Chapter 61: Visit
Pearl's Pov
"Anak, ingat ka huh!" pahabol na wika ni Mom bago ako sumakay ng taxi.
Pupunta siyang simbahan kasi linggo ngayon. Hindi naman ako makakasama sa kaniya kasi dadalawin ko ngayon si Xander sa bahay nila. Kaninang umaga pa daw siya naka-labas ng hospital at hindi ako nakasama kaya sa bahay na lang nila ako pupunta.
"Ingat rin Mom!" saad ko naman.
Hindi naman masyadong mahaba ang naging byahe kasi malapit lang naman ang bahay nila Xander.
Dalawang door bell lang ang ginawa ko bago nila buksan ang pintuan.
"Tara Miss, pasok kayo!" ani ng katulong kaya sumunod naman ako sa kaniya.
Dinala niya ako sa kwarto ni Xander. "Uy, good morning!" masayang bati ko sa kaniya.
Nagse-cellphone na kaagad ang loko eh hindi pa yata maayos ang kalagayan niya.
"Good morning, kumain ka na?" he asked nang hindi man lang lumilingon sa akin.
"Hindi na sana ako nag-abalang pumunta, hindi rin naman pala ako mapapansin dahil sa cellphone. Mas mahalaga pala ang cellphone kaysa sa akin 'no..." nagpaparinig na ani ko habang naka-talikod.
Infairness ang linis ng kwarto niya. Parang hindi kwarto ng lalaki.
"Tampo ka naman agad? Eh nag-reply lang naman ako kila Mom. Lumabas kasi sila, nag-grocery lang!" humarap naman agad ako sa kaniya nang marinig iyon. Akala ko may ibang inaasikaso!
"Sorry naman, hindi mo naman kasi ako nilingon eh. Kaya inisip ko na baka busy ka. Sayang naka-kondisyon na sana akong umalis. Ilang babae na pala ang naka-pasok rito sa room mo?" pagbibiro ko sa kaniya.
"Huwag, kumain ka muna, ipagluluto kita! Isa pa lang ang naka-pasok rito sa room ko, at Pearl ang kaniyang pangalan!" aniya.
"Sus, baka nasa bente na huh. Woy, teka, okay ka na ba? Baka mamaya may mangyari pa sayo, ako na lang magluluto." suhestiyon ko pero nauna na siyang lumabas ng kaniyang kwarto. Ang bilis ng galaw, hindi ko pa namalayan na naka-ahon na pala siya sa kaniyang kama.
Sinundan ko siya sa kusina. "Totoo nga, ikaw pa lang and pwede ba you are my visitor, hindi ako papayag na mapagod ka. Basta chill ka lang riyan!" ani ng loko habang kumikindat kindat pa.
First time ko nga palang maka-pasok rito sa bahay nila. Hindi ako nakapag-libot noong birthday niya dahil may nangyaring eksena. Huwag ko nang babanggitin kasi masisira lang ang araw ko kapag iniisip ko iyon.
"Nga pala, narito ba si Jaynie?" baka kasi mag-cause pa nang gulo kapag nagkita kami ni Jaynie rito.
"Huwag kang mag-alala, nasa apartment niya siya ngayon. Roon naman siya nag-i-stay!" wika niya habang hawak hawak ang kaldero.
Ano naman kaya ang balak lutuin ng loko na 'to?
"Tulungan na kita, ano bang lulutuin?" usisa ko sa kaniyang ginagawa.
Nagbabalat ng hipon ang loko.
"Chill ka lang, heto oh, kain ka muna." alok niya sa akin.
Nagningning naman ang aking mga mata nang makita ang milk tea at burger na nilapag niya.
"Para sa akin talaga 'to? Sure ka?" pagtatanong ko, baka kasi nilapag niya lang sa harapan ko para takamin ako.
"Oo nga, sino pa nga ba ang kakain niyan? Naglalaan talaga ako ng milk tea at burger sa ref, baka kasi dumating ka!" dagdag niya pa bago tignan ulit ang kaniyang niluluto.
"Wow, ang sweet naman ng BBF ko." naka-ngiting saad ko bago mag-simulang lantakan ang binigay niyang burger tsaka milk tea.
"May sinabi ka ba?" natigilan ako sa pagkain dahil parang narinig ko na may sinabi siya.
