CHPATER 1: Pangit

CARAH

“ tabi! Andami niyong nagkukumpulan dito, sino ba tinitignan niyo??!!” Sinilip ko kung sino at si the richest boy pala, sus naman di pa ba sila nasanay sa itsura niyan?!! Araw araw feeling gwapo, well gwapo naman talaga pero nasosobrahan na.

Ang o. a na kumbaga, may ka tropa siya si felix at fuego tapos ung richest boy ang name ay fin. Haha pang girl ang name diba, siguro ung mama niya gusto babae pero lalaki ang naging anak kaya bumawi nalang sa name.

“ ay naku naman si pangit pala---” grabe maka tingin itong mga kaklase ko, nginitian ko sila at umupo na lang sa upuan ko.

“ bhi bhi” narinig kong sabi ni richest boy, susme napaka corny. Sino naman kaya ang bhi na yan, sa dami ng babae niyan.

“ bhi!” sigaw uli niya, bahala sila diyan busy ako sa lag gawa ng assignment ko kasi hindi ko ginawa kagabi. Inamin ko ah, inamin kong hindi ko ginawa kasi nanuod pa ako ng korean novela. Ugh! Ang ganda ganda ng pinapanuod kong iyon, malapit ko na nga matapos.

“ aray!!!!!!!!!!!!” nasa momentum ako sa excitement don sa pinapanuod ko tapos biglang may nambato.

“ ano ba!” inis kong sigaw.

“ how many times im going to call you?” kumunot ang noo ko, tumingin ako sa talampakan ko at likod ko, hihi parang tanga lang no kasi ako ung kausap niya hahaha.

“ may pangalan kasi ako” sagot ko.

“ arte… tara na” kumunot ang noo ko.

“ luh saan tayo pupunta?” tanong ko.

“ tsk! Ayon oh” turo niya sa labas, isang booth.

“ tayo na lang ang hindi pa natatapos, kung bakit kasi ipinartner ako sa slow” huh? Partner?? Mabilis akong lumabas at tinignan ung mga nakapaskil, hala! Bakit may paganito?

“ required ba ito? Graded??” tanong ko, napailing si fin sa tanong ko.

“ carah and fin, pasok na kayo na lang ang hinihintay. Bilis” utos ng prof namin, nauna ng pumasok si fin habang ako tulala.

“ carah” napayuko ako sa pagka dismaya, pumasok na ako sa booth at naabutan kong inaayusan si fin.

“ teka bakit may ganyan?? Diba booth for---” ay palakang inadobo naman oh!!! Wedding booth?!!! For what reason? Anong connect ng subject naming tourism sa wedding booth na ito???!!!! Minsan ung prof namin may topak din.

“ dalian mo” utos ni fin, lumapit na ako sa mag aayos. Ang gara naman kasi may mag aayos pa saamin para namang totoong kasal, umupo na ako at inayusan saka ipinasuot ung gown. Hindi ko napansin wala na si fin, baka nauna na sa may stage pic.

“ wow ang ganda mo carah” sabi ng prof namin, tumingin ako sa salamin at maski ako ay nagandahan sa sarili dahil akmang akma ung wedding gown saakin, kitang kita ang kinis ng kutis ko at ung ayos ng buhok na laging na pusod ngayon kulot na, gusto ko ganito kaganda ko kapag ikakasal na.

“ tara na carah, hinihintay kana ng groom mo” naka ngiting sabi ng prof.

“ bakit kasi may ganito prof??” tanong ko tuloy.

“ huwag ng mag tanong” sumimangot ako at nag lakad na, naka tingin lahat ng mga tao saamin. Kailan pa nagkaroon ng mga tao at kailan pa may pa set up ng ganito kasi kanina walang ganito tsaka may pare pa talaga?!!

Nag lakad na ako papalapit kay fin hanggang inoffer niya ung braso niya para pag kapitan ko, lumapit na kami sa may pare at jusko marimar para kaming kinakasal dahil may kung sinasabi ung pare hanggang dumating na aa kiss the bride.

“ huh??!!” ipinaharap ako ni fin, nanlaki ang mata ko.

“ oyy huwag mong sabihin na hahalik ka!” sabi ko sakanyan.

“ tsk… kasal alangan may kiss” lumapit siya at dinampian nga ako sa labi.

Halaaaaaaaaaa!!!! Napaka bilis, teka!!! Bakit may ganun!!!!! Nag palakpakan na sila at natapos na ang kasal na pakulo ng prof namin, sayang saya pa siya talaga.

“ picture po” hindi pa tapos?!!

Pinag tabi kami at pincturan, hiniling pang mag smile. Ginawa ko na nga lang ng matapos na, sa dami ng kumuha baka naman I post at pagkamalan kaming ikinasal na nga. Jusko! Huwag naman dahil baka maatake ang tatay ko kapag nakita iyon lalo pat ang o. a non.

“ haha infairness gurla ang ganda mo kanina ah” tinaasan ko siya ng kilay, si lyka na napaka supportive sa lahat

“ parang sinabi kong kanina lang ako gumanda” sagot ko, ngumiti siya.

“ hahaha nakaka umay kasi ung look mo, laging naka pusod ang buhok kaya gulat ako ng makita kang naka kulot at promis bagay kayo ni fin.. the flight attendant and his groom pilot. Naks!!! Bongga!!” napailing na lang ako at hindi na lang siya pinansin.

Kinabukasan ang aga kong punasok at antok na antok pa ako, pumasok ako sa room na bagot na bagot ng mapansin kong naka tingin sila saakin. Hindi ko sila pinansin at umupo ako saka yumuko sa arm rest ng upuan para umidlip saglit dahil may 30 minutes pa bago mag start ang klase.

Blag!

“ sino dito si carah dizon?!!!!” sigaw ng babae, ano ba yan nakukuha ko na ung antok ko eh.

“ bakit ba??” bagot kong tanong, lumapit saakin at sinampal ako ng napaka lakas. Ung antok ko sumakabilang buhay na, tinignan ko siya ng masama

“ problema mo ba!” tanong ko, tumayo na ako para maki patas sakanya.

“ anong pinakain mo kay fin para pumayag na maging asawa mo ha!!!” asawa???

“ miss---”

“ vivian!!!” napa tingin kami, si fin at mabuti naman dumating siya.

“ kung siya lang din pala ang ipapalit mo saakin mamatay na ako ngayon kung ganun!!!! Look at her!!! Napaka manang niya para maging asawa ng mozzique na tulad mo!!! Fucking shit!!! Hindi ko matanggap na mas malala saakin ang ipapalit mo!!!” napa awang ang labi ko, naguguluhan ako pero naiinis ako dahil sa panlalait niya.

“ fin mozzique is this your standard right now??? Ah tita look??? Fuck you!!!!” napakuyom ung kamao ko.