Chapter 39 Hindrance To Amore

Nang marating ko ang kusina. Kinuha ko ang cellphone sa suot na shorts at tinawagan si Celine. Gusto ko mailabas ang inis na nararamdaman, at si Celine lang ang taong mapagkakatiwalaan ko sa mga ganitong bagay. Nakakailang ring palang ay sinagot na niya ang tawag.

"Yeah, Bes! Good afternoon. Kamusta? Namimiss mo na agad ako? Pupunta naman ako diyan mamaya eh." aniya. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Nandito ang kaibigan ni Jarred na si Sean! Naiinis ako! Kaya tinawagan agad kita para mailabas ko yung nararamdaman ko! Argh!" Hindi ko na talaga napigilan ang inis na nararamdaman. Hindi naman gaanong kalakasan any boses ko at baka marinig nila.

"Ano ba ang nangyari? Mayabang ba?" tanong niya.

Oo nga pala, hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya na nagkaayos na kami ni Jarred. Balak ko kasing sabihin yun mamaya pagdating niya kaso masasabi ko ata ng wala sa oras.

"Ahem, nagkaayos na kami ni Jarred." ani ko habang kagat ang labi.

"What?! Bakit ang bilis naman ata? Mamaya mo na ikwento iyan, gusto ko personal mo sabihin sakin yan. Ba-bye!" aniya.

Magsasalita pa sana ako pero pinatay na niya ang tawag. Hays. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nang maramdamang ayos na ako. Nag-prepare na ako ng pananghalian. Pork Sisig at Kaldereta ang nilutong ulam ni Jarred.

Tinikman ko ang mga yun na nasa kaserola pa. Hindi ko maiwasan ang panlalaki ng mga mata ng matikman ang niluto. Hindi ko akalain na magaling palang magluto si Jarred. Napangiti ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Nang matapos akong magprepara, nagtungo na ako sa salas para tawagin sila.

Malapit na ako sa salas ng marinig ko ang tawanan nila. Ganito pala sila ka-close sa isa't-isa, Paano kaya ang samahan nina Jarred at Khael? Siguro kung hindi ako nakipaglapit kay Khael, magkakasama silang tatlo ngayon.

"Jasmine?" anang boses na nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Boses ni Jarred, tiningnan ko siya at nginitian. Kababakasan ng pag-aalala ang kaniyang mukha. Lumapit siya sakin at hinaplos ang aking pisngi.

"Ayos ka la ba?" nag-aalala niyang tanong. Tumango ako at itinago ang ekspreksiyon ng kalungkutan sa aking mukha at pinaaliwalas iyon.

"Oo naman! Tara na kain na tayo. Nakapagprepara na ako ng pananghalian natin." ani ko at sinulyapan si Sean tsaka nginitian. Lumapit sakin si Sean. Nagulat ako, kaya tiningnan ko si Jarred na nakangiti lang, lumayo muna sakin si Jarred. Nang ilang metro nalang ang layo namin ni Sean sa isa't-isa ay nagsalita siya.

"Gusto ko lang humingi ng pasensya sa nasabi ko kanina. Hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng emosyon ko. Hindi mo naman ako masisisi dahil kaibigan ko silang dalawa. Sana mapatawad mo ako." aniya.

Tinitigan ko siyang mabuti, ang kislap ng mata at ekspreksiyon ng mukha. Kung sinseridad ba siya sa paghingi ng sorry. Nang mapagtanto ko na nagsasabi siya ng totoo. Ngumiti ako sa kaniya. A genuine smile.

"Ayos lang iyon Sean, naiintindihan ko. Sa totoo lang hindi ko talaga nagustuhan ang sinabi mo kanina at talagang nainis ako. Kaibigan ka ni Jarred at walang dahilan para magtanim ako ng galit sayo. Hindi yun makakabuti sakin at syempre mali ang magtanim ng sama ng loob sa kapwa." ani ko. Akmang hahawakan ni Sean ang kamay ko ng tabigin iyon ni Jarred at pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa tsaka tinabihan ako.

