CHAPTER 31

"Daddy I want that!" Turo ni Zayne sa isang malaking teddy na minions sa blue magic stall.

Nasa isang mall kami ngayon malapit sa bahay. Today is sunday family day for us. Lagi kaming lumalabas tuwing linggo para maka pag libang libang

"Zayne" warning tone ni Zeus sa kapatid nya.

Zayne pout her lips.

"Saan ba yung gusto mo sa mga yan?" Tanong ni Kiro sakanya na labis nyang ikinatawa. Si Zeus naman ay nanatili lang sa tabi ko hawak hawak ang kamay ko.

Zayne point the biggest Minions. Malaki pa sakanya ang laruan na gusto nyang ipabili sa daddy nya. I dont know why pero mahilig ang anak ko sa mukhang saging na laruan na yan. To tell you the truth puno na ng minions stuff toys yung isang room nya.

"How about you Zeus what do you want?" Tanong ni Kiro kay Zeus

Humalukipkip si Zeus "You know me better dad I dont like that kind of weird toys."

"Kuya Zeus they are not weird they are cute kaya" depensa ni Zayne sa paborito nyang laruan

Natawa nalang kaming dalawa ni Kiro dahil sa pagaaway ng mga bata.

"Hintayin mo nalang kami dyan Zeus ibibili ko nalang ng toys yung kapatid mo. Alam ko naman na ayaw mo dito. Baby samahan mo nalang si Zeus dyan baka kung saan saan pumunta yan" natatawang sambit ni Kiro

Sinamaan lang sya ng tingin ni Zeus. Pumasok na sa loob si Zayne kasama si Kiro naiwan kaming dalawa ni Zeus sa labas. Ayaw kasi nitong sumasama sa daddy at kapatid nya.

"Zeus gusto mo ba ng ice cream?" Tanong ko kay Zeus

Umiling ito "French fries is much better Mom"

Kinurot ko ang matambok na pisngi ni Zeus. "You really like eating fried huh?" Naka ngiting sagot ko

Kung si Zayne mahilig sa Minion stuff toys si Zeus naman ay mahilig sa french fries.

Pumunta kami sa isang malapit na stall ng fries sa mall. Medyo maraming tao ngayon dahil sunday. Pumila pa kami ni Zeus dahil sa dami ng bumibili

"Can you wait baby? Medyo mahaba kasi yung pila eh"

Zeus nod his head "Yes mom. I'd rather wait here that to be with daddy" naka ngusong sagot ni Zeus.

"Why baby?" Nag kwentuhan lang kami habang naghihintay sa fries. I texted Kiro na bumibili kami ni Zeus ng fries nag reply ito na medyo marami din daw bumibili ng stuff toys.

Habang naka pila kami ni Zeus bigla nalang may batang umiiyak na lumapit saamin.

Iyak lang ito ng iyak habang nasa harapan ko kaya lahat halos ng atensyon ng tao ay napunta sa gawi namin.

"Mom who's that?!" Naiiritang tanong ni Zeus saakin.

Marahil ay naiirita na ito dahil sa pagiyak ng batang babae na nasa harapan namin.

Lumuhod ako sa harapan ng batang babae "Hey baby why are you crying? Where is your mom and dad?" I ask her.

Tumigil ito ng pagiyak at humarap saakin "Nawawala po ako" magalang nitong sagot.

"Ah. Stop crying okey? Hahanapin natin yung mommy at daddy mo."

Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi.

"Mommy! Lets go! Hindi mo naman kilala yang batang yan eh! So dont talk to her malay mo isa lang yan sa mga modus ng mga magnanakaw ngayon" Tuloy tuloy na sabi ni Zeus habang inis na inis na tumingin sa batang babae sa nasa harapan ko.

"Zeus your mouth" banta ko sakanya

Inirapan lang ako nito bago lumayo saamin at pumila sa stall ng fries.

"By the way what is your name?" Naka ngiting tanong ko

"Erah Keishel Jadelania po" magalang na sagot nito

Nanlaki ang mata ko at di maka paniwala sa narinig ko. Jadelania? No Ayen madaming ganyang apelido sa pilipinas pangungumbinsi ko sa sarili ko.

This cant be. Hindi anak ni Zeke ang batang ko. Pinagmasdan ko ito hindi naman sya hawig kay Zeke.

"Keishel!" Tawag ng isang lalaki mula sa likuran ko. That voice ayokong lumingon dahil baka tama ang hinala ko.

My heart begin to beat so fast. Pakiramdam ko tumigil ang takbo ng oras at tanging pintig ng puso ko ang naririnig ko. Its been 6 years since the last time I heard that voice

"I told you wag na wag kang lalayo saakin! Look muntik ka ng mawala!" Lalong lumakas ang kutob ko na sya ang nasa likuran ko dahil sa pagsasalita nito.

