Chapter 12: Care

- Jasmine Point Of View -

Abala ako sa paghahanda nang agahan ni Jarred nang may tumikhim sa aking harapan. Nag-angat ako nang tingin at tiningnan kung sino iyon. Nagtama ang aming mga mata. Matiim siyang nakatitig sakin. Hindi ko maiwasang pangatugan ng tuhod dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Iba pa rin talaga ang epekto sakin ni Jarred. Takot ba itong nararamdaman ko?

"Good Morning ulit Sir. Kain na po kayo." wika ko. Lumapit siya sa mesa at umupo. Tumayo ako sa gilid para maghintay ng iuutos niya. Tiningnan ako ni Jarred.

"Yes Sir. May kailangan po ba sila?" tanong ko.

"Join me. Sabay na tayo kumain. Mas masarap kumain kapag may kasama." wika niya. Sabagay, gutom na rin naman ako. Among oras na rin kasi.

"Salamat po Sir." wika ko at umupo sa harap niya. Nagsimula na akong kumuha ng kanin at ulam nang magsalita siya.

"Linggo ngayon. I will give you 4 hours para magpahinga o kung gusto mo pwede ka mag-unwind sa mall." wika niya na ikinagulat ko. Si Jarred ba itong kaharap ko? Akala ko wala na siyang balak pagpahingahin ako. Hindi ko maiwasang mapangiti. Lumalambot na ang puso ni Jarred sakin.

"Salamat." wika ko.

Tumango lang siya sa sinabi ko at ipinagpatuloy na niya ang pagkain. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan at linisin ang kusina. Tinungo ko ang kwarto. Kinuha ko ang cellphone na nasa kama at tinawagan si Celine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag.

"Bes! Pinayagan ako na lumabas ni Jarred. Pwede ka ba ngayon?" tanong ko.

"Yes bes. Pwede ako ngayon. Anong oras ba tayo magkikita?" tanong niya.

"Ngayon na sana, pwede? Sa Gee Mall Bes, doon nalang tayo magkita." wika ko na hindi maitago ang excitement sa aking boses.

"Sure. Akalain mo nga naman pinayagan ka pala ni Jarred na lumabas huh. Magbibihis na ako. See you later." wika niya at pinatay na ang tawag. Napangiti ako sa sinabi niya.

Tinungo ko ang banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako. Nagsuot ako nang off shoulder na kulay peach na hanggang kalahati ng hita ang haba. Tenernuhan ko iyon ng flat sandal. Matangkad naman ako kaya hindi ko na kailangan magsuot ng heels.

Nang masigurong maayos ang aking kabuuan, lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nadatnan ko si Jarred na nanonood ng TV sa salas. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Lumingon siya sakin.

"Aalis na po ako Sir. Baka saglit lang po ako." wika ko. Mataman niya akong tinitigan. Hanggang dumako ang tingin niya sa suot ko. Hindi ko maiwasang pamulahan sa paraan ng pagkakatitig niya sa suot kong damit. Hanggang sa dumako ang tingin niya mukha ko.

"Change your dress. Masyadong maiksi." wika niya. Huh? Sanay ako sa ganitong damit. Mas komportable ako kapag ganito ang suot ko.

"Sir. Wala naman pong masama sa suot ko. Tsaka wala na po akong dress na mahaba. Ganito po lahat ang haba ng dress ko." wika ko. Hindi ko maiwasang mainis. Dapat hindi na niya pinanghihimasukan ang mga suot ko. Yun pa man din ang ayaw ko sa lahat ang pinakikielaman ang fashion ko.

"Jeans and shirt will do." wika niya na hindi tumitingin sakin.

"Hindi ako nagsusuot ng jeans. Mas komportable ako sa dress. I won't change dress Sir. This is me." wika ko. Nakita kong nagtagis ang bagang niya. At ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha niya.

"Okay. Do what you want. Ayaw ko lang na mabastos ka. Nasa pangangalaga kita at responsibilidad kita Jasmine." wika niya sakin at ibinaling ang tingin sakin. Hindi ko maiwasang kiligin sa sinabi niya. Ibig sabihin? Nagmamalasakit pa rin siya sakin.

"I can manage Sir. Thankyou sa concern. Mauna na po ako." wika ko at naglakad palabas ng bahay.

Nang makalabas ako, nagpakawala ako ng buntong-hininga na kanina ko pa pinipigilan. Lumabas ako nang gate at naghintay ng masasakyan. Napapitlag ako nang may bumusina sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang itim na kotse ni Jarred. Dumungaw ito sa bintana.

