Chapter 5
Chandee's Pov
Nakaupo ako sa may pasilyo at tinitignan ang mga puno na nandoon. Para akong nasa park lang at patambay tambay habang lumalanghap ng sariwang hangin. Abala kasi ang lahat ng mga tao maging si Glenda dahil sa gagawing pagtitipon mamaya. Ipapakilala daw kasi ako ni Pinuno.
"Anong ginagawa mo diyan binibini?"
"Ay palaka!" Gulat na sabi ko. Pagtingin ko kung sino ang nagsalita ay si kapitan lang pala
"May palaka?" Kunot na tanong nito
"Wala expression ko lang yon kapag nagulat. Bakit ka ba kasi nanggugulat?" Tanong ko sa kanya
"Paumanhin binibini hindi ko gustong gulatin ka gusto ko lang malaman kung anong ginagawa mo dito sa labas at nag iisa. Nasaan ba ang tagasilbi mo?" Tanong ni kapitan
"Okay lang maliit na bagay lang iyon. Si Glenda kasi hiniram kanina kulang daw ang mga tao sa kusina. Wala naman siyang ginagawa dito kung hindi kulitin ako kaya pinahiram ko muna. Kaso nung wala siya nabagot naman ako dahil wala akong kausap kaya lumabas nalang ako. Pero nakakabagot parin kung pwede sanang lumabas at pumasyal sa bayan kaso hindi raw pwede sabi ng pinuno dahil wala akong kasama" mahabang sabi ko
"Gusto mo bang lumabas?" Tanong nito
"Oo sana kaso wala akong kasa-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ako mismo ay napatakip sa bibig ko sa naisip. "Samahan mo'ko please?" Hiling na pakiusap ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng Isang kilay niya parang ayaw niya. "Pangako magiging mabait at masunurin ako" Sabi ko pa tsaka hinawakan ang kamay niya at ginewang gewang iyon. Mabilis naman niya iyon tinanggal. Grabe parang diring diri siya sa'kin ah! Ang linis ko kaya sa katawan
Pinaningkitan ko nalang siya ng mata. Kung may nakita lang akong available na pwedeng samahan ako nungka na kausapin ko siya para magpasama. Inirapan ko nalang siya at naglakad papunta sa kwarto ko para dun nalang mag mukmok.
"Sasamahan kita sa sentro at sa pamilihang bayan. Ngunit kailangan nating umuwi bago mag alas tress ng hapon para makapaghanda ka pa para sa pagtitipon" nangingislap ang mga matang lumingon ako sa kanya.
"Talaga? Sabi na nga ba mabait ka talaga e! Thank you so much!" Sabi ko at yumakap sa kanya. Para naman siyang estatwa na nanigas parang hindi nga siya humihinga eh. Ah basta! Ang importante makakapasyal ako wehehe
Bago kami umalis ay pinuntahan muna namin si Pinunong Oscar para magpaalam. Agad naman itong pumayag ng malaman na si Kapitan Ewen ang kasama ko. Naghabilin din siya na bilhin nito ang lahat ng gusto ko at huwag akong iwala sa paningin niya. Sa mga narinig ko kay Pinuno ay parang napaka halagang tao ko talaga. Para akong prinsesa o anak mayaman na may bodyguard.
Pagkarating namin sa kwadra ng mga kabayo ay kinausap ni kapitan yung matandang lalaki na malapad ang ngiting nakatingin sa akin. Nginitian ko nalang din siya tutal wala naman bayad ang pagngiti. Isa pa mukhang mabait ang matanda at alam na din siguro niya na ako yung tinatawag na babaeng itinakda. Ang kulit ng tawag nila sakin pero hayaan ko nalang yun ang gusto nila e.
Pagbalik ng matandang lalaki ay may hila na itong isang kabayo. Hinawakan ni Kapitan ang ulo nito at hinimas himas.
"Sumakay ka na kay Max" Sabi ni kapitan pagkatapos ilagay ng matanda yung maliit na parang hagdan.
"Hindi ba pwedeng maglakad nalang tayo?" Tanong ko kay Kapitan tsaka tumingin sa suot kong mahabang palda.
Mga binigay kasi nilang damit sa'kin ay puro bestida at mahabang palda. Hiniram din ng mananahi yung mga suot ko kahapon pati nga underwear e! Balak nila itong gayahin para maging komportable daw ako. Pumayag nalang ako dahil para rin naman sa ikabubuti ko.
"Pwede naman kaso'y baka hindi mo kayanin. Aabot ng Isang oras ang paglalakad para makarating sa may sentro" Halos malaglag ang mga panga ko sa narinig. Ganoon kalayo? Baka lawit na dila ko bago ako makarating sa plaza nila.
"Ah sige sasakay nalang ako" Sabi ko at itinaas hanggang hita ang palda ko. Gusto kong umupo na nakasalampak sa kabayo hindi tulad kahapon na parang nag shu-shooting lang ng pelikula. Mas bet ko nga sana kung sa likuran nalang ako para makahawak akong mabuti at sure na di mahuhulog. Pero okay na din sa harapan baka mainis pa sa'kin si kapitan at palakarin nalang ako.
