Chapter 15: Lie

"Faye, sorry kasalanan ko ito. Kung hindi ko sana sinabi kay Leonella 'yon. Edi sana, hindi nila ginawa 'yon sa iyo."

Kanina pa siya humihingi ng tawad sa akin. Katatapos lang namin kausapin ang doctor. Gusto ko na nga sanang umuwi pero kailangan ko pa raw mamalagi ng isa pang araw.

"Ano ka ba? Hindi ba sabi ko okay na 'yon. At saka, sana, kausapin mo si Leonella para linawin mo na hindi totoo ang mga sinabi mo sa kanya. Mukhang mahal niyo pa naman ang isat-isa." Parang may bumara sa lalamunan ko nang sinabi ko iyon.

Parang ayaw tanggapin ng puso ko kung totoo man. Pero kahit masakit, mas okay na ito. Kaysa tuluyan pa akong lalong umasa. Nangunot naman ang noo niya. Halata ang 'di pagsang-ayon.

"Faye, ilang beses ko bang sasabihing hindi ko na siya mahal. Pero kung iyan ang gusto mo. Sige, kakausapin ko siya. Pero uulitin ko, hindi ko na siya mahal. Kung ano man ang naging relasyon namin ay manatili na lang sa nakaraan."

Tinitigan ko lang siya habang pilit binabasa kung totoo ba ang mga sinasabi niya.

Pero wala akong makitang bahid na nagsisinungaling siya. Dapat na ba akong matuwa?

Ano ba Faye! Kahit naman hindi na niya mahal si Leonella. Tingin mo ba may pag-asa kang magustuhan niya? Hindi ba wala!

Parang gusto kong batukan ang sarili ko.

"Kumain ka na muna. Para lumakas ka," malambing niyang sabi.

"Sige, salamat." Tipid akong ngumiti at kinuha na ang iniabot niyang sopas.

Tahimik akong kumain habang pinapanood niya lang naman ako. Tapos na akong kumain nang mapansin kong malamyos niyang hinahaplos ang ilang kalmot ko sa braso.

"Gusto mo rin bang lagyan ko ng ganyang kalmot ang mga gumawa nito sayo," mariing sabi niya. Gulat akong napatingin sa kanya. Nakikita ko na naman ang pagdilim ng mukha niya.

Hindi ko maiwasang kabahan tuwing ganyan siya.

Agad akong napailing. "Ayaw ko na ng gulo, hayaan mo na lang sila. Gagaling din naman ang mga ito."

"Huwag kang mag-alala. Buo pa rin ang desisyon kong pagbayarin sila. Wala silang karapatang saktan ka." Halos manginig ako sa takot ng ngumisi siya.

Isang ngising may masamang binabalak. Nakikita kong buo na ang desisyon niya at kahit ano pa sigurong pigil ko hindi niya ako papakinggan.

"Nga pala, okay lang sa akin kung umuwi ka na muna para makapagpahinga ka naman. Kaya ko na—" Nilagay niya ang daliri niya sa labi ko para pigilan akong magsalita.

"Hep! Dito lang ako, babantayan kita!"

"Pero—"

"Walang pero-pero! Aalagaan kita, baby."

"Baby?" Gulat kong tanong. Kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Huh?" Napakamot naman siya sa ulo.

"Oo, kasi diba para ka ng sanggol. Walang magawa ngayon. Tapos ang swerte mo pang isang gwapong nilalang pa ang mag-aalaga sa 'yo."

Napangiwi ako. "Baliw ka talaga! Wala namang connect pinagsasabi mo!"

"Anong walang connect? Meron 'no! Iba lang talaga naiisip mo sa 'baby' 'no? Kinikilig ka?"

"Hindi ah!" Tuluyan na akong napasigaw nang kilitiin niya ako.

Those smiles and laughter with him. I think, is one of the best moments of my life. I will definitely treasure it.

Sobrang hulog na hulog na ako sa lalaking 'to. Mukhang hindi na ako makakaahon pa.

"Faye! Sorry ngayon lang kita nadalaw! Ngayon ko lang kasi nalaman ang nangyari sa 'yo." Pinisil ko lang ang magkabilang pisngi ni Bea.

Nagising kasi ako kanina na nasa tabi ko na ang babaeng ito at wagas kung maka-drama. Katatapos lang namin makausap ang doctor at sa wakas makauuwi na ako.

"Okay nga lang 'yon. Tapos naman na at tingnan mo. Okay na okay na ako."

"Mabuti naman, nga pala si Phythos ba ang nagbantay sa 'yo?" Tumango ako. Umalis kasi muna si Phythos hindi ko na rin tinanong kung saan siya pupunta. "So, he really fell real hard, huh."

"Ano 'yon?" tanong ko hindi ko kasi masyadong naintindihan.

"Ah, wala wala. Nga pala, sobrang close niyo na talaga? Mukhang may something na sa inyo."

"Ano ka ba? Wala 'no! Tulungan mo na lang ako para maiayos na ang bills ko at nang makauwi na ako," sabi ko.

