Chapter 21: Kidnap
Mabilis ang pagdaan ng mga araw. Siguro dahil masaya ako. And Phythos never fails to make me feel special every day.
Pero hindi ko pa rin maiwasang matakot. Paano kung ang sayang pinararamdam ngayon sa akin ay biglang bawiin. Parang 'di ko makakaya 'yon.
Patuloy din na sumasagi sa isipan ko ang tungkol kina Leonella at Phythos.
I really wanted to know their love story, but I knew he was right when he told me that: "Mine, it's not healthy to talk about past relationships with your partner. It brings insecurities and jealousy. And, Leonella and I will forever remain in the past. While, you are my present and future."
At naiisip ko ring parang ang unfair iniisip ko ang tungkol sa past nila ni Leonella habang siya ay tila walang planong magtanong tungkol sa past namin ni Aljhon. Pagkatapos, ng nangyari noon sa Monteciro Hotel hindi siya nagtanong sa akin o banggitin man lang iyon.
Siguro nga, isa 'yon sa pagkakaiba ng babae at lalaki.
"Ang lalim naman ng iniisip mo prinsesa?" Agad akong napaangat ng tingin at ngumiti.
"Hindi naman kuya, ako na ba?" tanong ko. Nandito kasi ako sa clinic ni Kuya Brandon. Umupo muna ako sa labas at hinihintay siyang matapos sa unang pasyente niya.
"Oo, halika na." Sumunod na ako sa kanya sa loob. For my weekly check up.
Habang tumatagal nakikita ko na ang epekto ng mga gamot at mga ointment sa pag-ayos ng peklat ko.
"How is it?" excited kong tanong pagkatapos niya itong i-check.
Napangiti naman siya. "Your skin is fully healed. Pwedeng-pwede ka ng magpasurgery!" Nanlaki ang mga mata ko.
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango-tango naman siya. "Pero sabi noong Chinese doctor ko noon. Aabot ng 1 year?" Masaya ako pero hindi ko maiwasang mag-aalala.
"Actually, I'm shocked too sa bilis ng paghilom ng sugat mo. Maybe, a miracle gift for you so that you can now undergo surgery." Napangiti na ako.
Kuya, is one of the outstanding dermatologist in the country. He knows what he is doing.
"Thank you, Kuya. Thank you for being patient to me."
"You are always welcome. So, what's your plan prinsesa? Uuwi ka na ba sa China for your operation?" Napakunot-noo naman ako.
"Bakit naman ako uuwi? Dito na lang ako magpapa-surgery kuya. Saka, gusto ko ikaw." Bumuntong-hininga naman siya.
"Prinsesa, oo alam kong malaki ang tiwala mo sa akin dahil ako ang umalalay sa paggaling ng sugat mo. Pero, baguhan pa lang akong doctor hindi pa lubos ang kaalaman ko pagdating sa operation. Mas maganda kung sa may experience na talaga." Napatango naman ako. May point siya.
"So, anong suggestion mo, kuya? Do I still need to go back to China?" tanong ko.
"Yeah, pero kung ayaw mo naman since maraming nakakakilala sa 'yo doon. You can have your surgery here. I will recommend you to the best plastic surgeon in the Philippines." Nakahinga naman ako doon. I really don't want to go back.
"Thank you kuya, you're the best." Napangisi naman siya.
"I know hahaha. By the way, kailan mo planong ipaalam kila tita at tito ang tungkol sa boyfriend mo?" seryosong tanong niya. That caught me off guard. Nawala iyon sa isip ko. Nalaman kasi ni Kuya na boyfriend ko na si Phythos nang makita niya kami sa park. Mabuti na lang, suportado naman siya sa akin. Okay lang, basta masaya ako.
"Hindi ko alam, kuya. Siguro, isasama ko na lang siya or kapag uuwi sila dad dito."
"You are really staying here, ah. Ayaw mo na bang bumalik sa pagiging artista?" Napangiti ako.
"Life here is so refreshing, kuya. I have learned many things here. Parang mas masaya dito. My life in China is toxic pero kung sakali mang may tatanggap pa akin. Why not?"
"Tama, masyado pang maaga para magdesisyon ka. You can't predict what will happen in the near future."
I am smiling the whole time habang pauwi sa dorm. Gusto ko sanang i-text si Phythos tungkol sa good news kaya lang mas maganda sigurong sa personal ko na lang sabihin.
Gabi na nang makarating ako sa dorm. Niyaya pa kasi akong magdinner ni Kuya Brandon. Hindi kami masyadong nagkikita tuwing weekend ni Phythos since sineryoso niya ang pagtaxi. Mas maswerte raw kasi ngayon ang pasada.
Habang naglalakad ako sa hallway ng dorm. Hindi ko mapigilang matakot. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Medyo malayo pa naman ang room ko. Inisip ko na lang na si madam na nagcheck lang kasi malapit na ang oras ng curfew.
Binilisan ko na lang ang paglalakad. Malapit na ako sa room ko nang may biglang humila sa akin. Pilit akong nagpumiglas hanggang may kung anong ipinaamoy sa akin at tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
Dilim ang bumungad sa akin paggising ko. Wala akong makita. Nakapiring ang mga mata ko. Pilit akong tumayo pero naramdaman kong nakatali rin ang kamay at paa ko.
Nasaan ako?
