Chapter 3

"Anong gagawin ko?" Nahihimigan ko ang frustration sa boses ni Helen.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya na kanina pa hindi mapakali. Natigil ako sa pagtitipa sa cellphone. "Bakit mo ba kasi ginawa ‘yon?" Problemado kong tanong sa kaniya.

"Hindi ko naman kasi alam na pinsan niya iyon, okay?" Napaupo siya at bahagyang ginulo ang buhok.

"Marupok ka kasi!" Napairap si Crezst.

Matalim siyang tinignan ni Helen. "Lasing ako noon, okay? Pareho tayong lasing!"

"Eh bakit ako? Lasing din naman ako pero hindi ako nakipagmake-out." Singhal Crezst. Napatingin ako sa paligid, mabuti nalang at walang nakarinig.

Recess namin ngayon at nasa tambayan kami, may iilang estudyanteng tumatambay sa mga shed at may mga sariling mundo.

I actually don't know how to help Helen. Nahuli kasi siya ng boyfriend niya na nakikipagmake-out doon sa nightclub noong Biyernes, ang masaklap ay pinsan pa iyon ng boyfriend niya. Hindi lang basta pinsan kundi itinuturing iyon ng boyfriend niya bilang malapit na kaibigan.

"Gumawa ba ng gulo ang boyfriend mo doon sa nightclub?" Pinagsalikop ko ang kamay at ipinatong ito sa mesa.

"Muntik na Slaine, mabuti nga at naawat agad ng bouncer ang magpinsan!" Sagot ni Crezst saka uminom ng kaniyang coke.

"Nakapag-usap ba kayo ng boyfriend mo noong nasa katinuan ka na?" Umiling si Helen sa tanong ko. Alam ko namang kahit may pagkaano siya ay mahal niya si Ethan, ang boyfriend niya.

"Wala kaming naging matinong usapan at nauuwi iyon sa pagtatalo, Slaine."

Hindi ko matagalan ang pagtingin sa mukha ni Helen na maiiyak na. Kumawala ako ng buntong hininga bago napagdesisyunag itigil muna ang ginagawang proyekto sa cellphone.

"Kamusta na sila Ethan at Trevor? Siguro naman hindi nagkalamat ang pagiging magkaibigan nila dahil doon ano?" Batid ko ang pag-aalala sa boses ni Crezst, maging ako rin ay ganoon ang nararamdaman.

"Hindi ko alam, Crezst. Wala akong balita pero huwag naman sana. Susubukan ko nalang humingi ng tawad kay Trevor sa social media accounts niya."

"But is it necessary to apologize? I mean Trevor is at fault too because he let you kissed him." Crezst voiced out.

"There's also a probability that Trevor is also drunk that time, so he didn't recognize that it was Helen he's kissing."

"This should be served as a lesson to you Helen Hernaez." Seryosong ani Crezst.

"I think it's inevitable..." Nanlaki ang mata naming pareho ni Crezst sa sinabi niya.

"Helen!" Sabay pa kami ni Crezst sa pagsambit ng pangalan niya.

"What Crezst? It's also your doing too!" Akusa ni Helen.

Pumait ang mukha ni Crezst, hindi nagustuhan ang narinig. "But I made sure I'm not committed before doing those!"

"Stop you guys! Tama na tungkol diyan sa make out make out!" Awat ko sa kanila dahil halos magpatayan na sa katitigan.

Naunang umiwas si Crezst at nakakrus ang braso sa dibdib. Pakiramdam ko ay nagtatampo siya.

"I'm sorry, Crezst." Helen softly uttered and Crezst onluy responded with a nod.

"Mag-usap nalang kayo ni Ethan kapag pareho na kayong kalmado, Helen." Hinagod-hagod ko ang likod ko at napangiti siya sda akin ng pilit.

"Samahan niyo 'ko," may bahid ng pagmamakaawa ang boses niya.

Napangiwi ako. "Hindi ko kayang lumiban sa klase, Helen."

"Alam ko naman iyon Slaine..."

Tumingin ako kay Crezst, sandali kaming nagsenyasan. "Sa Sabado nalang Helen, sasamahan ka namin ni Slaine."

Tumango si Helen at umukit ang ngiti sa mukha niya. "Salamat."

"Sa susunod, huwag na kayong maglasing sa nightclub kung pwede namang sa bahay niyo nalang kayo magwalwal. Less gastos pa. Tamang red horse at lapad lang."

Tawang tawa ako nang makitang pareho silang napairap. "O hindi kaya tuba nalang. Nakakalasing din naman iyon!"

Inubos muna namin ang pagkain bago naisipang bumalik ng building. Sinadya naming dumaan sa kabilang hagdanan para madaanan namin ang classroom nila Rafus. They keep on protesting but I just don't care. I want to see Rafus so I can have the energy to participate in class later.

