Chapter 12: The Other Girl
"Medyo bumubuti naman na ang sugat mo. Unti-unti nang naghihilom. I'm impress sa bilis nang paggaling mo. Imagine it's just two months mula ng umuwi ka rito."
"Oo nga kuya, salamat talaga."
"Saka mabuti na ring hindi mo na pala masyadong tinatakpan ang mukha mo."
Napangiti ako. "I just realized kuya, na hindi ako makakamove forward kung itong peklat ko ay itatago ko pa rin. Para saan pa at umuwi ako rito sa Pinas diba?"
"Yes, that's right. I'm happy that slowly you're building your confidence again. I think, mas mapapabilis na ang paggaling mo. Maaring hindi na umabot ng isang taon at pwede ka nang operahan." Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"Talaga, kuya?" Tumango-tango naman siya.
"Tandaan mo lang na kailangan huwag mong kakalimutan lagyan ng gamot ang sugat mo and maintain the cleanliness of your face para hindi ma-infect lalo ang sugat. At saka, tuloy pa rin 'yong every two weeks na check up mo."
Hindi ko mapigilang mapayakap sa kanya. "Thank you, Kuya Brandon! The best ka talaga."
"Para saan pa at naging magaling na dermatologist ang pinsan mo. Kung ibang pasyente nga napapagaling ko. Tapos, ikaw na kadugo ko, hindi. Gagawin ko lahat para tuluyang bumalik ang mukha mo. So that you can go back to your life."
Napangiti ako at sumandal sa dibdib niya. "Thank you Kuya, but for now I'm enjoying every bit of my life here. I don't really think too much about going back. "
"Then, that's good. Live happily, my princess."
Bumitiw lang ako sa pagkakayakap sa kanya nang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko nang makita si Phythos. Kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha niya. Galit na galit.
"Doc, kanina pa ito rito eh. Nagpupumilit pumasok."
"Mister, any problem?" Agad na akong sumabat sa tanong ni Kuya Brandon at pumagitna.
"Ah, eh, Kuya! Kilala ko po siya."
Bakit ba nandito ang lalaking ito?
Napakunot-noo si Kuya. Alam ko ng mali ang iniisip niya. "Kaibigan ko po siya!" Hindi ko mapigilang sabihin. Ngumiti lang naman si Kuya at tumango-tango.
Nilingon ko si Phythos na kasalukuyang bagot nakasandal sa pinto at masama pa rin ang tingin sa amin. Hinawakan ko ang braso niya para mahatak.
Nakasimangot ito at bumubulong-bulong.
"Alis na po kami! Balik na lang ako next week."
"Take care, my princess." Ngumiti na lang at bago mabilis na inilayo ang lalaking ito.
Paano ito napunta rito?
Nakahalukipkip ko siyang hinarap nang tuluyan na akong nakalabas.
"Bakit nandito ka?" tanong ko.
"Anong masama kung pumunta ako sa clinic na ito? May karatula bang nakasulat na bawal pumasok ang gwapo." Napairap ako.
"Seryoso kasi, ah?" inis kong sabi.
"Tsk, nakita kasi kitang dumiretso kanina rito pagkatapos ng klase mo. Kaya sinundan kita. Only to find out you're flirting with a doctor." Nakasimangot siya at tila natalo. Nakakuyom din ang kamao niya na parang handang makipag-away.
"What? Flirting?" Bahagya pang nagtaasan ang balahibo ko sa gulat sa sinabi niya.
Me and Kuya Brandon? Like what the heck! So gross!
"May pa kuya-kuya ka pang nalalaman. Eh, parang linta ka nga kung makayakap sa kanya. May pasandal-sandal pa sa dibdib niya." Puno ng pait niyang sabi habang nakatingin sa malayo at iniiwasan ang mga mata ko.
Uminit ang mukha ko sa inis. Iyon lang ang nakita niya. Ganoon na kaagad ang tingin niya sa akin? Akala ko hindi siya judgemental pero katulad rin pala siya ng iba!
"Teka, teka! Dahan-dahan ka sa pananalita mo ah. First of all, hindi ako linta! At hindi kami naglalalandian katulad ng iniisip nang marumi mong utak."
"Eh, ano 'yong nakita ko? Ganoon ka talaga sa mga lalaki. Eh, bakit ako hindi mo niyayakap ng ganun? Shit!"
Nanlaki ang mga mata ko sa naririnig mula sa kanya. Nababaliw na ba siya? Bakit ko siya yayakapin?
Bumuntong-hininga siya. "Kalimutan mo na 'yong sinabi ko. It doesn't matter anyway," matabang niyang sabi.
Nababaliw na talaga siya. Parang gusto ko ulit siyang pilayin.
