Chapter 62: The strawberry juice

Pearl's Pov

First day namin ito na mag-aayos para sa gaganaping Intrams. Syempre, kaming mga SSG officers ang punong abala.

"Guys? Nabalitaan niyo na ba?" si Whiskey.

Basta talaga ang baklang iyan hindi nauubusan ng chismis.

"Ang alin?" gatong naman ni Kier.

Pareho silang dalawa. Mahilig sa chismis, sila yata ang bagay sa isa't isa eh!

Malakas ang radar sa chismis...

"Pinaalis daw ni PDC sila bitches rito sa school. And nag-sign naman daw agad si Madame principal para ma-kick out na sila Bitches. Ano kayang rason 'no?!" pag-ke-kwento ni Whiskey.

"Oo alam ko na pala iyan, dahil daw may binully na naman sila and nag-sawa na rin daw si Principal sa lahat ng kalokohang ginawa nila rito sa school." ani naman ni Kier.

Talagang hindi na natuto ang mga bitches na iyon eh 'no!

Talagang pareho sila ni Whiskey, laging updated.

Ako iyong SSG secretary pero ako pa iyong nahuhuli sa balita.

"Eh deserve naman pala nila. Tsaka ang rami na kayang kabalastugan na ginawa nang mga iyan. Lalong lalo na kay Pearl." imik naman ni Bianca.

"Eh iyong pinsan ko, hindi pa ba napapa-alis rito?" tanong naman nang katabi ko. Si Xander...

"A-ano? Gusto mong mapa-alis ang pinsan mo rito?" tanong ni Kier.

"Hindi naman sa ganoon, ang gulo kasi eh, ginugulo lang si Pearl." dagdag niya pa.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. My ghad, ako na naman pinag-uusapan ng mga ito.

"Si Pearl na tahimik na naman!" si Whiskey na inaasar na naman ako, kaya tinignan ko siya ng masama.

"May iniisip lang..." palusot ko.

Ayokong makisali sa usapan nila. Masisira lang araw ko kapag nakisali ako sa usapan nila na mga taong walang kwenta naman ang laman.

"Sino iniisip mo? Ako 'no?!" imik nang Xander na sinusundot sundot pa ang baywang ko.

Ang kukulit talaga ng mga ito kapag nagkakasama sama.

"Hindi 'no, tsaka wala pa ba kayong klase?" pag-iiba ko ng topic.

"Oo nga pala, buti pinaalala mo. Ang rami ko pa nga palang hahabulin na lessons. Bye, balik ako mamaya!" paalam ni Xander.

"Kami rin pala, tara Whiskey, alis na tayo!" hinila naman ni Bianca si Whiskey kaya kaming dalawa na lang ni Kier ang naiwan.

Habol naman ang tingin namin sa dalawa. "Gusto mo si Bianca?" bahagya kong tanong kay Kier na titig na titig sa kaibigan ko.

"No... ikaw ang gusto ko!" gulat akong napa-tingin sa kaniya.

Hinampas ko ang kaniyang balikat. "'Yong seryoso kasi. Gusto mo ba siya?" paguulit ko sa tanong ko kanina.

"Joke lang. Alangan namang makikisali pa ako eh pinag-aagawan ka na nga nila." paglilinaw niya. Pero hindi pa rin niya sinasagot iyong main question ko.

"Seryoso kasi Kier, gusto mo nga siya?!" nag-uumpisa na akong mainis.

"Yep, i admit it! She's the girl na nakapag-pabilis ng tibok ng puso ko." happy ako para sa kanila kung sakaling sila ang endgame.

"First girlfriend?" pag-uusisa ko.

"Yes, siya lang!" halatang kinikilig ang loko kasi hindi siya maka-tingin ng diretso sa akin.

"Wow, as in Wow. Happy ako para sa inyo!" inakbayan ko pa siya. Hindi naman umangal ang loko kaya nanatili lang akong naka-akbay sa kaniya.

"Dinalaw mo ba siya sa hospital?" tinanggal ko ang kamay kong naka-akbay sa kaniya tsaka umayos ng upo.

"Hindi, wala naman nang rason." sagot ko.

"Sure ka na ba riyan? Hindi ka na magiging marupok?" ang rami namang tanong eh.

"Hindi na nga... ang kulit eh!" maktol ko pa.

"Sure ka huh, ihanda mo ang sarili mo Pearl!" aniya bago pisilin ang pisngi ko.