He's still dashing as ever! I've been crushing him since I was in grade nine, so probably I've been crushing him for three years now. I don't know but he's the only guy with glasses I'm attracted to. He's really handsome and I bet my panty will loose its garter if I'll saw him not in glasses anymore.

I saw Rafus reading a book in his chair. I badly want to enter their classroom. I composed myself before taking a step inside but his seatmate-the transferee, suddenly sat beside him.

"Oh, ano ka ngayon?" Natatawang sita ni Crezst. "Ang hina mo kasi Slaine. Galaw galaw baka pumanaw."

"Basted nga kasi ako, Crezst." Bumusangot ako pero napairap lang siya.

"Maraming isda sa dagat, Slaine Amaris Aranza." Makahulugan nitong sabi.

"Pero magsasaka tatay ko." Pabalang kong sagot. Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong pinalo. "Aguy! Palagi nalang kayong namamalo ng puwet!"

Patuloy kami sa pagbabangayan ni Crezst habang umaakyat pataas. Hindi sumasali si Helen at naiintindihan naman namin iyon. Mukhang kailangan nga talaga niyang makausap ang Ethan na iyon.

Nagsimula ang sunod na subject namin at gaya ng inaasahan ay nagparticipate ako. Ganado ako dahil nakita ko siya sa araw na ito, sana ganoon din siya kapag nakikita ako. Natapos ang panghuling subject namin at dahil hindi kami ang cleaners, sabay kaming tatlo sa paglabas ng classroom.

"May ni-two time ako." Nanlaki ang aking mata sa pagiging kaswal ng boses ni Crezst, tila sanay siyang sabihin iyon.

"Seryoso?" Napasinghap ako sa gulat at natigil sa paglalakad. Tumango si Crezst at walang pasabi-sabing binatukan siya.

"Kakarmahin ka niyan. Isa isahin mo naman, takot maubusan?" Patuyang sabi ni Helen.

Napairap si Crezst. "I know karma is a bitch but I'm bitchier."

"Taga-saan na naman ba ang nadale mo? Paano kapag nalaman iyan ni Dan?" Ako ang nag-aalala sa mga lalaki nitong si Crezst. Nako!

"Relax! Dan won't find it out, Taga-polytechnic 'yung guy at may plano akong makipagkita sa kaniya ngayong linggo."

Napahawak ako sa sentido. Sumasakit ang ulo ko sa mga lalaki ng dalawang ito! Hindi ako maka-relate dahil wala akong boyfriend! Minsan hindi ko talaga sila maintindihan, andami namang gwapo dito sa WeSaS tapos kung saan saan pa sila naghahanap!

Ang boyfriend ni Helen na si Ethan, sa San Jose nag-aral, sa Saint Anthony's. Si Dan na boyfriend ni Crezst ay dito nga nag-aaral pero ang ni-two time naman ng babaeng iyon ay Taga-polytechnic, sa Sibalom pa! Si Trevor naman na nakahalikan ni Helen sa nightclub, sa Aklan State University pa nag-aaral!

Ah, bahala sila diyan. Mukhang ako lang ata matino sa aming tatlo.

"Gago ano’ng ginagawa mo?!" Malutong akong pamura nang biglang umakbay sa akin si Lowell.

"Paakbay muna Slaine, kailangan ko lang maipakita sa ex ko na may iba ako para tantanan na niya ang kahahabol sa akin." Bulong ni Lowell kaya hindi ko naiwasang igala ang aking paningin sa paligid.

"Nasaan ba? Baka mamaya niii-scam mo lang ako ha?"

"Legit nga Slaine. Grabe ang paraan ng pagtitig niya sa'yo oh!" Pasimple tinuro ni Crezst ang direksyon ng babae.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino iyon. "Tangina, naging ex mo si Mejia?!"

"Mga tatlong buwan lang naman kaming nagtagal." Napamura kaming tatlo sa sinabi ni Lowell.

"Hindi ako makapaniwala, pumatol ka doon?" Naagaw ang atensiyon ni Crezst sa pinag-uusapan.

"Hindi naman siya ganoon ka sama gaya ng sinasabi ng iba." Pagtatanggol ni Lowell.

"Ah kaya pala may pamalit... agad." Si Helen at nginuso si Mejia.

Napatingin narin ako sa direksyon ni Mejia at nakita kong may kasama na siyang lalaki. Naghaharutan sila at sa tingin ko ay sinasadya niya rin iyong ipakita kay Lowell.

I don't have any problem towards Mejia but her image here was slightly tainted because of her dating issues. Same goes to her sister, but Shantal's just a bit milder than her.

Sa pangkalahatan, wala akong paki. Ni hindi nga ako magustuhan pabalik ni Rafus tapos poproblemahin ko pa sila? Big NO.

"Hayaan mo na, doon siya masaya." Mahinahong sabi ni Lowell na mukhang hindi naman ganoon ka apektado sa paghihiwalay nila.

