Chapter 24 Confussion
Jarred POV
"MAY bisita tayo!" masiglang ani Tita Celeste na may kasamang gigil. Napalingon ako sa may pintuan ng kusina kung saan papasok si Tita Celeste na may dalang isang bucket ng fried chicken. Napakunot-noo ako. Sino naman kaya ang bisita namin? Inilapag niya ang dala sa mesa.
"Sino po?" tanong ko.
Bago pa man niya masagot ang tanong ko. Nakarinig ako ng pagtawa sa labas ng kusina. Napabaling ako sa pinto nang pumasok doon sina Vince at Jasmine na tumatawa. Hindi ko maiwasang mainis sa nakita, naiinis ako dahil napapatawa niya si Jasmine. F*ck! Nagtama ang aming mata ni Vince. Ngumiti siya sa akin.
"Good afternoon Bro, pasensya hindi ko alam na nandito pala sina Tita. Bibisitahin ko sana si Jas." aniya na kababakasan ng kislap sa mga mata.
"Okay lang yun iho. Mas maganda nga iyon madami tayong magsasalo-salo." ani Dad. Ano pa bang magagawa ko? Sumang-ayon na sina Dad at Tita. Ayaw ko naman masira ang moment namin dahil lang sa naiinis ako kay Vince. Peke akong ngumiti ng matamis.
"Ayos lang Bro. Tara kain na tayo!" masiglang wika ko at umupo.
Umupo rin sa tabi ko si Beatriz, samantalang nasa dulong bahagi sina Dad at Tita. Tiningnan ko sina Vince at Jasmine. Ipinaghugot ni Vince si Jasmine ng upuan. Tiningala ni Jasmine si Vince at ngumiti. A genuine smile. Na minsan lang ibigay sa akin ni Jasmine. Kinakain ako ng selos, kaya itinuon ko ang pansin sa sa pagkain.
"Babe, gusto ko iyong Bicol Express. I think masarap iyon, luto mo eh." ani Beatriz. Kinuha ko ang mangkok na may lamang Bicol Express at ibinigay iyon kay Beatriz. Kinuha naman iyon ni Beatriz.
"Thanks Babe." aniya.
"Gusto mo nang Bicol Express, Jas?" tanong ni Vince kay Jasmine.
Tumingin ako sa gawi nila. Tumango si Jasmine kaya naglagay si Vince sa plato ni Jasmine. Ibinalik kong muli ang tingin sa plato at nagsimulang kumain. Kahit pakiramdam ko nawalan na ako ng gana, pinilit ko pa rin.
"Ang sweet! Kelan mo ba balak ligawan si Jasmine, Vince?" tili ni Tita Celeste.
Dahil sa tanong na iyon ni Tita Celeste. Nag-angat ako ng tingin para tingnan ang reaksyon ni Jasmine. Namumutla siya. Maaaring hindi siya sanay sa ganoong topic o baka kinikilig. Ipinilig ko ang ulo para mawala ang mga ganung isipan na nasa aking isip. Tumingin sa akin si Vince.
"Kung papayag po si Jarred na ligawan ko si Jasmine. Kailangan ko po ng approval niya para maligawan ko si Jasmine, dito mismo sa pamamahay niya." aniya na titig na titig sa akin.
Apat na pares ng mga mata ang tumingin sa direksyon ko. Kailangan talaga na nandito sina Dad at Tita para tanungin niya ang bagay na yan? Sabagay, wala namang masama kung manliligaw si Vince kay Jasmine. Basta hangga't nasa poder ko si Jasmine ako ang masusunod. Tumaas ang sulok ng aking labi.
"Sure. Bakit hindi?—tiningnan ko si Jasmine na nakatitig sa akin. Walang emosyon ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nasaktan ako sa titig niya. Parang tingin lang ng isang kakilala ang pagtitig niya. Ibinalik ko ang tingin kay Vince.—"Sure. Wala namang masama dahil single naman si Jasmine, kaya pinapayagan kong ligawan si Jasmine ni Vince." ani ko. Pakiramdam ko may tumusok na karayom sa aking puso dahil sa sakit.
"Oh yun naman pala eh! Wala kang masasabi kay Jasmine, Vince. mMabait na bata yan at masipag!" ani Tita Celeste.
"Opo, mabait po talaga siya Tita. Sobra! Wala na akong masabi sa kabaitang mayroon siya. Hinahangaan ko siya sa taglay niyang katangian." ani Vince habang titig na titig siya kay Jasmine.
Gayun din si Jasmine dito. F*ck! Naiirita ako sa nakikita ko. Hindi na nagtanong si Tita Celeste. Nang matapos kaming kumain ng pananghalian at kumakain na ng desert na Black Forest Cake na binili nina Tita at Dad.
"Jasmine Galvez, right?" tanong ni Dad kay Jasmine. Nagulat si Jasmine sa tanong na iyon ni Dad.
"Galvez?" tanong ni Vince at sinulyapan si Jasmine. F*ck! Bakit ngayon pa?! Ngayon na nandito si Vince. Please, huwag ngayon. Siguradong magagalit sa akin si Dad kapag nalaman niya na hindi Galvez ang apelyido ni Jasmine.
"Yes iho. Bakit hindi mo ba alam ang apelyido ni Jasmine?" tanong ni Dad kay Khael. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ni Vince si Jasmine.
"Uhm. Ahh." ani Jasmine na hindi alam ang sasabihin at tiningnan ako.