"Sumakay ka na. Ihahatid na kita!" wika niya. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng kotse, binuksan ang passenger's seat at sumakay. Pinausad na niya ang sasakyan.

"Pwede naman po ako mag-commute Sir para hindi ka na maabala." wika ko.

"Ayos lang. Wala naman akong ginagawa." wika niya. Hindi na ako nagsalita pa. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga puno na nalalampasan namin.

"Saan tayo?" tanong niya.

"Sa Glee Mall po Sir."

"May boyfriend ka?" tanong niya. Napatingin ako sa kaniya dah sa tanong niya. Bakit niya tinatanong ang bagay na yun. Mukhang ito rin ay nagulat sa itinanong sakin.

"Huwag mo na sagutin. Pasensya na, curious lang ako." wika niya. Ngumiti ako. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagtingin niya sa rearview mirror.

"Ayos lang. Ang sagot sa tanong niyo Sir. Wala po." Tumango-tango siya. Biglang tumunog ang cellphone niya na nasa dashboard. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.

"Beatriz, bakit?" tanong ni Jarred sa kausap. Mukhang iritado ito dahil sa paraan ng pagkikipag-usap niya.

"I'm busy. I need rest babe. Bukas nalang tayo magkita punta ka nalang sa office." wika niya sa kausap. Busy? Mukhang hindi naman siya busy.

Babe? Ibig sabihin kasintahan niya si Beatriz. Hindi ko maiwasan makaramdam ng selos sa narinig. Dagli ko iyon isinantabi, hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. Kailangan ko na tanggalin ang pagtingin ko kay Jarred. Susubukan ko makipagrelasyon sa iba.

"I love you too." sagot ni Jarred sa kausap. Pero parang labas sa ilong niya ang sagot niya sa kasintahan. O mali lang ako? Napangisi ako. Siguro kailangan ko na tanggapin na wala bang patutunguhan ang nararamdaman ko para kay Jarred.

Hindi ko namamalayan na malapit na kami ng Gee Mall. Huminto ang sasakyan ni Jarred di kalayuan sa Gee Mall. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang magsalita siya.

"Call me para masundo kita." wika niya habang mariin na nakatitig sakin.

Hindi ko kayang salubungin ang titig niya kaya nagbaba ako ng tingin. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Binuksan ko na ang kotse at lumabas. Naglakad na ako papasok sa Gee Mall. Umupo muna ako sa isang bench na naroon. Kinuha ko ang cellphone na nasa hand bag ko at idinial ang numero ni Celine. Nang sinagot niya iyon, inilagay ko sa taenga ang cellphone.

"Celine, asan ka na?" tanong ko.

"Malapit na ako. Hintayin mo ako." wika niya at ibinaba na ang tawag. Ilang minuto lang ang hinintay ko nang may nagsalita sa likuran ko.

"Jas." Lumingon ako. Napatayo ako sa aking kinauupuan nang masilayan ang aking matalik na kaibigan. Niyakap ko siya, niyakap din niya ako pabalik.

"I miss you Celine." wika ko. Hinagod-hagod niya ang likod ko.

"I miss you too Bes." wika niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinitigan ko siya.

"Napakaganda mo pa rin." wika ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang gaspang Bes! Anong nangyari?" tanong niya. Natawa ako sa reaksyon niya.

"Ganiyan talaga e. Katulong kasi ang Bes mo." wika ko. Napasimangot siya. Hinila niya ako.

"Hey! Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Magmemeryenda muna tayo. Hindi pa ako nag-agahan. Kagigising ko kanina noong tumawag ka." wika niya.

Nagpatianod nalang ako sa paghila niya sakin. Pumasok kami sa Bischu. Binitawan na niya ang kamay ko nang makapasok kami. Nagtungo si Celine sa pandalawahang mesa. Sumunod ako at umupo sa tapat niya. Lumapit sa kanila ang isang babae.

"two slices of cakes in two plates and two Bischu drink." wika ni Celine.

"Noted Ma'am." wika ng babae at umalis na.

"Magkwekto ka habang hinihintay natin ang order natin." wika sakin ni Celine. Napakagat-labi ako. Ikwekwento ko ba ng buo sa kaniya ang mga nangyari sakin? Baka sumama ang tingin niya kay Jarred.

"Huwag kang magsisinungaling sakin Jasmine." banta niya sakin. May magagawa pa ba ako? Kilalang-kilala niya ako. Magmula hanggang ngayon. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsimulang magkwekto.