Saktong pumasok naman si Phythos.

"Naayos ko na ang bills mo. Wala ka ng problema."

"Talaga? Pero may pera pa naman ako. Sana ako na lang ang nagbayad." Parang nakakahiyang mula sa dugo't-pawis niya ang ginamit niyang pera.

"Ako naman ang dahilan kung bakit nangyari ito sa 'yo. Kaya dapat ako ang magbayad sa hospital bills mo."

"Pero, baka wala ka ng pera!"

"Hay naku! Imposibleng mangyari iyon. Marami 'yang pera." Napalingon ako kay Bea. Halos pareho pa kami ng reaksyon ni Phythos na gulat na nilingon siya.

"Anong marami? Hay, Bea! Mukhang mayaman lang ang itsura nito pero hindi. Ang dami-dami niya kayang trabaho! Kaya nakakahiyang ginastos niya pa sa bills ko." Katwiran ko.

"Ay ganoon, my bad sorry. Akala ko lang pala 'yon." Agad na bawi niya at parang maamong tupa pa na tumabi sa likuran ko.

Problema nito?

"Faye, okay nga lang 'yon. May ipon pa ako." He smiled and assured me.

That made me more guilty. How could he just spend his money that he worked hard for me?

"Tara na, sabay na kayo sa akin. Ihatid ko na kayo." Bea volunteered, and that made me more comfortable. Mabuti na lang at nandito siya. Nagi-guilty pa rin kasi ako.

Naranasan ko na ang ilan sa trabaho ni Phythos. Pero halos sumuko na ako. Kaya nakokonsensya ako.

"Oo nga pala, ngayon pa lang ako makadadalaw sa dorm mo. Excited na akong makita."

"Ngayon ko nga lang din nalaman na hindi ka pala nagdo-dorm."

"Gusto ko talaga mag-dorm din. Kaya lang, may mga binabantayan pa kasi akong mga damulag na sakit sa ulo. Mabuti na lang nahanap ko na 'yong isa."

May sasabihin pa sana ako pero agad na akong napatigil nang makita ang paparating.

Kusang nawala ang ngiti ko.

"Phythos, let's talk." Halos maglabasan lahat ng nasa dorm para mapanood ang mga nangyayari.

I don't want this. Seeing them near each other makes me more jealous and belittles myself.

Leonella is so perfect. Have an innocent and beautiful face. A goddess, perfect for a Greekgod like Phythos. While me, out of the picture.

"Let's talk privately." Hila ni Phythos sa kanya. Pero tinanggal niya ang pagkahawak nito.

"We can talk here. In front of your so-called woman. That is actually not your real girlfriend, right? You just want to hurt me. It's still one of your revenge antics." Ngumisi at humalukipkip habang tinitingnan ako.

"Shut up! You're saying nonsense!" sigaw ni Phythos at halatang nagtitimpi.

Nabura ang ngisi sa mukha niya at parang gusto na akong sampalin. Her innocent face is gone.

"You're the one who should shut up! I know, I'm still the woman you love, Phythos. Say it! All the students here know our love story, how you fought for your love for me. Kaya napaka imposibleng sa maikling panahon. Gusto mo na siya!"

"Leonella, it's all in the past."

"No! Stop lying! I want you to be honest with me. Say it Phythos! You just used her to get your revenge on me, right? At lahat ng sinabi mo sa park ay kasinungaling lang!"

Gusto ko nang umalis pero parang tinulos ako sa kinatatayuan ko. Gusto ko pa ring marinig kahit alam ko namang sasabihin na niya ang totoo.

Tinitigan ko si Phythos. Ginulo niya ang buhok niya sa sobrang iritasyon.

"Yeah, your right. I used her! And yeah, I lied to you in the park. Hindi ko siya totoong girlfriend. Sinabi ko lang 'yon dahil galit pa rin ako sa 'yo."

Kitang-kita ang pagliwanag sa mukha ni Leonella. Her relief while I'm in grief.

Pasalamat ko na lang na matibay pa rin ako. Wala pa ring bumabagsak na luha kahit sobrang sakit na ng mga narinig ko.

"Sabi ko na nga ba, ginamit mo lang ang babaeng 'yan para saktan ako. Phythos, mahal na mahal kita. Bumalik ka na sa akin."

Nagsimula na akong humakbang paalis. Okay na ako sa mga narinig ko. Ngayon wala na ang natitirang pag-asa ko.

It's fine, Faye! It's fine!

"Faye, diyan ka lang. May sasabihin pa ako."

Gusto ko siyang sigawan. How can he be so ruthless? Gusto niya pa ring pakinggan ko sila.

Durog na durog na nga ang puso ko sa sobrang sakit.

"Hindi na kita mahal, Leonella. Napatunayan ko 'yon lalo, dahil sa ginawa ng mga fans mo sa kanya. Oo, nagsinungaling ako sa park pero hindi ibig sabihin nun. Wala na akong planong totohanin 'yon." Tila nabingi ako.

"Because, I know now my real feelings for her. I love you Faye Cameron and I want us to be real!"