Tumingin din sa gawi ko si Khael. Matalim ang mga matang nakatitig sakin. Wala akong pakielam kung galit sakin si Khael. Dahil ang concern ko ngayon ay ang galit ni Dad sakin. Tiningnan ko si Dad na ngayon ay nakatingin na sa akin. Mahihinuha sa titig niya na gusto niya ng tapat na sagot. Huminga ako ng malalim at ibinuka ang mga bibig para magsalita.
"Saderra po ang tunay na apelyido ni Jasmine Dad, Tita." ani ko na binalingan si Tita Celeste. Nakakunot ang kaniyang noo, na parang inaabsorb pa ang natuklasan.
"Saderra? Pero diba Galvez ang ipinakilala mo sa akin na apelyido mo Jasmine?" tanong ni Tita Celeste kay Jasmine at binalingan ito.
Siguradong sasabihin ni Jasmine ang katotohanan, dahil gaya nga ng sinabi niya kanina hinding-hindi siya magsisinungaling kina Dad at Tita dah malaki ang respeto niya sa kanila.
"Nang mga panahon po iyon, Tita. I barely knew you, and sorry for that. Natatakot po akong sabihin ang apelyido ko dahil baka may masamang mangyari sa akin lalo at lumalakas po sa industriya ang kompanya namin. Kaya Galvez po ang ginamit kong apelyido. Middle name ko po ang Galvez at hindi ko na po nasabi sa inyo ang totoo lalo at naging busy po ako at umalis na po kayo noon sa bansa. Nawala na rin po sa isip ko. Sana maintindihan niyo po ako Tita." paliwanag ni Jasmine kay Tita Celeste.
Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang sensiridad sa mga sinabi. Na tama lamang ang ginawa niya. What a smart woman. Hindi ko maiwasang mapangiti. Isa rin iyon sa rason kung bakit minahal ko siya, ang tamang termino ay 'isa yun sa rason kung bakit mahal ko pa rin siya. Oo, inaamin ko sa sarili na mahal ko pa rin talaga siya. Gagawin ko ang lahat para mapasakin ulit siya at hindi mapunta kay Vince. Huminga ng malalim si Tita Celeste tsaka ngumiti.
"Naiintindihan ko iha. No worries. You're such a smart woman. Kaya nga gustong-gusto kita. Ngayon ang tanong bakit ka dito nagtratrabaho kay Jarred? Okay na ang kompanya niyo diba?"—binalingan nito si Beatriz at si Vince.—"Pwede bang iwan niyo muna kami? This is personal, bare with us. Thank you." ani Tita Celeste.
F*ck! Muntik na! But nalang napansin iyon ni Tita Celeste. Sabagay, Tita Celeste is a smart woman. Hindi lalago ang RSC kung hindi dahil sa dito. Magaling siya humawak ng kompanya. Kaya nga hinahangaan ko siya at naging inspirasyon ko para mas lalong palawakun ang kompanya. Hindi ko lang talaga siya tinanatawag na Mom dahil doon ako komportable, at ayos lang iyon kay Tita Celeste. Tumayo si Vince.
"Okay Tita. Doon muna ako sa salas." ani Vince at sinulyapan si Jasmine.
"Sa salas lang ako." aniya at tumango naman si Jasmine. F*ck! F*ck! Nakakairita! Parang gusto kong gilitan ang leeg ni Vince! Umalis na si Vince, samantalang si Beatriz ay nasa upuan pa.
"I should be here. Jarred is my boyfriend Sir, Ma'am. And I have the rights to know this." aniya. Sinulyapan ko siya. Ano ba ang iniisip nang babaeng ito? Hindi pa niya lubos na kilala si Dad at Tita. F*ck! Bibigyan na naman niya ako ng sakit nang ulo!
VinceKhael'sPOV
Lumabas ako ng kusina na gulong-gulo ang isipan. Bakit? Ano ba ang nangyayari? Bakit kailangan namin umalis sa kusina? Bakit hindi alam nina Tito Dan at Tita Celeste na nagtratrabaho si Jasmine kay Jarred. Ang daming tanong sa aking isipan na sa pakiwari ko'y sasabog na ang aking ulo. Bumuga ako ng marahan na hininga.
Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa Saderra's Coffee Factory para magkaroon ako ng ideya sa mga nangyayari. Hindi ko na mahihintay pa si Jasmine na magpaliwanag sa akin. Hindi ko alam kung kailan niya sasabihin sakin. Kailangan ko ang sagot ngayon para matahimik ang isip ko. Lumabas ako ng bahay at kinuha ang cellphone sa bulsa ng aking suot na pantalon. Idinial ko ang cellphone ng taong makakatulong sa akin sa ganitong sitwasyon.
"Hey Vince! Need anything?" tanong niya sa akin.
"Maruello Candinn. Yes, I need you. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa Saderra's Coffee Factory. I need the imformation. ASAP!" ani ko na may diin at matigas na boses. Tumawa ang nasa kabilang linya.
"Bakit bigla kang nagkaroon ng interes sa SCF? Sa pagkakatanda ko may anak na dalaga ang may-ari niyon. Baka naman—pinutol ko na ang mga iba pa niyang sasabihin.
"Don't ask anytime just do your job Maruello Candinn, babayaran kita sa tamang halaga. Yun lang ang hinihingi ko. I know you can do that." ani ko at pinatay na ang tawag.
Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Anuman ang rason kung bakit nagtratrabaho si Jasmine kay Jarred. Sisiguraduhin ko na matatapos lahat ng iyon. Ayaw ko nakikitang nahihirapan si Jasmine sa kamay ni Jarred. Bumuntong-hininga ako at ibinalik ko sa bulsa ang cellphone at naglakad patungo sa salas. Siguradong patapos na ang pag-uusap nila.