CHAPTER 37 God's Purpose

Jarred'sPOV

HINDI ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa maamong mukha ni Jasmine habang siya'y natutulog. Mukhang napagod siya sa ginawa namin. Ilang ulit na nag-isa ang aming katawan ngayong gabi. Hindi ako gumamit ng proteksiyon, handa naman akong panagutan siya kung sakali man na magdalang-tao siya.

Hinalikan ko siya sa noo, at bumaba ng kama at naligo. Pagkatapos maligo at magbihis. Kinuha ko ang tray na naglalaman ng aming pinagkainan at dinala iyon sa kusina para hugasan.

Habang hinihugasan ang pinagkainan, biglang pumasok sa isip ko si Vince. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na nagkaayos na kami? Sigurado naman na maiintindihan niya iyon. Oo, at pinayagan ko siyang ligawan si Jasmine. Ngunit, puso na ang nagdikta sa aming dalawa ni Jasmine para magkaayos kami.

Huminga ako ng malalim at tinapos na ang ginagawa. Walang maidudulot na maganda ang pag-iisip ng kung ano-ano. Tsaka ko nalang iisipin kapag nandiyan na at nangyari na. Nang maisalansan ko sa Disk Cabinet ang mga nahugasan ay bumalik ako sa kwarto at tumabi ng higa kay Jasmine.

Idinantay ko ang aking paa sa kaniyang hita at hindi ko maiwasang mag-init muli. F*ck! Kailangan kong kontrolin ang sarili ko, dahil sigurado akong hindi pa kaya ni Jasmine gawin uli iyon. Nang makaramdaman ako ng antok, dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata para matulog.

NAGISING ako sa marahang paghaplos sa aking pisngi at buhok. Idinilat ko ang aking mga mata at nakitang si Jasmine na siyang may gawa niyon. Ngumiti siya ng magtama ang aming mga mata.

"Good Morning, heart." aniya at mabilis akong kinintalan ng halik sa labi. Ngumiti ako ng malapad sa ginawa niya. So sweet. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya.

"Good Morning, my heart. Kamusta ang tulog mo? Ayos ka lang ba? Masakit ba?" tanong ko na punong-puno ng pag-aalala.

Siguradong hindi maayos ang kaniyang pakiramdam, lalo at birhen siya ng angkinin ko. And I'm so proud that I'm her first. Mas lalo ko siyang hinangaan dahil doon, dahil pinapahalagaan pa rin niya ang bagay na iyon.

"Ayos lang naman ang tulog ko. Masarap pala matulog kapag katabi kita."—aniya habang titig na titig sakin. Bahagya siyang ngumiwi.—" Masakit nga lang ang pang-ibabang bahagi ng katawan ko. Pero, ayos lang. Mawawala din ito mamaya." aniya.

Hindi ko maiwasang makonsensya, kasalanan ko kung bakit nararamdan niya iyon ngayon. Sobrang pananabik ang naramdaman ko kagabi, kaya paulit-ulit ko siyang inangk*n hanggang mawalan siya ng malay. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi.

"I'm sorry, heart it's my fault. Kung hindi sana kita in*ngkin ng ilang beses edi sana hindi ka nakakaramdam ng sakit ngayon." ani ko.

Tumalim ang kaniyang mga mata tsaka inirapan ako. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng kaniyang pisngi. Napangiti ako, ganun siguro ang epekto ng nangyari samin sa kaniya.

"Bakit naman kasi hindi ka tumigil kagabi? Pinapahinto na kita, pero sige ka pa rin! Alam mo nakakainis ka!" aniya at kinurot ako sa tagiliran.

Tinawanan ko lang ang ginawa niya. Mas lalong ipinagdikit ko ang aming katawan hindi pa ako makontento, kinubab*wan ko siya. Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Jarred!" singhal niya.

Pulang-pula ang kaniyang pisngi. Hindi ko maiwasang matawa. Pinisil ko ang kaniyang pisngi pero agad niya iyong tinabig.

"You're so cute, heart." ani ko. She rolled her eyes.

"Sige, bolahin mo pa ako! Tsupe! Umalis ka sa ibabaw ko kasi magluluto pa ako." aniya.

"Sigurado ka bang kaya mong tumayo? Gusto mo magpadiliver nalang tayo para di ka na mag-abalang magluto?" tanong ko.

Hindi ko maiwasang mag-alala. Ayos lang naman kahit hindi siya magluto. Isang tawag ko lang sa may-ari ng Sisig Street na nadaanan ko noong pumunta ako kina Sean, ay siguradong dadalhan ako ng pagkain. Masarap kasi menu nila dun. Napangiti siya tsaka umiling.

"Hindi ko nga kaya. Sige, magpadiliver ka nalang. Kailangan ko rin ipahinga ang sarili ko dahil susunduin pa ako ni Khael mamaya. Hindi ko alam kung anong oras niya ako susunduin pero irerequest ko na gabi nalang ako pumunta sa kanila." aniya.

