Chapter 65: Explain
Pearl's Pov
"Hindi mo ba kukunin 'tong jacket mo?" tanong ko sa kaniya bago kami bumaba ng kotse niya.
Tumingin siya sa akin. "Sayo na, katabi mo matulog!" aniya na parang nagbibiro lang naman.
"Loko..." sagot ko naman tsaka natawa ng mahina.
Akmang bubuksan ko na ang pinto nang pigilan niya ako. "Ako na, kailangan kong maging boyfriend material para sagutin mo ako agad!" aniya bago lumabas at tinungo ang pintuan na katabi ko para buksan iyon.
At kailan pa siya naging gentleman? Siguro ngayon lang 'to...
"Sus, ang rami mong alam!" natatawa kong ani bago lumabas ng kotse.
"Syempre, dagdag points pa ang pagiging gentleman bukod sa pagiging g'wapo ko!" saad pa ng loko.
"Akala ko no'n, serious type ka, 'yon pala, mahangin ka rin!" naka-cross arm kong sambit.
Totoo naman, ang seryo-seryoso kaya niya rati tapos ngayon mahangin na.
"Nagiging mahangin lang ako kasi tinatangay ako ng pagmamahal ko sayo." at bumanat pa talaga.
"Haha, ikaw talaga, sige na papasok na ako!" tumalikod na ako sa kaniya pero napako ako sa aking kinatatayuan nang yakapin niya ako mula sa aking likuran.
"Good night, sana mapanaginipan mo ako at sana mapanaginipan rin kita!" aniya tsaka bumitaw nang yakap.
Akala ko wala na siyang sasabihin o gagawin kaya tumango na lang ako.
"Good night rin..." saad ko.
Bahagya niyang nilapit sa akin ang kaniyang mukha at hinalikan ako sa noo.
Akala ko ba ligaw ligaw muna, eh bakit may pahalik halik na sa noong nagaganap?!
"Pasok ka na honey, ayokong ma-expose ka, gusto ko sa akin ka lang ma-expose, baka kasi may makahagilap pa sa ganda mong iyan!" aniya bago tunguhin ang kaniyang sasakyan at pumasok na sa loob nito. Kumaway pa muna siya bago pinatakbo iyon, kaya habol naman ang tingin ko roon.
Bumuntong hininga ako bago binuksan ang gate. Kailangan kong maka-usap si Mom!
Kung sinu-swerte ka nga naman. Nadatnan ko lang naman siyang nanonood ng TV sa salas.
"Mom? Nakauwi na ako!" sambit ko tsaka lumapit sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi.
"Oh anak, andiyan ka na pala. Gusto mong kumain?!" sus, gusto pa akong busugin kasi may kasalanan.
"Ayoko po..." umiling ako. "... Mom? Bakit naman po ninyo ginawa iyon? Ako po ang nahihirapan sa sitwasyon namin ni Dwight ngayon!" naka-pout pa ako habang nagtatanong sa kaniya.
"Huwag ka na magalit, hindi naman kasi namin alam na may bisa pala talaga ang gayumang iyon. Laro laro lang naman talaga 'yon eh." paliwanag niya.
"Pero iba ang sabi sa akin nila Whiskey. Ginawa niyo raw 'yon para makaganti kay Jaynie, tama po ba ang sinabi nang mga partners in crime niyo?" muli ko na namang tanong.
Tumango siya kaya napa-buntong hininga ako. "Ngayon alam niyo na po na walang magandang maidudulot ang paghihiganti!" pangaral ko pa.
"Sorry nak!" aniya bago ako tumayo.
"Okay na po, sige akyat na ako. Medyo pagod ako eh!" paalam ko bago umakyat sa hagdan.
Pagkarating ko sa kwarto ko'y in-check ko kaagad ang cellphone ko. Ngayon ko lang napagtanto na lowbat na pala iyon.
Pagka-open ko kasi naka-power off, bumungad sa akin ang sampung missed call ni Xander.
Napano naman kaya ang isang 'yon at bakit ang rami niyang missed call?!
Pipindutin ko na sana ang call button nang tumunog iyon kaya sinagot ko naman agad.
"Hello Xander?" sambit ko.
"Hello Pearl, kanina pa ako tawag nang tawag sayo, bakit ngayon ka lang sumagot?!" aniya mula sa kabilang linya.
"Ah sorry na lowbat pala, ngayon lang nakapag-charge. Bakit nga pala?!"
"Ahm, may gusto lang sana akong i-confirm." pambibitin niyang tugon.
"Ano 'yon?"
"Totoo bang kayo na ni Dwight? Narinig ko kasi sa mga estudyante kanina kaya gusto kong itanong sayo kung totoo ba o fake news lang!" i bit my lower lip kasi hindi ko alam kung paano sasabihin ang lahat nang nangyari kay Xander.
"Ahm, mag-e-explain ako. Hindi ko lang alam kung nakwento ko na sayo na may nabili akong book of love spell, tapos hiniram iyon sa akin nila Bianca at Whiskey tapos gumawa pala sila ng gayuma nang hindi ko man lang namamalayan." paliwanag ko. Hiyang hiya na talaga ako sa mga pinaggagagawa ng mga kaibigan ko, pero ano pa nga bang magagawa ko, kaibigan ko sila kaya tatanggapin ko na lang lahat ng ginagawa nila sa akin.
