Chapter 13: Horror Boot

"Ang sama mo talaga kanina umiiyak iyong babae, eh. Tinalikuran mo na lang bigla." Gusto ko sanang aluin ang babae kanina kaya lang mabilis na akong hinatak ng lalaking ito.

Ngayon lang ako nagkalakas ng loob ulit na kausapin siya. Ang dilim kasi ng mukha niya kanina ni hindi ako sinasagot.

"Iyon ba 'yong sinasabing girlfriend mo?" tanong ko nang nanatili pa rin siyang tahimik.

"Yeah," tanging sagot niya at madilim pa rin ang mukha. He seems still upset.

"Bakit mo sinabing girlfriend mo ako? Look, sobra mo siyang sinasaktan."

"Matagal na kaming hiwalay at saka wala siyang karapatang masaktan. Siya ang unang nang-iwan."

I'm slowly getting it.

"Nakipaghiwalay siya sa iyo? But it seems like she still love you."

"Love? That's not love. She's just infatuated with my physical appearance. "

"But—" he cuts my words again and pinch my nose. Nakakainis na ito ah! Lagi akong hindi pinapatapos magsalita.

"You are still a little girl. Sometimes, those you see as innocent kittens are actually hidden tigers. They will slowly bite you. "

"I'm not a little girl! I'm 18 already!" inis kong sigaw.

Napabuntong-hininga siya at inakay na ako paalis sa ferris wheel. Saan na naman kaya kami pupunta? Mukhang nasira naman na ang araw niya. Hindi naman siya mukhang nag-e-enjoy. Ako nga lang yata ang naging masaya sa pagsakay sa ferris wheel, eh.

Natulos ako nang makita kong saan kami papunta. "Hey! Huwag diyan!" Kahit anong hatak niya hindi ako sumusunod.

Nakangising nilingon niya ako. "Matatakutin ka pala."

"Hindi no! Sadyang magugulatin lang ako." Yeah, I'm lying. Sobrang matatakutin ako mula pa noong bata ako.

That's the reason why I rarely participate in any Halloween events.

Papunta ba naman kami sa horror booth.

"Ikaw ba, hindi ka matatakutin?" tanong ko. Humalakhak naman siya.

"Ako? Hindi ah! Wala sa bokabolaryo ko ang matakot sa multo." Umirap lang ako. Sabagay, bahay nga niya mukhang haunted house.

Hindi ko mapigilang mapakapit sa kanya habang pumapasok kami.

"Dapat pala, dito kita dinala una pa lang para ganito ka kumapit hindi katulad sa ferris wheel na wala ka namang katakot-takot," nakangising sabi niya.

"Ikaw nga, tulalang sumakay. Parang wala nga akong kasama." Inirapan ko siya.

"Tsk, huwag mo na nga ipaalala. Kitang move on na ako sa pangyayari eh. Panira ka talaga."

"Kasalanan mo." Binelatan ko lang siya.

Nakadikit lang ako sa kanya habang naglalakad kami papasok. Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot nang marinig ang mga matinis na sigawan.

"Ah!" Hindi ko mapigilang mapasigaw at tumakbo nang may bigla na lang lumitaw sa harapan ko.

"Tangina!" Pero mas nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Phythos bigla ba naman niyang sinuntok.

Agad ko siyang binalikan.

"Halla ka! Bakit mo sinuntok?" natatarantang tanong ko nang nanatiling nakahandusay ang multo.

"Tsk, ginulat ako, eh!" tanging sagot niya at mabilis na akong hinila.

Grabe talaga itong lalaking ito!

"Ano ba 'yan! Ang dilim dito." Reklamo ko habang naglalakad kami. Kung saan tanging ang ilaw lang ng cellphone ko ang gamit namin.

"Ang ingay mo." Napakunot-noong bumaling ako sa kanya nang mapansin ang sobrang pagkakapit niya sa akin.

"Akala ko ba hindi ka takot sa multo?" nakangising tanong ko.

"Hindi nga!"

"Eh, bakit mas grabe ka pa kumapit kaysa sa akin?"

"Syempre, para maalalayan kita at hindi ka mawala bigla kapag tumakbo ka."

Napangiti ako. "Okay." Might test you with this.

Napangiti ako sa naiisip habang naglalakad kami. Pasimple kong kinuha ang isang kamay na buto ng taong naka-display at maingat na inilagay sa bulsa ng jacket niya.

Saka ko pinatay ang ilaw ng phone ko.