"Sorry dude, but this hands is mine. Pasensya na, ayos na ang paghingi mo ng sorry. Sapat na iyon, hindi mo na kailangang makipagkamay sa kaniya." aniya habang matiim na nakatitig kay Sean. Naiiling na natatawa lang si Sean sa inasta ni Jarred. Siniko ko siya. Ngumiti ako kay Sean.

"Pasensya ka na. Hindi nakainom ng gamot." ani ko na mas lalong magpatawad kay Sean. Tiningnan ako ni Jarred na nakasimangot.

"Binubully mo ako ako, Jasmine." aniya. Kinurot ko siya sa tagiliran. Napapiksi siya sa ginawa ko.

"Huwag ka ngang possessive dyan! Tadyakan kita eh!" pang-aasar ko. Pero alam naman ni Jarred iyon na biro lang iyon.

"Aray! Binully mo na nga ako, kinurot mo pa ako. Tapos, may balak ka pang tadyakan ako. Nakakatakot ka pala, heart." aniya.

Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha sa pagtawag niya sakin ng Heart habang kasama namin si Sean. Inirapan ko siya sa sinabi niya.

"Mauna na ako sa kusina, Love birds. Nagugutom na ako." ani Sean habang naiiling sa ka-sweetan namin. Natawa kaming pareho ni Jarred sa inasta niya. Bumulong ako kay Jarred.

"Bitter lang?" tanong ko. Tumango siya.

"Oo, naghiwalay sila ng kasintahan niya na apat na taon niyang nakarelasyon." ani Jarred. Napatango-tango ako. Kaya pala. Hindi na ako nagtanong, masyado ng personal na bagay iyon.

"Tara na, kain na tayo. Nagugutom na rin ako." ani ko at hinila si Jarred patungo sa kusina. Nagpahila naman ang loko. Hindi ko maiwasan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko dahil sa mga nangyayari. Sana, Wala ng maging hadlang sa pagmamahalan naming dalawa.

PAGKATAPOS kumain ng pananghalian, sininop ko ang mga pinagkainan at dinala iyon sa sink. Inihatid naman ni Jarred sa labas si Sean. Habang naghuhugas ng pinggan, biglang may yumakap saking bewang. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino iyon.

Ipinatong niya sa aking balikat ang kaniyang baba. Nagpatuloy lang ako sa paghuhugas. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kiliti ng halik-halikan niya ang aking balikat na medyo litawvsa suot kong hanging blouse. Gumapang ang halik niya patungo sa aking taenga.

"Oh!" di ko maiwasang mapaungol sa ginawa niya.

"That's it. Moan for me, heart. I love hearing your moans." aniya at ipinagpatuloy ang ginagawang paghalik sa aking balikat na bahagya pa niyang inililis ang suot kong damit para mas mahalikan pa iyon. Napatigil ako sa paghuhugas ng pinggan at mas lalo ako napaungol.

"Jarred, paano ako makakapaghugas niyan kung ginagawa mo sakin iyan?" ani ko. Hindi ko maiwasang mapapikit ng halikan niya ang batok ko.

"Hindi ko maiwasan, Jasmine. Kaytagal akong nagtimpi na gawin ito sayo. Ngayon na ayos na tayo. Pwede bang hayaan mo ako?" aniya.

Pinunasan ko ang aking kamay gamit ang pampunas na nakasabit sa aking harapan at humarap kay Jarred tsaka ipinalibot ang kamay sa kaniyang leeg. Nakipagtitigan ako sa kaniya. Inilapit ko ang aking labi sa kaniya. Nang-aakit na tinitigan ko ang kaniyang labi. Nakita kong napalunok siya.

"F*ck!" aniya at kaagad akong nilamukos ng mapusok na halik sa labi na kaagad ko namang tinugon.

Binuhat niya ako paupo sa sink. Habang mapusok ang aming halik na pinagsasaluhan hanggang sa dumako ang kaniyang mga kamay sa aking hita at marahang hinaplos iyon at bahagyang pinipisil. Napalunok ako ng tanggalin niya ang pagkakabotones ng aking short. Nang matanggal niya iyon, akmang ibababa niya ang zipper ng biglang tumunog and doorbell.

