Chapter 14: Friendship

Jarred Point Of View

Kitang-kita ko sa mga mata ni Jasmine ang sakit sa mga sinabi ko. Lalo na noong makita ko na tumulo ang kaniyang mga luha. Gusto Kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa inis na nararamdaman. Bakit ko ba siya sinigawan? Ano ba ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon sa kaniya? Dahil ba sa nagseselos ako na makita siyang kasama niya si Vince?

"Sh*t!" wika ko at tumalikod na ako at iniwan siya.

Tinungo ko ang mini-bar nang aking kwarto at uminom. Nakaka-ilang inom palang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang si Sean ang tumatawag. Isa sa mga matalik kong kaibigan bukod kay Vince. Sinagot ko ang kaniyang tawag, iniligay iyon sa aking tainga para pakinggan ang sasabihin niya.

"Jarred, come here! Nandito ako sa Day & Night Club. Have some fun lalo at linggo naman. Join me! Hindi daw makakapunta si Vince, dahil may gagawin daw siya." wika niya.

Nang marinig ko ang pangalan ni Vince, hindi ko maiwasang mainis nang maalala ang nangyari. Hindi kaya attracted pa rin ako kay Jasmine hanggang ngayon? Napailing-iling ako. Hindi. Kaya siguro naiinis ako dahil pakiramdam ko naapakan ang pride ko bilang lalaki.

"Hey Dude! Are you still there? Pupunta ka ba?" tanong ni Sean sa kaniya. Tumango-tango ako kahit hindi ako nakikita ni Sean.

"Oo pupunta ako. Give me 20 minutes, and I'll be there." wika ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot siya, pinatay ko agad ang tawag. Sinipat ko ang aking sarili. Maayos naman ang aking suot. Ayos na ito, hindi naman ako maghahanap nang babae dahil may kasintahan na ako. Natigil ako sa isiping iyon. May kasintahan nga ba ako? Bakit parang pakiramdam ko hindi siya nag-eexist sa akin? Sh*t! Iwinaglit ko iyon sa aking isipan.

Lumabas ako nang kwarto at tinungo ang garahe. Pumasok ako sa aking kotse at pinaharurot iyon palabas nang bahay patungo sa Day & Night Club. Kinse minuto lang ang tinagal bago ko narating ang Day & Night Club. Ipinark ko ang kotse sa parking area, lumabas ako sa driver's seat at tinungo ang entrance ng Club.

Sa labas pa lang dinig na dinig ko ang ingay na nagmumula sa loob ng club. Napakaingay! Mabuti nalang at wala masyadong establesyemento na kalapit nang Club. Talagang pinasadya siya sa isang lugar na tahimik para walang maistorbo. Nang marating ko ang Club, pinapasok ako nang nagbabantay. Mas lalong lumakas ang ingay nang makapasok ako. Hinanap agad nang aking mga mata si Sean.

Napadako ang paningin ko sa isang mesa. Nakita ko si Sean na umiinom. Napailing-iling ako. Ganito talaga siya, stress reliever niya ang pag-iinom nang alak sa isang linggong pagtratrabaho sa kompanya nang kaniyang ama o kaya kapag may hindi sila pagkaakintindihan nang kaniyang nobya. Sa pagkakatanda ko hindi maayos ang samahan nilang mag-ama. Hindi na ako nagtanong pa noong ikwento niya iyon. Ayaw kong manghimasok.

Naglakad ako patungo sa mesa niya. Mukhang napansin niya ang presensya ko dahil lumingon siya sa gawi ko nang medyo malapit na ako mesa. Ngumiti ako sa kaniya, at ngumiti din siya sa akin. Nang makalapit ako, umupo agad ako sa katapat niyang upuan at tinawag ang waitress para mag-order nang alak. Nang masabi ko ang order ko umalis agad ang waitress at tinungo ang Bar. Binalingan ko si Sean na abala sa pagtetext.

"Is it Cassy?" tanong ko sa kaniya na ang tinutukoy ko ay ang katext niya. Tumango siya na nakatutok pa rin ang paningin sa cellphone. Nang matapos siya sa ginagawa. Tumingin siya sakin, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi kaya si Cassy ang dahilan kung bakit naglalasing ang kaibigan ko?

