Chapter 8: Kabanata 8

PUMIHIT si Jules at hinarap ang tiyuhin. Nagkasalubong ang mga kilay niyang nakatingin dito.

“I don’t get you, Uncle Mike. Namatay si Mariana doon sa bahay na ‘yon. Nag-aalala lang akong baka may sumunod pa sa kanila doon…” ang wika niya.

Biglang lumaylay ang mga balikat ng biyudong tiyuhin na nasa mid-forties, nang marinig ang pangalan ng anak nito. Namatay ang dalaga halos tatlong taon na ang nakalipas. Noong halos dalawang taon na ang nakalipas ay namatay rin ang kanyang kaisa-isang kapatid na babae, si Joanna. Hindi lang iyon mag-iisang taon na rin mula nang mamatay ang kanyang mga magulang. In a fortnight, it would be their death anniversary.

Bumigat ang pakiramdam ng binata. Hanggang ngayon ay dala-dala niya ang kalungkutan dahil sa pagpanaw ng mga mahal nila sa buhay.

Narinig niyang bumuntong-hininga ang tiyuhin. “I guess, we have to leave this town for good, Jules. It’s for both our sakes,” ang mabilis na anito nang mag-umpisa siyang magprotesta. “We have to leave tomorrow.”

Umiling siya. “If you want to leave, then leave, Uncle Mike! Ayokong sumama sa ‘yo hangga’t hindi makaalis ang bagong-lipat doon!”

Napakurap-kurap ito. “What? What did you say?”

“Oo. Kalilipat lang ng tatlong babae roon. And you know damn well what would happen to them around this time if we don’t stay!” giit naman niya rito.

Napakurap-kurap na naman ito. Alam niyang gustong resolbahin ng tiyuhin ang pagkamatay ng nag-iisa nitong anak ngunit para namang ayaw nitong madamay pa sa puwedeng mangyari sa hinaharap. Alam niyang gusto siya nitong protektahan hangga’t maaari at hangga’t kaya nito. They both lost their loved ones in that goddamn house!

Nagawa na nila ang lahat para matigil na ang misteryosong pagkamatay ng kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan doon sa loob ng sampung taon. Bata pa lang siya ay namatay rin ang ilan sa mga kaibigan niya roon. Ang iba’y nakikita na lang sa ilog ngunit ang iba’y hindi pa natagpuan hanggang ngayon. Wala pang nakasagot kung paano nangyari ang mga iyon at basta na lang lumilitaw nang isa-isa sa ilog ang mga bangkay.

Sinubukan na nilang sunugin ang bahay na iyon ngunit kung may anong hindi nila nakikitang nagpoprotekta sa bahay kung kaya’t tinatawag ito ng kanyang tiyuhin na malademonyong bahay. Pinabendisyunan na sa pari, wala pa ring nangyari. Umalis na lang itong puno ng takot. Buti na lang ay buhay pa ang pari hanggang ngayon.

Magkapatid ang kanyang tiyuhin at ang kanyang ama. Ang ama niya ang nagmana sa bahay na iyon mula sa kanyang mga lolo. Sa pagkakaalam nila ay may nagmamay-ari na sa bahay na iyon nang lumipat ang pamilya ng kanyang ama. Nabili ng mga ito ang bahay na iyon nang mura pati na ang malawak na lupaing nakapalibot nito.

Paglipas ng panahon ay nagpatayo ng bahay ang kanyang tiyuhin, at heto nga ang kanilang tinitirhan nila ngayon. Naikuwento ng real estate agency na iisa ang may-ari sa bahay na nabiling bahay na iyon ng lolo’t lola niya. At nang mamatay ang mga ito ay ang kanyang ama ang nagmana niyon. Dahil sa nag-asawa si Mike ay nagpatayo naman ito ng bahay ng lampas isang kilometro ang layo mula roon.

It had been long quiet years for them. Masaya silang nakatira doon hanggang sa isang araw ay nagpa-party siya nang wala ang mga magulang dahil sa lumuwas ang mga ito sa Maynila at siya naman ay kababalik lang nang isang linggo mula sa California kung saan siya nag-aaral noon. Kasama niya ang pinsang si Mariana, ang kapatid na si Joanna, at ang mga kaibigan nila.

Then, he shook his head. He did not want to recall that frightful night. Kung kailan nag-umpisa ang lahat.

Tinalikuran niya ang kanyang tiyuhin. “I don’t think you’d understand, Uncle Mike. Gusto kong matigil na ito.”

Humakbang ito at tinapik ang kanyang balikat. “I know everything as you’ve told me, Jules. Pareho tayong ayaw nang pag-usapan o pag-isipan man lang ang nakaraan. And I think that’s just right if we want to heal and move on. Kaya ang mas mabuti nang gawin natin ay ang kalimutan na ang nakaraan at umusad na. Magsimula tayong muli kahit tayo na lang dalawa. Okay?” mungkahi nito.

“But we have to help those people, Uncle Mike!” ang giit pa rin niya.

Napatitig ito nang husto sa kanya. Ilang saglit din itong nag-isip bago nagsalita. “Fine. If you say so, Jules. Gusto rin naman kitang tulungan at nang mabigyan na natin ng closure ang nakaraan. You’re right. We can’t just run away and leave those innocent people there to die. tomorrow, we’ll pay them a visit,” ang naging pasya nito.

Nasiyahan siya at tumango sa tiyuhin na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan. He knew he could count on his uncle.

‘Sana nga lang ay papayag ang mga babaeng iyon na umalis na sa bahay bago pa man maging huli na ang lahat…’