Chapter 58: Basketball game
Pearl's Pov
Umalis na si Mom, pumasok na siya sa kaniyang trabaho. Para masigurado ko na papasok na siya sa kaniyang trabaho'y hinatid ko pa siya sa may labasan kanina.
"Huy, sorry ah. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na huwag patulan si Jaynie, hope you understand!" saad ko habang naglalakad kami papuntang gym.
May laro daw kasi sila nang basketball, Xander's team Vs. Dwight's team. Gumawa pa ako ng cartolina na may sulat na 'Go team Xander.' i-che-cheer ko ang team ni Xander. Eh bakit ba, sila ang gusto kong i-cheer eh!
"Okay lang, sinabi ko naman sayo 'di ba hindi ako mangingialam kung ikabubuti nang pinsan ko ang pinag-uusapan. Tsaka huwag ka nang mag-alala, ako na bahala doon!" saad niya bago ngumiti ng matamis.
Nag-presinta na naman siya na buhatin ang mga libro ko.
"Eh paano kung kayo naman ang mag-away? Ayokong masira ang relasyon ninyong dalawa nang dahil lang sa akin..." seryosong saad ko.
"Kung ano man ang magiging epekto niyon sa akin, ako na ang bahala roon!" sagot niya sa aking tanong bago sumabay sa aking paglalakad.
"Nga pala, bagay sayo ang jersey mong iyan!" puri ko sa suot niyang jersey.
Si Xander nga pala ang team captain ng team nila. Ang bilis niyang naka-pasok sa varsity team. Bale dalawa kasi ang varsity team ng school and iyong laban nila ngayon is laro laro lang. Siguro, palabas muna nila ngayon dahil walang magawa ang mga estudyante. Pampa-bawas bored na rin!
"Gusto mo?" tanong niya.
"Huwag na, hindi ako mahilig mag-suot nang walang kamay!" saad ko.
"Eh 'di ipag-gagawa kita ng jersey na may kamay!" aniya bago guluhin ang buhok ko.
"Huy, sigurado ka?" tanong ko pero huli na ang lahat dahil nauna nang naglakad ang loko.
Hindi man lang ako hinintay...
Nang makarating ako sa gym ay ang sarap na nang upo nang lalaking iyon.
Nang makita niya ako ay agad na kumaway sa akin.
Tinungo ko ang direksyon niya. At nang makarating ako sa kaniya, agad kong piningot ang tainga niya nang hindi ko malaman kung ano ang dahilan, siguro, nainis ako sa kaniya dahil iniwan niya ako kanina habang naglalakad kami.
"Aww, aray ko, masakit Pearl!" daing niya habang hawak hawak ang kamay ko at pilit na inaalis sa tainga niya.
Nang mabitawan ko na ang kaniyang tainga, tumawa ako ng malakas. "Mahina ka pala eh, mahinang pingot lang naman iyon tapos dumadaing ka na." natawa na naman ako dahil sa kaniyang hitsura. Naka-hawak pa rin kasi siya sa kaniyang tainga.
"Ngayon ka tumawa..." aniya tsaka humawak sa pisngi ko at pinisil iyon nang pagka-higpit higpit.
"Aray, tama na. Jusqo, ang sakit naman!" daing ko naman. Pinag hahampas ko pa ang kaniyang kamay.
"Sabi ko na nga ba't mahina ka rin eh. Haha!" Sinabayan pa talaga niya nang malakas na tawa ang kaniyang pagsasalita.
Nag-pout pa ako kasi masakit talaga ang pag-pisil niya sa aking pisngi.
"Tama na nga ang ka-sweetan, hinahanap ka na ng mga ka-team mo!" si Kier na biglaan na lang sumulpot sa harapan namin ni Xander. Tumingin naman ako sa kaniyang likuran at nakita ang mga kaibigan ko na naghaharutan na naman.
"Ka-sweetan ka diyan, nag-bibiruan lang kaya kami!" maktol ko naman kay Kier.
"Oh sige na nga, kung ganoon lang pala!" balik na saad niya.
"Pearl, punta muna ako sa kanila ah, balik ako mamaya after game. Don't worry mag sho-shoot ako three point's para sayo!" aniya habang naka-ngiti nang malapad.
