CHAPTER 33
"Ma'am tapos na po lahat ng cupcakes na pinapagawa nila. Kayo nalang po ba ang mag dedeliver?"
Napalingon ako kay Kaycee na nasa pintuan ng opisina ko.
Nakalimutan ko na ngayon pala yung orders ng Frontview company. Sa sobrang dami ng iniisip ko muntik ko ng malimutan ang trabaho ko.
"Bakit ba nandyan ka? Pumasok ka nga dito" natatawang sambit ko
Napakamot pa ito ng batok bago pumasok "Paki sabi kay Calvin iready na lahat ng cakes at cupcakes. Siguradin nya kamo na tama ang pagkakalagay sa sasakyan"
Tumango ito bago lumabas so far okey naman ang pagtatrabaho ni Calvin alam ko na medyo mahihirapan sya dahil hindi naman ito ang trabaho na naka sanayan nya.
Kung pwedi ko lang tulungan na mabawi lahat ng kinuha sakanya ginawa ko na. Wala talagang kasing sama si Zeke!
Nag ayos ako bago lumabas. Nakakahiya naman kasi baka mag mukha akong tanga sa costumers namin.
"Okey na lahat Ayen. Nasa delivery truck na lahat ng cupcakes at cakes."
"Calvin ikaw na ang mag drive okey lang ba?"
Absent kasi ang driver namin marunong naman si Calvin kaya tiwala ako sakanya.
"Oo naman. Lets go"
Tinulungan nya akong umakyat sa sasakyan na gagamitin namin.
Pinagmasdan ko lang sya habang paakyat sa sasakyan di ko akalain na tatagal sya sa trabaho na to. Di naman ito ang nakasanayan nya pero nag tyatyaga sya dito.
"Okey na ba yung dad mo?" Lumingon ito saakin at ngumiti
Yung ngiti na unang beses kong nakita yung ngiti na walang halong ka pait.
"Yes. Salamat dun sa pera na ibinigay mo di ko alam kung paano ako makaka bawi. Maraming maraming salamat"
Ibinigay ko kasi sakanya ang pera na naipon ko para sa mga anak ko. Di alam ni Kiro iyon kaya ibinigay ko sakanya syempre sa una ayaw nyang tanggapin dahil nahihiya sya. Sinabi ko nalang na kung naka luwag luwag na sya tsaka nalang nya ako bayaran.
"Wala iyon basta ba natulungan kita okey na ako. Pakamusta nalang ako sa kapatid mo. By the way ipag uwi mo sya ng Cupcakes mamaya."
"Nakakahiya na masyado. Di ko alam kung paano pero maraming maraming salamat talaga dahil hindi tinutulungan mo pa rin ako kahit napaka dami kong ginawang mali sainyo"
Lahat naman ng tao may karapatan na patawarin sila at mamuhay ng masaya. Hindi ako yung tipong tao na magtatanim ng sama ng loob habang buhay.
Baka pagdating kay Zeke doon ako mahihirapan mag patawad.
I sigh. "Mag drive kana. Wag mo na isipin iyon"
Sinunod naman ni Calvin ang sinabi ko. Nakatanaw lang ako sa labas habang papunta sa companya na umoder ng napaka raming cupcakes. Pumirma din kami ng kontrata na mag dedeliver kami lagi ng cupcakes sakanila. May ari ng iba't ibang restaurant ang boss ng Frontview Company naisipan nyang maki pag sosyo saamin.
Pumirma ako kahit hindi ko pa sya nakita. Sayang iyon dahil napaka laki ng pera na papasok sa shop ko.
"Samahan na kita sa loob Ayen"
Tumango lang ako kay Calvin sabay kaming pumasok sa napaka laking building. Bigla ko tuloy naalala yung panahon na isinama ako ni Zeke sa Companya nila.
Humugot ako ng napaka lalim na buntong hininga bago pumasok sa Elevator. Di na ako katulad dati na kinakapusan ng hininga kapag nasa loob ako ng Elevator.
"Sa tingin mo magugustuhan kaya nila ang gawa natin?" Kinakabahang tanong ko
"Oo naman. Kahit naman ayaw nila wala na silang magagawa dahil naka pirma na sila sa kontrata. Besides gawa mo iyan kaya alam ko na masarap" pag papagaan ng loob ko ni Calvin.
Ngumiti lang ako sakanya bago lumabas ng Elevator.
