Chapter 37
Chandee's Pov
Maaga akong nagising at nagluto ng sopas na almusal namin. Katulad ng dati namangha na naman sila sa sopas. Lahat nalang ng niluluto ko dito akala mo pang Michelin star kung pagkaguluhan nila, samantalang pang turo turo lang naman talaga.
"Magandang umaga Kapitan" sunod sunod na rinig ko na pagbati kaya napatingin ako sa labas ng kusina.
"Magandang umaga rin po" magalang na bati rin ni Kapitan. Nagtama ang mga mata namin dalawa na may kasamang ngiti.
"Magandang umaga kumusta ang tulog mo?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ito sa akin
"Magandang umaga binibini paumanhin napasarap ang tulog ko hindi tuloy kita nalutuan ng almusal" sagot nito
"Huwag mong isipin iyon mabuti nga nakapagpahinga ka ng mabuti. Hindi ba masakit ang ulo mo?" Tanong ko pa
"Medyo nahihilo ako kanina pero ayos na ako ngayon. Mukhang naparami ang inom ko kagabi wala akong matandaan" sagot nito na ikinangiti ko
"Ibig sabihin hindi mo natatandaan kung paano ka nakauwi?" Umiling siya. "paumanhin binibini may nagawa ba akong mali kagabi?" Nag aalalang tanong niya. Naalala ko naman yung nangyari kagabi nung makauwi kami. Kinarga lang naman siya sa likod ni Kuya Leo hanggang sa kwarto niya. Sinukahan pa nga niya ito kagabi.
"Wala naman" umiiling na sagot ko "nakatulog ka agad sa sobrang kalasingan" Sabi ko pa "nagluto nga pala ako ng sopas, maganda yun para maibsan ang pananakit ng ulo mo" Sabi ko
"Magandang umaga po Kapitan" bati ng mga tagapagluto ng pumasok kaming dalawa "mukhang naamoy niyo ang masarap na sopas na niluto ng binibini ah" pagbibiro naman ni Ate Mildred
"Magandang umaga rin po sa inyong lahat, tama po kayo may naamoy kasi akong masarap kaya napadaan ako dito" natatawang sabi ni Kapitan
"Maniwala ako sa'yo, baka naamoy mo na nandito ang binibini kaya ka pumunta dito" pagbibiro ni Ate Helen
Napakamot naman ng ulo si Kapitan "Ah eh parang ganoon na nga po" sagot niya at hinawakan ang kamay ko at tumawa.
Tumawa naman ang lahat at maging ako na nahihiya ay nakitawa narin.
"Saan niyo po bang gustong mag almusal? Ipapahatid nalang namin doon ang pagkain niyo" tanong ni Ate Susan
"Kahit dito nalang" Sabi ko
"Dalhin niyo nalang po sa silid ng binibini at doon nalang po kami kakain. Maraming salamat po" sagot naman ni Kapitan kay Ate Mildred
Nginitian ko nalang si Ate Mildred at tinanguan. Magkahawak kamay naman kami ni Kapitan na lumabas sa kusina at umalis.
"Libre ako ngayong araw saan mo gustong pumunta?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa silid ko
"Hmm.. gusto ko sa magandang lugar sabi ni Glenda maganda daw sa pook, hindi ko alam kung tama ang rinig ko pero parang ganoon ang dinig ko. Alam mo ba ang lugar na iyon?" Nakangiting tanong ko habang nakatingin sa kanya
"Maganda nga doon lalo na kapag pista ng mga bulaklak. Isa sa mga atraskyon doon ang bundok pook na kung titignan mo ay parang nasa malapit lang. Marami ring nagbebenta ng kung ano anong bagay doon galing sa ibang bayan. Marami ka rin pagkain na pagpipilian" sagot niya
"Sa sinabi mo parang gusto ko ng pumunta doon ngayon" natutuwang sabi ko
Pagpasok namin sa aking silid ay pinaupo ko siya sa mahabang sofa at tumabi sa kanya.
"Sayang araw ng pahinga ni Glenda gusto pa naman niyang makapunta doon" Sabi ko
Nginitian naman niya ako at ginulo pa ang buhok. "Gusto mo na talagang pumunta doon?" Tanong niya
Mabilis akong tumango. "oo gusto ko!' masayang sabi ko
"Hmm.. bago tayo pupunta doon ay may pupuntahan muna tayo, maari ba?" Tanong niya
Tumango ako "sige walang problema" nakangiting sagot ko
Dumating na ang almusal namin kaya kumain na kami. Natuwa ako ng magustuhan niya ang sopas at nagkunwari pa na nakalimutan ang pangalan niya dahil sa sobrang sarap. Ang corny at panahon pa ni kopong kopong mga jokes niya. Ayoko naman sirain ang mood niya kaya sinakyan ko nalang at tumawa.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ako na maliligo muna bago umalis. Nagsabi naman siya na hintayin ko nalang siya sa silid ko pagkatapos ng dalawang oras. Hindi na ako nagtanong kung bakit. Dahil wala si Glenda ay siya ang nag igib ng panligo ko.
