Chapter 38

Chandee's Pov

Hindi ko inakala na sobrang layo pala ng Pook. Hindi man lang sinabi ni Kapitan na aabutin ng tatlong oras ang pagbabyahe namin makarating lamang dito. Sa katunayan wala pa kami sa mismong lugar kung saan ang pasyalan.

"Nasaan naba tayo? malayo pa ba tayo sa mismong pasyalan?" Tanong ko

"Mga kalahating oras nalang, kailangan lang natin huminto para makakain at makapag pahinga" sagot nito

Nandito kami ngayon sa may mga cottage, mga kubo sila na pinapaupa ng may ari ng lupa. Dinisenyo daw talaga ito para sa mga manlalakbay. Nag ooffer din sila ng pagkain at maiinom.

"Ang layo pala akala ko mga tatlumpung minuto lang nandoon na tayo" nagkandahaba ang ngusong sabi ko

"Maganda naman kasi talaga sa Pook sulit ang paglalakbay natin" Sabi naman niya at umupo sa tabihan ko

"Kahit naman saan tayo magpunta magiging maganda sa paningin ko basta kasama kita" Sabi ko na medyo bumanat. Maging ako sa sarili ko ay nahiya sa sinabi ko kaya tinago ko nalang ang mukha ko sa braso niya. Siya naman parang baliw na kinikilig sa kakornihan ko.

Dumating na ang pagkain namin kaya kumain na kami. Masarap ang niluto nila na sinabawang manok. Kulay itim ang laman ng manok ang sabi sakin ni Kapitan sinumpang manok ang tawag sa manok na kulay itim. May narinig na ako dati tungkol sa maitim na manok pero ngayon palang talaga ako nakatikim.

Nakatingin lang ako sa kabayo ni Kapitan habang abala ito sa pagkain ng damo. Kakatapos lang namin kumain at nagpapahinga lang, maya maya ay aalis na din kami.

Hinawakan ni Kapitan ang kamay ko na may suot na singsing. Hinihimas himas niya ito habang nakatingin at nakangiti doon.

"Muntik na akong sumuko, akala ko hindi na mangyayari ito" Sabi ni Kapitan habang nakatingin parin sa singsing na suot ko "masyado mo'kong pinahirapan kaya hindi na kita pakakawalan" Sabi pa nito na tumingin sa'kin atsaka tumawa

Hinila ko naman ang kamay ko na hawak niya "Baka nakakalimutan mo hindi pa tayo kasal pwede pa magbago ang isip ko" Sabi ko na tinaasan siya ng kilay at nginisihan

Mahigpit na niyakap naman niya ako "Hindi ko hahayaan magbago pa isip mo kaya pag uwi natin mamaya sa bahay sasabihin ko kay Ama na magpapakasal na tayo" Sabi niya

"Akala mo naman madaling magpakasal. Ang dami kayang dapat asikasuhin kapag ganoon" Sabi ko

"Hindi ko naman hahayaang mapagod ka sa pag aasikaso sa magiging kasal natin. Syempre tutulong ako at may iba pang tutulong sa'tin para mapabilis yung kasal" Sabi naman niya

"Bakit ba parang nagmamadali ka? Wala ka naman balak sumabak sa gyera at iwanan ako pagkatapos ng kasal no?" Natatawang sabi ko

"Wala naman mangyayaring gyera at hindi kita iiwan kahit saan ako magpunta. Alam ko naman kasing hindi ka magpapaiwan" sagot niya na pinipigilan ang pagtawa

"Mabuti alam mo" Sabi ko naman na pinsil ang dalawang pisngi niya.

Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya habang nakayapos sa kanya. Naalala ko naman ang pamilya ko. Minsan lang ako magpakasal at hindi pa sila makakasama.

"Sana mapatawad ako ng pamilya ko kung hindi sila makakasama sa kasal natin, mapatawad sana nila ako kung hindi na ako makakabalik sa kanila" sambit ko

Hinalikan naman ni Kapitan ang ulo ko habang nakahawak ito sa mga kamay ko.

"Hindi natin sila kalilimutan sa mahalagang araw natin kahit wala sila sa tabi mo" pumikit ako at hinigpitan ang pagkakayapos sa kanya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at nakangiting tinignan siya.

"Tara na sa Pook para hindi tayo gabihin mamaya sa pag uwi" Aya ko na sa kanya

Tumango siya "hmm. Tara" sagot pa nito

******

Nang makarating na kami sa Pook ay namangha agad ako sa nakita. Hindi ko inaakala na may ganitong lugar pala sa Dalya. Ang daming nagkalat sa daan na nagtitinda na inaalok ang mga produkto nila at mayroon ding mga shop sa gilid.