"Ano? Eh paano niyo naman naipainom sa kaniya? Eh ang sungit nang lalaking iyon." bahagya niyang tanong.
Bakit parang galit ang tono nang boses ni Xander?!
"Ako ang nagpainom sa kaniya!" kagat labi kong saad. Nahihiya na talaga ako...
"Huh? Paano?" sunod sunod niyang tanong.
"Kanina kasi nang nasa gym kami, kulang ang juice na nabili ko, kaya nag-abot si Whiskey ng juice sa akin kaya binigay ko naman kay Dwight kasi nahihiya ako na wala siyang juice dahil kasalanan ko naman. Binigay ko sa kaniya and ininom naman niya, hindi ko rin naman alam na iyon pala 'yong gayuma na ginawa nila Whiskey!" halos maiyak na ako sa pag-e-explain.
Pinagpapawisan na rin ako...
"Ang laki nang gulong ginawa niyo..." aniya.
"Alam ko, pero sana tayo tayo na lang muna ang makaka-alam nito. Huwag na lang muna sana itong maipag-kalat hangga't hindi pa kami nakaka-hanap ng lunas. I'm begging you Xander..." paki-usap ko sa kaniya.
"Hindi mo kailangang maki-usap sa akin, sige gagawin ko kung ano ang gusto mong mangyari!" aniya bago patayin ang tawag.
Hindi man lang ako nakapag-good night at nakapag-bye bye sa kaniya kasi pinatay niya agad ang tawag na hindi naman niya ginagawa rati.
I let out a heavy sigh bago umupo sa couch ng kwarto ko.
"Okay ka lang? Kanina ka pa kasi buntong nang buntong hininga riyan!" hindi ko na rin namalayan na naka-pasok na pala si Mom sa kwarto ko.
Tumingin ako sa kaniya na umupo na sa tabi ko. "Okay lang naman po, kinakaya ang kalokohang ginawa ninyo!" pagod na sagot ko.
"Sorry, tama sila Whiskey, may nararamdaman ka pa rin kay Dwight 'no, kahit na hindi mo sabihin sa amin, nakikita ko sa mga mata mo na inlove ka pa rin sa kaniya!" aniya habang hinahaplos ang buhok ko sa aking likuran. Suot suot ko pa rin pala ang jacket ni Dwight. Ang bango niya... "Enjoy mo na lang muna ang sitwasyon niyo ngayon, tapos kapag nakahanap na kayo ng lunas, hayaan mo na siya kung sino ang gusto niyang mahalin!" dagdag niya pa.
I let out a heavy sigh na naman. "Iyan na po ang ginagawa ko ngayon." wika ko naman.
"Pero nagtataka ako kung bakit kino-consider ka na niya agad as his girlfriend, eh hindi naman ganoon iyong mga nagagayuma sa TV na pinapanood natin!" kunot noo niyang sambit.
"Iyan rin po ang tanong ko pero ang sabi nila Whiskey, matatapang daw po ang mga ingredients na nilagay nila. Eh 'di ba po kasama ka nila, rapat alam mo kung ano ang sagot sa tanong mo Mom!" saad ko pa.
"Oo, kasama nila ako pero ako lang naman ang taga-halo no'ng time na iyon!" natawa pa siya ng bahagya.
"Hay nako..." iyan na lang ang tanging nasabi ko.
Ngayon ko lang nalaman na may Nanay pala akong makulit.
"By the way, hindi ka na ba pinag-iinitan ni Jaynie?" she frequently asked.
"Hindi po ngayong araw, pero baka dahil sa sitwasyon namin ni Dwight ngayon, baka mas lalo lang po niya akong pag-initan!" sagot ko sa kaniyang tanong.
Lalo pa't ang akala nang mga tao'y mag-on silang dalawa, tapos ngayon eme na nililigawan ako ni Dwight. Baka isipin nang ibang tao na mangaagaw ako!
"Sure ako na hindi hahayaan ni Dwight na muli kang saktan ni Jaynie. At kung hindi pa sapat si Dwight na resbak mo, tawagan mo lang ako nak, pupunta agad ako!" ani pa niya tsaka ako niyakap.
"Kaya ko pong i-handle ang bagay na iyan..." saad ko habang nakayakap kay Mom.
"Nga pala, si Xander ba iyong kausap mo?" tanong na naman niya,
"Opo!" tumango ako.
And parang galit siya sa mga nangyayari...
"Hindi ba siya galit?" tanong niya dahilan para tingnan ko siya.
"Ba't naman po siya magagalit?" tanong ko.
"Alam ko na may gusto ang batang iyon sayo!" pfft, si Xander may gusto sa akin? Imposible!
"Wala, kaibigan ko lang 'yong lokong iyon." pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Ang sweet kaya niya sayo!" balik na saad ni Mom.
"Natural lang iyon. Nasa personality ni Xander ang pagiging sweet na tao. Si Kier nga alagang alaga ako tapos si Bianca ang gusto niya!" paliwanag ko.
"Hmm, sabi mo eh! 'Di sige..." aniya na parang nang-aasar.
"Mom naman eh..." maktol ko tsaka nag-pout.
"Joke lang naman eh. Ang cute cute talaga nang baby Pearl ko!" wika pa ni Mom bago halikan ang tuktok nang ulo ko.