"Gising ka na pala." I heard a sweet voice. Babae.
"Sino ka?" natatakot ng tanong ko. Humalakhak naman ito na parang baliw.
"Sino ako? Ako lang naman ang babaeng inagawan mo ng boyfriend." Inagawan ng boyfriend? Wala naman akong inagawan ng boyfriend.
"Wala akong inaagawan ng boyfriend, Miss."
"Anong wala? Inagaw mo si Phythos sa akin!"
"Ah! Bitiwan mo ako!" Hindi ko mapigilang mapasigaw nang hilahin niya ang buhok ko.
"Siguro naman kilala mo na ako ngayon."
"Leonella?" mahinang bigkas ko sa pangalan niya. Hindi makapaniwala. Siya ba ito?
"Very good. The one and only." I can't believe she can do this.
"Leonella, bakit kailangan mong gawin ito? You're a decent woman. Maganda ka, talented, at mayaman." Humalakhak ulit ito.
"Why am I doing this? Because you ruined everything! I gave up my dream of going to Europe just to be with Phythos. Konting suyo na lang babalik na siya sa akin pero bigla kang dumating at hindi ako makapaniwalang sa pangit mong 'yan! Nahulog pa siya!"
Natahimik ako. Ramdam ko ang sakit sa boses niya. Umiiyak din siya.
"Ipinaglaban ko siya sa pamilya ko kasi mahal ko siya. Noong una, nahihiya ako kasi mahirap siya pero unti-unti kong naiisip na balang araw magiging successful din siya at kapag nanyari iyon. Ako ang nandun sa tabi niya at hindi pwedeng ikaw!"
"Pero, hindi na ikaw ang mahal niya."
"At sinasabi mong ikaw? Nagpapatawa ka! Sa tingin mo talaga mahal na mahal ka niya. Inisip niya lang iyon dahil ikaw ang laging nasa tabi niya. How can you compare us? We have known each other for almost two years. While you, 2 months? 3 months? 5 months? It's still not love!"
Napapikit na lang ako. Nasa tagal ba talaga ng panahon nang pagkakakilala sa isang tao ang basehan ng pagmamahal?
"What I've learned, Leonella. If it's really love, a short period doesn't matter as long as you truly know that you love that person."
Biglang pumasok sa isip ko ang sinagot noon ni Phythos sa kanya. Naguguluhan na ako.
"Sa oras na mawala ka sa tabi niya makakalimutan ka rin niya. Almost 1 month lang akong lumayo sa kanya, nawala na siya akin. Ganoon din ang mangyayari sa inyo!"
My heart ached as I imagined Phythos leaving me. That would be the hell of me. Baka, hindi ko ma-handle.
"Kaya ngayon pa lang kinukumbinsi na kita. Hiwalayan mo na siya. You know this relationship will not last."
Pero, kapag 'yon ang ginawa ko ibig sabihin sobrang baba ng tiwala ko sa pagmamahal niya. Hindi ba 'yon ang mas nakakahiya. Giving up easily without trying.
"Mine, you know this relationship needs more foundation to not easily break. You know what I mean, right?" Patuloy na bumabalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Phythos.
Like encouraging me to still fight.
Tinanggal niya ang nakapiring sa akin. Bumungad sa akin ang nakangising mukha niya. Ibang Leonella ang nakita ko. Magulo ang buhok, may eye bags at ang laki ng pinayat niya. Nasa isang ballet room kami.
"Hiwalayan mo na siya," tila demonyong bulong niya sabay tawa.
"No, Leonella. I believe Phythos, he love me. Wala akong pakialam kung maikling panahon pa lang kaming magkakilala. Kung marami pa akong hindi alam sa kanya basta ang mahalaga mahal ko siya at alam kong mahal na mahal niya rin ako."
"Stupida!" Sasampalin niya na sana ako pero pareho kaming napalingon sa malakas na sumigaw.
"Leonella!" Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Phythos. Halata ang pagod at pag-aalala sa mukha niya.
"Phythos, you are here, ah." Napangisi ito at tila tuwang-tuwa pang nandito si Phythos.
"Leonella, pakawalan mo siya!"
"Why would I? Kung hindi ka babalik sa akin. Mas mabuti pang mawala rin ang babaeng ito." Humalakhak pa ito at itinutok sa akin ang isang matalim na kutsilyo.
"Leonella, ano bang nangyayari sa 'yo? Hindi ka naman ganito dati."
"I changed because of you! Everyone talks about how perfect your relationship with her. When in fact, there's someone who is hurting and that's me! Why Phythos? Bakit hindi ako ulit? Anong meron sa babaeng ito?"
"Mahal ko siya, Leonella." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
"At ako, nasaan ako? 2 years tayo Phythos habang kayo 5 months pa lang na magkakilala! Bakit?"
"A person in 5 months can make you feel what a person in 2 years couldn't. Time means nothing, Leonella."
"Then, she will die!" Napapikit na lang ako. Pero agad akong napamulat nang marinig ang daing sa tabi ko.
"Phythos!" malakas kong sigaw. Kitang-kita ko ang pagtulo ng dugo sa tagiliran niya.
Nabitiwan naman ni Leonella ang kutsilyo at nanlalaki ang matang tumakbo pero bago pa siya tuluyang makalabas. Bumukas na ang pinto at ang pagpasok ni Bea kasama ang ilang hindi pamilyar na lalaki.