Chapter 60: Worries
Pearl's Pov
Dahil sa pagmamadali, hindi ko na tuloy natapos ang kinakain ko kanina.
"Tita? Nasaan po si Xander?" bahagya kong tanong kay Tita na ngayo'y maaliwalas na ang mukha. Hindi na rin siya umiiyak kaya medyo nakahinga ako ng malalim.
Tumayo siya tsaka lumapit sa akin. "Nasa kwarto, nagpapahinga. Sabi pa niya, kapag daw nag-punta ka, papuntahin daw kita agad sa kaniya." wika ni Tita.
"Hindi po ba siya ng nagtamo ng anumang sugat na malalim?" tanong ko.
"Hindi naman, nagkaroon lang ng mga gasgas. Pero okay naman daw siya ani ng doktor. At sa awa ng diyos okay na ang lagay ng anak ko!" dagdag niya pa.
"Sige Tita, puntahan ko lang po muna siya." paalam ko tsaka tinungo ang room ni Xander.
Dahan dahan kong pinihit ang doorknob dahil baka maabala ko siya sa kaniyang pagpapahinga.
Akala ko tulog, gising na gising naman pala... Hinahaplos haplos pa niya ang gilid ng kaniyang unan.
Tinungo ko ang kama niya tsaka umupo sa gilid ng kama niya.
"Hoy, ano bang nangyari?" agad kong tanong kaya napa-lingon siya.
"Magandang Pearl, na-miss kita!" excited na saad niya.
"Miss rin kita..." ani ko.
Sa tingin ko'y naluluha na ako. Naluluha sa saya dahil walang nangyaring masama sa kaniya.
"Payakap nga, huwag ka ng umiyak, okay lang ako. Huwag ka na mag-alala!" umamba siya ng yakap sa akin kaya niyakap ko na rin siya.
Isang yakap lang naman, at isa pa'y marunong siyang mag-paalam, hindi katulad ng iba...
"Paano na lang kung kinuha ka nila sa amin? Hindi namin kaya iyon, tsaka tandaan mo, may mga utang ka pa sa akin. Ililibre mo pa ako ng ice cream, burger at milk tea." saad ko. Pumipiyok pa ang aking boses dahil sa aking pag-iyak.
Hindi ko lang talaga kayang tanggapin kapag nawala na si Xander... Pero knock on wood, huwag naman sanang mangyari.
"Mumuntikan na nga akong namatay, pagkain pa rin ang nasa isip mo. Ang takaw mo pala..." natatawa niyang saad kaya hinampas ko ang likuran niya. Nakayakap pa rin kasi kami sa isa't isa.
"Hindi ah..." maktol ko naman tsaka bumitaw ng yakap.
Ang aliwalas tignan na naka-ngiti si Xander. Parang hindi naaksidente kung umasta ang loko!
"Alam mo ba na kaming dalawa ang naaksidente?!" seryosong tanong niya kaya naging seryoso rin ako.
"What do you mean?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang kaniyang tinutukoy.
"Dwight..." tipid niyang sagot.
A-ano? S-si Dwight? Naaksidente rin?
"Kailan?" iyan lang ang naitanong ko.
"Same place, same time!" sagot niya sa aking tanong.
At sino naman ang gagawa sa kanila no'n? I mean, sino ang nasa likod nang nangyaring aksidente?!
"Wala ka bang balak na dalawin siya?" tanong niya ulit kaya natigilan ako sa aking pag-iisip.
"W-wala, hindi na kailangan, naroon na siguro ang pinsan mo!" sagot ko.
Tama naman, sure ako na naroon si Jaynie para alagaan si Dwight, siya ang girlfriend at obligasyon niyang alagaan ang boyfriend niya.
"Sabagay..." gatong naman niya.
"Ano bang sabi ng mga pulis? Wala ba silang lead? Tsaka imposible namang same place at same time pa nangyari ang aksidente." imposible naman talaga ang nangyari. Sure ako na may utak ang nangyaring aksidente.
"May alam ako, sure ako na kalaban ni Dwight ang gumawa nito sa amin. Dahil maraming kaaway si Dwight sa gang world. Kaya please..." hinawakan niya ang kamay ko tsaka pinisil iyon ng marahan. "... mag-ingat ka, hindi ko kaya kapag napahamak ka!" dagdag pa niya.
Hindi naman ako natatakot o kung ano man, ang alam ko lang ay wala akong kinatatakutan. Well trained na kaya ako 'no...
"Pero bakit ka nila dinamay? Hindi ba't hindi ka naman member ng gang?" bahagya kong tanong sa kaniya. Gulong gulo na talaga ako.
"Hindi ako member pero lahat kasi ng malapit kay Dwight ay dinadamay ng mga kalaban niya, kaya nga kita pinag-iingat eh. Kaya kung pwede lang sana'y umiwas ka muna kay Dwight, para rin sa safety mo." paliwanag niya.
"Iyon na ang ginagawa ko ngayon..." hindi pa ba niya napapansin na iniiwasan ko na si Dwight?!
"Teka nga lang, paano mo pala nalaman na kabilang si Dwight sa isang gang? Matagal mo na bang alam?" lagot...
