Chapter 36

Chandee's Pov

Kalat sa buong bayan ang tagumpay ng mga sundalo na mahuli at mailigtas ang mga kabataan at kababaihan sa pandurukot na nangyari sa kanila sa pamumuno ni Kapitan Ewen. Nasa labas nga ang mga tao ngayon at inaabangan ang pag uwi ng mga ito.

Ilang araw na tinutukan at plinano nina Kapitan ang pagtugis sa mga kriminal at ang pagligtas sa mga tao. Nakarating pa nga ang mga ito sa ibang bayan kung saan dinala ang mga dinukot na mga tao para ibenta at gawing alipin. Mabuti na lamang at nakipag tulungan ang bayan na pinuntahan nila at natunton ng mga ito ang kinaroroonan nila.

Nakangiting naghihintay ako sa labas ng tarangkahan upang salubungin ang pagdaan nila Kapitan. Ang alam ko didiretyo sila sa kampo kung saan naroon at naghihintay na ang mga magulang ng mga nailigtas nila.

Habang papalapit ang mga tunog ng tambol at mga kabayo ay lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Ilang araw ko din hindi nakita si Kapitan at sa wakas makikita ko narin siya.

"Binibini doon tayo!" Hila sakin ni Glenda sa mas malapit na daanan.

"Huwag kayong masyadong lumapit baka masaktan kayo" Sabi naman ni Pinunong Oscar habang naka akbay kay Binibining Anna

"Huwag po kayong mag alala gusto lang namin makita ng malapitan ang parada" natutuwang sabi ko habang matyagang hinihintay ang pagdaan nila Kapitan.

Ilang sandali lang ay nakita na namin ang bungad ng parada. Sakay sa apat na kabayo ang mga sundalo na may hawak na bandila ng bayan ng Dalya.

Unti unting lumalaki ang kanina maliliit lang na tao at mga kabayo habang papalapit ang mga ito. Agad ko naman nakita ang pigura ni Kapitan habang sakay sa kanyang kabayo. Halos maluha ako ng makita ko siya. Sa likod nito ay may mga karwahe kung saan nakasakay ang mga nailigtas nila at sa likod naman ng mga karwahe ay maraming sundalo na nakasunod sa kanila.

Halos maluha ako ngunit napigilan ko naman. Nakakatuwa pero para akong isang Ina na sobrang proud sa anak na nakakamit ng karangalan. Matyagang naghintay ako sa pagdaan ni Kapitan hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. Kapwa nakangiti kaming dalawa sa isa't isa habang papalapit ito.

Huminto si Kapitan sa tapat ko at inialok ang kamay niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero hinawakan ko iyon. Parang walang kung ano naman ay umangat ako sa lupa at ngayon ay nakasakay na sa kabayo niya. Naghiyawan naman ang mga taong naroon at tinukso kami. Ramdam ko naman ang pag init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"Sa susunod na paradang makikita nila ay ang pag iisang dibdib nating dalawa" bulong nito sa tenga ko kaya naman napatingin ako sa kanya. "nangulila ako sayo ng sobra" malambing na sabi pa nito bago niya hinigpitan ang paghawak sa baywang ko at idinikit sa katawan niya.

Wala akong magawa kundi ngitian at titigan lang siya samantalang kani kanina lang ay ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Bago nito muling pinalakad ang kanyang kabayo ay nakita ko pang tinanguan nito ang kanyang ama. Akala ko ay ibababa na niya ako ngunit sinama ako nito.

Sa unang pagkakataon nakapasok ako sa kampo. Dati ay nadadaanan ko lang kasi ito. Napakalawak pala dito sa loob. Tinulungan ako ni Kapitan bumaba sa kabayo at magkasama naming hinarap ang mga tao. Hindi niya binitiwan ang kamay ko kahit marami ang gustong kumausap sa kanya.

