CHAPTER 38 CLEFT OF PASSION

Jasmine'sPOV

Kitang-kita ko sa kislap ng mga mata ni Jarred ang pananaghili. Tumayo ako at biglang napakapit sa kaniyang balikat ng maramdaman ang kirot sa aking pagkab*bae. Nakatulong ang pagligo ko ng maligamgam na tubig para mawala kahit papaano ang kirot. Mabilis ang mga kamay ni Jarred, hinawakan niya ang aking bewang para hindi ako matumba.

"Bakit kailangan mo pang tumayo? Pwede ka naman sumagot habang nakaupo." aniya na kababakasan ng pag-aalala ang bakas ng kaniyang mukha.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa pag-alala na ipinapakita niya sakin. Ngayong maayos na kami, maranasan ko na kung paano mag-alaga ang isang Jarred Racqueza

"Ayos lang. Gusto ko habang sinasabi ko ang mga sasabihin ko ay magkapantay ang ating mga mukha at nakatitig ako sa iyong mga mata, Jarred." ani ko habang titig na titig sa kaniya.

Sinalubong niya ang aking titig. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. Hinawakan niya ang aking kamay na humahaplos sa kaniyang pisngi. Ang sarap sa pakiramdam na magkadikit ang aming mga kamay.

"Hindi mo naman kailangang magselos sa kaniya dahil ikaw na ang pinili ko, Jarred. Dahil ikaw ang laman ng puso ko at ng isip ko. Kaya, sana huwag mo na pagselosan si Vince. Okay? Ikaw mahal ko at wala ng iba." ani ko at ikinawit ang mga kamay sa kaniyang leeg at hinalikan siya sa labi.

Natulos sa kinatatayuan si Jarred. Mukhang nabigla siya sa ginawa ko. Iginalaw ko ang mga labi para palaliman ang halik, mukhang nakabawi na siya pagkabigla dahil tinutugon na niya ang aking halik. Napapikit ako para namnam*n ang halik na aming pinagsasaluhxn. Habol ang aming mga hininga ng maghiwalay ang aming mga labi. Pinagdikit ni Jarred ang aming noo habang matiim na nakatitig sakin.

"Mahal na mahal kita, Jasmine. Noon hanggang ngayon ikaw parin ang laman ng puso ko." aniya.

"Mahal na Mahal din kita." ani ko. Napapikit ako ng halikan niya ang aking noo.

"Kain na tayo, baka nagugutom ka na. Ayaw kong malipasan ka ng gutom." aniya at hinarap ang mesa at inilabas sa paper bags ang inorder niya. Natawa ako. Sa mga sinabi pa Lang niya busog na ako. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya.

"Ang dami mo namang inorder! Mauubos pa ba natin ito?" ani ko habang natatawa.

"Ayaw kitang gutumin e, okay na yung sobra kaysa kulang. Diba?" aniya at kinindatan ako.

Ngumiti nalang ako sa ginawa niya. Pero ang totoo ang bilis ng tibok ng aking puso dahil sa pagkindat niya. Hindi ko akalain na ganito na ang epekto ni Jarred sakin.

"Baka tumaba ako neto, Jarred huh?" ani ko. Umupo ako sa upuan at sinimulang kainin ang Bacsilog. Sa Bacsilog palang siguradong busog na ako.

"Kahit naman tumaba ka, maganda ka pa rin naman at syempre hindi magbabago ang pagtingin kp para sayo." aniya at umupo na rin sa katapat kong upuan.

Hindi ko maiwasang kiligin sa sinabi niya. Iilan nalang ang lalaking kahit tumaba ang kasintahan o asawa ay hindi magbabago ang pagmamahal nila para rito. May ilan kasi na iniiwan kapag tumaba ang kasintahan o asawa.

"Nambobola ka na naman! Kumain na nga lang tayo." ani ko. Tinawanan lang ni Jarred ang sinabi ko. Sabay namin pinagsaluhan ang Bacsilog at Tapsilog.

NARITO ako sa salas at nanonood. Si Jarred naman ay abala sa pagluluto sa kusina. Nag-insist kasi siya na siya na Ang magluto. Namiss daw niya ang magluto. Darating daw ang kaibigan niyang si Sean, dahil gusto daw siyang makausap nito. Bukod kay Khael, may isa pa pala siyang kaibigan.

Nasabi sakin kanina ni Jarred na nakwento niya kay Sean ang tungkol samin. Ang relasyon na mayroon kami noon ni Jarred ay alam ni Sean. Mas magaan daw kasi ang loob ni Jarred kay Sean. Nabanggit niya rin na alam ni Sean na nililigawan ako ni Khael, hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya.

Ano nalang kaya iisipin ni Sean na pinaasa ko si Vince? Huhusgahan ba niya ako? Magagalit ba siya sakin? Kasusuklan ba niya ako? Bumuntong-hininga ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Dati wala akong pakielam sa sasabihin ng ibang tao, pero ngayon iniisip ko na.