"Piste! Hoy alisin mo na ang pagkaakbay!" Sigaw ko at pilit na inaalis ang braso ni Lowell pero mas lalo niya lamang iyong hinigpitan.

Sandali kaming nagkatinginan ni Rafus, istoiko ang mukha niya ngunit ayaw kong ma-misunderstood niya ang pag-akbay ni Lowell sa akin. Iniwas niya ang tingin sa amin at ibinaling ang atensyon sa hawak na cellphone. Worried filled me. Paano kung ito ang magiging rason para lalo niya akong hindi kausapin o pansinin?

"Huwag Lowell." Crezst smirked at me. Even Helen's telling him not to let me go.

Pinaningkitan ko ng mata sila Crezst at Ana. "Kapag ako nawalan ng love life dahil sa inyo, isusumpa ko talaga na mabubuntis kayo ng maaga!"

Crezst and Helen softly pulled some strands of my hair and I slightly whine because of pain.

"Gaga ka talaga." Si Crezst.

Napairap ako't hindi pinansin ang pagrereklamo nila sa huling sinabi ko. Siniko ko si Lowell dahil sa pagkainis kaya naialis niya ang kanyang braso at napasapo sa kaniyang tiyan.

Lowell slightly grunted. "Ang sadista mo!"

“ Deserve!”

Napairap ako at bahagyang nauna sa pagkakalakad. Nagbabalak akong puntahan si Rafus pero hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko kapag magkaharap na kami.

Rinig ko ang tukso ng tatlo habang naglalakad ako papalapit kay Rafus. Ni-deadma ko iyon. I wear the sweetest smile while he's still busy with his phone.

"Hi b-" Hindi pa ako natapos ay tinalikuran na niya ako.

Laglag ang aking panga habang nakatingin sa bulto niyang papalayo. What the? Did he just walk out on me like that? Paano maaayos ang relasyon naming dalawa kung ganiyan siya?

Here goes my assumera side!

Nakarinig ako ng halakhak papunta sa aking direksyon. "Okay lang iyan Slaine." Ani Helen habang tinatapik tapik ang aking balikat.

Nilingon ko si Crezst at Lowell, nagpipigil ng tawa ang dalawa. Mga gago.

Sa sumunod na araw ay naging abala ako sa paggawa ng nilalaman para sa aking ipapasa na proyekto. Nahihirapan man sa pagtipa sa cellphone ay nakaya ko pa naman. Gusto ni Sir na tama ang lahat ng nilalaman proyekto kaya ang iba kong kaklase ay naiistress sa kaniya.

May tatlong linggo at tatlong araw pa naman kami bago magfinals. Naumpisahan ko na ring gawin ang mga kailangang ipasa sa ibang subjects.

"Nakakainis si Sir!" Pabagsak na nilapag ni Crezst ang iilang libro sa mesa. Nasa tambayan kami ngayon at vacant time namin.

"Ano naman ngayon kung hindi niya bet ang color?" Kumawala siya ng buntong hininga at marahang napasabunot sa sarili.

"Gusto nga kasi ni Sir ay kulay violet." Si Helen saka napainom sa kaniyang soft drink. "Anything but violet."

"Pisting violet na iyan! Ayaw niya sa pink?" Inis na inis na singhal ni Crezst.

Ni-reject kasi ang file na ipinasa niya dahil hindi kulay violet, ganoon din ang kay Helen. Mabuti nalang at sinabihan agad ako ni Jangkit sa gustong kulay ni Sir.

Aminin man natin o hindi, may mga ganyan talagang guro.

"Bahala siya diyan. Next week nalang akong magpapasa tutal Sabado naman bukas." Ramdam ko parin ang inis sa mga salita ni Crezst.

Ipapasa ko na sa lunes ang PowerPoint, hindi ko alam kung pasok na ba iyon kay Ma'am. Bahala na.

"Anong oras ba tayo pupunta ng SJ, Helen?" I sighed when Crezst brought up that topic.

"Maybe eight? Or nine?" She uttered and looked at me. "Ano Slaine? Ano’ng oras?"

I just shrugged and let them decide. Namilog ang aking mata ng mapansin si Rafus, mag-isang siyang nakaupo sa shed. Hindi ko na alam kung ano’ng pinag-uusapan naming tatlo dahil ang atensiyon ko ay tanging nasa kanya.

Nanuyo ang aking lalamunan nang makita ang paggalaw ng kaniyang Adam's apple. He's reading a book and his earphones are being plugged on his both ears. He's still wearing glasses but I've noticed a slight changes on his physical appearance.

Mas lalo siyang gumagwapo.

"Slaine Amaris Aranza!"

Bigla akong natauhan at bahagyang nataranta. "Oh? Ano 'yon? May sunog? May pumindot ng fire alarm? May tumalon sa building?"

