Chapter 13: Vince Khael
"WHAT?! Ginawa yun sayo ni Jarred?!"
Gulat na sambit ni Celine matapos kong ikwento sa kaniya ang mga nangyari sakin sa mansiyon ni Jarred sa loob ng isang linggong pagiging katulong niya. Wala akong itinira, lahat sinabi ko. Si Celine lang ang bukod-tanging tao na pinagkakatiwalaan ko at napgsasabihan ko nang mga hinanakit ko sa buhay. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Pero nitong mga nakaraang araw naman naging ayos naman ang pakikisama niya sakin. Pakiramdam ko nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin. Kaya huwag mo na alalahanin Bes." wika ko.
"Dapat lang! Dahil kung hindi talagang malilintikan siya sakin. Susugurin ko siya sa opisina niya! Kilala mo ako Jas." wika niya na parang nangigigil. Naiintindihan ko naman siya. Bilang kaibigan, nandun yung pagmamalasakit niya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil.
"Ayos lang ako Bes. Huwag mo na ako alalahanin. Isang taon lang naman ang pagtratrabaho ko sa kaniya. Mabilis lang lilipas ang araw." wika ko. Lumamlam ang mata niya, na parang naaawa sa nangyayari sakin. Hindi ko naman siya masisisi.
"Basta kapag mayroon siyang ginawa na hindi maganda. Magsabi ka sakin Bes. Kukunin kita sa kaniya. Sinisiguro ko yan." wika niya na makikita sa mata niya ang kaseryusohan sa mga sinabi.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Isa ito sa katangian ni Celine na gustong-gusto ko. Ang pagmamalasakit niya. Kaya hanggang ngayon, matibay ang aming samahan dahil hindi nagkakalayo ang ugali namin. Talagang masasabi na isa siyang tunay na kaibigan. Ang kagaya niya ay bihira nalang makita at mahanap. Kaya napakaswete ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya niya.
"Oo Bes." wika ko. Biglang tumunog ang cellphone niya na nasa mesa. Tiningnan ni Celine ang cellphone niya at sinagot iyon. Tumango-tango siya habang nakikinig sa kausap. Siguro negosyo na naman.
"Okay. I'm coming. Paki-hintay nalang ako." wika niya tsaka pinatay ang tawag. Tiningnan niya ako.
"I'm sorry Bes, I need to go. May biglang pagpupulong sa opisina. Hay! Linggo pero negosyo pa rin ang ginagawa at inaatupag. May choice ba ako?" wika niya at napasimangot. Nag-iisa lang kasi siyang anak at magiging tagapagmana rin ng kompanya.
"It's okay Bes. Naiintindihan ko. May ibang araw pa naman." wika ko. Tumayo na siya sa pagkakaupo at lumapit sakin. Hinalikan niya ako sa pisngi. Kinuha ang bag niya na nasa mesa at isinukbit iyon sa kaniyang balikat.
"Goodbye Bes." wika niya at kumaway. Kumaway din ako. Naglakad na siya patungo sa entrance slash exit nang Bischu. Tinapos ko na ang kinakain ko. Akmang tatayo na ako nang may magsalita sa gilid ko.
"Jasmine Saderra. Right?" tanong niya sakin.
Napatingin ako sa lalaking nasa aking gilid na hindi ko man lang naramdaman ang kaniyang paglapit. Parang pamilyar sakin ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kung sino ang nasa aking harapan. Siya yung kaibigan ni Jarred na nadatnan ko sa opisina nito nang dalhin ko ang pananghalian ni Jarred. Natawa siya sa ekspresyon nang mata ko. Inilahad niya ang kamay sakin.
"Vince Khael nga pala." wika niya.
Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya. Naconcious ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao na nasa loob ng Bischu. Kinuha niya ang kamay at umupo sa tapat konng upuan. Ikinumpas niya ang kamay sa isang babae na marahil Service Crew nang Bischu. Lumapit naman ang babae sa kanila.
"Yes Sir?" wika ng babae na halatang nagpapacute kay Khael. Sabagay, di niya masisisi ito dahil gwapo nga naman si Khael. Talaga naman na kapag nakita mo siya mapapatitig ka talaga sa kaniya.
"Pakilinisan ang mesa. Salamat." wika niya at inilahad ang kamay sa mesa na nagkalat ang pinagkainan namin ni Celine. Tumango ang babae at sinimulan na ang paglilinis ng mesa. Nang matapos ang babae ay umslis agad ito.
"Mukhang may kasama ka?" tanong niya. Hindi ko maiwasang mailang. Hindi ko siya kilala kaya bakit ko siya pagkakatiwalaan. Mahirap magtiwala ngayon.
"I'm sorry. Hindi mo pala ako kilala. Huwag mo na sagutin ang tanong ko." wika niya. Hindi ko tuloy maiwasang maguilty. He's kind. Siguro, mapagkakatiwalaan naman siya kaya marapat lamang na sagutin ko ang tanong niya.
"Oo, nagkita kasi kami nang kaibigan ko. Kaaalis niya lang kanina noong kinausap mo ako." wika ko at ngumiti.
"Thankyou for trusting me. May pupuntahan ka pa ba?" wika niya at ngumiti nang malapad.
Shit! Nakalimutan ko apat na oras lang ang ibinigay sa akin ni Jarred. Tiningnan ko ang suot kong relong-pambisig at nakitang dalawang oras na pala ang lumipas. Kailangan ko pang maglaba ng mga damit ko. Tumayo agad ako. Na ikinagulat ni Khael.
"Aalis ka na?" nagtatakang tanong niya. Tiningnan ko siya.