"It doesn't matter to you! Pagkatapos mo akong pagsalitaan ng ganoon? And by the way Mister, he is my COUSIN! Kaya pwede ko siyang yakapin or even halikan!" malakas kong sigaw sa kanya sa sobrang inis at mabilis na tinalikuran pero hindi pa ako nakakalayo agad niyang nahablot ang braso ko.
"What?" inis kong sigaw habang pilit kumakawala sa kanya.
"Pinsan mo siya?" Naparoll-eyes ako. Paulit-ulit?
"Oo nga!" Agad namang nawala ang pagkasimangot niya at napalitan ng ngiti.
"That's good, but don't kiss him! That will be incest!"
"Eh, anong pinupunto mo?" tanong ko. He is acting like a jealous boyfriend.
"Wala concern lang ako. Hindi ba friends tayo." Okay Faye, anong pumasok sa utak mo na naisip na nagseselos siya? This kind of guy is out of reach for you!
"Oo nga, so bakit ka nandito?" Napangiti siya at hinawakan ang kamay ko.
"Ililibre kita sa kinita natin! Food trip tayo!"
Parang magic na kusang nabura ang bigat sa dibdib ko. Ganun lang kadali 'yon. This is bad. This is really bad! Apakarupok mong tunay, Fayeren Doll Chua!
Wala sa loob na napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak niya. Naramdaman ko na lang ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko at pagwawala ng puso ko.
I know this feeling! And it is already starting. I know it's bad for me but I don't know how to stop it.
"Saan? Saka dapat mabusog ako, ah. Alam ko marami naman tayong kita."
Ilang weekends na rin kasing puro benta na kami ng street foods. Hindi ko naman akalaing mabenta talaga iyon at saka plus points na rin siguro ang pisikal looks ni Phythos.
"Oo na! Basta, may alam akong lugar." Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Para akong nakalutang habang sumusunod lang sa kanya. The way he held my hand. Na parang wala lang sa kanya pero sobrang lakas na ng epekto sa akin.
Faye, this is alarming! Stop it already! Galing ka lang sa break up. Gumagaling ka pa lang. Huwag mo ng tangkain sugatin pa ulit.
This guy is not someone who you can keep. Hanggang friends lang dapat kayo.
"Charan! Nandito na tayo!" He said proudly.
"Amusement park?" Tumango-tango naman siya.
"Yeah, syempre nagbenta tayo noon sa maliit na parke kaya ngayon dadalhin kita sa mas malaki."
"Magbebenta ulit tayo?" I asked. Pinitik naman niya ang noo ko.
"Hindi mo ako narinig kanina. Ang sabi ko, foodtrip, saka susubukan natin 'yong mga rides dito."
Agad namang nagningning ang mga mata ko. Mula bata pa ako hindi ko pa nasubukan. Overprotected kasi sila mommy at daddy.
"Sige!" At agad ko na siyang hinatak.
Mabuti na lang at katatapos lang ng prelims namin. So, it's time to enjoy!
"Magkano budget mo rito? Matakaw ako."
Walang hiyang sabi ko habang kuha nang kuha sa mga masasarap na street foods. Lalo na sa mga hindi namin binebenta at hindi ko pa nalalasahan.
Its so delicious!
"Basta kumuha ka lang." Nagkibit-balikat na lang ako at kumain na nga kami. Halos lahat nga ng mga pagkaing bago sa paningin ko. Pinapabili ko sa kanya.
"Ako na lang magbabayad para sa rides natin mamaya," sabi ko habang nakaupo kami sa isang swing at kumakain ng dirty ice cream. I can't help but to smile sigurado kung nandito ang isa sa mga bodyguard ko kukunin na ito at itatapon. I'm happy that they are not here.
Ngayon ko lang na appreciate ang mga maliliit na bagay na nakapagpapasaya rin pala sa isang tao.
I can't believe in my 18 years of existence. Ngayon ko lang mararanasan ang mga ito.
My childhood life have been robbed by the limelight.
"Oo na, hindi ko naman akalaing sa liit mong 'yan. Kaya mong kainin lahat ang mga iyon."
Napasimangot ako. "Syempre! Ngayon ko lang ito matitikman."
"Tara na, maghanap na tayo ng rides," yaya niya.
Malapit na kami sa bilihan ng ticket nang may babaeng humarang sa amin.
Maamo ang mukha nito at maganda. Ito iyong babaeng nagturo sa akin kung saan ang opening ceremony noong first day ko sa university.
Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Phythos na nakahawak sa braso ko. I can see sadness in her eyes.
"Phyth, is it true that she is your girlfriend?" Nanlaki ang mata ko sa pambungad niyang tanong.
"Naku, nag—" but my words are cut by a stern, cold voice.
"Yes, she is my girlfriend, Leonella. Any problem with that?"
And I just saw the beautiful goddess in tears. Like seeing myself before. The day Aljohn broke my heart.