Chapter 04

Chandee's Pov

Wala kaming ginawa ni Glenda kung hindi mag kwentuhan. Actually siya lang nag kukuwento talaga. Hindi siya nauubusan ng kwento at sinasagot niya lahat ang tinatanong ko sa kanya. Dahil sa kanya kaya parang ang dami ko ng nalalaman ngayon tungkol sa Dalya kahit nasa tatlong oras palang kaming nagkakausap. Natigil lang kami sa pag kukuwentuhan ng may dumating pa na ibang tagapagsilbi. Pinapatawag na daw ako ng Pinuno at nakahanda na ang hapunan.

Pagdating ko sa komedor kung saan ako hinatid ng tagapagsilbi ay nandoon na ang pinuno at nakaupo sa pinaka dulo. Sa kanan naman nito ay nakaupo si kapitan at sa kaliwa ay isang batang babae na sa tanya ko ay nasa sampu hanggang labing dalawang taong gulang.

Nakangiting lumapit ako sa mesa at tumayo naman si kapitan at pinaghila ako ng upuan sa tabihan niya. Balak ko pa naman sanang tabihan yung batang babae pero nginitian ko parin siya at nagpasalamat.

"Binibini ako nga po pala si Anna bunsong anak ng Pinuno at kaisa isang kapatid ni Kapitan Ewen" masayang pakilala ng batang si Anna sa'kin

"Anna dapat hintayin mong ipakilala kita" sabi naman ng matanda sa anak nito. Nakita ko naman ang paghaba ng nguso ng bata

"Okay lang po Pinuno" nakangiting sabi ko tsaka tumingin kay Anna "ako naman si Chandee kinagagalak kong makilala ka munting binibini" Sabi ko naman sa bata

"Napaka ganda niyo po binibini pangarap ko maging kasing ganda mo" Sabi ni Anna na ikinainit ko ng pisngi. May nagsasabi naman sakin na maganda ako pero yung pangarapin na maging kamukha ko waley. Bakit naman mukha ko pangangarapin kung pwede naman mukha ni Kathryn, Julia o Liza Soberano.

"Mas maganda ka naman sa'kin" nahihiyang sabi ko "tsaka Ate Chandee nalang ang itawag mo sa'kin huwag ng binibini" dagdag ko pa

"Okay lang po ba tawagin kitang Ate?" Bakas sa mukha ni Anna ang pagkatuwa. Buti pa siya mukhang masaya tawagin akong Ate si Yvone kasi kulang nalang tawagin nalang akong Chandee at siya ang tawagin kong Ate.

"Oo naman" nakangiting sabi ko.

"Huwag ka na munang maingay at kakausapin ko si Chandee" utos ni Pinuno sa bunsong anak. Napatingin naman ako sa kanya. "Hija pagpasensiyahan mo na si Anna talagang madaldal lang siya. Kumain kana at ng maaga kang makapag pahinga. Bukas ipapakilala kita sa buong bayan bilang babaeng itinakda na tutulong sa pag ahon at pag unlad ng Dalya" Sabi nito

"Ayos lang po kaya sa binibini kung ipakilala na natin siya bukas? Iniisip ko po kasi na bigyan pa siya ng sapat na panahon na mapalagay ang loob niya dito sa atin ng maka kilos siya ng mabuti" mungkahi ni kapitan

"Tama ka bakit hindi ko agad naisip yan masyado akong nagpadalos dalos at nagpadala sa emosyon ko" Sabi naman ni Pinuno

"Huwag po kayong mag alala ayos lang naman po. Mas maaga niyo po akong maipakikilala mas mabuti para magawa ko na agad ang dapat kong gawin at makauwi agad sa amin" Sabi ko

Ngumiti sa akin si Pinunong Oscar "kung ganoon ay maraming salamat. Sa sobrang saya ko kasi kanina ay nagpatawag agad ako ng pagpupulong at nagpasyang ipakilala ka agad agad. Marami narin kasing nakakaalam na dumating na ang babaeng itinakda at lahat ay gusto ka ng makita" paliwanag ng matanda

"Ayos lang po huwag po kayong mag alala" Sabi ko

"Sige na kumain ka na bago lumamig ang pagkain, sana magustuhan mo mga naihanda namin. Ang iba sa mga ulam ay pinadala talaga para sa'yo ng malaman nilang nandito ka" nakangiting sabi ni Pinuno

"Mukha pong masarap ang lahat" Sabi ko "kain na po tayo" dagdag ko pa

Pinauna nila akong kumuha ng pagkain. Not sure kung anong klaseng bigas ang niluluto nila dahil napaka sticky nito parang malagkit rice ang nasaing nila. Ang dami rin nakahain na ulam at lahat mukhang masarap. Dahil paborito ko ang gulay ay chopseuy agad ang kinuha ko. May parang sweet and sour tilapya din sila at tinolang manok. May isa pang putahe nakahanda pero hindi ako sigurado kung ano iyon.

