Chapter 64: Boyfriend material

Pearl's Pov

"Saan nga pala tayo pupunta?" i asked to him.

Pumayag ako na lumabas kami kaya kailangan kong panindigan.

"Somewhere na sigurado akong magugustuhan mo!" aniya tsaka hinawakan ang kamay ko.

Nakakailang pero at the same time nakakakilig.

Oo na, alam ko. Tama nga sila Whiskey. Inaamin ko na parang nagugustuhan ko na rin ang sitwasyon namin ngayon ni Dwight.

Ang ginagawa niyang pag-hawak sa kamay ko'y nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na parang nakukuryente, ano na nga ba ang tawag roon, spark ba?!

"Sure ka na magugustuhan ko iyon?" muli ko na namang tanong.

Ayokong mawalan kami ng topic dahil ayoko na maging awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

"I am sure!" aniya tsaka binuksan ang pintuan nang kaniyang kotse.

Tahimik lang kami pareho sa byahe pero pansin ko ang palagi niyang pagmasid sa akin. Minu-minuto na lang yata siyang tumitingin.

Ilang minuto lang rin ang naging byahe namin bago kami huminto. Medyo madilim na rin kaya medyo maginaw na ang simoy ng hangin.

Kanina nang nag-aayos pa kami sa gym, hindi talaga niya inalis ang tingin niya sa akin.

Nagka-boyfriend pa tuloy ako nang hindi man lang nararanasan kung ano ang lasa ng naliligawan.

Siguro nga'y tama sila Whiskey at Bianca. Panandalian lang ang mga nangyayari kaya susulitin ko na, nanamnamin ko na kung paano mag-mahal ang isang Dwight Cheon.

Pinag-buksan pa niya ako ng pintuan na hindi niya naman ginagawa noon. Nakakailang talaga, weird rin. Basta hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sana sa susunod na araw makapag-adjust ako sa sitwasyon naming ito.

"We're here, ang ganda 'di ba." aniya habang naka-ngiti. Humawak pa siya sa aking baywang para alalayan ako sa aking paglalakad.

Narito lang naman kasi kami sa gilid ng bangin. Kitang kita mo rito ang ganda ng mga bituin, ang sarap mag star gazing rito for sure.

"Ba't mo naman ako dinala rito?" taka kong tanong habang nakatingala sa langit.

"Wala lang, nadaanan ko kasi 'to last time and sabi ko sa sarili ko, kapag nahanap ko na ang the one ko, dadalhin ko siya rito. Which is nangyari na kasi nadala na kita rito." aniya bago ngumiti sa akin.

Palangiti pala ang Dwight kapag inlavey... Kikiligin na sana ako kaso naudlot kasi naisip ko na nagugustuhan lang pala niya ako dahil kinokontrol namin siya. Kinokontrol siya ng gayuma na pinainom namin sa kaniya.

I let out a heavy sigh. "Dwight? Naniniwala ka ba sa mga love spell?" hindi ko alam pero biglaan ko na lang natanong iyan sa kaniya ng walang dahilan.

"Love spell? You mean gayuma?" pag-ka-klaro niya sa tanong ko.

"Yeah," tipid na sagot ko habang nakatingala pa rin sa kalangitan.

"Sa TV lang 'yan nangyayari!" natawa pa siya ng bahagya.

So hindi siya naniniwala sa gayuma? And he didn't know na nangyayari ngayon sa kaniya ang bagay na hindi niya pinaniniwalaan.

"Paano kung sabihin ko sayo na ginayuma kita, magagalit ka ba sa akin?" tumingin siya sa akin ng diretso kaya nagka-salubong ang tingin naming dalawa.

"Are you serious? Like what i've said, hindi ako naniniwala sa bagay na 'yan. And isa pa, mahal talaga kita. No jokes and not a kind of prank!" kung alam mo lang, balang araw, magigising ka sa katotohanan na hindi mo talaga ako gusto.

"Kanina pala, tinatawag mo akong honey, bakit boyfriend na ba kita?" i didn't know what i'd feel this time.

Bakit hindi ako nahihiyang mag-tanong sa kaniya? Bumalik na naman ba ang nararamdaman ko sa kaniya? Kung ano man ang sagot sa mga tanong ko, ako lang ang tanging nakaka-alam!

"Bakit hindi ba?!" aniya sabay kindat.

Naupo muna ako sa damo bago sumagot sa kaniya. "Agad agad eh hindi ko pa nga nararanasan na maligawan eh." i am serious, hindi pa nga niya ako nililigawan, kami na agad?!

Pero kung iisipin, what would i expect sa taong nagayuma? Malamang wala siyang ibang bukambibig kung hindi ako at ako lang.

"So you wanted me to court you?!" patanong niyang wika.

Nilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin tsaka naupo sa aking tabi. "Wala naman akong sinasabi, basta ikaw na lang bahala." sumuko na ako. Jusqo, ang hirap naman magpaliwanag sa taong nagayuma. This past few days magka-away lang kami tapos ngayon, mag-on na kami! My ghad, ang gulo na nga ng mundo tapos dumagdag pa ang sitwasyon namin ni Dwight ngayon.

"Traditional courting ba?" natawa ako ng bahagya sa traditional courting. Ibig ba niyang sabihin, haharanahin niya ako sa tapat ng bahay namin? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Mom?! Pero hello, siya kaya ang dahilan nito 'no. Kailangan ko talaga siyang maka-usap pag-uwi ko.