"Sa labas nalang ako mag hihintay ibababa ko na tong dala ko dito. Yung iba na nasa delivery truck kinuha na ng mga staff nila dito."
"Sge. Mag iingat ka" Kumaway muna si Calvin saakin bago umalis.
"Hi miss. Goodmorning ako po yung may ari ng Cake shop may appoinment ako sa boss nyo"
Ngumiti saakin ang secretary ng may ari ng companya "Pasok na po kayo ma'am"
Nginitian ko sya bago pumasok sa loob. Nakatalikod saakin ang lalaki kaya hindi ko maaninagan ang mukha nito.
"Goodmorning Sir" Magalang na bati ko. Yumuko pa ko para mag pakita ng pag galang
Pag taas ko ng ulo ko bigla ko nalang nabitawan ang kahon ng cupcakes na dala ko dahil sa bigla.
Nanlaki ang maliit kong mga mata. Nahigit ko ang hininga ko ng mag tama ang aming mga mata.
"Nice to see you again"
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Di ko magawang magsalita dahil sa gulat. Anong ginagawa nya dito?
Sya ba ang may ari ng companya na to? So all this time plinano nya lahat ng ito. Naiyukom ko ang aking kamao sa sobrang inis.
"Paki cancel nalang yung kontrata na pinirmahan ko. Wala na akong balak mag pasok ng cupcakes sa companya mo" malamig na tugon ko
Ngumisi ito "What do you think will happen if you cancel our contract?"
"Babayaran ko kahit magkano pa ang penalty para sa kontrata" mahinahon ngunit madiin kong saad
Di ko alam kung anong plano nya pero isa lang ang sigurado ako may ibang binabalak si Zeke.
Tumawa ito ng mapakla at seryosong tumingin saakin "Okey if that what you want. Fine. Remeber you sign the contract do you even know how much it cost when you do that? Millions. Pweding bumagsak ang shop na ipinatayo mo wala ka nang mapapakain sa mga anak natin"
"HINDI MO SILA ANAK!" Pinagtaasan ko sya ng boses dahil inis na inis na ako.
Umupo ito sa mesa nya at pinaglaruan ang ballpen na hawak nya.
"Really?" Mapanuyang sambit nito.
Nakipagtitigan ako sakanya kahit kailan hindi na sya nagbago. Wala pa rin syang kasing sama! Tadhana bakit ba lagi mo nalang pinaglalapit ang mga tao na ayaw nang magkita?
"Wala akong dapat ipaliwanag sayo Zeke. Wala kang anak ang kapal naman ng mukha mo para angkinin ang bata na hindi naman saiyo. Tandaan mo iniwan mo ako." Matigas na tugon ko
Humakbang na ako palayo sakanya ngunit di pa man ako nakakalayo ng bigla ulit syang magsalita na ikinagulat ko
"Do you think nagsasabi ng totoo si Kiro? Dont let them fool you. You cant trust anyone Ayen everything in your world is a big lie."
Humarap ako sakanya at tumawa ng mapakla "Yeah. Thats why I would not believe you kahit ano pang sabihin mo. Pwedi ba wag na wag mo nang sisirain si Kiro saakin" matapang na tugon ko
Ngunit sinuklian nya lang iyon ng isang ngisi. Humakbang sya papalapit saakin kaya napaatras ako hanggang sa mabangga na ang likod ko sa pader
"Stop right there Zeke Rade Jadelania!" Pagbabanta ko sakanya pero parang wala lang itong narinig. Lalo syang lumapit saakin
Inipit nya ako sa dalawang braso nya kaya di ako maka alis. "I miss kissing you baby"
Nangilabot ako dahil tumama ang hininga nya sa pisngi ko.
"Ano ba!" Itinulak ko sya palayo ngunit di man lang sya natinag
"I badly want to kiss your lips. Remember this Ayen YOU ARE MINE no one can stole you from me. I will do everything to prove that I am the father of the two kids. You cant keep the truth to me."
Then I felt his lips touch mine di ako naka kibo agad dahil sa bigla. Parang may ilang boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Pakiramdam ko tumigil saglit ang pagikot ng mundo.
Kinagat nya ang ilalim ng labi ko kaya malaya nyang napaglalaruan ang labi ko.
Nang mahimasmasan ako sa nangyayari itinulak ko sya ng malakas.
"I HATE YOU! ASSHOLE!"
"I love you. Remember this Ayen babawiin kita sakanya dahil una kang naging saakin"