Huminto ako sa tapat ng nagbebenta ng parang pancakes pero maliliit may ibat ibang flavors sila tulad ng strawberry at mango. Binili naman ako ng tig isang flavor ni Kapitan at super sarap niya. Mamaya babalikan ko siya bago kami umuwi.

"Tara doon sa may tulay may ipapakita ako sa'yo" Aya ni Kapitan

Magkahawak kamay kaming naglalakad patungo sa tulay. Akala ko noong una ay simpleng tulay lang iyon ngunit hindi ko inakala na hanging bridge siya.

"Ayoko natatakot ako" umiiling na sabi ko.

"Hindi ka mahuhulog kasama mo ako" pangungumbinsi niya

"Ikaw nalang hintayin nalang kita dito" tanggi ko parin

"Ligtas dumaan dito tignan mo yung mga bata nagtatakbuhan pa" natatawang sabi nito "mas maganda kasi ang makikita mo sa kabilang tulay" Sabi pa niya

Tumingin naman ako sa kabilang dako. Marami ngang tao ang nakikita ko doon ngunit napakahaba naman kasi ng tulay.

"Gusto kong pumunta kaso hindi ko talaga kaya nanginginig ang mga tuhod ko hindi ko maihahakbang. Dito nalang ako ibili mo nalang ako ng kahit anong makita mong sa palagay mo ay magugustuhan ko" Sabi ko

"Kung gusto mo talagang pumunta wala naman problema" Sabi nito na bigla nalang akong binuhat na parang prinsesa.

"Oh My God!" Hindi maiwasang tili ko ng mag umpisa na itong maglakad upang makatawid sa tulay.

"Tumingin ka lang sa mukha ko mahal para hindi ka malula" Sabi nito kaya yun ang ginawa ko.

Parang bulang bigla nalang naglaho ang takot ko ng sundin ang sinabi niya. Nakatingin lang ako sa gwapong mukha niya habang tumatawid kami sa malikot na tulay.

Nang tumingin siya sa'kin at ibinaba ako ay ngumiti ito "Hindi naman nakakatakot diba?" Napatingin naman ako sa lupang inaapakan ko at sa tulay na dinaanan namin.

Nagkandahaba ang nguso ko "hindi nga nakakatakot pero hindi ko parin kayang tumawid kung hindi ka kasama" sagot ko

"Hindi naman kita hahayaan mag isa" nakangiting sabi nito at hinawakan ang kamay ko at nagsimula na ulit kaming maglakad

Katulad sa kabilang tulay marami rin ang nagtitinda ang pinagkaiba lang siguro ay mayroong mga entablado na nagsasagawa ng palabas. Naglakad pa kami ni Kapitan hangaang sa makarating kami sa landas patungo sa bundok.

Inalalayan ako ni Kapitan makaakyat sa mga bato bato hanggang sa maging patag at ligtas ng lakaran ang daan. Marami na daw nadulas doon kahit may mga lubid na pwedeng hawakan.

Medyo marami rin kaming kasama na bumabaybay sa mountain trail. Yung iba humihinto para siguro magpahinga habang kami ni Kapitan ay tuloy tuloy lang.

"Pagod ka naba?" Tanong nito. Umiling naman ako. Nakakapagtaka nga dahil ang layo na ng nilakad namin pero hindi parin ako napapagod.

"Ayos lang ako sasabihin ko kapag pagod na ako" sagot ko "baka naman napapagod ka na pwede tayong huminto at magpahinga" Sabi ko

"Ayos lang din ako huwag kang mag alala" Sagot niya

"Aakyat ba tayo sa tuktok?" Tanong ko na tumigil sandali sa paglalakad

"Kahit gustuhin ko hindi natin kakayanin umakyat ngayon sa may pinaka tuktok. Aabutin tayo ng dalawang araw sa paglalakad kung ganito lang kabilis ang lakas natin" Sabi nito

"Kung hindi pala tayo pupunta sa may tuktok saan pala punta natin?" Takang tanong ko

"Malalaman mo kapag nandun na tayo" sagot niya

Hindi nalang ako kumibo at naniwala nalang sa kanya. Wala naman kasi akong choice siya ang may alam ng lugar.

Isang makipot na daan ang pinasukan namin ni Kapitan. May lubid din doon na pwedeng hawakan ngunit ang sabi ni Kapitan ay sa kanya nalang ako humawak.

Maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko, malaki kasi ang posibilidad na madulas ako at mahulog sa may bangin. Unti unti namang lumalawak ang dinadaanan namin na ikinahinga ko ng maluwang.