"Oo na, sige na! Mag che-cheer naman ako for your team!" ani ko bago niya kami tinalikuran at nag-lakad patungo sa mga ka-team niya.
Siniko naman ako ng katabi ko kaya napa-tingin ako sa kaniya. "Ang sweet niyo ah. Sana all!" si Whiskey na naman pala. Kahit kailan talaga'y makulit ang isang 'to. Bakit ba ang tingin nilang lahat sa amin ni Xander ay may something? Hindi ba pwedeng magkaibigan lang kami kaya ganoon kami kung umasta?!
"Gagi, ang rumi nang isip mo!" wika ko tsaka siya inirapan.
Pagkaraan ay nag-umpisa na ang game. Sa una, mas lamang sila Xander. Todo cheer pa kami nila Whiskey.
"Go Xander, Pearl is always here for you!" sigaw pa ni Whiskey.
Nakakahiya... Ngayo'y naka-tingin na sa amin lahat nang tao at ang mga ka-team ni Xander.
Maging si Dwight ay napapa-tingin rin sa amin. Pero ano pa ba ang bago, syempre dedma lang para wala nang maging problema.
"Thank you!" pasigaw na ani naman ni Xander.
Itong Whiskey na 'to kasi, pa-issue.
"Go Dwight kaya mo 'yan!" sigaw naman nang babaita.
Talagang nakikipag palakasan pa talaga nang sigaw sa amin, imbes na iyong pinsan niya ang i-cheer niya, mas inuna pa ang iba. Ayan tuloy ginanahan akong mag-cheer. Halos mamaos na rin ang boses ko sa kakasigaw. Syempre 'no, rapat mas malakas ang cheer namin kaysa kay Jaynie.
Kapag nag-sho-shoot si Xander, tumitingin muna siya sa akin bago niya ihagis ang bola. Tinupad nga ng loko ang pangako niya sa akin na mag-sho-shoot siya ng three points para sa akin.
Sa huli'y nagkulang pa rin ang team ni Xander kasi nanalo ang kabilang team. Pero ayos lang iyan, better luck next time na lang.
Tumayo na kami sa aming kiauupuan at tinungo si Xander na umiinom ng tubig kasama ang mga ka-team niya.
"Huy, okay lang 'yan. May next time pa naman!" saad ko sa kanila.
"Tama ka Miss Pearl, tsaka hindi naman 'yon seryoso, laro laro lang iyon!" sabi nang isang ka-team niya.
"Ano? Okay ba ang three points ko?" tanong pa ni Xander tsaka nag-wink.
"Oo naman 'no, ang galing mo nga eh, tsaka ang hot mo!" imbes na ako ang sumagot sa tanong ni Xander, inunahan naman ako ni Whiskey na sumagot. Dahilan para matawa tuloy kaming lahat.
"Tama, ang galing mo nga!" pag sang-ayon ko na lang sa sinabi ni Whiskey.
Nilapitan ko naman si Kier para bumulong sa kaniya. "Kier? Baka hinahanap ka na ni PDC, kanina pa tingin nang tingin rito eh!" pansin ko kasi na kanina pa tingin nang tingin sa amin.
"Hayaan mo 'yan. Naiinggit lang!" ani Kier.
Nang magtama ang tingin naming dalawa'y nag-iwas agad ako.
"Sige Xander, una na kami huh. Next time galingan natin!" paalam nang isa sa kanila. Tsaka sunod sunod na silang nag-paalam sa amin.
"Oh sige Pearl, may gagawin rin kami... Una na kami huh!" Si Bianca naman.
"Una na kami." si Kier.
"Girl, see you later!" si Whiskey naman
Tumango lang ako sa kanila bilang sagot.
Naiwan kami ni Xander rito sa gym, nakaramdam ako na parang naiihi ako. "Xander, CR lang muna ako huh!" paalam ko sa kaniya.
"Sige, hintayin kita dito!" aniya bago ko siya tinalikuran at tinungo ang CR.
Nagmadali lang ako dahil baka mainip si Xander pero palabas na sana ako nang CR nang may humarang sa akin.