"Wala! Ang sabi ko, kumain ka na. Magluluto lang ako!" aniya bago mag-kamot ng ulo.
Ang cute niya, imagine, naka-suot pa siya ng apron...
Hindi ko na lang siya pinakialaman bagkus ay itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagkain.
Hindi man lamang niya napansin na pinicturan ko siya.
Naisipan ko iyong i-post sa facebook.
Ang cute cute naman nang BBF ko!
In-tag ko pa siya para agad na makita niya iyon kapag nag-online siya.
Tumayo ako para makita kung ano ba talaga ang niluluto niya. Ayaw pa kasing sabihin eh basic lang naman kung paano ang mag-luto!
"Hoy, ano ba talaga iyan?" i asked for the nth time.
Lumingon siya sa akin. "Tapos mo nang kinain iyon?" tanong naman niya.
"Oo tapos na. Ang sarap eh. Kulang!" saad ko tsaka sumandal sa table.
Nagiging matakaw talaga ako kapag favorite food ko ang mga nakalapag sa lamesa.
"Kaunting oras na lang maluluto na 'to." saad niya habang naka-ngiti.
Kanino kaya siya natutong mag-luto?
"Xander? Magtatanong ako, okay lang ba?!"
"Katakot naman, ano ba 'yon?" nag-seryoso tuloy ang mukha ng loko. Akala siguro niya'y seryoso ang tanong na itatanong ko.
"Kanino ka natutong mag-luto?"
"Ano ka ba, akala ko naman kung ano na ang itatanong mo. Pinapakaba mo ako! By the way, the food is ready!" hinawakan pa niya ang kaniyang dibdib na animo'y kinabahan kung ano ang itatanong ko.
"Yey, tara kain na tayo!" saad ko naman habang nagtatatalon at pumapalakpak pa.
"Here oh!" inabot niya sa akin ang isang plato ng shrimp pasta.
Nang makita ko iyon ay agad na kinuha ko mula sa kaniya at naupo na sa upuan. Excited ako na matikman ang luto niya. Lalo pa't favorite food ko talaga ito.
"Natuto akong mag-luto sa mga video tutorials lang." saad niya tsaka tinungo ang ref para kumuha ng inumin. Pagbalik niya'y hawak na niya ang dalawang milk tea.
"Eh itong shrimp pasta? Kailan ka natuto?" tanong ko na naman pero ang atensyon ko'y nakatuon sa kinakain ko.
"Wala, ngayon lang. Nag-search ako ng mga ingredients. Masarap ba?" tumango tango ako.
Sobrang sarap. Kung mas ikukumpara mo ito sa niluto noon ni Dwight, 'di hamak na mas masarap ang luto ni Xander.
Pero bakit na naman pumasok iyon sa isip ko? Ang tagal na no'n, okay, kailangan ko nang kalimutan iyon!
Wala nang rason para manatili pa iyon sa aking isipan.
"Ipagluto mo ako nito kapag birthday ko na ah. Regalo mo sa akin!" pakiusap ko sa kaniya.
"Kahit araw araw pa nga eh kung gusto mo." aniya. Ginalaw niya ang kaniyang kamay tsaka kumuha ng tissue, napako ang tingin ko sa kaniya ng punasan niya ang aking labi.
"T-talaga?" iyan lang ang tanging nasabi ko kasi naiilang ako.
Para bang iyong nasa mga palabas na pinupunasan niyong lalaki ang bibig ng babae tapos biglaang hahalikan sa labi.
Hay, erase, erase, erase!
"Ah, kain na tayo. Oo, lalamig ang pagkain eh!" inalis na niya ang kaniyang kamay sa labi ko kaya umiwas ako ng tingin.
Bakit kaya kapag tinititigan ako ng lalaki, nahihiya ako?! What's the matter about that?!
"Oo nga, huu, ang sarap!" sigaw niya kaya natawa kami pareho ng malakas.
Susubo pa siya ng pagkain tapos magmumukhang artista na nasa commercial ng mga pagkain! Para bang endorser ng mga pasta na napapalabas sa TV.
Kaya naman i can't stop laughing habang pinapanood siyang mag-enjoy sa kinakain niyang shrimp pasta!