Ganito siguro kapag nagmamatured ka na, na minsan Kailangan mo rin isipin ang sasabihin sayo ng ibang tao lalo kapag alam mong mali ang ginagawa mo. Natatakot kang husgahan ka nila. Sabagay, people changed naman.

"Ang lalim ng iniisip natin ah. Baka malunood ka niyan? Sabagay, nandito naman ako para sagipin ka." boses iyon ni Jarred sa aking likuran na hindi ko napansin ang kaniyang paglapit.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking mga kamay at pinisil iyon. Tiningnan ko siya, nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Jarred." ayun lang ang nasabi ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang mga gumugulo sa aking isipan. Sasabihin ko ba o ililihim ko nalang?

"Tell me, ano ang gumugulo sa isip mo? Natatakot ako na baka nagsisisi ka na naging ayos na tayo at magiging tayo ulit.— lumunok siya. Parang nahihirapan siyang sabihin ang susunod. —baka naisip mo na mas mabuting si Vince nalang ang—

Pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin sa pamamagitan ng isang mapusok na halik na kaagad naman niyang tinugon ng buong-puso. Ipinaramdam ko sa halik na iyon ang sagot sa tanong niya. Kinakapos ang aking hininga ng maghiwalay ang aming mga labi at ganun din siya. Pinasadahan pa niya ang labi ng kaniyang dila. Sh*t! Bakit ang hot?

"Sana nasagot ko na ang tanong mo, Jarred. Wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko na piliin kita kaysa kay Vince dahil mahal kita. Mahal na mahal kita, kaya huwag ka na mag-isip ng kung ano-ano dahil sigurado ako sa naging desisyon ko." ani ko habang nakatitig ng matiim sa kaniyang mga mata.

Nakikita ko pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata. Nagbaba siya ng tingin, marahil nahihiya siya dahil nakikita ko ang emosyon sa kaniyang mga mata. Ayaw niya siguro na nakikita ko siyang mahina.

"Hindi ko maiwasang isipin iyon. Kanina ka pa tulala riyan. Ano ba gumugulo sa isip mo? Mind to tell me?" aniya at nag-angat ng tingin para tingnan ako.

Huminga ako ng malalim.

Walang dahilan para ilihim ko pa sa kaniya lalo ngayon nagsisimula pa lang kami. Kailangan ko ring sabihin ito sa kanya baka sakali masagot niya ang mga katanungan sa aking isipan lalo at kaibigan niya si Sean.

"Iniisip ko lang si Sean. Kahit hindi pa kami nagkikita, paano kapag nalaman niya ng tungkol satin o sinabi mo sa kaniya ang tungkol satin, ano nalang iisipin niya? Nagpapaligaw ako kay Khael tapos malalaman niya na tayo na. Baka husgahan niya ako o baka magalit siya dahil sinaktan ko si Khael at pinaasa? Natatakot ako, Jarred na baka di niya ako tanggapin." ani ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pinunasan iyon ni Jarred gamit ang kaniyang dalawang hinlalaki.

"Sshhh. Don't cry, heart. Huwag mong stresin ang sarili mo sa isang bagay na hindi pa nangyayari. Hayaan mong mangyari muna, malay mo hindi pala ganun ang mangyayari. Alam kong tatanggapin ka niya, dahil alam niya ang nakaraan nating dalawa. Alam niyq kung gaano kita kamahal. For sure, matutuwa iyon kapag nalaman niya na nagkaayos na tayo." aniya at ngumiti.

"Asahan ko yang mga sinabi mo. Salamat Jarred kasi pinapalakas mo ang loob ko." ani ko at nginitian siya. Bigla kong naalala na dito pala manananghalian si Sean. Napatingin ako sa wall clock. Alas onse na ng umaga, baka on the way na siya!

"Tapos ka na ba magluto?" tanong ko sa kaniya.

"Yap."

"Maligo ka na! Ang baho mo na! Baka biglang dumating si Sean!" ani ko at tinulak siya patayo. Tumatawang tumayo si Jarred.

"Oo na po, Kamahalan. Maliligo na po." aniya. Dumukwang siya na ikinagulat ko.

"Kahit naman di ako maligo, for sure para sayo mabango pa rin ako." aniya at kinindatan ako. Inirapan ko siya.

"Ewan ko sayo, Jarred!"—iwinagayway ko ang kamay tanda na itinataboy ko siya.—"Maligo ka na!" utos ko sa kaniya.

Tumatawang naglakad na siya patungong hagdan. Napailing-iling nalang ako sa inasta niya. Alam na alam talaga ni Jarred ang ugali ko. Napangiti ako sa isiping iyon.

PINATAY ko ang TV makalipas ang ilang minuto. Biglang tumunog ang doorbell, marahil si Sean na iyon. Nagtungo ako sa pintuan at binuksan iyon. Tumambad sa aking harapan ang isa sa mga kalahi ni Adan. Hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Kung katawan ang pagbabasehan, makisig si Sean at magkasing-tangkad lang sila ni Jarred. Maayos ang pagkakasuklay ng kaniyang buhok, may katangusan ng ilong. May singsing sa kaniyang ilong na mas lalong nagpadagdag sa karisma niya. Sa madaling salita, napaka-gwapo niya, pero syempre mas gwapo si Jarred.