Kinausap ni Kapitan ang mga magulang na sinusundo ang mga anak nila. Gusto din kasi nito na maayos ang lahat bago nila makuha ang mga bata. Sinigurado niya na kapamilya nga ng mga ito ang mga sumusundo at ng makitang maayos na ang lahat ay hinila niya ako patungo sa isang silid.

Agad nitong sinarado ang silid pagkapasok naming dalawa at nagulat ako sa ginawa niya ng isandal niya ako sa likod ng pintuan at mariin na hinalikan sa labi. Doon ko lang narealize na sobrang na miss ko pala siya kaya tumugon ako sa halik niya.

Wala sa'min dalawa ang gustong bumitaw sa halik na pinagsasaluhan naming dalawa. Hindi ko narin alam kung gaano naba ito katagal, kung pwede nga lang hindi na matapos ngunit may kumatok sa pintuan na nagpahiwalay ng labi naming dalawa.

"Kapitan may hinanda silang pagkain at alak, kumain daw tayo at magpakasaya" sabi ng sundalo na kumatok

"Sige susunod na'ko" sagot ni Kapitan na hindi naman umaalis sa pwesto nito

"Malayo ang nilakbay niyo kumain ka muna" Sabi ko

"Mas gusto ko dito kasama ka" Sabi naman niya at parang tinutuksong hinalikan muli ako

Bahagya ko siyang itinulak para magkaroon ng pagitan ang katawan naming dalawa. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at tumingkayad para dampihan siya ng halik sa labi. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa'kin ng hindi ko pinayagan ang kamay niya na muling makayakap sa'kin.

"Masyado mo'kong pinag alala noong malayo ka pero ayos lang naman dahil nandito ka na. Dahil mabait ako papayagan kitang uminom ngayong araw at magpakalasing. Basta bukas mangako ka na akin lang ang oras mo buong maghapon" Sabi ko sa kanya at ngumiti

"Hindi ko naman kailangan uminom para malasing, ngayon palang nalalasing na ako sa mga halik mo" Sabi nito na ikina blush ko. Hindi ko na naawat ang kamay niya ng muling kabigin niya ako at halikan. Tumugon nalang ulit ako sa nakakalasing din niyang halik hanggang sa may muling kumatok sa pintuan.

Napangiti nalang ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya habang nakayakap. "Mga istorbo" sambit pa niya na ikinatawa ko

"Ang mabuti pa lumabas na tayo at baka kung ano pa ang isipin nila. Sigurado may tatawag ulit sa'yo at hindi sila titigil hanggat hindi mo sila sinasamahan" nakangiting sabi ko

Akmang hahalikan na naman niya ako kaya naman mabilis akong kumilos para makaiwas. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Kakasabi ko lang na may susundo at tatawag ulit sa kanya at heto nga may kumakatok na naman. Ako na ang nagbukas ng pintuan at humila kay Kapitan palabas.

"Pasensiya na hiniram ko lang sandali si Kapitan" sabi ko sa sundalong nagulat ng makita ako

"Naku pasensiya na binibini hindi ko alam na kasama kayo ni Kapitan" sagot naman nito

"Ayos lang may pinag usapan lang kami saglit. Ibabalik ko na siya sa inyo pero huwag niyo siya gaanong lasingin baka hindi makauwi" Sabi ko at hila kay Kapitan at tulak sa kanya papunta sa sumusundo sa kanya

"Paumanhin po Kapitan kung naka istorbo ako" hingi pang paumanhin ng sundalo

"Ano pa ba ang magagawa ko naistorbo mo na" walang ganang sabi ni Kapitan sabay tapik sa balikat ng sundalo. Hinawakan naman niya ang isa kong kamay at gaya kanina hindi niya ito binitawan hanggang makarating kami kung saan mayroong handaan.

Ang balak ko talaga hayaan magsaya si Kapitan ngayon pero anong gagawin ko kung ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Ayaw din niyang tinatanggal ko ang magkahawak na kamay naming dalawa at ang mapalayo lang ng kaunti sa kanya.

