Chapter 66: Day 1

Pearl's Pov

Ang aga kong nagising dahil day 1 ngayon ng intrams. Nawala pa tuloy sa isip ko iyong gagawin ko rapat no'ng nakaraang weekend, 'yong magbibigay sana ako ng tulong sa orphanage. Siguro next weekend na lang...

"Mom? Alis na po ako ah!" paalam ko kay Mom pagkatapos kumain.

Nagsabay na rin kasi kaming kumain. May pasok rin siya kaya maaga kaming nagluto ng agahan. In fact, araw araw naman talagang may pasok si Mom, wala na lang siyang pinapaglagpas na araw, siguro tuwing linggo at tuwing gabi lang siya libre!

"Hatid na kita!" suhestiyon niya pero hindi ako pumayag. Maglalakad na lang ako mas masaya...

"Huwag na Mom, okay lang naman ma-late ngayon kasi first day ng intrams namin!" saad ko tsaka humalik sa pisngi niya.

"Ingat..." pahabol pa niyang saad bago ako lumabas ng bahay.

Hindi pa ako nakakalayo sa gate nang mag-ring ang phone ko kaya nataranta ako at kinuha iyon agad sa bag ko.

Pagka-tingin ko nang screen, "Unknown?" tanong ko sa aking sarili. Bahagya rin akong natigilan sa aking paglalakad.

"Hello? Sino po sila?" tanong ko sa tumatawag.

"Honey..." parang antok na ani nang nasa kabilang linya.

Honey? Sino ba ang tumatawag sa akin nang honey? 'Di ba si Dwight lang?!

"Dwight? Ikaw ba 'yan?!" pagtatanong ko kung siya nga ba ang tumatawag.

"Why? May iba pa bang tunatawag sayo ng honey bukod sa akin?!" bahagya niyang tanong. Umayos na rin ang kaniyang pananalita kaya napagtanto ko na siya nga talaga ang nasa kabilang linya.

"Wala, ikaw lang 'yan eh! By the way, where did you get my number?!" nagpatuloy na ako sa paglalakad habang kausap pa rin siya.

"Sa Facebook mo..." aniya.

Paano niya ako ma-i-stalk kung naka-block naman siy sa account ko?!

"Huh paano? 'Di ba naka-block ka sa account ko?!" tanong ko naman.

"Oo pero i created an RPW account para makita ko mga post mo!" natatawang ani pa ng loko.

"Gano'n. Hindi ka pa ba bumabangon?!" parang nasa higaan pa kasi siya, hindi ako sure pero parang lang... Parang lang naman!

"Hindi pa... Tinatamad akong pumasok!" aniya.

"Baka masama pakiramdam mo, huwag ka nang pumasok, makahawa ka pa!" ani ko naman.

"Malamig eh, tapos ang aga aga pa naman!" wow, eh paano naman kaya ako na papasok na nang school.

"Sige, bahala ka, papasok na ako huh!" saad ko. Akma ko na sanang i-e-end ang tawag nang mag-salita pa siya kaya hindi natuloy ang pagpindot ko sa end button.

"Saan ka? Ihahatid na kita..." ani ng loko.

Umirap naman ako nang hindi ko alam ang dahilan. Mabuti na lang at hindi niya nakikita ang bahagya kong pag-irap. "Hindi pa ako nakakalayo ng bahay. Huwag mo na akong ihatid, amoy higaan ka pa. Hindi ka pa naliligo!" natatawang saad ko.

Totoo naman, hindi pa kaya siya bumabangon sa higaan niya. "Wait mo ako, ihahatid kita..." aniya tsaka pinatay ang tawag.

Lokong 'yon, pinaninindigan talaga niya ang pagiging isang boyfriend material.

Tumigil muna ako sa paglalakad tsaka binalik ang phone ko sa aking bag. Hindi naman ako pwedeng maupo sa gilid ng daan habang naghihintay dahil naka-dress ako. Choice namin kung ano ang isusuot ngayon kasi wala namang gagawin sa school kung hindi ang i-enjoy lang ang intrams.

Siguro nasa five minutes akong nag-hintay bago dumating si Dwight.

Ilan kaya ang patakbo no'n at ang bilis naman yata, baka maaksidente na naman ang loko. Wala talagang kadala dala eh 'no!

Huminto siya ng bahagya sa harap ko... Tsaka binuksan ang bintana nang kaniyang kotse. "Sakay na malamig..." aniya tsaka ko tinungo ang katabi niyang upuan.