Bumalik ako sa kasalukuyan mula sa malalim na pag-iisip nang tumikhim so Sean. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya sa ginawa kong paghagod ng tingin sa kaniya. Isinawalang-bahala ko iyon at nginitian siya tsaka niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok siya.

"Pasok ka, baka nagbibihis na si Jarred." ani ko at iginiya siya patungo sa sofa. Inilahad ko ang aking kamay sa sofa.

"Maupo ka habang hinihintay natin si Jarred." ani ko at naupo sa pang-isahang sofa.

"Salamat." aniya habang nakatitig sakin ng matiim.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa paraan ng pagkakatitig niya na para bang inaarok ang aking iniisip. Tumayo ako.

"Kukuhanan kita ng meryenda." ani ko. Akmang ihahakbang ko na ang aking paa patungo sa kusina ng magtanong siya.

"Ikaw si Jasmine Saderra, diba?" tanong niya sakin. Tumingin ako sa kaniya.

"Oo, ako nga. Hindi ba nasabi sayo ni Jarred na ako si Jasmine Saderra?" tanong ko sa kaniya. Imposibleng hindi man lang nabanggit ni Jarred kay Sean ang pangalan ko.

"Sinabi niya sakin. Naniniguro lang. Huwag mo sanang mamasamahin ang tanong ko, Jasmine. Mahal mo pa ba si Jarred?" tanong niya.

Umupo ako sa pangdalawahang sofa na kaharap niya at sinalubong ang titig niya. Hindi dapat ako ma-intimidate sa kaniya. Hangga't wala akong ginagawang masama wala dapat akong ikatakot. Mabuti na rin na makausap ko siya, at malaman ang reaksiyon niya sa pagkakabalikan namin ni Jarred.

"Oo, Sean. Mahal ko si Jarred. Mahal na mahal ko si Jarred. Sa katunayan, nagkaayos na kami. Pero wala pa kaming relasyon, Sean. Kailangan ko munang makausap si Khael, na itigil na niya ang panliligaw niya sakin." ani ko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Katunayan na nagtitimpi siya ng galit. Huminga siya ng malalim at ngumiti.

"Sana hindi mo nalang pinayagan si Vince na ligawan ka. Kung hindi mo pala kayang ibigay sa kaniya ang puso mo, Jasmine. Pinaasa mo na yung tao, sinaktan mo pa. Sa totoo lang hindi ko maiwasang magalit sayo, dahil sa ginawa mo.

Alam mo ba ng dahil sayo hindi maayos ang samahan nina Jarred at Vince? Iniiwasan nila ang isa't-isa. Masaya ako para sa kaniya dahil nararamdaman kong magiging masaya siya sa piling mo. Sigurado ako na magkakaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Jarred at Vince." aniya.

Hindi ko maiwasang tumalim ang aking mga mata. Nainis ako sa sinabi ni Sean. Pinapangunahan na niya ang mangyayari. Oo pwedeng ganun ang mangyari, kaya nga kakausapin ko si Khael para ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Bitter ba ito?

"Naiintindihan kita Sean, naiintindihan ko ang gusto mong ipahiwatig. Pero Sean hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili kong mahalin si Jarred. Oo, sinabi ko na kakalimutan ko na siya, pero niloloko ko lang pala ang sarili ko. Sinubukan ko naman na ibaling ang nararamdaman ko kay Khael pero wala talaga. Kaya, mag-uusap kami mamaya ni Khael at sisiguraduhin ko na hindi maapektuhan ang pagkakaibigan nilang dalawa." ani ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

"Mabuti naman kung ganun, Jasmine. Nilinaw ko lang." Tumango nalang ako.

"Sean!"

Lumingon ako sa ikalawang palapag at nakita si Jarred na naglalakad pababa ng hagdan. Nakasuot siya ng simpleng gray shirt at khaki shorts habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi. Kahit simple lang ang suot no Jarred lumilitaw pa rin

ang angkin niyang kagwapuhan. Kahit ata basahan ang ipasuot ay babagay sa kaniya.

Nang makalapit siya samin. Tumabi siya sakin at mabilis na hinalikan sa pisngi. Pinukol ko siya ng masamang tingin na ikinatawa niya lang. Tumayo ako. Kailangan ko na muna umalis, tiyak na ang pag-uusapan nila ay para lang sa kanilang dalawa. Maghahanda na rin ako ng pananghalian. Hinawakan ni Jarred ang aking kamay.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jarred.

"Magpre-prepare lang ako ng panghalian natin. Tawagin ko nalang kayo kapag nakahanda na ang pananghalian." ani ko at sinulyapan si Sean at binigyan ng pilit na ngiti at naglakad patungo sa kusina.