Kabanata 1
ISANG wild party ang nagaganap sa isang malaking bahay sa Santa Barbara.
Halos lasing na ang lahat at ang binata na siyang nagpa-party ay tiningnan ang mga bisita nang may ngiti sa kanyang labi. He was so damn happy to see this kind of party tonight. Matagal na rin siyang hindi nagkaroon ng sariling party kahit na mag-isa siyang nakatira noon sa California.
Sa gabing ito ay natutuwa siya dahil wala roon sa bahay nila ang mga magulang na puwedeng humadlang sana sa gusto niyang gawin. Ilang oras ang nakalipas ay napa-survey siya sa mga tulog ng mga kaibigan dahil sa kalasingan.
Umakyat siya sa itaas na palapag upang kumustahin ang kapatid at pinsan. Kakatok sana siya nang may narinig siyang kumalabog sa itaas at tinakbo niya iyon.
Napasigaw siya sa kanyang nakitang biglang na-flush ng Jacuzzi ang kanyang mga kaibigan, bagay na nakakapangilabot at nakakapanginig ng kalamnan.
‘Bakit? Bakit nangyayari ito? Paano? Paano silang lumusot doon nang basta na lang at tila hinihigop ng kung anong portal?’
Akala ng binata ay hindi ito totoo. Ang akala niya ay bunga lang ito sa kanyang kalasingan.
‘Hindi. Hindi totoong nawala ang mga kaibigan ko…’
At dumilim na lang ang kanyang paningin.
***
NAPAANGAT ng tingin ang beinte anyos na dalagang si Finna habang nakatingin sa bagong biling bahay ng kanyang tiyahing si Rina. Kaiibis lang niya ng van na minaneho ng tiyahin. Hindi niya akalaing may rooftop pala ang bahay na binili ng tiyahin. Ito ay nasa pangatlong palapag. Walang gate o kaya ay pader ang paligid ng kabahayang iyon. May malalago pang kakahuyan sa likod ng bahay na ito at halamanan naman ang nakapaligid. Probinsiyang-probinsiya ang dating nito.
Nakatirik ang malaking bahay na iyon sa isang liblib na lugar at nakadungaw iyon sa isang malaking ilog sa kaliwang bahagi nito. Malinis ang simoy ng hangin. Sariwa. Bagay na nagugustuhan niya kahit paano. Kaya naman ay napapikit siya ng mga mata at napahigit ng hangin upang punuin ang kanyang baga.
‘Perhaps this is it! It’s my new life,’ naisip pa ng dalaga nang malungkot.
Naramdaman na lang niyang hinawakan ng kanyang tiyahin ang kanyang kamay. Saka napabuka siya ng paningin at nakita niya itong napangiti sa kanya.
“Nagustuhan mo ba ang bagong bahay natin?” tanong pa nito.
Alangan namang hindi. She wanted peace and quiet. She should not and could not be choosy now. Besides, she could not back off. Wala naman na siyang babalikan pa sa Manila. Everything was in the past now. She had to move on. At ayaw niyang alalahanin pa ang kanyang nakaraan kung maaari.
It was like the biggest nightmare to her.
Tumango naman si Finna sa tiyahin. “Opo, Tita. Maganda nga itong bahay at lugar na napili mo. Presko ang hangin at tahimik,” ang pilit niyang ngumiti sa tiyahin.
“Saling, pakiakyat na nga ng mga gamit natin sa itaas,” ang baling nito sa katulong na kabababa lang ng ilang bagahe nila mula sa van.
“Ginagawa ko na po, Ate, o,” ang tugon naman nito at inismiran ito ng tiyahin niya.
Yes, welcome to reality, Finna! It’s only the three of us now living together in this place that’s in the middle of nowhere, mapait na anang isipan niya.
Nagpatianod na siya sa tiyahing pumanhik sa tatlong hakbang na hagdanan ng porch at saka pumasok na sila sa bulwagan ng malaking bahay.
“Good that you like it, Finna. I bought it for a very cheap price. Malayo kasi. Kaya walang gustong bumili sabi no’ng real estate agent. The town is like five kilometers away from here. At mangilan-ngilan lang ang kapitbahay natin,” ang saad ni Tita Rina sa kanya.
“I see, Tita. So, when is Lily coming over, again?” ang tanong pa niya rito ukol sa pinsan niya na anak nito. Ito rin ang tila best friend niyang maituturing na nakabase na ngayon sa US bilang isang modelo na mas matanda sa kanya nang dalawang taon.
“Hay, naku! Ewan ko sa batang iyon. Sabi niya baka this month o kaya’y sa susunod. Depende rin sa free time niya dahil naka-book na siya,” ang tugon ng napabuntong-hininga na tiyahin at saka binitiwan na nito ang kamay niya.
Napaikot siya ng tingin sa kabuuan ng bulwagan at saka sa malaking hagdanan. She suddenly felt that the place was eerie. Pero baka naman ay pakiramdam lang niya iyon. Siguro ay nanlalamig lang din siya dahil sa takot na harapin ang kanyang hindi gaanong malinaw na hinaharap. Hindi na niya kasi alam kung ano ang gagawin pagkatapos ng aksidente.
Awtomatiko namang napasapo ang kanyang daliri sa halos dalawang pulgadang peklat niya sa kaliwang bahagi ng kanyang noo. Medyo nakaarko ito. Dahil sa ginawa ay napatingin sa kanya nang may pag-aalala ang tiyahin.
“Okay ka lang ba, Finna?”