OA na kung oa pero ang sarap ng kanin at gulay nila. Akala ko malagkit na kanin ang sinaing nila pero hindi naman. Malagkit lang talaga yung kanin at bagay na bagay sa gulay. Kumuha din ako ng tinola at ng tikman ko yon ay napaka sarap. Ngayon hindi ako sigurado kung tinola ba talaga iyon o sinabawan sa tanglad. May tanglad kasi at papaya at may puting mais din na lalong nagpasarap sa sabaw. Ako yung tipo na matakaw sa umaga pero kaonti ang kinakain sa hapunan. Pero ngayon tabla tabla na muna kakain ako at ieenjoy ko ang pagkain ko na walang pake kahit maka 3 extra rice pa ako.

Busog na busog ako at natuwa naman si Pinuno dahil nagustuhan ko ang pagkain inihanda nila. Bago ako bumalik sa kwarto ko ay inaya muna ako ni Anna sa kwarto niya. Maaga pa naman kaya pumayag na ako, sinabi din ni Glenda kasi sa'kin na mag iigib pa sila ng tubig pagligo ko.

"Ang sabi nila kapag dumating ang babaeng itinakda magbabago at magiging maayos ang bayan ng Dalya. Pero alam mo Ate wala naman akong nakikitang mali dito sa bayan namin. Ginagawa naman ni Ama at Kuya ang lahat para mapanatili ang kaayusan" Sabi ni Anna na parang matanda na kung magsalita

"Sa tingin ko din naman maayos naman pamumuhay niyo dito. Naniniwala din naman ako na maayos na pinamumunuan ng Ama mo ang Dalya. Sa ngayon hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko at magagawa ko para makatulong" totoong sabi ko kay Anna

"Ilang daang taon na nagdarasal ang mga tao dito sa bayan ko sa pagdating mo. Naniniwala ako na malaki talaga ang maitutulong mo sa pagdating mo. Alam mo ba isa ang aking Ina sa mga nagdarasal gabi gabi sa pagdating mo? Kasi naniniwala siya na ikaw lang makakapag pahinto ng digmaan sa pagitan ng Astor at Dalya"

Seryosong napatingin naman ako kay Anna. Akala ko kasi simpleng tulong lang kailangan kong gawin hindi ko naman alam na mamamagitan ako sa digmaan. Paano ko mapapahinto ang digmaan e ni isang sports nga wala akong alam. Anong gagawin ko isasakripisyo ko ang sarili ko at magpapatama sa kanyon? Tapos marerealize ng Astor at Dalya na mahalaga ang buhay kaya titigil na sila? Jusko! Ano ba tong napasukan ko.

Sabay kami ni Anna na napatingin sa may pintuan ng may kumatok. Binuksan iyon ni Sylvia na tagapagsilbi niya at nakita ko naman si Glenda doon.

"Pasensiya na sa abala binibini pero nakahanda na po ang pampaligo niyo" magalang na sabi nito

Tumingin ako kay Anna at ngumiti "bukas nalang ulit tayo mag kwentuhan" Sabi ko

"Sige po Ate alam kong pagod ka para makapag pahinga kana rin po. Magkita nalang po ulit tayo bukas" nakangiting sabi nito

Muli akong ngumiti kay Anna bago umalis at sumama kay Glenda.

"Ang laki ng kwarto pero walang sariling banyo. Malayo ba ang paliguan?" Tanong ko kay Glenda habang naglalakad kami patungo sa paliguan

"Hindi naman po malayo binibini halos katabi lamang ng silid mo. Sa katunayan ay kayong dalawa lamang ni Kapitan Ewen ang gumagamit ng paliguan at palikuran doon. Nakapagitna po kasi ito sa mga kwarto niyo" sagot nito

Nanlaki naman ang mga mata ko sa nalaman.