"Kanina ka pa tulala! Napapagkamalan ka ng baliw na baliw! Masyado ka nang halata!" Singhal ni Crezst ngunit kumibit lang ako ng balikat.

"Hayaan mo nalang siya, atleast hindi natin nababalitaan na kada linggo may binabasted." Si Helen.

"Sige kunsintihin mo ang pagkatanga niya," seryosong ani Crezst kaya nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya.

"Grabe ka talaga Crezst! Hindi ako tanga. Alam ko kung saan ako lulugar. Besides kay Rafus lang naman ako ganito, wala ng iba."

"Eww. You sounds like a smitten dog! It's giving me goosebumps!" Si Crezst at bahagya pang hinahaplos ang sariling braso na parang giniginaw.

Grabe naman maka-ew ang isang 'to! Sarap balibagin.

"Hoy Crezst! Grabe ka na talaga! Babalik iyan sa'yo, sige ka!" Dinuro ko siya at sinikap na maging seryoso ang boses.

"Whatever Slaine!" Napairap si Crezst. "Ngayon, parang alam ko na kung sino ang unang mabubuntis."

I was slightly got insulted by what she said. Since she’s really good friend of mine, I'll let it slide.

"I think it's you." I said in monotone and my eyes were pierced on her.

Nanlaki ang mata ni Crezst dahil sa gulat. "W-why me? I think... it's Helen too!"

"No Crezst, I think it's you." si Helen.

I want to laugh out loud because of Crezst's expression. She's afraid. She's afraid it might be true. Kahit na ako ay natatakot. Sino ba naman ang hindi? Ang babata pa namin para magkaroon ng anak. I want to give my child a good life. Having a child is the last thing I want to do if luck won't be at my side.

"Bakit ba ito ang pinag-uusapan natin?" Naiinis na tanong ni Crezst.

"Well you brought this topic first." Kalmado kong wika at ibinaling ang tingin sa hawak kong cellphone.

"Please let's not mention this kind of topic ever again? It's creeping me out, really." Crezst and I agreed to what Helen have uttered.

It was 6:50 in the evening when I got home. Actually our teacher dismissed us at 6:30 but it's hard to find a tricycle at night. Kinakailangan pa naming pumunta ng highway para makasakay. Gladly, Lowell offered a ride because he brought his motorcycle.

"Maraming salamat, Lowell." Sabi ko nang makababa ng kaniyang motor.

Sandaling nagtama ang mga mata namin, may nakita akong emosyon na hindi dapat. Tumango lamang siya habang hindi parin inaalis ang tingin sa akin.

Tumalikod ako't naglakad papasok sa gate namin. Pinaandar lang ni Lowell ang motor niya nang tuluyan na akong makapasok ng bahay.

Hindi naman ako tanga para hindi makadama pero inaalis ko lang ang ideyang ‘yon sa isip ko dahil nga magkaibigan kami.

"Pasensya na po 'tay, ginabi ako." Wika ko sa mababang boses at nagmano sa kanilang dalawa ni Nanay.

"Boyfriend mo anak?" Tanong ni Nanay. Natigilan ako saglit at agad na tumanggi nang makabawi.

"Hindi po Nanay! Kaklase ko lang po si Lowell, sumabay po ako sa kaniya dahil wala akong masakyan pauwi."

Tumango silang dalawa ngunit batid ko na hindi sila kumbinsido sa sagot ko.

Sana nga meron ako no'n pero wala eh.

Nagpaalam ako sa kanila na papasok muna sa kwarto para magbihis. Inipon ko ang mga maruruming damit para malabhan ngayong gabi. Nang makalabas ay nadatnan ko sila sa sala na nanonood ng balita sa TV.

Dumiretso ako sa poso at inilagay ang mga damit sa batya. Ibinabad ko muna iyon sa tubig dahil bibili pa ako sa tiyangge ng gagamitin para sa panlaba.

"Auntie, pabakal habon labada, Surf powder, kag Downy." Pagkatapos kong sabihin iyon ay naglahad ako ng singkwenta.

"Pabakal napay." Sigaw ng batang katabi ko.

Pinipigilan ko ang sariling matawa. 'Tinapay' sana iyon, dahil sa 'napay' ang nakasanayan maging ang ilang mga matatanda ay ganoon rin ang tawag.

"Tisay hambal bi ngiii." Utos ko sa batang kadarating lang sa tindihan. Sapo ko ang tiyan nang mahina niya akong hinampas. Bungi kasi siya kaya napipikon kapag iyon ang sinasabi sa kaniya.

"Hoy Bougart, smaggle ko!" Sigaw ni Tisay nang tumakbo si Bougart- ang batang bumili ng tinapay, dala dala ang tsinelas niya.

Naghabulan sila sa taniman ng tubo hanggang sa binato ni Tisay ang bao kay Bougart, sumapol iyon sa ulo niya. Nakuha ni Tisay ang tsinelas, o smaggle kuno niya. Si Bougart naman ay umiiyak habang nakahawak sa ulo. Nagkasagutan sila, kesyo magsusumbong sa nanay ng isa't isa.