"Sabi naman kasing huwag mo na akong sunduin eh. Tignan mo oh naka-pantulog ka pa." sambit ko.

"Ang ganda mo..." parang tumigil ang oras nang sabihin niya ang bagay na iyon direkta sa mga mata ko. Medyo kinilig eko pero slight lang, hindi sobra sobra... 'Yong totoo, may mas rurupok pa ba sa akin?! Answer me!

"Bolero..." sagot ko naman tsaka umiwas nang tingin.

This time, ramdam ko na naman ang mga paruparong nagfi-fiesta sa loob ng tiyan ko. And siguro mas mapula pa ang mga pisngi ko kaysa sa mga bagong pitas na kamatis.

"Ang aga mong papasok, baka naman magkasakit ka niyan. Late na kaya tayong natapos mag-star gazing kagabi!" ani pa niya. Hindi pa umaandar ang kotse kaya may pagkakataon pa siyang makipag-marites sa akin.

"Okay lang, ang rami nating aasikasuhin, first day nang intrams ngayon..." saad ko.

"Yeah, but, naroon naman sila Kier. Pinapairal mo na naman ang pagiging selfless mo eh!" hanggang ngayo'y iyan pa rin ang tingin niya sa akin. Isang selfless...

"Hindi lahat pwedeng iasa sa ibang tao." ani ko habang inaayos ang mga gamit niya na nasa loob ng kotse. Hindi rin nakaligtas sa akin ang isang kaha ng sigarilyo na nasa isang tabi.

"Ano 'to?" pagtatanong ko sa kaniya kahit na alam ko naman talaga kung ano iyon.

"Cigarettes!" pilosopong sagot niya.

"I am deadly serious Dwight Cheon. Sayo ba 'to?" medyo naiinis na ako. Sa lahat ng bisyo, ang pinaka-ayaw ko ay ang sigarilyo, ang baho kasi. Sinisipon pa naman ako kapag nakaka-amoy nang sigarilyo.

"Akin 'yan pero hindi na ako gumagamit, nakalimutan ko lang talagang itapon. Sorry na..." aniya pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ba niya alam na nakakasira ng lungs ang paggamit ng sigarilyo?! Matalino siya pero hindi niya alam 'yon.

Walang halaga ang katalinuhan kung hindi mo ginagamit sa mabuting bagay...

Pinaandar niya ang kotse nang hindi ko pa rin siya pinapansin. Manigas siya 'no, bisyo bisyo!

Nakarating kami sa school nang hindi nagpapansinan. Kita ko pa sa salamin ang palagian niyang pag-sulyap sa akin...

"Ikaw na lang bumaba, naka-pantulog pa ako kaya hindi na kita maihahatid sa loob!" aniya pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

I don't know kung bakit hindi ko siya magawang pansinin, hindi ko rin alam kung bakit galit ako sa kaniya no'ng makita ko iyong sigarilyo sa kotse niya.

Siguro i am just being concern lang sa mental health niya, 'yon lang at wala nang ibang sagot sa sarili kong tanong.

"Sorry na kasi... Nililigawan pa nga lang kita, nagkaka-LQ na tayo..." dagdag pa niya.

Nagpapa-awa effect lang eh!

"Sige, bati na tayo, basta itapon mo 'yan huh!" pinansin ko na siya dahil na-gui-guilty ako. I mean, wala ako sa posisyon na hindi siya pansinin dahil lang sa bagay na iyon. Siguro may karapatan akong magalit kung totoo niya akong girlfriend...

"See you later honey..." pahabol pa niyang saad nang makalabas na ako nang kotse niya.

Hindi na talaga niya makalimutan ang endearment na honey...

Nagtungo agad ako sa may SSG office dahil hindi na ako napaparoon nitong mga nakaraang araw.

Pagpihit ko nang pinto, agad na nakita ko si Kier na nag-se-cellphone habang nakaupo.

"Busy na busy ka ah, si Bianca ba iyang ka-text mo?" ako na ang unang nag-salita dahil hindi yata napansin nang loko ang pagdating ko.

"Hey, what's up. Si PDC 'to... Ang aga mo naman yata, why nga ba?" ngayo'y nasa akin na ang atensyon ng loko.

"Anong sabi niya?" i don't know pero parang na-curious ako sa kung ano ang pinag-uusapan nila ni Dwight.

"Ang sabi niya... Huwag ka raw naming papagurin, huwag ka raw magtratrabaho at kami na ang bahala sa lahat!" natatawang saad ng loko.

