Chapter 57: Mother's concern

Pearl's Pov

"Anak?" pag-tawag sa akin ni Mom kaya lumingon agad ako sa kaniya.

"Po?" i asked.

Ang mata niyang naka-tingin sa akin kanina'y itinuon na niya ngayon sa dinaraanan namin. "Okay ka lang ba? May bumabagabag ba sa iyong isipan? Sabihin mo lang kay Mommy, tiyak na masusulosyonan natin iyan." sunod sunod na saad niya.

"Wala lang po ito, medyo puyat lang kagabi, nag-basa po kasi ako nang mga libro!" sagot ko sa kaniyang mga tanong.

Ihahatid niya ako ngayon sa school, sabi ko nga sa kaniya na huwag na pero nag-pumilit pa siya.

"Mag-pahinga ka kung minsan, baka naman sa kakabasa mong iyan eh malagpasan mo pa ang IQ ni Albert Einstein." pabiro na saad ni Mom.

Natawa naman ako nang mahina. "Grabe naman po, syempre, wala pong tatalo kay Albert Einstein ang tali-talino kaya no'n!" komento ko naman.

"Ikaw talaga..." pahabol na saad niya habang natatawa pa rin.

Nang makarating na kami sa may gate ay pinagbuksan pa ako ni Mom ng pinto na hindi naman niya ginagawa rati kapag hinahatid niya ako.

"Mom? Akala ko po ba hanggang rito lang po kayo?!" nag-aalalang tanong ko.

Mukhang may ideya na ako kung bakit ako hinatid ni Mom ngayon ah.

"Tara, hatid na kita sa classroom mo, baka mamaya, may mam-bully na naman sayo!" hala, baka sugurin niya bigla si Jaynie.

Kumapit ako sa braso niya. "Mom, alam ko na po iyang binabalak niyo. Huwag na po ninyong ituloy, lalaki lang po ang gulo!" awat ko sa kaniya.

"No, hindi ako papayag, tsaka gusto kong maka-usap ang babaeng iyon ano. Para hindi na niya ulitin ang mga ginawa niya sayo rati!" utas niya.

"Mom? Iniisip ko lang po kasi na, rapat po hindi na kayo mainvolve rito..."

"No, hindi pwede. Bakit? Hindi mo ba ako family para mainvolve rito? Mula simula hanggang sa matapos ang mga problema mo, involve na ako kasi nanay mo ako anak. Natural lang na ganito ako umasta kasi nanay ako. Hayaan mo naman ako na ipagtanggol ko ang kaisa-isa kong anak laban sa mga taong umaapi sayo!" paliwanag niya.

Well, sa kabilang banda, tama rin naman kasi si Mom. Nanay siya, and you know, may kasabihan nga tayo na mother's knows best, siguro much better na makaharap na nga niya si Jaynie. And balang araw mararamdaman ko rin ang mother's concern na nararamdaman ngayon ni Mom kapag nagkaroon na ako ng mga anak in the future. Maski ako'y hindi ko kaya na api-apihin nila ang mga anak ko kapag dumating ang panahon na magkakaroon na nga ako nang mga anak.

I smiled at her. "Usap lang po huh!" paalala ko.

"Kung kaya nang babaeng iyan na kumuha nang abogado, pwes kaya rin natin!" gigil pa niyang sabi.

"Mom... mag-promise po kayo na kakausapin niyo lang siya!" pakiusap ko.

Alam ko naman na hindi ako matitiis ni Mom kaya, i assure na walang gulong mangyayari.

Pagkatapos in-check ni kuya guard ang ID ko ay pinapasok na rin nila kami sa wakas.

Nag-text na rin ako kila Whiskey na pupunta ngayon si Mom sa room namin. Kaya ayon, sinisigurado nila na hindi aalis si Jaynie sa kinauupuan niya ngayon.

Tinungo na rin namin ang room, kinakabahan pa rin talaga ako sa pwedeng mangyari...

Kaunting dipa na lang sana'y makakarating na kami sa room pero natigilan naman kami dahil kay Xander. Lumawak pa ang ngiti ng loko nang makita si Mommy!

"Oh Tita, ano po ang ginagawa niyo rito? May meating po ba sila magandang Pearl?" of all people na makakasalubong namin si Xander pa talaga na pinsan ni Jaynie!

Patay, hindi ko pa nga pala nasasabi kay Mom na pinsan nang loko ang loka...

"Wala naman Xander, may tuturuan lang ako nang leksyon sa room nila Pearl." sagot naman sa kaniya ni Mom.

"Teacher po pala kayo?!" natatawang tanong ni Xander kay Mom.

"Patawa ka kid, by the way, halika, samahan mo ako para makita mo kung paano sabunin nang Tita mo ang babaeng iyon..." naiinis na saad sa kaniya ni Mom.

Pansin ko ang biglaang pag-lunok ni Xander kaya sa tingin ko'y may ideya na rin siya.

Bago kami nag-lakad ay lumapit sa akin si Xander para bumulong, "Pinsan ko ba ang tinutukoy ni Tita?" bulong sa akin ng loko.

"Sorry, pero siya nga!" naka-ngiwi kong saad.

Muli na namang napalunok nang sariling laway si Xander.

Nang makarating kami sa labas nang classroom ay sinalubong naman kami agad nila Bianca at Whiskey maging si Kier ay narito rin pala.

"Mom? Kalma lang po huh, nag-promise po kayo sa akin na usap lang po ang ipinunta ninyo rito!" bulong ko kay Mom.