Natatawa akong napailing habang naglalakad pauwi. Bigla kong namiss ang ginagawa ko noong kabataan. I used to play tumbang preso and tubig-tubig- also known here in Rio de Janiero as 'garabay'. Dahil sa garabay, umuuwi ako ng bahay na punit punit ang damit at naging maluwag ang shorts.

Ang paborito naming lugar para magtagu-taguan noon ay ang galingan o sugar mill ng mga Cattaneo. Doon kami nagtatago sa mga shapo - yung tubo na kinuhanan na ng katas, minsan sa loob ng mga kawa. Tuwing gabi kaming naglalaro. Kung duwag ka, hindi ka pwedeng sumali baka umiyak ka lang kapag naiwan ka ng lahat sa galingan.

Sarisa ang paborito naming kainin kapag nagbabahay-bahayan at nagnanakaw kami ng tubong Carlotta sa tubuhan ng mga Buenaconsejo noon kahit alam naming may nagbabantay na aso sa paligid.

Saparanay kabuhi kung lagsun ka ayam, mga dong!

Nang makapasok ako sa gate ng bahay ay dumiretso agad ako sa poso para ibabad sa powder ang mga damit ko at kukusutin mamaya kapag tapos na akong kumain ng hapunan.

"Nay, Tay, magpapaalam po sana ako. Pupunta po ako ng San Jose bukas para samahan sina Helen at Crezst, sisiguraduhin ko po na hindi ako gagabihin."

"Sige, mag-ingat ka anak." Pagpayag ni Tatay. Umangat ako ng tingin at nakita kong tumatango-tango silang dalawa.

"Opo."

Mabilis kong tinapos ang pagkain ng hapuna para makapaglaba na. Inabot ako ng halos dalawang oras at kalahati bago matapos maisampay ang lahat ng mga damit na ibinabad ko kanina sa Downy. Hindi na ako nakapaglinis ng sarili dahil nakaramdam na ako ng pangangalay sa braso. Umupo ako sa paanan ng higaan para abutin ang cellphone, laking gulat ko nalang nang makitang andaming mensahe doon mula sa iba't ibang kakilala.

Binabasa ko lahat pero hindi ako nakapagreply dahil wala akong load.

Inilista ko sa notes sa aking cellphone ang mga bibilhin ko bukas bago naisipang magfacebook.

I stalked Rafus' account and it made me sulked knowing that he already accepted Helen and Crezst's friend request while he didn't accepted mine. He's already friends with Sienna in facebook but the last time I've checked, they're not.

It feels so unfair!

Since I'm shameless, I messaged him.

Slaine Amaris Aranza:

Baby...

If you don't accept my feelings then atleast just my friend request? I'm waiting for that to happen for three years now.

Napangiti ako nang makitang agad niya iyong ni-seen pero alam ko ang ugali nitong crush ko kaya hindi na ako umasa na magrereply siya.

Abala iyon sa pag-aaral kahit weekend na bukas. Para daw sa future namin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapaghanda ng almusal nina Nanay at para narin maihanda ko ang sarili.

"Pilipino ka talaga Slaine! Alas otso ang usapan pero alas otso y trenta ka dumating!" Bulalas ni Crezst habang nalalakad ako papalapit sa kanila.

"Sorry natagalan kasi ako sa pagbabantay ng tricycle papunta dito." Pagrarason ko at napabuntong-hininga sila bago tumango.

Dito sa municipal gym namin napag-usapang magkita-kita para sabay kaming tatlo sa pagpunta ng San Jose. Umarko ang kilay ko nang pasadahan ko ng tingin ang kanilang suot. Really, kailangang magheels? Bakit hindi man lang ako nasabihan edi sana nakapagtsinelas ako.

Ang si-sexy nilang tignan habang ako gano'n parin, mukhang tao lang.

Helen's wearing a salmon colored top with wide V back design and a black high-waisted jeans. Crezst's wearing a black distressed jeans paired with maroon off shoulder cropped top and tied her hair in a messy bun. I am wearing a black long sleeve with two undone buttons and being tucked in my blue denim skirt then paired with black ankle gladiators.

They're both carrying a hand bag while I'm carrying a small shoulder bag. They're both wearing make up while I just apply a liptint and a cheektint.

Helen suddenly let out her Marc Jacobs perfume and without a further ado, she sprayed it on me.

"Bakit mo ini-spray sa akin ang mamahalin mong perfume, Helen?" Tanong ko sa kaniya pero ngiti lang ang kaniyang tugon.

I got insulted of that trivial thing she have done but then again, I let it slide.

I can afford to buy a perfume but not as expensive as those perfumes they buy. Affecionado lang, okay na. Mahal na nga iyan para sa mga tulad ko.