"Sinabi niya iyon? Loko eh kaya nga ako maagang pumasok para gawin ang mga rapat nating gawin ngayon..." lumapit ako ng bahagya sa kaniya.

"Kayo na ba?!" nang-aasar na tanong niya.

"Hindi pa... Nanliligaw pa lang siya! Pero bawal ang kiligin dahil fake lang 'di ba, kita mo naman iyong kahapon, biglaan lang ang nangyari!" naupo ako sa kaharap niyang upuan.

Upuan ito ni Jane...

"Alam ko, nagayuma lang siya... Pero hindi ba pwedeng kiligin kahit na sandali lang? Alam mo, i-enjoy mo na lang muna ang situation niyo ni PDC. Dahil sure ako na mag-e-enjoy rin siya!" pag-sang ayon naman niya sa sinasabi ko.

"Sinasabi mong mag-e-enjoy... Maiwan na nga kita riyan, kung ano ano sinasabi mo eh!" ani ko tsaka siya iniwan roon.

May alam ba talaga si Kier na hindi ko nalalaman? I mean, gaano kaya kalalim ang nalalaman niya tungkol kay Dwight?!

Nang makarating ako sa may gym, naupo muna ako sa isa sa mga bench na narito.

Hindi ko talaga inakala na magiging fake girlfriend ako ni Dwight. Kahit sa panaginip hindi ko inisip na magiging ganito ang sitwasyon namin. In fact sa tuwing nananaginip ako no'n, parang totoo talaga eh, pero hindi nasagi sa isip ko na magagayuma siya at magiging ganito kahirap ang sitwasyon naming dalawa.

Sa malalim na pag-iisip, hindi ko namalayan na may tumabi na pala sa akin. Paglingon ko rito, si Xander pala.

"Pwedeng makiupo?!" aniya.

Bakit parang ganitong ganito iyong nangyari when the time na una kaming nagkakilala.

"Oo, kailangan pa bang itanong 'yan?!" ani ko naman.

Iba na ang pakikitungo sa akin ni Xander ngayon, hindi na siya iyong rati na sweet sa akin. Walang malisya, hindi ko naman sinasabi na namimiss ko ang pagiging sweet niya, ang sa akin lang ay, parang nagkakahiyaan na kami ngayon which is hindi naman kami ganito rati.

"Baka kasi magalit iyong boyfriend mo kapag hindi ako nag-paalam!" dagdag niya pa. Medyo malayo ang pagitan namin sa isa't isa.

"Fake boyfriend..." pagtatama ko sa kaniyang sinabi.

"Gano'n rin 'yon, ano nga palang plano mo?!" hindi pa ba sapat ang mga ipinaliwanag ko sa kaniya kagabi?

I let out a heavy sigh, bahagya ko rin na kinagat ang aking pangibabang labi dahil nahihiya na naman ako. "Siguro, sasakay na lang muna ako sa sitwasyon namin ngayon hangga't hindi kami nakakakuha ng lunas..." ani ko.

"Sa tingin ko, lalo lang gumulo ang sitwasyon dahil sa ginawa ninyo. Alam niyo naman na mahal pa rin yata ni Jaynie si Dwight. At isa pa, hindi ba't binalaan na kita rati na iwasan mo si Dwight, lalo na't umaaligid iyong mga kalaban niya sa gang. Baka balikan ka nang mga iyon, i am scared na baka gawin nila sayo ang ginawa nila sa amin ni Dwight!" sambit niya pero nasa malayo ang kaniyang tingin.

"Iniwasan ko siya pero hindi umaayon ang tadhana, sa tuwing naiisip ko siyang kalimutan may mangyayari na naman, pinaglalapit na naman kami ng tadhana. Pilitin ko mang iwasan siya, tadhana na ang gumagawa para magka-lapit kami sa isa't isa!" halos tumaas na ang boses ko.

Bakit ba ganito si Xander? Bakit parang pilit niya akong inilalayo kay Dwight?!

"Kung iyan ang gusto mo, 'di sige, hindi naman kita mapipilit na iwasan siya, pero kapag sinaktan ka nang gagong iyon, ako na ang bahala sa kaniya!" hindi na niya ako hinayaang mag-salita dahil tumalikod na siya.

Feeling ko may kakaibang nangyayari sa pagitan nila Xander at Dwight, hindi naman sila ganito noon. Ano naman kaya ang naging dahilan at nasira nang tuluyan ang kanilang pagkakaibigan?!