"Halla, lowbat na!" I said in exaggerated tone.

"Tangina! Ano ba 'yan?" Sunod-sunod ang pagmumura niya.

"Wala ka bang lighter? O ano man sa bulsa mo. Cellphone!" Natatarantang arte ko.

"Oo nga, may lighter yata ako." Napangisi ako nang bumitaw siya sa akin.

Bahagya akong lumayo sa kanya.

"Faye..."

"Yes?" Pilit kong pinaseryoso ang boses ko kahit malapit nang lumabas ang tawa ko.

"Hawak ko ang kamay mo hindi ba?"

"Hindi."

"Eh, kaninong kamay ito? Ah! Shit!" Hindi ko na napigilang mapahalakhak nang marinig ang malakas na pagkatapon ng kamay at pagtakbo niya.

"Hoy! Teka lang hintayin mo ako!" sigaw ko at pilit humabol sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko na ang ilaw ko.

Pero para akong na estatwa nang may maramdamang malamig na bagay sa balikat ko.

Unti-unti akong lumingon. "Saan ka pupunta?"

"Ah!" Napasigaw ako at itinulak ang white lady.

Binilisan ko ang pagtakbo dahil hinahabol niya rin ako.

"Ah! Lumayo kayo!" Naninikip na ang dibdib ko sa matinding kaba nang parang mga kabuteng naglilitawan ang mga multo. Mukhang nasa bandang gitna na ako ng booth. Kung saan marami sila.

"Phythos!" malakas na sigaw ko.

"Hi ate!"

"Ah shit!" Napaluha na ako sa matinding takot at napatakip sa mata nang may nakabaliktad na batang putol ang ulo sa harapan ko.

"Phythos! Tulungan mo ako!" Napaupo ako at napahagulgol na ng tuluyan.

"Lumayo kayo sa akin!" I cried more. Lalo akong nakaramdam ng takot nang may biglang yumakap sa akin. Pilit akong nagpumiglas habang pilit kong pinipikit ang mata ko. Baka kung ano na naman makita ko.

Their costume is so horrifying.

"Parang awa niyo na. Huwag niyo na ako takutin! Kahit bayaran ko na talent fee niyo!" I shouted.

"Si Phythos ito, nandito na ako. I'm sorry. Hindi dapat kita iniwan."

"Phythos! Huhuhu, nakakainis ka! Tinakbuhan mo ako!" Hinampas ko lang siya. I can't help but to cry like a baby. I am still trembling with fear.

"Hush, tama na nandito na ako. Wala na 'yong mga multo," malambing niyang sabi habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

"Akala ko iniwan mo na ako!"

"Magagawa ko ba 'yon? Hindi kita iniwan okay? Binalikan nga kita, oh."

Well, kasalanan ko naman, eh. Kung hindi ko siya pinagtripan at tinakot. Hindi niya sana ako tinakbuhan.

"I'm sorry. Ako ang tumakot sa 'yo kanina. Ako naglagay ng kamay sa jacket mo."

"It's okay, hindi naman na iyon importante. Tsk, your craziness." Ginulo niya ang buhok ko.

Ilang minuto pa kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa bigla na lang niya akong binuhat.

"Bakit mo ako binuhat?" nanlalaki ang matang tanong ko.

"Tingnan mo 'yang paa mo. Mukhang napilay na." And that's the time I looked at my ankle.

"Aww." Doon ko lang naramdaman ang kirot. Siguro nakuha ko dahil sa pagtakbo ko kanina.

"I'm sorry kung dinala kita rito. I swear, hindi na tayo babalik dito," madiing sabi niya.

Napasimangot ako. "Dapat lang! Matatakutin ka rin kasi! Kung makapagsalita kanina akala mo matapang." Natawa na lamang siya. Aminado naman siya.

"Sorry na po, baby girl." Ngumuso na lang ako para pagtakpan ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa sinabi niya.

Baby girl? Fucking corny! Pero kinikilig ako! Kainis!

"Paano mo pala nagawang bumalik at mahanap ako?" tanong ko.

"Syempre, na realize kong naiwan kita at maaring takot na takot ka na. Kaya, kailangan kong balikan ka. And it hurt me to see you like that a while ago. I'm so sorry. "

Hindi ko mapigilang mahumaling lalo sa napagandang lalaking nakatitig sa akin habang kitang-kita ang pagsisisi.

I don't know, but I like that face of him. That pitiful and regretful face.

And I knew from that moment. I really fell in love with him.

This is really bad for me. But I like the poison.