"Bus o van?" Tanong ni Helen. Kumibit balikat si Crezst.

Napatingin siya sa akin at ngumisi ako ng nakakaloko. "Jeep."

Bago pa nila ako batukan ay dumistansiya na ako. Matatalim ang tingin nila sa akin, hopefully hindi ko nasira ang umaga nila.

"Wala kang kapormalang babae ka." Napairap si Crezst pero binalewala ko nalang iyon.

Pumara si Helen ng Ceres at hinila na ako ni Crezst paakyat. Panay reklamo ako dahil muntik na akong madapa sa ginagawa niya.

"Hi Kirk!" Agad na hinanap ng mata ko ang binati ni Helen. Natigilan ako nang makitang nasa akin narin pala ang kaniyang tingin.

"Hello Helen."

Nilingon ako ni Helen na may makahulugang ngiti. Gusto ko siyang sabunutan dahil sinadya nilang pareho ni Crezst na maupo sa pandalawang upuan at sa tabi nalang ni Kirk ang bakante.

Iginala ko ang mga mata para maghanap ng ibang mauupuan pero sadyang sa tabi nalang ni Kirk ang bakante kaya wala akong magawa. Naiilang akong umupo sa tabi niya at binigyan ng distansya ang pagitan namin.

"Hi." He greeted almost a whisper. Mataas ang radar ng kaibigan ko sa gilid kaya siguro hininaan niya.

"Hello Kirk." Naiilang kong bati pabalik.

"Long time no see."

Taka akong napatingin sa kaniya. May mag-ex ba na nagkikita pa?

"Yeah, long time."

"Kamusta?" I can sense that he's trying to make our conversation longer.

"Okay lang naman ako Kirk. Naging abala lang dahil sa mga projects na malapit na ang deadline. Ikaw?"

"Okay lang din at tulad mo, abala rin sa mga projects." Aniya at tumango ako lubos na naiintindihan ang sinasabi niya.

Kirk’s a STEM student so they're busier than us because they've many things to do and their core subjects are kinda hard.

"Meron na ba?" Nahulaan ko agad ang ibig sabihin ng tanong niya pero nagmamaang-maangan ako na hindi ko nakuha.

"Ha?"

"Meron ka na bang boyfriend ngayon?"

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Ayaw kong makita ang mukha niya na parang umaasa. Nagkakilala kami ni Kirk sa Scilympics noong Grade 10, sa paaralan nila ini-held iyon, sa Culasi. Niligawan niya ako sa loob ng isang buwan at nagtagal ang relasyon naming ng tatlong buwan. Nagkahiwalay kami dahil sa trust issues pero okay na kami ngayon. Hindi kami magkaibigan, magkakilala na lang.

"Busy na ako sa pag-aaral, wala akong panahon para diyan." Kaswal kong tugon.

Meron na sa kaso ayaw magcooperate ng pinopormahan ko.

Ibinaling ko ang tingin sa daan para hindi na masundan ang usapan namin pero sa gilid ng paningin ako ay napansin ko siyang nakangiti. Kumuha ako ng pera sa wallet nang mamataan ko ang papalapit na konduktor ngunit bago ko pa iyon iabot ay napigilan na ako ng kamay ni Helen.

"Ako na,” aniya at matamis na ngumiti. Dumukwang si Crezst para matignan kami ni Kirk, naglalaro ang nanunuksong ngiti sa labi niya.

"Salamat, Hel." Sinsero kong sabi at tumango siya biglang tugon.

Pinapatay ko ang usapan sa pagitan namin ni Kirk, siguro ay napansin niya rin kaya tumahimik na. Huminto ang Ceres sa Patnongon at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaking umakyat.

Si Daven!

Isa rin sa mga ex ko!

Nagtama ang tingin namin at kumunot ang noo niya nang makita kung sino ang katabi ko. Napapikit ako at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Crezst. Tuksuhin na naman nila ako mamaya neto! Panigurado!

Napatikhim ako ng malakas nang pumuwesto si Daven malapit mismo sa kinauupuan ko. Puno na kasi ang bus kaya standing siya. Siya ang ex ko ngayong taon! Hindi ko alam kung ano’ng nakita kong problema sa relasyon namin pero ako yung nakipagbreak.

Siguro dahil sa player siya, mas tutok siya sa praktis niya. He still text me though… saying that he wants us to get back again.

Hindi lang naman si Daven, pati iyang si Kirk din gusto at ang iba ko pang ex na gustong makipagbalikan sa akin.

"Slaine..." Mahinang tawag ni Daven sa pangalan ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"Oh, hi, Daven."

Pasimple niyang nginuso si Kirk pagkatapos ay nagtanong kung boyfriend ko raw ba. Walang boses niya iyong sinabi at alam kong nagmamatyag lang si Kirk.

Umiling ako, ngumiti naman siya.