"Im sorry daddy" Naiiyak na paumanhin ni Erah

Nanatili lang akong nakaupo habang nakatalikod sakanila.

"Miss" pag aagaw ng atensyon ko

Unti unti akong tumayo at lumingon sakanya. Bakas sa mukha nya ang pagkabigla napa awang ang bibig nito at di maka paniwalang tumingin saakin.

Sya pa rin si Zeke na minahal ko noon. Lumaki ang katawan nito at medyo mahaba na ang buhok di katulad noon. Pinagmasdan ko lang sya naiiyak ako gusto ko syang sampalin at awayin ngunit di ko magawa. Gusto kong tumakbo palayo pero di ko magawa dahil parang dumikit sa sahig ang paa ko.

"Ay-en?" Nauutal na sambit nito.

"Daddy you know her?" Di maka paniwalang tanong ni Erah.

"Zeke" ngumiti ako kahit di abot sa mata.

Napalingon ako bigla kay Zeus dahil baka makita nya si Zeke.

"MOMMY!" Napapikit ako ng mariin dahil sa malakas na boses ni Zeus.

Nakuha nito ang atensyon ni Zeke kaya lalo akong binundol ng kaba sa dibdib

Napako ang tingin nito kay Zeus.

"Zeus!" Tawag ko sakanya. Hinatak ko sya palayo kay Zeke si Zues.

"Mommy what happend? Why are you trembling?" Di ko sinagot si Zeus

Kinaladkad ko lang palayo si Zeus palayo kay Zeke dahil baka mag tanong pa ito.

"Ayen!"

Hinatak ni Zeke ang braso ko "DONT TOUCH ME!" Galit na sigaw ko sakanya

Wala akong pakealam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao sa mall.

"Is that my son?" Natigilan ako sa tanong nya.

Puno ng pag asa ang mga mata nito habang naka tingin kay Zeus.

"What are you talking about Man? I look like you but you are not my dad! Are you crazy? Hey dont touch my mom!" Inalis ni Zeus ang naka hawak na kamay ni Zeke sa braso ko.

"You really have the guts to ask that huh Zeke? After what you've done 6 years ago? Zeus is not your son. Because of you he died! Our little angle! So cut that shit things in your head wala kang anak!" Sigaw ko sa pagmumukha nya bago ako umalis kasama ang anak ko.

So ganun iniwan nya lang kami ng mga anak ko dahil sa ibang babae. After 6 years magkikita ulit kami at may anak na sya. How stupid he is to think na anak nya si Zeus. Napamura ako sa isip ko dahil sa sumisigaw na ebidensya sa mukha ni Zeus. Kahawig ito ni Zeke kaya alam ko na hindi titigil si Zeke hanggat hindi nya nalalaman ang totoo.

"Baby!" Naagaw ni Kiro ang atensyon ko.

Mabilis akong kumapit sa braso nya. "Lets go home. Im not feeling well babe" pagsisinungaling ko

Di ko nagawang tumingin kay Zeus dahil alam ko na mag tatanong ito sa nakita nya kanina.

"Are you okey mommy?" Tanong saakin ni Zayne.

Tinanguan ko lang ito at tipid na nginitian.

"What's wrong baby? Okey lets go home kids masama daw ang pakiramdam ng mommy nyo" pagpapaliwanag ni Kiro sa dalawa.

Hindi na sila nagtanong pa lumabas na kami ng mall. Pero kung minamalas ka nga naman naka salubong pa namin si Zeke kasama si Erah. Napahigpit ang hawak ko kay Kiro at sa mga anak ko.

"Ze-ke?" Nauutal na sambit ni Kiro.

Bakas din sa mukha nya ang pagkabigla. Di ko maintindihan pero bigla nalang nanginig ang katawan ni Kiro.

"Kiro" Matigas na sambit ni Zeke sinamaan nya ng tingin si Kiro.

"Mommy who is he?" Pangungulit saakin ni Zayne.

"Zayne. Dont talk to him he is crazy!" Galit na sambit ni Zeus

Napako ang tingin ni Zeke sa magkahawak kamay namin ni Kiro at sa kambal ko.

"Baby punta na kayo sa Car susunod si mommy at daddy."

Buti nalang ay sumunod agad ang mga anak ko. Pumasok na sila sa sasakyan namin kaya hinarap ko si Zeke.

Nahigit ko ang hininga ko dahil sa sama ng tingin ni Zeke saamin.

"You betrayed me Kiro" mahinahon ngunit madiin na tugon ni Zeke.

Betrayed?

"You leave her thats why I catch her. So stop this bullshit Zeke. We need to go" hinatak ako ni Kiro papunta sa sasakyan.

Ngunit di pa man kami nakakalayo ay muling nagsalita si Zeke dahilan para matigilan kaming dalawa.

"I know they are my kids Ayen. Kiro you cant keep the truth forever. Lalabas din lahat ng baho sa katawan mo"