Chapter 7: Kabanata 7

NAPATITIG si Finna sa lalaki at napalunok ng laway. May kung anong kaba na bumundol sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito. Hindi siya agad makapagsalita.

Pagkakurap-kurap niya ay napatawa siya nang marahan. “Is this some sort of a sick joke? We just moved here! Hindi kami puwedeng umalis lang nang basta-basta dahil sa sinabi mong masamang ispiritung nakatira doon! Besides, why would I believe something that a stranger is telling me?”

Tinalikuran na niya ito ngunit nahawakan nito ang kanyang braso. Dahil doon ay ginamit niya ang nalalaman niya sa self-defense. Inilagay niya ang isang paa sa pagitan ng mga hita nito at saka pumihit siya upang ibalibag ito. Bumagsak ang lalaki sa madamong lupa ngunit bago pa niya malaman ang sumunod na pangyayari ay nahila naman siya nito at bumagsak siya sa lupa at saka mabilis itong pumaibabaw sa kanya nang nakangisi.

“I see that you know something pretty good to defend yourself. Pero… hindi iyan epektibo sa masamang ispiritung nandoon sa bahay ninyo. And by the way, I’m Jules. Nice meeting you, feisty,” ang anito at saka tumayo nang nakalahad ang kamay sa kanya.

Bumilis ang paghinga ng dalaga dahil sa ginawa nito. Ipinikit niya muna ang mga mata at saka napatiim-bagang. Umupo siya at inignora ang kamay nitong nakalahad. Tumayo siyang mag-isa. Pagkatapos ay pinagpag niya ang sarili habang nakatingin sa kanya ang lalaking tila natutuwa sa kanya.

“Seriously. Kailangan n’yong umalis sa bahay na ‘yon,” ang sabi pa nito sa kanya nang hindi pa rin siya magsalita.

“Seriously! It’s not the best advice I have heard in my entire life! And to think that we’ve just moved in? Who are you to tell me that?” ang pakli pa niya rito at saka nag-martsa na pabalik sa bahay nila. A

Naiwan ang lalaking hindi alam kung ano ang sasabihin. At wala siyang pakialam sa sinasabi ng Jules na iyon dahil nandito silang magtiyahin para maghilom ang sugat niya sa nakaraan…

***

INIS na bumalik ng bahay ang babae. Napabuntong-hininga naman si Jules na sinundan ito ng tingin. He did his best… at least, what he thought was best for her.

Simula nang makita niya ang babae kahapon na dumaan sa bayan ay sinundan niya ang van na minaneho ng may edad na babae, siguro ay ang ina nito, sa hula pa niya. Natunton nga niya kung saan ito nakatira.

Magdamag na wala siyang tulog dahil sa pag-aalala kung mapaano ito sa malaking bahay na iyon. He knew should not have. Subalit ay kailangang malaman ng mga nakatira doon na hindi ligtas ang bahay na iyon.

He knew the story very well. He lost his sister, cousin, and friends there these past few years. Inis siya sa mga real estate agents na siyang pilit na nagbebenta sa bahay na iyon sa mga estrangherong walang kamuwang-muwang. Kahit na pina-withdraw na niya iyon ay tila binalewala ang kagustuhan niya. Hindi niya alam kung bakit. Sinita na nga niya ang tiyuhin tungkol doon pero nagsabi itong wala itong kinalaman doon. Handa naman na siyang ibalik ang pera na ipinasok sa account niya. Iyon nga lang ay pina-decline iyon sa bangko at ibinalik sa kanya.

Ngayon ay kailangan niyang iligtas ang babaeng bagong salta sa Santa Barbara, pati ang mga kasambahay nito kung maaari.

It was not only that she was pretty up close or sexy in her sleeveless top and shorts. He knew that deep inside him, he cared for her already. Kahit na hindi pa niya ito kilala kahit pangalan man lang nito.

Gusto niyang malaman ang tungkol sa dalaga. But was she still available? Napuna niya kasi ang isang engagement ring sa daliri nito. But of course, he could not ask her right there and then. Who was he anyway? Hindi sila magkaibigan at halatang ayaw nitong makipagkaibigan sa kanya dahil sa kanyang sinabi ritong babala… o sa tingin nito ay pagpapalayas niya at sa mga kasambahay nito sa bagong kinalilipatang bahay sa kanilang barangay.

Then, he wondered why she had that scar on the side of her forehead near her temple, though. At ewan ba niya kung bakit gustong-gusto niyang protektahan ang babaeng may peklat sa noo. Hindi naman sila kaano-ano. Was it about his conscience? Ayaw niya lang yata na may mabibiktima na naman sa bahay na iyon.

If she was only willing to listen to him more, he was ready to tell her everything. Pero mukhang close minded pa ito sa ngayon. He just hoped she would soon open herself to him. Perhaps they could be friends… and perhaps…

He stopped thinking about it. Hindi puwede. Baka mayroon ng iba ang babaeng iyon. At baka balang araw ay susulpot lang ang fiancé nito. Ayaw niyang masaktan. He had been through enough already. Ang gusto niyang mangyari ngayon ay ang maresolba ang tungkol sa bagong nakatira sa bahay na iyon.

Napabuntong-hininga siya nang hindi na niya makita kahit ang anino ng dalaga. Tumalikod na siya para bumalik sa bahay nila.

“So, nanggaling ka na naman doon?” ang hula ng tiyuhin niyang si Mike nang makita siyang pumasok sa kanilang malaking bahay.

Napalunok siya. “Yeah,” mahinang tugon niya at iniwas ang pagtingin dito.

“Paano ba tayo makapag-move on kung parati ka na lang pumupunta sa malademonyong bahay na ‘yon ng mga magulang mo, Jules?” galit na sita nito at nakapamaywang pa itong nakatingin sa kanya.

Napabuntong-hininga siya at saka nagtungo sa living room kung saan naman siya sinundan ng tiyuhin.

“Jules, you have to stop this! And you have to stop caring about other people!”