Mukhang minamalas talaga ako ngayong araw dahil nang huminto kami sa Sibalom, umakyat muli ang isa kong ex!

Si Rios!

Ano 'to? The accidentally meet up of exes?

He's my longest boyfriend! Nagtagal kami sa loob ng isang taon pero syempre may pagkamalandi ako noon, nanto-two time ako.

Magkakandaugaga na ata ako kung sakaling makasagupa ko pa ang siyam at ibang naging flings ko noon!

Nakakahiya mang aminin pero nahalikan ko na ang tatlong ito. Ewan, siguro dahil curious ako kung ano’ng feeling na may kahalikan. Hindi tulad ngayon, bumait na ako. Tamang basted nalang ako ngayong buwan.

Mahina akong napatampal sa noo nang lumapit si Rios sa banda namin at kinausap pa si Kirk at Daven!

How come the three of them knew each other? Sa totoo lang, gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Nakaramdam ako ng hiya! Tumitingin ako sa direksiyon nila Crezst para humingi ng tulong pero tawang tawa lang sila habang nanonood sa akin na naiilang sa tatlo.

Ilang minuto lang narin naman nasa San Jose na kami, makakalayo ako sa tatlong ito. Nakakailang talaga as in! Ang makita mo ang mga ex mo sa isang bus ay sobrang nakakano... hindi ko mapaliwanag.

"Kailan finals niyo Slaine?" Tanong ni Rios sa akin at hindi ko nagawang tumingin sa kanilang tatlo.

"Sa mid-August pa, R-rios."

Nakita ko ang bahagyang pagngisi ni Rios, mukhang iba iyong pagkaintindi niya sa pagkautal ko, shit!

Tumigil ang Ceres at agad akong tumayo nang namataan ko tumayo narin sina Crezst at Helen. Nagpipigil sila ng tawa habang ako ay nafu-frustrate na. Bumaba kami sa bus at nakasunod ang tatlo sa akin. Muntik na nga akong mahulog, buti nalang at nahawakan agad ni Kirk ang baywang ko kaya hindi ako natuluyan.

Nagpasalamat ako kay Kirk ngunit agad na napangiwi nang makitang matalim na nakatingin ang dalawa sa kaniya.

Kailangan ko na nga talagang makaalis dito. Lihim akong napasalamat nang hilahin ako ni Crezst at sumakay kami sa tricycle.

"Mukha kang natatae kanina, alam mo ba 'yon?" Natatawang sita ni Crezst na sinang-ayunan naman ni Helen.

"Legit ang kaba kapag sabay sabay silang nagpakita." Si Helen at bahagya pang kinikiliti ang tagiliran ko.

Hinayaan ko silang tuksuhin ako hanggang sa tumigil ang tricycle sa harap ng Saint Anthony's College.

"Hindi ba tayo papasok?" Umarko ang kilay ni Crezst habang nakatingin kay Helen.

"Natext ko na si Ethan. Kakausapin niya ang guard para makapasok tayo."

"May pasok pa ba sila?" Tanong ko. "Hoy, Helen baka nakakaistorbo tayo kay Ethan?"

"Wala silang pasok Slaine." Nakangiting tugon ni Helen. Namataan na namin si Ethan na papalapit sa guard. Kinausap niya iyon at kalaunan ay sumenyas sa amin. "Tara na daw."

Sa harap palang ay kapansin pansin na ang kagandahan ng paaralan, maging ang buildings at ang disenyo sa paligid.

Tahimik kaming nakasunod ni Crezst sa likuran nina Helen at Ethan. Mukhang hindi pa nga talaga sila ayos, dumidistansya pa si Ethan eh. Mukhang galit pa ata.

Ethan is in his basketball jersey so I've guess, he left his practice or play just to fetch us from the gate.

Kakaunti lang ang estudyante dahil sa Sabado nga ngayon. Tingin ko ay naghahanda sila para sa sport fest o something. Yung sport fest kasi ng WeSaS ay postpone at sa Abril gagawin. Our school focuses on academic more and for me it's a good thing, but for others uhm... I don't know maybe a disappointment?

Pinipisil ni Crezst ang braso ko sa tuwing may nakikita kaming gwapo at pawisan. Ewan ko at ano’ng iniisip ng isang 'to, baka idadagdag na naman sa listahan niya.

"Kukunin ko lang ang gamit ko sandali sa bleachers." Rinig kong paalam ni Ethan kay Helen.

Napatingin ako sa pinasukan ni Ethan at halos mapasabunot ako sa buhok nang makita ko si Martinus na kasabay ni Ethan palabas. Huli ko nang matanto, dito pala siya nag-aaral.

Pang-apat na encounter na ito! Ano meron pa? Nakakailang na!

"Tara."

Nakasunod parin kami kila Ethan at Helen kaso sa kamalas-malasan, sa amin sumabay si Martinus at buwisit naman si Crezst dahil lumalayo, may binabalak na naman ang loka.