"Pasensya ka na Khael. Kailangan ko na umuwi. Four hours lang kasi ang palugit na ibinigay sakin ni Jarred. May mga gagawin pa ako." wika ko. Tumayo na rin siya.
"Ihatid na kita." wika niya. Tiningnan ko siya. Sabagay, mas maganda na rin na ihatid niya ako para makatipid ako. Wala akong sahod na matatanggap mula kay Jarred. Wala naman masama kong tatanggapin ko ang alok niya. Nagmamagandang loob lang naman siya. Ngumiti ako sa kaniya.
"Sige, salamat." wika ko. Tumawa siya. Maganda sa taenga ang tawa niya. Hindi ko iyon ipagkakaila.
"Mamaya mo na ako pasalamatan kapag naihatid na kita." wika niya at nauna nang naglakad. Ngunit bigla siyang huminto.
"You should go first." wika niya at inilahad ang kamay niya sa unahan.
Wow. What a gentleman. Hindi ko mawari pero may naramdaman akong kilig sa ginawa niya. Maybe, dahil ngayon ko lang ulit naranasan iyon. Nauna na akong naglakad. Nakasunod lang siya sakin. Nang marating namin ang parking area ng Mall kung saan naroon ang kaniyang Montero. Pinagbuksan niya ako nang pintuan sa passengers seat.
"Thankyou Khael." wika ko.
Pagkatapos niya maisara ang pinto nang sasakyan ay umikot siya patungo sa driver's seat at sumakay. Pinausad na niya ang sasakyan palabas sa parking lot. Nang nasa daan na kami hindi ko maiwasang lingunin siya. Hindi maipagkakaila na may appeal siya. Nagulat ako nang bigla siyang lumingon at nagtama ang aming mga mata. Nag-iwas ako nang tingin. Dumako ang paningin ko sa mga nadadaanan naming establesyemento.
"I like it when you called me Khael. Sanay silang tawagin ako na Vince. Kaya magmula ngayon Khael na itatawag mo sakin and..." wika niya at binitin pa ang sasabihin. Lumingon ako sa kaniya.
"And what?" tanong ko.
"Gusto kong tawagin ka ng Mine. Okay lang ba?" napanganga ako sa sinabi niya. Mine? Parang ang awkward naman nun. Kung may makakarinig sa kaniya na tawagin akong Mine. Iisipin nila na pag-aari niya ako.
"Mas gusto kong tinatawag akong Jas." wika ko.
"Bakit? May nobyo ka ba?" biglang tanong niya na ikinakunot nang noo ko. Bakit naman bigla napasok sa usapan ang tanong na iyon. Pero sasagutin ko pa rin ang tanong niya.
"Wala. Bakit mo--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"That's it! Walang magagalit kung tatawagin kitang Mine diba? Wala ka namang kasintahan kaya walang dahilan para hindi kita tawaging Mine." wika niya. Napabuntong-hininga ako. Suko na ako. Mukhang ipagpipilitan niya ang gusto niya. Kaya hahayaan ko nalang siya sa gusto niyang mangyari.
"Okay. Ikaw ang bahala." wika ko.
"SALAMAT." wika ko nang makababa ako sa Montero ni Khael.
"You're welcome Mine." wika niya. Hays. Dapat masanay na ako sa tawag niya sakin. Ngumiti ako sa kaniya at naglakad patungo sa gate at binuksan iyon. Bago ako tuluyang pumasok. Inihatid ko muna nang tanaw ang kaniyang papalayong sasakyan.
"Kaya pala hindi ka nagpasundo, may naghatid na pala sayo." wika nang isang tinig sa aking likuran na ikinaigtad ko. Kilala ko ang boses na iyon. Lumingon ako at nakita si Jarred na madilim ang mukha. Galit ba siya dahil hindi ako nagpasundo?
"Hm, nagkita kasi kami sa Mall. Tapos, inalok niya ako na ihatid niya ako. Kaya, pinaunlakan ko siya." pagpapaliwanag ko.
"Alam mo ba na kanina pa ako naghihintay nang text mo? Edi sana sinabi mo na may maghahatid sayo! Hindi yun para akong tanga na naghihintay ng text mo na magpapasundo ka!" singhal niya sakin na ikinagulat ko.
Napakagat-labi ako. Hindi ako sanay na binubulyawan. Alam kong may mali ako pero pwede naman niya ako kausapin nang maayos. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, pero alam ko naman na wala akong karapatan. Amo ko siya at katulong lamang ako.
"Sorry po Sir. Nakalimutan ko." wika ko at yumuko para punasan ang luhang naglandas sa aking pisngi na hindi ko namamalayan na tumulo na pala.
"Shit!" mura niya.
Tumalikod na siya at nagtungo sa loob ng bahay. Sumunod na rin ako sa kaniya. Umakyat agad ako sa pangalawang palapag at tinungo ang aking silid. Doon ko inilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ano ba kasalanan ko? Bakit ba ako ginaganito ni Jarred. Pinaparusahan ba niya ako dahil sa nagawa ko sa kaniya noon.
Ang sakit-sakit. Pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Tiningnan ko ang wall clock. Isang oras at kalahati nalang ang nalalabing oras ko. Tumayo ako mula sa pagkakadapa sa kama at kinuha ang mga pinagpalitan kong damit ko nang isang linggo. Kailangan kong labhan yun, kahit masakit ang puso ko pinilit ko so ang sarili ko na magtrabaho. Napabuntong-hininga ako. Pagdaka'y napailing. Wala akong pagpipilian eh.