Tumango naman siya kaya medyo napanatag ang loob ko.

"Go Tita, sabunin na iyan!" sigaw naman ni Bianca.

"Yuhoo, kalbuhin na iyan!" si Whiskey naman.

Akala mo naman wala si Xander rito... baka na-hu-hurt na namin ang feelings niya.

"Tita, back up mo kami!" si Kier naman, hindi pa nga siya kilala ni Mom, back up na agad? Ano? Feeling close lang ang peg?

Lumingon ako kay Xander at nakita na ngumiti lang siya sa akin.

Ano ba ang sinasabi niya, na okay lang na alipustahin namin ang pinsan niya?! The best...

"Sino siya?" si Kier ang tinutukoy niya.

"Ah Mom, si Kier po, SSG vice president, kaibigan po namin siya!" ako na ang nagpaliwanag dahil busy na ang dalawa kong kaibigan sa panghahamon kay Bianca na kakatayo lang sa kaniyang inuupuan.

"Nice meeting you hijo!" si Mom.

"May pinagmanahan naman po pala nang ganda si Pearl!" nako, nambola pa talaga ang Kier na ito.

Natawa lang naman si Mom sa sinabi ni Kier.

"Are you done chit chatting? Ang iingay niyo, classroom 'to hindi ito squatter area..." biglaang imik ni Jaynie kaya natigilan kami sa aming pagtatawanan.

Mabuti na lang at nag-chat si Xander kanina sa akin na busy daw ang mga teachers ngayon sa pag-uusap sa incoming events na gaganapin.

"Ikaw, babae... Pwede ba tayong mag-usap?" tanong sa kaniya ni Mom kaya napa-flip hair pa ang babaita.

"Hindi ka edukada kaya hindi ka pwedeng makipag-usap sa akin!" maging ako'y napa-buga nang hangin dahil sa sinabi nang babaita.

Paano naman makakalma si Mom kung ganito umasta ang babaeng ito?!

"Hoy babae, mag dahan dahan ka sa mga pananalita mo sa Mommy ko huh." panghahamon ko sa kaniya.

Maging ako'y hindi na makapag-timpi, sobrang bastos talaga nang babaeng ito.

"Mga eskandalosa, ganiyan ba ang rapat na behavior ng isang SSG secretary?" nako, heto na naman po tayo.

"Kailan mo ba titigilan ang isyu mo tungkol sa pagiging SSG secretary ko?" ani ko habang naka-cross arm.

"Nako anak, baka inggit lang 'yan sayo. Tsaka babae, gusto mo bang isampal ko sayo ang diploma ko?" hindi lang pala ako ang marunong humamon. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang talaga nakita na ganito magalit si Mom. Unless noong nagalit siya kay Dad, pero iba eh, iba ang galit niya ngayon kay Jaynie.

Siguro nga tama ang sinasabi nila na iba na ang usapan kapag anak ang sinaktan.

"Whatever, tsaka hindi ako inggit sa anak mo, sa ganda kong 'to maiinggit ako? Never!" ang arte talaga, nakaka-gigil.

"Jaynie? Kapag inggit, pikit!" biglaan namang imik ni Whiskey na kanina pa natatawa.

Natawa naman kaming lahat, pati ang mga kaklase kong nanonood sa amin.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo bakla!" pinandilatan pa niya ng mga mata si Whiskey.

Malaglag sana mga mata mo...

"Subukan mo pang saktan ang anak ko, ako na ang makakalaban mo, siguro hindi mo pa nakikilala kung paano ako magalit. Pero sa oras na ginalaw mo pa ang anak ko, lahat nang taong naka-paligid sayo, isasali ko sa gulong sinimulan mo!" pagkatapos sabihin iyon ni Mommy, nag-death glare pa siya kay Jaynie.

"As if i care!" pahabol na wika nang babae bago nag-walk out.

"Madapa ka sana..." si Whiskey na naman.

"Ang galing mo Tita..." si Bianca.

"The best Tita yarn?" si Kier naman.

Mukhang nagiging close na nila si Mom.

"Syempre ako pa ba!" pagmamayabang naman sa kanila ni Mommy bago mag-taas nang kilay.

Lumapit ako kay Mom tsaka bumulong sa kaniya. Siguro this is the right time para malaman niya ang totoo.

"Mom? Nakalimutan ko pong sabihin sa inyo na pinsan po ni Xander si Jaynie..." bulong ko kay Mom na naging dahilan para mapa-tingin siya sa akin ng diretso.

"Anak naman, bakit hindi mo agad sinabi?" naagaw na ni Mom ang atensyon nang mga nagtatawanan.

"Xander, sorry, hindi ko alam na pinsan mo pala siya. Ang bait bait mo naman kasing bata kaya nakakapag-taka kung paano mo siya naging pinsan!" na kay Xander na ang atensyon ni Mom.

"It's okay po Tita, deserve nang pinsan kong iyon ang mga nararanasan niya. Siya ang nag-umpisa nang gulo, kayo lang po ang tumatapos." ani Xander bago siya yakapin ni Mom.

Hanga talaga ako kay Xander kasi hindi niya tino-tolerate ang ganoong ugali ni Jaynie.

Alam ko na mahirap para sa kaniya na makitang nahihirapan ang pinsan niya pero tinitiis niya kasi gusto niyang matuto ang pinsan niya nang tamang gawain at tamang asal.