"What happen dude?" tanong ko sa kaniya. Nag-aalala ako para sa kaniya. Kilala ko si Sean, iba siya kapag nasaktan. Ibinaba niya ang hawak na wine glass at tiningnan ako. Sakto namang dumating ang waitress at ibinigay sakin ang order ko, kasama ng wine glass at ilang crack ng yelo na nakalagay sa isang maliit na lalagyan.

"Thankyou." wika ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sakin at umalis na.

"Nagplaplano si Cassy na mangibang-bansa. Hindi ko pa alam kong anong bansa ang gusto niyang puntahan. Gusto niya doon magtrabaho bilang nurse." umiiling-iling na wika ni Sean. Matagal nang gusto ni Cassy na magtrabaho sa ibang bansa bilang nurse. Pero, ayaw ni Sean. Ayaw niyang mahiwalay dito. Binuksan ko ang wine at naglagay sa wine glass, sinamahan ko nang yelo.

"Ano plano mo ngayon? Desidido na ba talaga siya sa plano niya?" tanong ko sa kaniya. Naglagay siya nang wine sa wine glass at inisang lagok iyon. Ininom ko na rin ang wine na nasa wine glass ko.

"Oo. Desidido siya. Kung mahal ko daw siya susuportahan ko daw siya. Kaya ang mangyayari, LDR kami. Long Distance Relationship! F*ck! Ayaw ko nang LDR pero para sa kaniya magsasakripisyo ako. Ganun ko siya kamahal." wika niya.

"Ganiyan talaga. You need to sacrifice. Kapag pinigilan mo siya sa mga gusto niya, masasakal siya. Kaya suportahan mo nalang." wika ko. Naglagay muli ako nang wine sa wine glass. Ganun naman talaga ang pag-ibig. Sacrifice.

"Ikaw? Kamusta naman kayo ni Beatriz? Hindi ba kayo magkikita ngayon?" tanong bigla sakin ni Sean.

Natigilan ako sa tanong niya. Dati-rati ayos lang sakin na lagi kami magkita. Pero bakit ngayon parang hindi na? Ayos lang sakin na hindi kami magkita. Simula nang naging katulong ko si Jasmine, hindi na kami gaanong nagkikita si Beatriz. Well, busy din naman siya sa negosyo niya. Huling nagkita kami, noong nahuli kami ni Jasmine na naghahalikan sa kusina. Pakiramdam ko nang mga sandaling iyon na nakita kami ni Jasmine, nakagawa ako nang malaking kasalanan. F*ck! Bakit ko ba siya naiisip? Nawala ako sa malalim na pag-iisip dahil sa pagpitik ng daliri sa aking harapan.

"Ang lalim ng iniisip mo Dude! Share mo naman sakin." wika niya na natatawa. Ngumisi lang ako.

"Wala, may naisip lang ako. Ahm, about sa tanong mo. Ayos naman kami. Bukas nalang siya bibisita sa opisina. Wala ako sa mood makipagkita sa kaniya." wika ko.

Hindi alam nang mga kaibigan ko ang tungkol kay Jasmine. Way back in college, wala akong naging kaibigan. Nagsimula lang ako nagkaroon nang kaibigan nang ipamana nang aking ama ang kompanya. Nakilala ko sila Vince at Sean sa isang Gathering. Hanggang sa naging magkakaibigan kami. Doon ko naramdaman ang pakiramdam nang may kaibigan.

"Aww. Matotouch na ba ako dahil may mood kang makipagkita sakin?" tudyo nito na nagpailing sakin.

"You're my Best Friend after all." wika ko. Natawa siya sa sinabi ko.

"I love you nalang Dude." wika niya na natatawa. Tiningnan ko siya nang masama tsaka itinaas ang gitnang daliri.

"F*ck you Dude! Kadiri ka!" singhal ko na ikinatawa lang niya.

NAGTAGAL nang dalawang oras ang pananatili ko sa Day & Night Club. Hanggang sa nagpasya akong umuwi na, kailangan kong magpahinga. Pinagbigyan ko lang talaga itong lintik kong kaibigan. Dahil alam ko kapag nagtutungo siya sa Bar. Ibig sabihin lang nun, may problema siyang dinadala. Tumayo na ako sa aking kinauupuan.