Bago pa ako makaakyat sa kabayo ay naramdaman ko ang pag angat ko sa lupa. Namimilog ang mga matang napatingin sa braso ni Kapitan ng buhatin niya ako at iniupo sa harapan. Pagkatapos ay balewalang sumakay narin siya at nag paalam sa matanda. Mang Felix pala ang pangalan ng matanda. Yun kasi ang narinig kong tinawag niya.
Tulad kahapon niyakap ni kapitan yung isang kamay niya sa baywang ko bago patakbuhin ang kabayo. May lakad yata si kapitan kaya ang bilis niyang magpatakbo. Bet ko pa naman yung smooth lang para makita ng maayos ang dinadaanan namin. Pero grabe sarap ng hangin na humahampas sa mukha ko kaso feeling ko paghuminto na kami mukha na akong bruha dahil sa buhok ko.
Unti unti naman bumagal ang pagtakbo namin kaya naman naeenjoy ko na yung tanawin. Hindi mawala ang mga ngiti ko sa labi habang pinapanood ang mga kabataan na naglalaro sa kalye. Sa amin kasi wala na akong nakikitang mga bata na naglalaro ng piko at sipa puro nakatutok nalang sa gadgets nila.
Pinatigil ni Kapitan ang kabayo at bumaba na. Inalalayan naman niya ako ng ako naman ang bababa.
"Magandang araw kapitan ang tagal mo ng hindi napapasyal dito" salubong samin ng Isang matanda na kumuha sa kabayo ni kapitan
"Matagal tagal na nga po Mang Betting nandiyan kaya si Mona?" -Kapitan
"Oo nandiyan pumasok na kayo halos kadarating lang niya galing sa pier" Sagot ng matanda at napatingin sa'kin "kaygandang binibini naman nitong kasama mo siya ba ang kasintahan mo?" Usisa ng matanda
"Nagkakamali po kayo ako lang ang kanyang tagapag alaga. Sige po papasok na kami sa loob" sagot naman ni kapitan
Ngumiti nalang ako sa matanda at sumunod na kay Kapitan.
"Pumili ka ng telang gusto mo. Dito kami bumibili ng mga tela at minsan ay nagpapatahi ng damit. May mga tinda rin silang yari na pwedeng bilhin" Sabi nito
Tumingin tingin naman ako ng mga tela, karamihan ay silk at satin ang mga naka display.
"Kapitan nandito ka pala" napatingin ako sa babaeng mukhang mananahi dahil may suot itong medida sa leeg.
"Kumusta?" Tanong naman ni kapitan sa kanya "sinasamahan ko lang ang binibini bumili ng mga damit niya"
"Bisita niyo? Maganda ah" Sabi ni Mona na nilapitan at nginitian ako.
"Kumusta po" magalang na bati ko sa kanya
"Mabuti naman ako lalong magiging mabuti kung marami kang bibilhin hahaha" Sabi nito at pinakita ang kulay pink na silk sakin "bagay sayo ang kulay hawakan mo siya" Sabi nito
"Maganda po pero may cotton po ba kayo?" Tanong ko
"Cotton?" Tanong nito na parang hindi alam kung anong uri ng tela ito
"Opo yung linen at spandex po meron din po ba?" Tanong ko
Tumingin naman si Mona kay Kapitan.
"Meron lahat ng klase ng tela si Mona dito sa tindahan niya mabuti pa sigurong ikaw nalang ang maghanap ng hinahanap mo" Sabi naman ni kapitan sa'kin
"Okay sige salamat" Sabi ko nalang at iniwan silang dalawa
Malaki ang tindahan ni Mona kaso bakit ang hirap humanap ng cotton na tela. May mga nakita naman akong nakasuot ng cotton at linen fabrics tulad ni Mang Berting na ang suot na pang itaas niya ay linen.
Napangiti naman ako ng sa wakas ay makita na ang mga hinahanap ko. May isang babaeng nakasunod sakin kanina na mukhang trabahador dito sa tindahan kaya nagpatulong narin ako.
"Miss pwede po bang dalawang yarda dito sa kulay puti? May baby pink po ba at light yellow?" Tanong ko sa babae
"Ano po yun binibini?" Naguguluhang tanong niya
"Pasensiya na" Sabi ko at inulit ko sa kanya ang mga kulay na sinabi ko "gusto ko sana nitong ganitong tela pero yung mapusyaw na kulay sana. Pwede ko bang makita?" Tanong ko sa kanya
"Marami po kaming iba't ibang kulay na maaari niyong pagpilian" Sabi nito at pinakita yung Isang mahabang karton na may iba't ibang kulay na pwedeng pagpilian.
"Pwede ko bang makita ito? at ito?" Turo ko sa mga napili ko. Agad naman niyang ipinakita ang mga ito at tinawag si kapitan para ipabili sa kanya.
Hindi naman nagtanong pa si kapitan at binili nga niya ang mga telang nagustuhan ko. Nagpabili narin ako ng sewing kit para ako nalang magtahi ng mga damit ko.