Subalit hindi siya nagpatinag, bumaba ang kaniyang labi sa aking leeg at hinahalik-halikan iyon. Akmang ipapasok niya sa loob ng aking shorts ang kaniyang kamay ng hindi pa tin tumitigil ang pagtunog ng doorbell.

"Jarred, baka si Celine na iyon." ani ko.

Tumigil siya sa ginagawa at napamura dahil sa pagkabitin. Natawa ako sa ekspreksyon ng kaniyang mukha. Para siyang nalugi ng ilang bilyon. Bumaba ako sa sink at nangunyapit sa kaniyang leeg at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Sayo lahat ng oras ko, Heart. Kaya huwag ka na mainis diyan. Okay. Ikaw na ang maghugas ng pinggan dahil kasalanan mo naman kung bakit hindi ko natapos ang paghuhugas." ani ko habang ibinobotones ang shorts ko at iniwan na siya sa kusina na hindi pa rin maipinta ang mukha. Tinungo ko ang pintuan at binuksan iyon. Tumambad sa aking harapan ang maaliwalas na mukha ni Celine na may nakapaskil na ngiti sa mga labi.

"Bes! I miss you!" aniya at niyakap ako ng mahigpit, niyakap ko din siya pabalik. Nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Tinitigan ko siyang mabuti.

"Ang ganda natin ngayon Bes, ah. May nagpapablooming na ba?" tudyo ko sa kaniya. She rolled her eyes.

"Syempre kailangan ko maging maganda kasi ako palagi ang tinitingnan sa opisina. Na para bang kung makatingin sila sakin ay para bang inuukilkil din ang kaibituran ng aking kaluluwa. Yun bang bawat galaw, pananalita, pananamit ay talagang inuusisa nila. Kulang nalang pati libag ko makikita eh." maldita niyang sagot.

Natawa ako sa sinabi niya. Totoo nga naman kapag isa ka sa susunod na CEO talagang hindi maiiwasan na kilatisin ka ng isang tao, na para bang nakabantay sila sa bawat kilos mo at hinihintay ang pagkakamali mo. Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pintuan para tuluyan siyang makapasok.

"Ganiyan talaga kapag isang tagapagmana, hindi maiiwasan ang mga bagay na yan. Masanay ka na." ani ko at iginiya siya paupo sa mahabang sofa para maupo. Tumayo ako para sana kukuha ng mamemeryenda ng lumabas si Jarred ng kusina at may dalang tray na may lamang dalawang basong pineapple juice at cookies. Nginitian ko siya ng magtama ang aming mga mata. Nang tuluyan siyang makalapit, inilahad ko ang dalawang kamay sa kaniya para ibigay sakin ang tray pero umiling siya.

"Nope. Ako na. Maupo ka nalang diyan sa sofa." aniya at kinindatan ako.

Napakagat-labi ako para pigilin ang kilig na nararamdaman. Sino ba naman ang hindi kikiligin, nandito si Celine at wala siyang pakielam kahit nakikita siya ni Celine na sweet sakin. Inilapag niya ang tray sa center table at tiningnan si Celine.

"Good Afternoon, Celine." ani Jarred na may matamis at tunay na ngiti sa labi.

Tiningnan ko si Celine. Natawa ako ng mahina sa itsura niya. Her lips parted, at nanlalaki ang mga matang nakatingin din kay Jarres na para bang hindi makapaniwala sa nakita at natuklasan. Nang mapagtanto niya nakatingin kami sa kaniya. Ginamit ang kaliwang palad para takpan ang kaniyang bibig. Nang inalis niya iyon nandun pa rin ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko. Totoo nga ang sinabi ni Jasmine kanina na nagkaayos na kayo. OMG! I can't believe it! Anong nangyari?" tanong niya na hindi parin makapaniwala. Tumingin ako kay Jarred tsaka nginitian.

"Ako na ang magpapaliwanag sa kaniya." ani ko. Tumango naman siya at tsaka nilapitan ako at hinalikan sa noo.

"Doon muna ako sa taas, titingnan ko lang mga email na sinend sakin." aniya at binalingan si Celine.