Hindi ko maiwasang magselos sa isiping makakasama niya si Vince mamayang gabi. Pero, wala naman akong magagawa dahil usapan na nila iyon bago pa man kami nagkaayos. May tiwala ako kay Jasmine.

"Okay. Mag-oorder na po ako kamahalan." ani ko at kinindatan siya.

Inirapan niya lang ako. Kinuha ko ang cellphone na nasa bedside table at idinial ang numero ng Sisig Street. Agad namang sumagot ang kung sinuman ang nasa kabilang linya. Iniloud speaker ko iyon para marinig ni Jasmine.

"Good Morning! This is Sisig Street assistant. What can i do for you Ma'am and Sir?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Two order of Bacsilog and Tapsilog and please add soup. That all. Thanks." ani ko at ibinigay sa kaniya ang address ng bahay.

Pagkatapos kong makipag-usap inilagay ko ang cellphone sa bedside table at tumingin kay Jasmine. Halata ang paghanga sa kaniyang mukha. Ngumisi ako.

"Alam kong gwapo ako, heart. Kaya huwag mo akong titigan ng ganiyan baka matunaw ako." biro ko.

"Ang lakas ng hangin."—aniya at inirapan muli ako na tinawanan ko lang.—"Negosyanteng-negosyante ka kung makipag-usap. Hindi ko lang mapigilang humanga." aniya na kababakasan parin sa kislap ng kaniyang mga mata ang paghanga.

"So, iisipin ko na compliment yan ah. Syempre, Glganun talaga. Natuto na ako at nakasanayan ko na na ganun ako makipag-usap lalo kapag may iniuutos ako." aniko. Tumango-tango siya. Biglang pumasok sa isip ko ang pagkikita nila Jasmine at Khael.

"So, sasabihin mo na sa kaniya ang namamagitan sa ating dalawa?" tanong ko. Tinitigan niya ako at ngumiti tsaka tumango.

"Oo, sasabihin ko na. Kaya huwag ka ng mag-alala dyan. Para maging maayos na rin ito at wala ng proproblemahin pa." ani Jasmine na naging dahilan para makaramdam ako ng kasiyahan sa aking dibdib.

Sa wakas! Masasabi ko na sa buong mundo ang pagmamahal ko sa kaniya, malaya na namin maipaparamdam ang pag-ibig namin sa isa't-isa na walang humahadlang. Ipapakilala ko na rin siya niyan kina Tita at Dad. Hindi ko ipapaalam iyon kay Jasmine, dahil surpresahin ko siya. Kinintalan ko siya ng mabilis na halik sa labi.

"Thank you. I'm so blessed dahil heto okay na tayo. Wala ng magiging hadlang sa pagmamahalan nating dalawa. Handa na natin ipagsigawan sa buong-mundo ang ating pagmamahalan na noon ay hindi natin nagawa dahil maraming hadlang. I love you, heart." ani ko at tinitigan siya ng buong paghanga at pagmamahal.

"You're welcome, heart Me too. Me too, I'm very very happy. Hindi ako nagsisisi na nandito ako ngayon sa pamamahay mo bilang katulong dahil kung hindi mo ini-hire na katulong, Hindi mangyayari ang lahat ng ito. Maybe, God has a purpose kung bakit nangyayari ito, at ito na yun. I love you too." aniya. Tama si Jasmine. God has a purpose. Thankful ako, dahil may magandang naidulot ginawa kong pag-hire sa kaniya bilang katulong.

"Kaya umalis ka na diyan sa ibabaw ko, dahil kailangan ko ng maligo. Ang lagkit na ng pakiramdam ko!" aniya na kunwari'y naiinis.

Tinawanan ko lang siya at umalis sa pagkakakubab*w sa kaniya. Bumaba siya ng kama at naglakad patungo sa CR, hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniyang maumbxk na pang-upo. Napasipol ako kaya nilingon niya ako. Malapit na siya sa pinto ng CR.

"Nice *ss." ani ko habang nakatingin sa kaniyang pang-upo.

"Hmp! Ewan ko sayo!" aniya at inirapan ako tsaka mabilis na pumasok sa loob ng CR.

Napailing nalang ako sa inasta niya. Ganun talaga siya, kapag nakakaramdam ng pagkapahiya, nag-susungit-sungitan siya. Napatingin ako sa cellphhone nang biglang tumunog iyon. Kinuha ko iyon sa bed side table at tiningnan kung sino ang caller. Nang mapagtanto na si Sean ang tumatawag. Sinagot ko agad iyon.

"Yes, Dude. What's up?" bungad ko sa kaniya.

Huminga siya ng malalim. Mukhang may problema si Sean, ramdam ko iyon kung paano siya bumuntong-hininga.

"Pwede ba kitang makausap mamaya? Kailangan ko lang ng makakausap ngayon, Jarred." nababalisa niyang saad.

Bumuntong-hininga ako. Tungkol na naman kaya ito kay Cassy? Sabagay, matagal niyang naging kasintahan si Cassy, kaya imposibleng nakamove-on siya agad. Kaya kahit gusto kong ilaan ang araw na ito kay Jasmine, hindi naman pwedeng kalimutan ko ang kaibigan. Si Sean rin ang naging sandalan ko noong nag-iisa ako.

