukas muli ang ilaw. Kaso, pagtingin ko sa stage ay wala na ang mga nag-sasayaw kanina at ang tanging naroon na lang ay si Dwight na naka-hawak na ng gitara.