Hindi ako magaling manahi ng damit pero marunong naman ako lalo na kung simpleng t-shirt at blouse lang. Bata pa ako hilig ko ng tahian ng damit ang mga barbie dolls ko.
Pagkatapos namin kay Mona ay iniwan muna namin yung pinamili namin pati na ang kabayo. Gusto kasi akong dalhin ni kapitan sa sentro kung saan marami daw nagtitinda. Malapit nalang naman daw kaya lalakarin nalang namin.
Nasa likuran ko lang si kapitan habang naglalakad ako. Hinahayaan niya akong huminto sa mga tindahan na pumupukaw ng pansin ko. Dinala rin niya ako sa isang malaking tindahan at pinapili ng gusto ko. Tindahan yon ng mga sabon at kung ano anong pampaganda na pinapahid sa mukha. May nagrekomenda samin ng sabon, shampoo at pabango pero hindi ko gusto ang amoy. Masyadong matapang sa ilong ko. Sa huli wala akong napili at nabili. Okay lang naman may sabon at shampoo pa naman ako na bigay ni Glenda sa'kin kahapon.
Sa dami ng hinintuan naming tindahan candy lang ang nabili ko. Ang tawag nila sa candy ay prutas halea. Para siyang jelly ace na nakabalot sa harina at mga prutas yung mga flavors. Nung tikman ko parang jellyace lang talaga.
"Hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong ni Kapitan
Napalabi naman ako at humawak sa tiyan ko. Kanina pa kasi talaga ako nagugutom at pagod narin sa paglalakad pero nahihiya akong magsabi.
"May alam akong paboritong puntahan ng mga taga Dalya na kainan. Gusto mo bang doon nalang tayo mananghalian?" Tanong nito
"Kung paboritong kainan yon ibig sabihin masarap ang mga pagkain nila. Tara" makapal na mukhang aya ko sa kanya. Lumipat lang kami ng kalsada at pinauna niya ulit akong maglakad. May mga malaking resto akong nakita pero sa may pinaka malaki kami pumunta.
Pagpasok namin sa resto na sinasabi ni Kapitan ay lalo akong nagutom. Amoy na amoy ko yung ginisang bawang at sibuyas na nagpapatindi ng gutom ko ngayon.
Umakyat kami sa second floor ng resto at umupo sa may nakikita namin ang daan sa ibaba. Lumapit samin ang isang waiter at tinanong kung anong gusto namin. Hihingi sana ako ng menu list nila pero nag order na si Kapitan. Sabagay mas alam ni kapitan kung ano yung best seller at masarap dito kaya okay lang. No biggie sakin kahit di niya ako tinanong ng gusto ko.
"Parang sa amin lang din pala dito sa inyo maraming mga tindahan at maiingay ang mga tao. Ang pinagkaiba lang ay walang gaanong sasakyan dito sa inyo puro kabayo, samin kasi puno ang kalsada ng mga tricycle at jeepney" sambit ko habang nakatingin sa mga taong naglalakad sa daan.
"Ano ba ang itsura ng mundong pinanggalingan mo?* Tanong nito
"Uhm, sa totoo lang parang ganito lang din sa inyo pero noong unang panahon yon sa'min. Ngayon kasi moderno na sa pinanggalingan ko may matataas at naglalakihang buildings. Makabago narin ang pamumuhay namin. Malaking tulong rin sa'min yung mga gadgets sa pang araw araw naming buhay. Lahat yata ng tao samin may mga gadgets na kahit mga bata. Yung kuryente namin doon 24/7 as in buong araw hindi tulad dito na sampung oras lang. Samin kapag nawalan ng kuryente nagagalit mga tao ang hirap kasi ng walang kuryente. Ganoon din sa tubig, Hindi namin kailangan mag igip dahil isang ikot mo lang sa faucet may tubig ng lalabas. Tsaka yung pananamit niyo dito medyo makaluma na pero may nagsusuot parin naman ng mga ganyan mga farmers nga lang. Pati pala yung isang relihiyon samin na naglalakad lakad at kumakatok sa mga bahay para maghatid ng salita ng Diyos. Nakalimutan ko lang yung pangalan ng relihiyon na yon pero katulad niyo silang manamit mga mahahabang palda sa mga babae.
"Magandang tignan sa mga babae ang nakapalda" Sabi nito
"Hindi ko naman sinabing pangit diba? Ang sabi ko lang makaluma na. Nagsusuot din ako ng palda paminsan minsan pero hindi ganito kahaba. Hindi ako komportable magsuot ng ganito kahahabang palda. Pero alam mo marami parin naman nagsusuot ng mahabang palda samin kaso may slit o hiwa sa tagiliran abot hanggang sa baywang" nakangiting sabi ko
"Abot hanggang baywang hindi ba parang nakahubad ka narin nun? Kaya nga mahabang palda para itago ang mga hita!" Sabi nito na parang nagalit pa
"Anong magagawa ko kung ganoon ang uso ngayon at gusto nilang isuot. Yan yung kaibahan na sinasabi ko sayo dito at sa'min" Sabi ko
Sakto naman dumating ang pagkain namin. In fairness masarap nga pagkain dito lalo na ang inihaw na bangus nila.
*****