"Basta, ikaw na bahala!" ani ko.

Wala na talaga akong magagawa, kung ano na lang ang gusto niyang gawin, susunod na lang ako. Tsaka kaunting oras lang naman ito, hindi magtatagal, babalik na rin siya sa rati.

Hindi siya sumagot ngunit ramdam ko ang paglapat ng tela sa aking likuran. "Isuot mo muna 'yan. Maginaw na!" aniya tsaka hinawakan ang gilid ng ulo ko para isandal sa kaniyang balikat. "Pahinga ka muna, alam kong pagod ka. Iuuwi kita sa bahay niyo kapag nakapag-pahinga ka na!" dagdag niya pa.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit napangiti ako ng patago.

Minsan talaga'y mahirap intindihin ang pag-ibig, nakaka-kilig pero at the same time nakaka-baliw!

"Paano kung hindi mo pala talaga ako mahal? Paano kung one day, mamalayan mo na lang na isang malaking prank lang pala ang lahat ng ito?" pagtatanong ko habang naka-pikit.

Ramdam ko ang paggalaw ng kaniyang kamay. Nanatili lang akong naka-pikit tsaka ko naramdaman ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Isang mahigpit na hawak na tila ayaw na akong bitawan.

"Kahit ano pang sabihin at tanungin mo, iisa lang ang magiging sagot ko sayo, imposible ang mga sinasabi mo. Mahal kita at kahit na sino hindi ako madidiktahan kung sino ang mamahalin ko." napamulagat ako sa kaniyang sinabi. Ewan ko ba sa aking sarili at biglaan na lang akong napatitig diretso sa kaniyang mga mata.

"Talaga ba?!" halos pabulong na tanong ko.

"Oo, at walang makakapagpa-bago ng nararamdaman ko sayo." aniya bago halikan ang noo ko.

I admit that i am happy now, happy ako na nasa bisig niya ako. Happy ako na sinasabi niya sa akin na mahal niya ako. Pero sa sitwasyon naming ito, mahirap paniwalaan ang 'Mahal kita' dahil nasasabi niya lang 'yan sa akin dahil nabiktima siya ng gayuma.

"Grabe, hanggang ngayo'y hindi pa rin ako makapaniwala na nasa bisig mo ako. Akala ko kasi no'n pantasya lang ang mapa-sa-akin ka. Salamat Dwight dahil naglalaan ka ng pagmamahal sa akin..." ... kahit na fake lang!

"Sorry honey!" he said tsaka ako niyakap.

Ang clingy pala ng isang Dwight Cheon kapag na-i-inlove.

"Akala ko ba liligawan mo muna ako bago mo ako tawagin nang honey?!" lulubus lubusin ko na, baka kasi bukas o sa mga susunod na araw makakuha na kami ng lunas.

Sana kapag nawala na iyong gayuma, kasabay rin no'n mawala ang lahat ng pagsasama namin ni Dwight ngayon. Lahat ng memories namin na mabubuo namin ngayon ay sana maglaho na parang bula sa isipan niya kapag nalunasan na siya, para naman hindi ako maging kahiya hiya sa sarili ko. Baka kasi isipin nang ibang tao na gano'n ako kadesperada para lang mahalin ako ng taong hindi naman mapapa-sa-akin kahit na kailan.

"So pumapayag ka?!" tanong niya habang naka-yakap pa rin sa akin.

I slowly nodded. Dahilan para bitawan ako ng loko at nagtatatalon dahil sa tuwa, humihiyaw pa na parang taga bundok.

"Hoy baka mahulog ka sa bangin..." natatawang saad ko sa kaniya kaya umupong muli siya sa aking tabi.

"I'll promise, i can be you're knight and shining armor, i can be your superhero, i can be you're bodyguard, i can be you're prince charming and soon i'll promise that i can be you're lovely and handsome husband. Basta ipangako mo rin sa akin na ikaw ang magiging beautiful bride ko sa harap ng altar! Soon mag-me-meet up tayo sa simbahan at ihaharap kita sa kaniya!" tinuro niya pa ang kalangitan. "Willing pa akong maging aso mo, pet ba, parang gano'n. Basta ba araw araw mo akong yayakapin!" natawa ako sa huling sinabi niya.

"Grabe sa aso, pero pwede rin..." ani ko naman habang naka-tawa.

Grabe, ganito pala talaga magpa-kilig ang isang Dwight Cheon? Pati apdo ko nag-re-react.

Yumakap siya ulit sa akin kaya ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib niya, at alam ko rin na randam rin niya ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ba't malakas ang kabog ng dibdib niya? Hindi ba rapat tumitibok lang iyon kapag kayakap mo ang taong mahal mo?!

Hayaan na nga lang...

"I'll promise, sisipot ako sa simbahan at maglalakad palapit sayo... Tapos sabay nating tutunguhin ang harap ng altar..." sinakyan ko na lang.

Pero sana nga, sana... Dahil aasa ako na mangyayari ang mga pangakong iyan. Pero kung sakaling hindi mangyari ang mga pangakong iyan, okay lang, iisipin ko na lang na pareho na kaming maligaya. Dahil sabi nga nila, everything happens for a reasons!

Si God na ang bahala... Ipagkakatiwala ko na sa kaniya ang lahat lahat!