"Can we talk?" tanong niya. Ano na naman ba ang gusto niyang pag-usapan?!
"Sorry pero busy ako!" sagot ko. Akma na akong aalis pero nahawakan niya ako sa palapulsuhan kaya nabalik ako kung saan ako nakatayo kanina.
"Gusto mo ba si Xander?" Bahagya niyang tanong.
"Tss, ano bang sinasabi mo? Magkaibigan lang kami!" mariin kong sabi.
"Just a friend? Pero masaya kayong nag-uusap habang kumakain ng ice cream, rocky road pala ang gusto mong flavor, ba't hindi mo sinabi para binilhan sana kita nang tatlo?!" anong akala niya sa akin, mukhang ice cream?!
"It's not about the ice cream, masaya lang kausap si Xander that's why i like to make some chit chat with him." ani ko habang naka-cross arm.
"Aminin mo na kasi, may gusto ka sa kaibigan ko! And todo cheer ka pa sa kanila kanina, natalo rin naman sila!" mariin niyang sambit habang naka-ngisi.
Ang yabang...
Napa-buga ako ng malakas na hangin. "Ang tanong kaibigan mo ba talaga siya? Kailan ka ba nagkaroon ng kaibigan? Eh halos lahat na nga yata ng lumalapit sayo ipinagtutulakan mo palayo, o kung hindi nama'y pinagbabantaan mo! Tsaka ano naman sayo kung nag-cheer ako sa team ni Xander, anong gusto mo? Kayo ang i-cheer ko? You wish, puputi muna ang uwak bago ko gawin iyan!" totoo naman ah, hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya kay Kier na 'I will kill you!'
Bakit ka ba ganiyan? I see that you've change a lot! Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ka sa akin." aniya.
"Pansin mo rin pala! Pansin ko nga rin eh. Kagagawan nang mga taong naka-paligid sa akin! Nararamdaman nga ng isang tao nagbabago, iyong mismong tao pa kaya!" hindi na ako iyong Pearl na naka-ngiti kapag kausap siya. Kagaya nga ng sabi niya, i've change a lot. And good to know na nararamdaman niyang hindi ko na siya gusto!
"Pwede bang ibalik na natin iyong rati? Bakit ka ba nagkakaganiyan?" he asked frequently.
"Sige, pwede rin naman. Tsaka ako nga ang rapat na mag tanong sayo kung bakit ka nagkaka-ganiyan. Huwag mo na nga akong pansinin. Pwede ba nating ibalik ang mga araw na kapag nilalapitan kita iiwasan mo ako. Iyong tipong kapag pinapansin kita magiging cold ka. Iyon 'yong gusto kong ibalik at hindi iyong times na hinahabol habol kita. Dahil ang habulin ka'y isang malaking pagkakamali na nagawa ko sa tanang buhay ko." i smiled bitterly.
"Nagbago ka na nga talaga. Hindi na kita kilala!" natawa ako ng mahina sa sinabi niyang iyon.
"Mas mabuti nga kung ganoon eh. Mas gusto ko kung hindi mo na ako makikilala. Kung gusto mo, tanggalin mo na ako as SSG secretary, nang sa ganoon, si Jaynie na ang gawin mong secretary mo. Si Jaynie na Girlfriend mo tapos secretary mo pa. Ayaw mo no'n, tiba tiba ka roon Kuya Dwight." Pansin ko ang inis sa kaniyang mukha nang sambitin ko ang kuya.
Totoo naman ah, mas matanda kaya siya sa akin. Grade 10 ako tapos grade 12 na siya, eh 'di rapat lang na tawagin ko siyang kuya. Para naman kahit mapanakit siya, maituturing pa rin siyang kagalang galang.
Rapat pala noon ko pa siya tinawag na kuya para napigilan ko ang nararamdaman ko noon sa kaniya. Pero noon lang 'yon at hindi na ngayon. Past is past!
Duh, tinuruan ako ni Mom nang tamang manners 'no!
"Sige Kuya Dwight, aalis na ako!" pahabol kong wika bago siya talikuran at bumalik kay Xander na parang walang nangyari.