"Siya nalang ang magpapaliwanag sayo kung paano kami nagkaayos. Pero sana masaya ka na nagkaayos na kami ni Jasmine. Punta muna ako sa itaas at may gagawin pa ako." aniya. Tumango naman si Celine.

"Okay. Oo naman masaya ako para sa inyong dalawa. Kung ano ang magpapasaya sa kaibigan ko, susuportahan ko siya." Ngumiti si Jarred, kababakasan ng kasiyahan ang kaniyang mukha.

"Salamat." ani Jarred at nagpaalam na.

Umakyat na si Jarred sa ikalawang palapag kung saan naroon ang opisina niya rito sa mansiyon. Nang tuluyang maglaho sa aming paningin si Jarred. Tumayo si Celine at hinawakan ang aking dalawang kamay.

"Ayyeeaaahhh!" tili niya na may kasamang pagtalon.

Hinila ko ang kamay ko na hawak niya at tinakpan ko ang aking taenga dahil pakiramdam mo masisira ang eardrums ko dahil sa tinis at lakas ng tili niya.

"Ano ba yan, Celine! Pwede ba pakihinaan naman ang pagtili!" ani ko at pinandilatan siya. Napakatamis ng kaniyang ngiti, pero bigla siyang sumeryuso tsaka hinila ako paupo sa sofa. Nang makaupo kami, seryuso siyang tumingin sakin.

"Sigurado ka ba sa pakikipag-ayos sa kaniya, Jasmine? Oo, masaya ako dahil nagkaayos kayo. Dahil kitang-kita ko sa mga mata mo ang pagmamahal mo sa kaniya at kitang-kita ko rin sa mga mata niya ang pagmamahal sa iyo. I mean, oo mahal niyo ang isa'-isa. Pero, tama ba na ngayon kayo magkaayos o ngayon ba ang tamang panahon para nagkabalikan kayo? Ayaw ko lang na masaktan ka, Jasmine." aniya na kababakasan ng pag-aalala ang mukha. Nagbaba ako ng tingin. Medyo nag-aalangan talaga ako, pero kailangan kong subukan. Kung magpapadala ako sa takot ko, walang magandang maidudulot iyon.

"Hindi ko rin alam Celine kung magiging maayos na nga ba ang pagsasama naming dalawa lalo na at malakas ang pakiramdam ko na madami magiging hadlang lalo na at hindi ko pa nasasabi kay Khael ang namamagitan sa aming dalawa ni Jarred. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na nagkaayos na kami ni Jarred. Pero, umaasa ako na sana maintindihan niya at tanggapin niya na hindi ko talaga siya matututunang mahalin." ani ko.

Nag-angat ako ng tingin para tingnan ang reaksyon ni Celine. Malungkot ang ekspreksiyon ng kaniyang mukha. Halata ang pag-aalala sakin. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa aking hita.

"Think positive, siguro maiintindihan niya iyon. Atleast, di mo siya niloko. Wala naman siyang magagawa kung hindi mo talaga siya kayang mahalin. Mahirap turuan ang pusong mahalin ang isang tao kung may ibang laman ang puso mo.

Pero, sa mga ex ni Jarred, okay na? I mean, wala ka bang magiging problema sa kanila? Baka mamaya may bigla nalang bumalik at sirain ang relasyon niyo. Alam mo naman si Jarred Racqueza ay isang Bachelor, Billionaire at sobrang gwapo at talagang habulin ng babae. Kaya hindi na nakapagtataka iyon. Diba?" aniya.

Hindi ko maiwasang matigilan sa sinabi ni Celine. Si Beatriz! Bukal kaya sa loob ni Beatriz ang pakikipaghiwalay ni Jarred sa kaniya? Sa pagkakaalam ko ay hindi. Dahil saksi ako kung gaano kapatay na patay si Beatriz kay Jarred.

Hindi ako papayag na sirain ni Beatriz ang bubuuin naming relasyon ni Jarred. Ayaw ko na mag-alala pa si Celine laya kahit labag sa loob ko kailangan kong magsinungaling.

"Wala akong magiging problema sa kanila at kung meron man hindi ko hahayaan na siya ang maging dahilan ng paghihiwalay naming muli ni Jarred." pinal kong sabi.