Chapter 56: Necklace, Food, and Handkerchief.

Pearl's Pov

Simula kagabi pa lang ay marami na akong iniisip. Pati tuloy sa school nadala ko pa ang mga iniisip ko.

Nasa library ako ngayon. Wala iyong dalawa, ewan ko ba kung nasaan ang mga iyon.

Ramdam ko na parang may naka-tingin sa akin kaya luminga linga ako sa paligid. Wala namang tao na naka-tingin sa akin. Heto na naman ang weird feelings, minsan, iniisip ko na lang na baka minumulto na ako. Baka naeengkanto na ako ng hindi ko man lang namamalayan!

Nag-ring ang phone ko kaya roon ko itinuon ang atensyon ko bago ilapag ang librong binabasa ko.

From Xander;

Saan ka?!

To Xander;

Nasa library.

Ilang araw ko na nga rin palang hindi nakakasama ang isang 'to. Busy siguro sa mga school works niya, magpaparamdam nama iyon eh kung hindi siya busy.

From Xander;

Wait mo ako, sunduin kita!

To Xander;

Sige!

Nang makapag-reply ako sa kaniya'y tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.

Pagka-labas ko nang library, kita ko na ang Xander na malapad ang ngiti na naghihintay sa akin.

"Magandang Pearl..." bati niya.

Never na niyang nakalimutan ang endearment niyang iyon sa akin.

"Uy Xander, kumusta?" bahagya kong tanong sa kaniya nang maka-lapit na ako sa kaniya.

"Okay lang! Akin na 'yang mga hawak mong libro!" wow, first time 'to ah!

"Sure ka? Mabigat ang mga ito!" paniniguro ko kung kaya niya ba talagang buhatin ang limang librong dala ko.

Mahina siyang natawa. "Kaya mo nga 'di ba, tapos ako hindi kakayanin? Hindi naman ako mahinang nilalang Pearl!" aniya habang umiiling iling pa.

"Nga pala, nabalitaan mo na ba iyong nangyari?" nakatingalang tanong ko sa kaniya.

"Huh? Anong nangyari?" halatang wala talaga siyang alam. Hindi ba't close sila ni Jaynie? Kung close sila, eh 'di dapat alam niya ang nangyari kahapon.

"Ah... Bago ko ikwento sayo, libre mo muna ako nang ice cream!" nag-ke-crave ako sa ice cream kaya parang feel kong kumain.

"Sige ba, basta kwento mo sa akin huh!" saad niya bago namin tinungo ang cafeteria.

"Anong flavor sayo?" tanong niya habang hawak hawak ang wallet niya.

"Rocky road na lang, sarap no'n eh!" sagot ko naman.

Ever since, rocky road na talaga ang favorite kong ice cream kapag ang usapan ay tungkol sa cornetto.

Nang makabili na kami nang ice cream, umupo na kami sa upuan nang table na napili namin.

Ang gentleman niya kasi ipinagbalat niya pa ako ng ice cream... Grabe lang, required ba na ipagbalat niya ako ng ice cream?!

"Promise is promise!" aniya habang iwinawagayway pa ang kaniyang ice cream sa ere.

"Oo na! Ang hina naman pala nang radar mo pagdating sa chismis. Ewan ko kung naikwento ko na sayo 'to pero may nangyari sa akin three years ago na naging cause nang trauma ko. And kahapon ko lang rin nalaman kung sino nga ang mga tao sa likod nang nangyaring iyon." pagke-kwento ko bago kumain sa ice cream.

"And si Jaynie ang nasa likod no'n, tama ba ako?!" natigilan ako sa pag-lantak nang ice cream.

"Paano mo nalaman?" bahagya kong tanong sa kaniya.

"Kay Kier, ayaw pa sana niyang sabihin sa akin pero pinilit ko lang siya. Baka daw kasi mas panigan ko si Jaynie kasi pinsan ko siya... Roon kayo nagkakamali kasi hindi ko tino-tolerate ang ganoong ugali ni Jaynie. Roon kami nagkakaroon nang problema parati, sa pagiging bully niya." paliwanag niya.

Si Kier pala ang nag-sabi, pero good to know dahil hindi namin nasagasaan si Xander. Hindi naman pala niya tino-tolerate ang ganoong behavior ni Jaynie kaya sana pala'y sinabi ko na sa kaniya ang pag-i-imbestiga namin tungkol sa pinsan niya.

"Mabuti naman, nag-worry talaga ako kasi baka magkabanggaan tayo kapag nagkataon na sinagasaan namin ang pinsan mo!" ani ko habang nag-pupunas gamit ang tissue.