"Hindi ka ba sasabay sakin Sean?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya.

"Give me thirty minutes, uuwi na ako." wika niya.

Tiningnan ko siya nang masama. Kilala ko si Sean, oo mataas ang tolerance niya sa alcohol. Pero kapag nalasing nag-iiba siya. Baka mamaya mapa-away siya. Napabuntong-hininga ako. Ano pa bang magagawa ko? Matigas ang ulo niya.

"Okay. Basta huwag mong sagarin ang pag-iinom Dude. Alam mo naman kapag nalasing ka diba? Napapa-away ka. Wala kami ni Vince para alalayan ka. Bahala ka, magalit sayo si Cassy." wika ko sa nagbabantang boses. Ayaw na ayaw ni Cassy ng lalaking palainom.

"Yes Dude. Don't worry, I can manage. By the way, salamat sa pagsama sakin. Na-touch ako." wika niya na tumatawa. Nilapitan ko siya tsaka pabirong sinuntok sa dibdib. Tumawa lang siya sa ginawa ko. Naglakad na ako palayo sa kaniya at ikinaway ko ang mga kamay ko.

"Aalis na ako. Ikaw na magbayad niyan!" wika ko. Tumango lang siya. Naglakad na ako patungo sa exit nang bar. Nang matapat ako sa grupo nang kababaihan. Narinig ko silang nagbubulungan.

"Ang gwapo niya!" wika nang isang babae na may maikling buhok. Sabay tingin sakin.

"Oo nga e. Sobra!" tili naman nang isa. Napailing-iling nalang ako. Alam kong ako ang tinutukoy nila. Dahil sakin sila nakatingin. May bago pa ba?

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang exit. Nang makalabas ako, tinungo ko ang parking lot at sumakay sa aking kotse. Pinausad ko na iyon pauwi. Nang nakakalahati ko na ang daan, biglang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko ang cellphone na nasa dashboard. Iniwan ko kasi kanina. Tiningnan ko ang caller, nakita kong si Beatriz ang tumatawag. Sinagot ko iyon.

"Beat–" naputol ang sasabihin ko dahil sa matinis niyang boses.

"What the f*ck are you doing?! Kanina pa ako tumatawag sayo. Pero hindi mo sinasagot! Are you having time with your new maid huh?!" singhal niya sakin. Ano naman kinalaman ni Jasmine dito? Pinagseselosan ba ito ni Beatriz? Napabuntong-hininga siya.

"Huwag mong idamay si Jasmine dito. Nakatulog lang ako at naisilent ko ang cellphone ko." pagdadahilan ko sa kaniya. Gustong-gusto ko siyang pagalitan sa mga pinag-iisip niya pero ayaw kong sabayan ang galit niya.

"Ilang araw na tayong hindi nagkikita. Namimiss na kita. Ewan ko, pero nagseselos ako sa maid mo. She's beautiful Jarred. Mas maganda siya kumpara sakin. Baka mamaya, ipagpalit mo ako sa kaniya." wika niya. Ayaw kong itama si Beatriz sa sinabi niya. Dahil totoong mas maganda si Jasmine kaysa kay Beatriz. Maganda si Jasmine.

"I miss you too. Punta ka sa office bukas, pwede ka naman mag-stay doon." wika ko. Pero bakit pakiramdam ko labas sa ilong ang sinabi ko na namiss ko siya.

"Okay Babe! Pupunta ako bukas, iiwan ko nalang sa assistance ko itong flower shop. Hindi mo ba pwedeng palitan ang maid mo? Yung maid na hindi ko pagseselosan." wika niya. Ito na naman si Beatriz sa pagiging selosa na minsan naiirita na ako.

"Hindi pwede Beatriz, may kontrata kami. Mamaya na tayo mag-usap Babe. Maliligo pa ako. Madami pa akong papeles na pipirmahan na dinala ko dito sa bahay." wika ko.

Hindi ko maiwasang murahin ang sarili ko. Kelan pa ako naging sinungaling? F*ck! Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Pinatay ko na ang tawag at pinagpatuloy ang pagmamaneho patungo sa bahay. Bakit parang pakiramdam ko excited ako na makauwi?