Pareho talaga sila ni Xander, biglaan na lang namimisil ng pisngi.

Akala yata nila hindi masakit...

"Rito ba ito?" tanong sa akin ni Jane.

Nag-aayos kasi kami ngayon rito sa Gym, lunch break na kaya medyo marami na rin ang tao na tumutulong sa amin. Pati na rin sila Bianca at Whiskey. Pero si Xander, nasa room pa nila. Marami pang hinahabol na lessons, kawawa naman. Kagagaling lang sa aksidente.

"PDC? Kumusta na po kayo?" tanong ni Jane sa kararating na si PDC.

Hindi ko mapigilan na hindi mapa-lingon sa kaniya. Kahit paano, nag-alala pa rin naman ako sa kaniya. Hindi ko lang alam kung bakit...

"Okay na ako," aniya bago pumunta sa may stage.

"Pearl? Magaan ka lang kaya ikaw na ang aakyat para malagay natin 'to. Aalalayan ka naman namin..." sambit ni Kier.

"Go na best, tutulong kami!" si Whiskey na may hawak na bulaklak.

"Kier, ingatan niyo ang kaibigan namin!" si Bianca naman.

"Sige, iyan lang ba?" iyong kurtina ang tinutukoy ko. Ilalagay kasi sa taas bilang dekorasyon.

"Oo ito lang..." sagot ni Kier.

Kinuha ko naman agad iyon at tumayo sa taas ng lamesa. Naka-alalay naman sa isang gilid ko si Kier tapos si PDC naman sa isang gilid ko.

Ang awkward ng feeling...

Nasabit ko na, bababa na sana ako kaso may tumusok sa paa ko kaya nawalan ako ng balanse.

Hinihintay ko na bumagsak ako sa sahig pero nang imulat ko ang aking mga mata'y nakita ko ang magandang mga mata ni Dwight.

Pwede namang si Kier na lang ang sumalo, bakit kay Dwight pa ako nahulog?!

Siguro mga ilang segundo lang ang aming pagtititigan.

Ako na ang umiwas ng tingin dahil nakakailang. Napaka-awkward!

"S-salamat!" pagpapasalamat ko bago tumayo ng maayos at nag-tungo sa mga kaibigan ko.

Pinandidilatan ko pa sila ng mata dahil halatang tinutukso na naman nila ako. Kunwaring kinikilig pa ang mga loka para lang mainis ako.

Medyo mainit ang panahon ngayon kaya ako na rin ang bumili ng mga juice para sa amin na narito sa gym.

Tinulungan pa ako nila Whiskey.

Binigyan namin sila isa isa.

"Wala ka talagang awa. Hindi mo man lang ba naisip na kailangan rin niya ng maiinom? Tsaka siya lang ang wala huh!" ani Whiskey.

Alam ko na ang tinutukoy niya. Hindi pala sakto ang bilang ko kanina. Walang juice si PDC.

"Oo nga, may extra ka pa ba riyan Whiskey? Akin na..." na kay Whiskey ang atensyon niya.

"Oh heto, ikaw na magbigay para naman akalain niya na binigyan mo talaga siya..." wika pa ni Whiskey.

"Ba't ako?" reklamo ko naman. Alam naman nila na iniiwasan ko si PDC tapos ako pa ang gagawin nilang props para maibigay iyong juice?!

"Kainin mo kaya muna ang pride mo ano. Tignan mo oh. Kawawa iyong tao..." pangongonsensya pa ni Whiskey.

"Oo nga, halatang uhaw na uhaw..." isa pa iyang si Bianca.

Itong mga 'to talaga, lagi na lang akong pinapahamak!

Parang nakonsensya naman ako nang makitang napapalunok siya habang tinitignan ang mga umiinom ng juice.

Ang galing lang, si PDC binibigyan ng extrang juice, samantalang ako na kaibigan nila, hindi!

"Go na!" dagdag pa nila.

Ipinagtulakan pa ako ng dalawa.

Dahan dahan lang akong nag-lakad. Nang makarating ako sa harap niya'y medyo nag-bago ang atmosphere. Ang awkward talaga eh...

"P-para sayo! Sorry nagkamali iyong bilang kaya binigyan ka ni Whiskey ng extra niya." ani ko sa kaniya.

Kinuha naman niya agad iyon tsaka binuksan. Tinalikuran ko na siya at humakbang na paalis.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil success ang pag-bigay ko ng strawberry juice sa kaniya.

"Honey, salamat rito ah. I love you!"