"Paano kung naliligo ako tapos bigla din niyang naisipan maligo? Tapos hindi niya alam na nandoon pala ako?" Tanong ko kay Glenda ng umandar na naman imagination ko

"Malalaman naman po ni Sir Ewen kung may ibang taong naliligo dahil may bantay po sa pintuan. Hindi po ako aalis sa pintuan hanggat hindi pa kayo tapos. Pwede rin naman po tumawag pa ako ng ibang bantay kung gusto niyo akong pumasok sa paliguan para tulungan kayo" paliwanag nito

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

Nang makarating kami sa paliguan ay wala naman pala akong dapat ipag alala. Sementado naman pala ang banyo at may lock din sa loob. Kung ano ano kasing naiisip ko palibhasa medyo makaluma ang lugar. Naisip ko tuloy na baka tabing tabing lang yung walls tulad sa mga lumang movie probinsiya.

Maayos naman akong nakaligo at halos maubos ko yung tubig sa malaking balde. Luminis at guminhawa naman ang pakiramdam ko at nagustuhan ko rin yung amoy ng sabon at shampoo na binigay nila sa'kin. Sabi ni Glenda inaangkat pa galing sa ibang bayan yung binili nilang sabon at shampoo pati narin ang pabangong inilagay nila sa tubig. Medyo weird lang dahil sa Taguig kahit saan pwede ka bumili ng sabon at shampoo pero dito pahirapan. Hindi naman kasi makaluma talaga dito sa Dalya I mean sinauna kasi yung mga bahay dito karamihan sementado at may nakita pa akong ilang kotse sa daan kanina nung sakay ako sa kabayo.

Nakatingin ako sa salamin at tinitignan ang sarili habang sinusuklayan ni Glenda. Tumanggi ako ng sabihin niya na siya na magsusuklay sakin pero mapilit siya. Sana lang hindi ako masanay ng ganito dahil never kong mauutusan si Yvone na suklayin ako. Baka nga sabunutan pa ako nun.

"Ang ganda ng buhok mo ang lambot, ang kinis din ng balat mo binibini" Sabi ni Glenda habang nakangiting sinusuklayan ang buhok ko

"Hindi naman, pangkaraniwan lang naman ang buhok at kutis ko samin. Kumpara sa mga kaibigan ko di hamak na mas maganda ang mga buhok at kutis nila" Sabi ko naman

"Mag kwento ka naman po sa mundong pinanggalingan mo. Maganda ba doon?" Tanong nito na tumingin sakin sa salamin

"Oo maganda. Pero parang mas maganda dito" Sabi ko

"Ano po ba ang pinagkaiba ng lugar niyo tsaka dito sa Dalya?"

"Sa totoo lang hindi ko pa alam pero mukhang madami. Hindi ko pa kasi nakita ang buong bayan ng Dalya at wala akong alam sa lugar niyo. Siguro kung makakapasyal ako may masasabi akong maikukumpara ko. Sa ngayon kasi ang tanging maikukumpara ko lang ay yung palikuran. Hindi na kasi uso yung umiigib sa mga balon dahil may gripo na. Meron din kaming tv kung saan makakapanood ka ng palabas na may mukha ng mga artista. Dito kasi radyo lang diba? May radyo din samin pero wala na yatang gaanong nakikinig dahil may mga gadgets na tulad ng cellphone na super handu na pwede mong dalhin kung saan saan. Pwede ka ng manood, makinig ng balita at matawagan ang mga gusto mong kausapin" Sabi ko

Nakatingin lang si Glenda sakin na parang walang naiintindihan sa mga sinabi ko. Nginitian ko nalang siya at kinuha ang suklay sa kanya.

"Ang mabuti pa magpahinga ka na at puntahan mo nalang ako ng maaga dito bukas" sabi ko

"Matutulog ka na po ba? Ihahanda ko na po ang higaan mo"

"Huwag na kaya ko naman, maayos naman na at mahihiga nalang ako. Patutuyuin ko lang ang buhok ko at matutulog na rin naman kaya pumunta ka na sa kwarto mo ng makapag pahinga na din"

"Sige po binibini tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo. Pwede niyo pong utusan ang mga guwardiya na nagpapatrol o kahit sinong makita niyo para ipatawag ako" Sabi pa ni Glenda bago ito lumabas ng kwarto at umalis.

Huminga naman ako ng malalim ng mapag isa. Naisip ko ang pamilya ko kung kumusta na sila. Sigurado nag aalala at hinahanap na nila ako. Hindi ko rin maiwasan mag alala sa pamilya ko lalo na kay Papa baka tumaas ang blood pressure niya sa pag aalala.

*****