"Sure, Dude. Anytime pwede mo ako makausap. Before lunch, dito ka na kumain para makasabay ka namin ni Jasmine sa pananghalian." ani ko.

"Sure, Dude. I have to hang up now. Nandito sina Tita, bumisita." aniya at pinatay na ang tawag na hindi man hinintay ang sagot ko.

Napailing-iling nalang ako. Problemado nga talaga siya. Napabaling ako sa pinto ng CR ng bumukas iyon. Lumabas si Jasmine na nakatapi lang ng tuwalya. F*ck! Hindi ko maiwasang ang pag-iinit ng katawan. Hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Beautiful." ani ko. pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi ko.

"Doon ka muna sa labas, magbibihis lang ako. Baka nandiyan na ang delivery boy." aniya at iwinagayway pa ang kamay na tinataboy ako. Hindi ko siya pinakinggan. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Jarred, doon ka muna sa labas. Magbibihis lang ako." aniya na wari'y naaapektuhan sa ginagawa kong paglapit sa kaniya.

Nang tuluyan akong makalapit hinawakan ko siya sa bewang at pinakatitigan. Nagkatitigan kami. Dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kaniya, gusto ko siyang halikan ngayon lalo ng makita kong nakatapi lang siya. Ipinikit na niya ang kaniyang mga mata, tanda na gusto niyang halikan ko siya pero bago pa man maglapat ang aming mga labi. Tumunog ang doorbell ng mansiyon. F*ck! Panira lang? Nagmulat ng mata si Jasmine at nagyuko ng ulo.

"Baka yung delivery boy na iyan ng Sisig Street." aniya at kumalas siya sa pagkakayakap ko.

"Okay." ani ko at naglakad palabas ng kwarto tsaka nagtungo sa kwarto para kunin ang aking pitaka.

Tinungo ang front door at binuksan iyon. Tumambad sa aking harapan ang delivery boy na may dalang dalawang paper bag. Matamis siyang nakangiti sakin, pero hindi ko masuklian iyon dahil naiinis ako sa ginawa niyang pang-iistorbo! D*mn it! Kinuha ko sa pitaka at naglabas ng dalawang libo tsaka inabot iyon sa kaniya.

"Wala po bang smaller bill, Sir? 1, 100 pesos lang po ang halaga ng—

"Keep the change. Tip mo na iyan sakin." putol ko sa iba pa niyang sasabihin. Nanlaki ang kaniyang mga mata na hindi makapaniwala sa perang iniabot ko.

"Sure po ba iyan Sir?" tanong niya na hindi makapaniwala sa nakikita.

"Oo, sayo na. Kunin mo na baka magbago pa ang isip ko." ani ko. Kinuha niya iyon at matamis na ngumiti sa akin.

"Salamat po, Sir. Salamat po sa tip. Malaking tulong po ito sa pamilya ko po." aniya at umalis na sa aking harapan. Isinara ko ang pinto. Haharap na sana ako sa salas ng may magsalita sa aking likuran.

"Mas lalo tuloy kitang hinayaan, Jarred." ani Jasmine.

Humarap ako at nasilayan ko ang napakagandang babae ng araw na iyon na nagiging dahilan ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Hinagod ko ng tingin ang kaniyang kabuuan.

Nakasuot siya ng kulay peach na duster na hanggang taas ng tuhod ang haba. She looks gorgeous kahit sa simpleng kasuotan na iyon. Inagaw niya sakin ang dalang paper bag. Hindi ko napansin ang kaniyang paglapit.

"Gutom na ako. Kaya tara na sa kusina, para makapag-agahan na tayo. Pupunta rito si Celine, bibisitahin daw niya ako." aniya at nauna nang naglakad patungo sa kusina, agad akong sumunod sa kaniya.

"Okay ka na?" tanong ko. Maayos kasi siyang maglakad, sabi kasi nila kapag birhen mahihirapan daw maglakad kapag unang karanasan.

"Medyo masakit pa, pinipilit ko lang ilakad ang mga paa ko." Dahil sa sinabi niya. Agad ko siyang nilapitan at pinangko. Napasinghap siya sa ginawa ko.

"Jarred!" sigaw niya.

"Hayaan mong alagaan kita ngayon. Pagkatapos mong mag-agahan, magpahinga ka. Huwag kang maggagagalaw, para maging maayos na ang pakiramdam mo. Pupunta ka pa kina, Vince." ani ko na hindi naitago sa boses ang selos.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagselosan si Vince. Nang marating namin ang kusina, ibinaba ko siya at ipinaghugot siya ng upuan. Nang makaupo siya ay tinangala niya ako.

"Nagseselos ka ba kay Khael?" tanong niya. Tinitigan ko siya sa mga mata. Walang dahilab para magsinungaling sa kaniya. Para malaman din niya and epekto ni Vince sakin.

"Hindi ko maiwasan Jasmine. Simula ng magkakilala kayo at makita kong sobrang lapit ninyo sa isa't-isa. Palagi ko na siyang pinagseselosan." matapat kong ani.