"Nandito na tayo" Sabi ni Kapitan kaya naman nilibot ko ang aking mata. Abot tenga ang ngiti ko ng mamasdan ang paligid ko. Maraming mga ligaw na bulaklak ang nasa paligid namin at naglalakihang punong kahoy.

"Sulit ang dinaanan natin kanina sa sobrang ganda ng lugar na ito" masayang sabi ko habang nagsisiliparan ang mga talulot ng mga bulaklak sa hangin.

"Alam kong matutuwa ka kaya dinala kita dito" Sabi ni Kapitan

"Sobrang saya ko napakaganda dito!" Sabi ko at yumakap sa kanya

Yumakap din siya sa'kin at parehong nakangiti sa isa't isa.

"May isang lugar dito na tinatawag na talon ng tadhana, ang sabi sa kasabihan mahiwaga daw ang talon. Kapag ang dalawang magsing irog ay magkasamang naligo sa talon hindi na daw sila mapaghihiwalay kahit na ang tadhana" Sabi ni Kapitan

"Malapit lang ba iyon dito?" Tanong ko

Tumango siya. "paglagas lang ng dalawang punong iyon ay makikita mo na ang talon" turo nito sa dalawang puno sa may loob ng gubat

"Pwede kaya natin puntahan para makita? Kahit hindi tayo maligo gusto ko lang makita" Sabi ko

"Oo naman" nakangiting sagot niya at hinawakan ang kamay ko. Nginitian ko siya at naglakad na kami patungo sa mahiwagang talon na sinasabi niya.

Malayo pa kami sa dalawang puno ay naririnig ko na ang lagaslas ng tubig. Sigurado ako na sa talon iyon nanggagaling. Nakangiting tumingin ako kay Kapitan at hinila siya para mas mabilis makarating doon. Natutuwang nagpahila naman siya hanggang sa lumusot na kami sa dalawang malaking puno.

Kung maganda ang pinuntahan namin kanina ay mas maganda ang talon ng sampung beses. Maliban sa mga nagtataasang puno at mga nakakalat na ligaw na bulaklak sa paligid ay mga hayop rin dito katulad ng usa, mga hayop na lumilipad, rabbits at mga iba't ibang kulay na mga paru paro.

"Ang ganda!" Di napigilan na bulalas ko

Nilibot at pinagsawa ko ang aking mga mata sa ganda ng tanawin at pagkatapos ay masayang tumingin kay Kapitan.

"Nagustuhan mo?" Tanong nito. Walang patid naman ang pagtango ko.

"Hindi ko alam na may mas gaganda pa sa pinuntahan natin kanina hindi ko maisip na mas sampung beses pa pala ang ganda dito kaysa doon" Sabi ko

Niyakap naman ako ni Kapitan buhat sa likod. Pinanood namin ang paligid partikular na ang dalawang usa na naroon.

"Mukhang magkasintahan rin ang dalawang usa na naroon" natatawang sabi ko kay Kapitan sabay turo sa mga ito

"Tama ka, mukhang katulad natin ay gusto rin nilang makita't masaksihan ang hiwaga ng talon" sabi nito

"Bakit hindi sila lumusong sa tubig at maligo sa talon?" Tanong ko na tumingin sa kanya

"Dahil malalim ang tubig at maaring malunod sila kung lulusong sila" sagot niya "mapalad parin tayo dahil kaya natin maligo sa talon na hindi nag aalala" Sabi nito

"Gusto mo bang lumusong at maligo sa talon?" Seryosong tanong ko

"Oo kung sasamahan mo'ko, kung hindi naman ay maiintindihan ko. Wala tayong dalang pamalit na kasuotan, hindi ko kasi naisip na makakarating tayo sa lugar na ito" sagot niya.

Napatingin naman ako sa suot ko. Manipis lang ito maaring matuyo agad. Malakas rin naman ang hangin kaya siguradong matutuyo ito agad. Isa pa gusto kong maligo sa talon, hindi naman masama kung maniniwala ako sa kasabihan.

"Maligo tayo" nakangiting sabi ko na ikinagulat ni Kapitan

"Mababasa ang kasuotan mo" Sabi naman niya

"Ayaw mo lang yata eh" taas kilay na sabi ko

Ngumiti naman ito sa akin at walang sabing binuhat ako at lumusong sa tubig. Sa ilalim ng talon ay walang sino man sa amin ang gustong bumitaw sa paghahalikan namin. Wala narin akong pakialam kung halos makita na ni Kapitan ang aking katawan dahil sa nipis na suot ko na bumabakat sa kabuuan ko.

******