"Kukuha lang ako ng maiinom natin" mahinang sabi ko

"Samahan na kita"

"Kukuha lang ako ng maiinom babalik din agad ako"

"Sige" tumatangong pagpayag niya

Pagkakuha ko ng dalawang baso na may lamang orange juice ay bumalik agad ako. Lagi kasi itong nakatingin sa'kin na akala mo ay tatakbuhan ko.

"Juice ka muna" Alok ko sa kanya at kinuha naman niya. Uminom din ako at tumingin sa paligid. Ang saya ng mga tao may mga kanya kanyang grupo kung saan may nag iinuman, kumakain, nagkukwentuhan, nagsasayawan at nagkakantahan.

Isang kamay ang pumulot sa baywang ko habang pinapanood ang mga tao. Tumingin naman ako kay Kapitan na abala rin sa pakikipag kwentuhan. Hinayaan ko nalang ang kamay niya sa aking baywang, tutal naman ay alam na ng lahat ang relasyon naming dalawa.

Kahit hindi sabihin ni Kapitan alam ko na natamaan na siya ng iniinom nilang alak. Noong una ay todo tanggi ito sa pag inom pero sa bandang huli siya pa ang tumatagay. Kahit anong pilit rin ng iba na uminom din ako ay hindi ko ginawa. Mababa alcohol tolerance ko at isang can nga lang ng san mig light hilong hilo na ako. What more kung itong alak pa dito ang iinumin ko? Baka sumayaw nalang ako bigla sa kalasingan.

****

Dahil sa lasing na nga si Kapitan hindi ko na siya pinayagan sumakay kami sa kabayo kahit sinasabi niyang kaya niya. Nagpatawag ako ng kargo na maghahatid samin dalawa sa bahay.

"Alam mo ba na mahal na mahal kita ha?" Sabi nito ulit sakin. Natatawa na nga ako sa kanya dahil paulit ulit nalang siya sa sinasabi niya.

"Oo nga alam ko magpahinga ka na" Sagot ko sa sinabi niya at hinilig ang ulo nito sa balikat ko pero inalis din agad niya. Ang kulit talaga niya kaunti nalang pasensiya ko ihuhulog ko na siya.

"Ikaw ang buhay ko mahal na mahal kita Binibini" Sabi pa niya

"Oo nga kanina mo pa yan sinasabi" sabi ko

"Alam mo na? Paano mo nalaman?" Tanong niya na hinarap pa ako sa kanya

"Kasi nga kanina mo pa sinasabi" patol ko sa pangungulit niya

"Hindi mo nararamdaman?" Tanong nito

"Ang alin?" Tanong ko din sa kanya

"Na mahal na mahal kita" Sabi nito na ikinatawa ko maging ang kutsero

"Alam ko at nararamdaman ko" sagot ko sa kanya na pinisil ang magkabilang pisngi nito. Ngumiti naman siya bago niya siniksik ang ulo niya sa leeg ko at niyakap ako

"Ang kulit pala ni Kapitan kapag nalalasing, para pala siyang bata" natatawang sabi naman ng kutsero

"Ngayon ko lang po siya nakitang nalasing kaya ngayon ko lang din nalaman na ganito pala siya kapag lasing" Sabi ko na bahagyang tumawa "huwag niyo nalang po sanang ipagsabi ang nakita't narinig niyo dadagdagan ko nalang ang bayad sa inyo" Sabi ko sa matandang kutsero. Ayoko kasing pagkagising niya pinagtsitsismisan na siya ng buong bayan.

"Hindi na kailangan binibini ang paghatid sa inyong dalawa ni Kapitan ay isa ng karangalan sa'kin" Sabi ng kutsero

Pagkarating namin sa tarangkahan ay hindi nito kinuha ang binabayad ko. Kahit sinabi ko sa kanya na hindi ko dinagdagan ang bayad ay hindi nito iyon kinuha. Buong pusong nagpasalamat nalang ako sa kanya.

****