Naglalakad kami ngayon papunta sa boarding house ni Ethan at nagtataka ako kung bakit hindi pa humihiwalay sa amin si Martinus.

"Lumipat na ako ng boarding house, Slaine. Magkasama kami ni Ethan sa kwarto." Agap niya, siguro ay napansin ang pagtataka ko.

"Ah, gano'n ba?"

Nakarating na kami sa mismong boarding house pero hanggang lobby lang kami ni Crezst. We don't have business to deal here, we just keep Helen accompany.

"Oh, Martinus bakit hindi ka pa umakyat sa room niyo?" Pagbubukas ni Crezst ng usapan.

"Mag-uusap sila sa itaas hindi ba?"

Napakagat labi si Crezst habang ako pinipigilan ang sariling matawa sa kahihiyan niya.

Silang dalawa lang ang nag-uusap habang ako ay nanatiling nakamasid sa labas. Tingin ako nang tingin sa oras, magbebente minutos na mula noong umakyat silang dalawa ni Helen at Ethan pero hanggang ngayon ay hindi parin nakababa.

Ganoon ba sila kahaba mag-usap?

"At last!" Mahinang ani Crezst nang mamataan naming pababa sina Ethan at Helen.

Lumapit si Crezst sa akin at bumulong. "Nadiligan ang gaga."

Hindi ko maiwasang tingnan si Helen na nanliliksi ang mata. Tama nga si Crezst, mukhang ginawa nga nila iyon. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ako nalang talaga ang hindi pa naisusuko ang pagkabirhen.

Hindi kami matignan ni Helen at namumula pa ang kaniyang pisngi.

"Sama ka sa amin pre?" Alok ni Ethan kay Martinus. Nanlaki ang mata ko nang lumingon siya sa akin bago harapin si Ethan.

"Hindi na pre, may tatapusin pa akong project."

"Sige, una na kami." Si Ethan at tinapik ang balikat ni Martinus.

Bago kami umalis sa boarding house, nagkatinginan muna kami ni Martinus. Wala naman na akong nararamdaman pa sa kaniya kaya bago ako tumalikod ay matamis ko siyang ngitian.

"Ano’ng gusto mong kainin, Slaine?"

Napabaling ako kay Crezst, siya ang nagprisintang ililibre ako kahit na labag sa akin. Si Helen ay naghahanap ng mauupuan habang kaming tatlo ay nandito sa counter.

"Kahit ano na, Crezst."

"Gusto mo testicle?" Tinampal ko ang braso niya at pareho kaming natawa.

"Anong lasa no'n?" Tanong ko at napailing nang makita siya na ngising ngisi.

"Tanungin natin mamaya si Helen tutal nakatikim siya ngayong araw." Bulong ni Crezst sa akin sabay hagikgik. Mahina kong kinurot ang gilid niya at pinanlakihan ng mata. "Bastos ka talaga, Crezst."

Hinayaan ko si Crezst na mag-order para sa akin at inutusan niya akong maupo nalang sa table na nahanap ni Helen, sinunod ko iyon. Ilang minuto lang naman kaming naghintay ni Helen sa table, lumapit na sila Ethan at Crezst na may dalang pagkain. Inilapag ni Ethan ang bucket ng manok sa mesa kasabay ng apat na Mcfloat. Inabot ni Crezst ang ni-order niya para sa akin.

"Thank you Crezst."

We started eating and the conversation occurred between the four of us. Crezst's asked some questions with double meaning to Helen, but Helen seems so clueless or maybe... pretending that she doesn't know what Crezst's pointing out.

"Shit, si Mama!" I murmured.

"Huh? Nasaan? Hindi ko naman nakita si Mama mo ah!" Sipat ni Crezst matapos marinig ang sinabi ko at nakatingin rin sa tinitignan ko.

"Ano’ng hindi? Kitang kita ko kaya mula dito!"

"Namamalikmata ka lang, Slaine Amaris." Aniya sabay irap at ibinaling ang tingin sa pagkain.

Hindi ako namamalikmata! Si Mama talaga iyon! She looks so melegant in her dress and heels. Siya talaga 'yong nakatayo sa labas ng Penshoppe! May dala siyang paperbags mula sa ibang boutiques!

Hindi ako nagkakamali, malinaw talaga ang mata ko! Salamat sa kalabasa!

"Hindi ba iyon ang Mama ni-" Hindi nadugtungan ni Helen ang sasabihin niya dahil nagulat siya nang bigla akong tinampal ni Crezst sa braso.

"Gaga ka!" Singhal nito. "Akala ko kung sinong Mama ang tinutukoy mo!"

Ngiting ngiti ako habang nakikinig sa mga verbal attacks nila. Kalaunan ay umiling silang pareho dahil parang wala lang sa akin ang mga bratatat nila. Si Ethan naman ay nakangisi.

"Si Mama lang pala ni Rafus!"