******
Huling sulyap sa salamin ang ginawa ko bago ako humawak sa kamay ni Kapitan upang makaalis na kami. Tumingin ako sa kanya na mukhang bagong ligo rin, siguro naligo siya sa kung saan naliligo ang Pinuno.
"Pupunta naba tayo sa sinabi mo na pupuntahan muna natin?" Tanong ko habang sabay kaming naglalakad
"Oo pero napuntahan mo na yung pupuntahan natin, ayos lang ba sa'yo?" Tanong nito. Napakunot naman ang noo ko at inisip kung saan yung tinutukoy niya.
"Oo naman ayos lang" sagot ko at nginitian pa siya
Habang naglalakad ay napansin ko na parang alam ko na kung saan kami pupunta. Bigla ko tuloy naalala yung panahon na iyon kung saan at kung kailan naging masaya at malungkot ako.
Habang papalapit ay napansin ko na may pangalan pala ang hardin. Binasa ko ito at binigkas "Hardin ng Bukas" Nakasulat ito sa Isang kahoy na nasa taas ng pintuan, ni hindi ko man lang napansin ito noong pumunta ako dito.
Pagpasok namin doon ay sinalubong kami ng mabangong amoy galing sa mga bulaklak. Bakit parang mas gumanda ata ang mga bulaklak ngayon sa paningin ko kaysa noong pumunta ako. Inakay ako ni Kapitan paakyat papunta doon sa may malaking puno at pinaupo sa may duyan. Ngayon ko lang na appreciate ang totoong ganda ng Hardin, ang ganda at ang lawak nito. Bawat ugoy at paghampas ng malamig na hangin sa mukha ko ay nagpapasaya sa'kin. Nang ihinto ni Kapitan ang pag ugoy nito at alalayan para makatayo ay ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Nagtama ang mata naming dalawa at hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa mata niya.
"Natatandaan mo pa ba noong una tayong nagkita dito?" Tanong niya at tumango naman ako. Paano ko makakalimutan ang araw na iyon, iyon yung araw na pinagbigyan ko ang puso ko na sumaya at araw na saktan din siya.
"Natatandaan mo na yung kinwento ko sa'yo dati tungkol sa puno at diwata?" Tanong ulit nito. Ngumiti ako at tumango "oo, hindi totoo yon no?" Sagot ko sa kanya
"Totoo lahat iyon at totoo na hiniling ko na dumating ka na at pagkatapos ay pakakasalan ka" nakangiting sabi nito. Hindi naman mawala ang ngiti ko habang tumatango
"Dito sa lugar na'to nagsimula ang lahat, dito ako humiling at nangarap na makasama ka hanggang sa pagtanda" Sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko "dito rin ako nabigo, nabigo noong tanggihan mo ang pag ibig ko" parang maiiyak siya pero ngumiti parin siya at pinisil ang ilong ko
"Pasensiya na sa maling akala, hindi lang naman ikaw ang nasaktan noong araw na iyon maging ako nasaktan din" Sabi ko na hinawakan ang magkabilang pisngi niya at tumingkayad para dampihan siya ng halik sa mga labi niya
Ang kamay ko na kanina ay nasa pisngi niya ay ngayon ay nasa leegan na niya. Tinatawanan ko siya habang tinitignan siyang nagpupunas ng luha sa mga pisngi niya. Ang bad ko nga siguro para tawanan pa siya habang naaalala nito yung pag basted ko sa kanya.
"Sorry na" Sabi ko pa at muling dinampihan siya ng halik sa labi at pinaulanan pa siya ng halik sa buong mukha niya na ikinangingiti niya.
Kapwa nakangiti at nakatingin sa isa't isa. Nilagay niya ang kamay niya sa baywang ko at ang isang kamay naman niya ay hinahawi ang buhok ko dahil sa malakas na hangin na tumatakip sa mukha ko.
"Mahal na mahal kita" Sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko
"Mahal na mahal din kita" sagot ko sa kanya.
Unti unting naglapit ang mukha namin at naglapat ang mga labi naming dalawa. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pinagdikit nito ang noo naming dalawa.
"Ikaw ang buhay ko ang pangarap ko at kinabukasan ko" Sabi nito at inilayo ang mukha niya sa mukha ko "pangako ko aalagaan ka at mamahalin ka kahit sa kabilang buhay ko" Sabi pa niya at may dinukot mula sa bulsa ng pantalon niya.
Literal na mapanganga ako ng makita ang pinakita nitong kulay pulang singsing sa aking harapan. "Ayokong patagalin pa ito gusto kong makasama ka bawat segundo ng buhay ko. Chandee pakasalan mo'ko" Sabi nito na nagpaiyak na ng tuluyan sa'kin.
Napayakap ako ng mahigpit sa kanya at malakas na sinabing "oo pakakasalan kita" binigay ko sa kanya ang kamay ko at isinuot nito ang singsing sa'kin.
Niyakap niya ako at muling hinalikan. Walang kapantay ang sayang nadarama ko ngayon sa piling niya. Sana ganito palagi o kaya'y huwag ng matapos pa.
*****