"Ah, eh, hindi naman, ahm noong nakaraan lang rin. Hindi na importanteng malaman mo kung kanino ko nalaman. Mas importante na malaman natin kung sino ang utak ng nangyaring aksidente!" pagpapalusot ko dahil ayokong malaman niya na si Dwight rin ang nagsabi sa akin na kabilang siya sa gang. At sumali siya dahil need niyang protektahan si Jaynie.
"Aalamin namin..." tipid niyang sagot.
Nakaisip naman ako ng ideya kaya naisip kong sabihin sa kaniya ang naisip ko.
"Hindi kaya si Jaynie ang may kasalanan?" siya lang naman ang may motibo.
"I don't think so, bakit niya sasaktan si Dwight kung mahal niya. At hindi ako kayang saktan ng pinsan kong iyon kahit na pangit ang ugali niya." anito.
Tumango na lang ako. "Tama ka nga... Bakit sasaktan ni Jaynie ang taong mahal niya. That's imposible!" saad ko with matching napangiti ng mapait.
Hinawakan naman niya ang kaniyang baba na tila ba nag-iisip. "Pero pwede rin, pwedeng gang nga nila Jaynie ang gumawa pero hindi lang nila ipinaalam kay Jaynie." aniya.
"Huwag ka na lang munang mag-isip nang ganiyan, baka mapaano ka pa. Tsaka bawal siraan ang pinsan mo nang wala pa tayong napapatunayan!" saad ko habang inaayos ang kaniyang kumot.
"Alam mo, kahit na ang sama sayo ni Jaynie, mabuti pa rin ang mga lumalabas sa bibig mo laban sa kaniya." nag-pilit ako ng ngiti.
"Eh syempre, hindi naman porke masama ang isang tao rapat mo nang i-judge, kailangan mo munang patunayan ang mga pambibintang mo bago mo isipin na siya nga ang may kasalanan. Kayang mag-bago ng isang tao, iyan ang pakatandaan mo!" wika ko habang nakatingin sa kaniya ng diretso.
"Ang bait talaga ng magandang Pearl ko, na-miss talaga kita..." aabutin pa niya ang aking pisngi pero agad ko iyong iniwas sa kaniya kaya binelatan ko siya.
"Bili lang akong pagkain huh, hintayin mo ako. Para naman agad na lumakas ka." pagpapa-alam ko sa kaniya.
"Ang lakas ko na kaya, mas malakas pa nga yata ako kaysa kalabaw eh!" aniya kaya natawa ako ng malakas.
"Ikaw? Haha, parang kalabaw? Hahaha!" tumayo na ako tsaka nag-lakad palayo sa kaniya.
Baka sa pang-aasar kong ito'y maisipan pa niyang gumanti.
"Oh saan ka pupunta?" tanong pa niya bago ko pa man mapihit ang doorknob.
"Balik ako, bibili lang ako ng pagkain!" nagugutom ako, hindi ko kasi natapos ang kinakain ko kanina dahil sa sobrang pag-aalala.
Tumango naman siya kaya lumabas na ako. Nag-paalam pa ako kila Tita bago ituloy ang paglalakad.
"Miss Pearl, ikaw po ba iyan?" natigilan ako sa paglalakad nang makita ang katulong nila Dwight na nakita ko noon sa mansion nila.
"O-opo, ako po ito!" sagot ko naman. Kailangan kong magpakatotoo, hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako ito.
"Alam mo na ba ang nangyari kay Young master? Dadalawin mo ba siya?" sunod sunod niyang tanong.
Tumango ako. "Opo, alam ko po ang nangyari. Pasensya na po pero kailangan ko na pong lumakad, ibibili ko lang po ng pagkain ang kaibigan ko. Maybe some other time, dadalawin ko siya." sinabi ko lang iyan para tigilan na ako ni Lola.
Lola kasi medyo may katandaan na rin kasi.
"Tama nga ang sinabi ni Young master." ani niya bago ayusin ang buhok kong humarang sa aking mukha. "Ang ganda ganda mong bata, tsaka ang bait bait mo rin. Para kang anghel!" dagdag niya pa.
"P-po? Ako po ba ang tinutukoy niyo?" paninigurado ko kasi mukhang hindi yata tama ang sinasabi niya. Baka naguulyanin lang si Lola.
"Oo, lagi ka kaya niyang nai-ke-kwento sa amin!" marahan niyang sagot sa tanong ko.
"Mukhang ibang Pearl po yata ang kinukwento niya sa inyo Lola. Kailangan ko ng umalis." naglakad na ako kaya sigurado ako na habol ang tingin niya sa akin.
"Manang, kailangan daw po kayo ni Young Master... Si Miss Pearl po ba iyon? Ang ganda po pala talaga niya!" rinig ko pang saad nang isa sa kanila.
Ewan pero weird, hindi totoo na kinukwento ako nila Dwight sa kanila. Don't assume kasi mas nasasaktan ka kapag nag-a-assume ka lalo.
Tsaka isa pa, naiilang ako kapag tinatawag nila akong maganda...