Prologue

At the age of five, a little kid might be asked, "What is your dream?" Then she will have silly answers like, "I want to be a doctor." At seven, she might start having a crush. Some are even having their puppy first love at twelve.

Life is so sweet to a sixteen-year-old. Her world is wider, and having fun for her is now different from the kind of fun she had when she's five. Growing up is just as simple as that for many.

But not for me. My story was different.

.

"Salamat po."

"Pumunta ka na lang sa bahay ko mamaya para pumirma ng kontrata."

"Sige po."

Lumabas na ng kwarto ang landlady nitong inupahan kong apartment. Narinig ko pa siyang kinausap ang dalawa kong kasamang babae na Kate at Missy daw ang mga pangalan. May dalawang lalaki rin sa salas na mga nobyo yata ng dalawa at bumisita rito.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinapasadahan ng tingin ang buong silid. May kalakihan naman ito.

Dalawang dipa ang luwang sa bawat sulok. Pero mas malaki pa rin ang kwarto namin dati kahit marami kami. Ngayon ay mag-isa lang ako rito dahil sa kabila ang kwarto ng dalawa.

Napangiti ako nang makita ang double deck na higaan. Sa wakas ay makakahiga na ako sa totoong kama at hindi na sa kutson na inilalatag lang sa sahig.

"Let's go. Simulan na nating mag-ayos, Kao." Pumalakpak ako ng isang beses sa sarili. Una kong dinampot si Melody, ang gitara ko, saka inilagay ito sa itaas na bahagi ng double deck.

Binitbit ko sa tabi ng cabinet ang dala kong bag at isa-isa nang inilipat dito ang mga damit. Sa simula ay masaya pa ako sa ginagawa. Pero habang tumatagal ay napagtatanto ko nang mag-isa na talaga ako. Ganito na ang magiging buhay ko ngayon.

Kalahating oras lang ang inabot ko sa pag-aayos. Matapos kong magpahinga ay pinili ko nang maligo.

Alas tres na ng tanghali nang bumaba ako para pirmahan yung kontrata. Tatlo ang palapag nitong apartment building at may tig-dadalawang bahay sa bawat floor. Sa second floor ang apartment namin at ang bahay sa tabi nitong building ang tirahan ng may-ari.

May nadaanang park ang tricycle na sinakyan ko kaninang umaga papunta sa apartment kaya pagkaalis sa bahay ni Aling Marites ay naglakad na ako patungo roon. Linggo ngayon kaya marami-rami ang tao pagkarating ko.

Bumili ako ng squidball at abnoy, tawag namin sa orange egg, bago naghanap ng bench. Nagkalat ang playground sa paligid kung saan maraming bata ang pawisan na naglalaro. Sa gitna ng park ay may circle kung saan may mga nagsasayaw at nag-i-skateboard na mga binatilyo. Ang sasaya nila.

Inilapag ko sa gilid ko ang plastic cup nang mag-ring ang phone ko. Ilang segundo kong tinitigan ang pangalan na naka-display sa screen at sinadyang hindi sagutin ito hanggang sa mag-end na lang.

Bumuga ako ng mahabang hininga at ibinalik sa ibabaw ng hita ang cellphone. Kinuha ko ulit ang kinakain kanina saka magkasunod na sumubo ng dalawang squidball. Mayamaya ay tumunog ulit ito dahil sa ipinadalang mensahe.

[Buo na ba talaga ang desisyon mo, anak? Nandito lang kami. May lugar ka pa rin dito kung sakaling maisipan mong bumalik. Mag-iingat ka.]

Mabilis ko itong ni-shutdown at itinuon sa mga naglalaro ang tingin habang nararamdaman ang pamamasa ng mga mata. Kinakamot ko ng marahas ang tuhod at pinipilit ang sarili na huwag maiyak.

"Sorry, Ma. Gusto ko lang pong huminga." Pumikit ako at lumanghap ng malalim. "Kailangan nilang masanay."

Pagkaraan ng ilang minuto ay pansin ang pagdami pa ng mga tao. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ang nagtatawanang mga bata dahil sumadlak ang puwet ng kalaro nilang lalaki sa damuhan nang magpadulas ito.

Umihip bigla ang malakas na hangin. Tinangay nito ang buhok ko at humarang sa mukha. Nakain ko pa ang ilang hibla. Bwisit na kalikasan.

Kinuha ko ang nakalagay na pang-ipit sa pulso at sinuklay ng mga daliri ang buhok para i-ponytail. Kagyat naman akong napalingon sa kanang gilid ko nang mapansin ang pagkislap ng isang bagay.

Pagtingin ko ay may nakatutok sa aking cellphone. Nahuli ko pang agad na nag-iwas ng tingin ang dalawang lalaki habang ang may-ari nito ay kunwaring gumagamit lang ng phone. Pero hindi nila ako maloloko dahil nahuli kong nag-flash pa ang camera.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki saka gulat na nag-angat ng tingin. Umawang ang mga labi niya at mukhang alam na niya na nahuli ko ang ginawa nila. Nagtaas ako ng kilay.

"B-Brad." Siniko niya ang mga kasama. Tumingin sa akin ang dalawa at lahat sila ay tila nakakita ng multo. "Takbo!"

Mabilis silang nagtakbuhan. Hindi ko nasundan ang paglayo nila dahil napako ang tingin ko sa lalaking naiwan sa bench na inuupuan nila kanina. Nagulat siya sa biglang pag-iwan sa kanya ng mga kasama. Hanggang sa mapalingon siya sa 'kin at magsalubong ang tingin namin.

.

I always swear at the world for being so unfair. The only thing I could say I can relate to others is that at eighteen years old, some might have already crossed paths with the person they will truly love.

Yes. I found him. It was so long before I realized that.

.

"Reign!"

Pareho kaming napalingon sa mga kasama niya. Malayo-layo na sila. Mahihimigan ng takot ang mga boses nila habang tinatawag ang lalaking ito, si Reign. Tss. Iniisip ba nila na baka gulpihin ko siya?

Nilingon niya ulit ako bago tumayo at naglakad patungo sa kanila. Napangiti ako at napailing nang maalala ang nangyari. Ibinalik ako ang tingin sa lalaki na ngayon ay lumilikha na ng malaking distansya sa pagitan naming dalawa.

.

If only I have known that our moment together will be limited, I should not have wasted the first time I saw him.