"And im sorry kasi wala akong naitulong!" aniya.

"Oks lang, akala ko ba wala kang alam?" tumawa siya.

"Wala eh, na-miss lang kitang kausap kaya nag-open ako nang topic, tsaka infairness ah, ang sarap nang pinili mong flavor." sambit niya habang natatawa pa rin.

Naisahan na naman ako ng lokong 'to, napaka-wais talaga. And take note, nakigaya na naman siya nang flavor ng ice cream.

***

Nang matapos kaming mag-chikahan ni Xander sa cafeteria ay nag-punta muna ako sa SSG office, ayoko sanang pumunta pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang naiatas na obligasyon sa akin. Hindi ko pwedeng dalhin sa trabaho ko as SSG secretary ang mga problema ko sa aking sariling buhay.

Pag-pihit ko nang door knob ay bumungad sa akin ang tahimik na mga tao, lahat sila ay may ginagawa!

Tahimik akong nag-lakad papuntang table ko.

Kunot noo ko namang tinignan ang mga pagkain sa lamesa ko. Aba't ayaw talagang tumigil nang nagpapadala nang pagkain. Balak yata akong patabain ah!

Nag-text ako kay Kier kung may nakita ba siyang tao na nag-lagay nang mga pagkain sa table ko.

To Kier;

May nakita ka bang tao na nag-lagay nang pagkain rito sa table ko?

Lumingon naman siya sa pwesto ko nang mabasa niya ang text ko.

From Kier;

Wala eh, wala naman 'yang mga iyan kaninang pag-pasok ko! Welcome back pala!

Sino naman kaya ang nag-lagay nito?

Isa pang mysterious thing na nangyayari sa buhay ko rito sa school, ang misteryosong nagpapadala nang pagkain.

To Kier;

Okay thanks!

Kinindatan lang ako nang loko bilang sagot. Kung hindi niya lang type si Bianca, malamang iisipin ko na may gusto siya sa akin.

Pero sadyang sweet lang talaga si Kier, nasa personality niya ang pagiging isang sweet na tao!

"PDC? Kanino pong kwintas 'to? Sa inyo po ba? Nahanap ko po kasi sa labas eh!" boses ni Jane, nasa gilid siya ni PDC.

Tumigil ako sa aking pagususlat nang marinig si Jane na mag-salita, malakas rin kasi ang boses niya.

Bigla akong kinabahan kaya kinapa ko ang kwintas na may pendant na DC, hindi pwedeng mawala iyon, kailangan ko pang ibalik iyon kay DC kapag nagkita kami ulit.

Wala sa leeg ko, akin 'yon... Kinakabahan na talaga ako!

"A-ah, J-jane, akin 'yan!" hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ako nauutal?

Syempre, nakakailang ang titig nang Dwight na 'to.

Parang hindi makapaniwala na akin ang kwintas na iyon, anong akala niya sa akin, umaangkin nang hindi akin?

Panay rin ang titig niya roon. Halos matunaw na nga ang kwintas sa paraan nang pag-titig niya roon eh!

Binigay niya ang hawak na kwintas kay Jane at si Jane na ang mismong nag-balik sa akin.

Agad ko namang isinuot iyon at baka mawala na naman ulit... Mahirap na, mas mainam na iyong nag-iingat!

"PDC, panyo niyo po nahulog!" si Jane na naman.

Bigla akong napatingin sa kanila... Ang lakas maka-istorbo, kanina pa salita nang salita.

Natigilan na naman ako nang makita ang panyong hawak ni Jane at sinasabing panyo daw ni Dwight.

Hindi ako pwedeng magka-mali, panyo ko iyon...

Hinalughog ko ang bag ko kung naroon ba ang dinala kong panyo.

Mayroon naman sa bag ko, eh bakit may kapareho? Tapos pambabae kaya 'yon 'no!

Tsaka memorize ko lahat nang panyo ko, naka-burda na mga butterfly ang designs.

The only way to find out kung sa akin nga ba iyon ay kung mayroong pangalan ko na naka-burda...

Bigla kong naisip na iyong panyo na iyon ay ang ibinigay ko sa batang nakilala ko sa park at ipinangtali sa sugat niya. Pero paano napunta kay Dwight iyon? O baka naman kapareho lang... Pero imposible, kasi si Mom ang gumawa nang mga panyo ko kaya wala talagang kapareho ang mga iyon!

Napa-tingin siya sa akin kaya umiwas kaagad ako ng tingin.

Sabi ko nga 'di ba, hanggat kayang umiwas, iiwas, para wala nang gulo!