Chapter 35
Chandee's Pov
Ilang oras na ang lumipas ngunit wala parin balita kina Kapitan. Puno ng pag alala ang dibdib ko at hindi ko narin nagawang kumain ng tanghalian. Pinit nila akong kumain kanina at sinubukan ko naman ngunit hindi ko malunok ito.
Lumipas ang isa pang oras at may mga sundalong dumating, sa bilang ko ay nasa anim sila. Hinanap ko agad si Kapitan sa kanila ngunit wala ito.
"Nasaan si Kapitan?" Tanong ko sa isang sundalong sugatan
"Nasa kampo na si Kapitan binibini at pinapasabi nito na huwag kang mag alala sa kanya at maayos ang lagay niya" sagot ng isang sundalo na may bahid din ng dugo sa katawan.
"Pinapunta lang niya kami dito para magamot ang mga sugat namin" sagot ng sundalong pinagtanungan ko
Gumaan naman ang loob ko sa nalaman. Dali dali akong tumulong sa mga ito para magamot at laking pasasalamat ko dahil hindi naman ganun kalalim at grabe ang mga hiwa nila sa katawan.
"Kumusta naman? Nailigtas niyo ba ang mga kababaihan?" Sunod na tanong ko habang nililinis ang hiwa ng isang sundalo
"Tagumpay tayo binibini ngunit kailangan pang kwestiyonin ang mga nahuli, iilan lang kasi ang mga babae kaninang nailigtas" sagot naman niya
"Nakauwi na ba ang mga nailigtas niyo?" Usisa ko
"Hindi pa binibini nasa kampo pa sila at nagpapahinga, nag utos si Kapitan na puntahan ang mga magulang nila at sunduiin ang mga ito sa kampo" sagot nito
Tumango ako.
"Mabuti kung ganoon, makakauwi na sila. Makita niyo narin sana at mailigtas yung iba pang mga babae" Sabi ko pa
"Sigurado yun binibini" nakangiting sagot niya "kailangan lang pwersahin magsalita ang mga nahuli para malaman kung nasaan ang iba pang mga kababaihan na dinukot nila" ngumiti naman ako bilang pag sang ayon sa sinabi niya.
Nagamot na namin lahat ang mga sundalo at kasalukuyang nagpapahinga na ng dumating naman si Kapitan sakay ng kabayo niya. Agad akong tumayo at sinalubong siya. May bahid na mantsa ng dugo ang katawan niya kaya agad akong nag alala.
"May sugat ka" nag aalalang sabi ko
"Wala ito malayo sa bituka" pagbibiro pa niya. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay baka nahampas ko na siya.
"Halika doon at gagamutin ko" Sabi ko nalang at humawak sa kanya para maalalayan siya.
"Hindi na kailangan maliit na hiwa lang naman natamo ko, nagpunta lang ako para makita ka at di ka na mag alala" Sabi nito
"Kahit na, titignan ko parin para magamot" hinila ko siya papunta sa isa sa mga higaan at pinaupo doon. "hubarin mo yang pang itaas mo para makita ko at malagyan ng gamot" Sabi ko pa. Lumapit naman si Ate Salve samin na may dalang dinikdik na halamang gamot.
Sinunod naman ni Kapitan ang sinabi ko at naghubad nga siya. Napalunok naman ako ng makita ang katawan niya. Naalala ko tuloy mga kaibigan ko na tumutulo ang mga laway kapag nakakakita ng abs. Lalo na ang abs ng ultimate crush nila na si Daryl.
Pasimpleng pinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ang mga kaibigan ko at ang pagpapantasya sa katawan ni Kapitan. Nagkatinginan pa nga kami sandali pero iniwas agad nito ang tingin niya. Napansin ko rin namumula ang mukha niya. Anong ibig niyang sabihin mas nahihiya pa siya sa'kin dahil naka borles siya?!
Pinaningkitan ko nalang siya ng tingin at sinimulan linisin ang sugat niya sa may parte ng dibdib. Ang sabi niya kanina maliit na hiwa lang pero ang totoo ay mahaba pala. Pagkatapos kong magamot at matakpan ang sugat niya ay naiwan parin ang mga mata ko sa katawan niya.
Wala sa loob na na inilagay ang kamay ko sa mga peklat niya at pinadaan ang mga daliri ko dito. Paano niya kaya iyon nakuha, sigurado naging masakit ang mga ito.
Napatingin ako sa mukha niya ng bigla nitong hawakan ang kamay ko. Nakatitig lang ito sa'kin at ganoon din ang ginawa ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon matitigan siya ng mabuti at mamemorya ang mukha niya.
"Maari ko na bang isuot ulit ang damit ko?" Noong una ay naguluhan pa ako sa sinabi niya hanggang sa maalala kong nakahubad nga pala ang pang itaas niya.
"Ha? Oo!" Nagulat pang sagot ko at iniwas ang tingin sa kanya. Inayos ko rin ang mga ginamit ko sa pag lilinis ng sugat niya para mabawasan ang kahihiyan.
"Maya maya babalik na ako sa kampo para kwestiyonin ang mga nahuli namin. Kailangan naming malaman kung nasaan ang iba pang kinuha nila at kung saan nila ito dinala. Maraming mga magulang ang sumundo sa mga anak nila kanina at karamihan sa mga pumunta ay bigong makuha ang mga anak nila dahil wala ang mga ito sa mga nailigtas kanina" sabi nito na kaya muli akong tumingin sa kanya
"Naiintindihan ko basta mag iingat ka" Sabi ko at tipid na ngumiti
"Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi kaya huwag mo akong hihintayin. Huwag kang magpapalipas ng gutom at matulog ka ng maaga" bilin pa nito
Humaba ang nguso ko "bakit naman kita hihintayin atsaka wala akong balak magpagutom at matutulog talaga ako ngayon ng maaga" Sabi ko naman
Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
*****
"Ihahatid na kita sa bahay" bulong ni Kapitan sa tenga ko
"Bakit? Dito na muna ako" tanggi ko
"Malapit ng dumilim at babalik na ako sa kampo, walang maghahatid sayo sa bahay" Sabi nito
"Kasama ko naman si Glenda at malapit lang naman ang bahay dito sa pagamutan" sabi ko pa baka kasi makalusot at payagan ako
"Ano pa ang gagawin mo dito wala ng pasyente" kontra niya
Tumingin ako sa paligid at tama nga siya. Kaming anim nalang ang naririto at nagpapahinga narin sina Doktor Gilberto at ang dalawang anak niya.
Sumimangot ako. Ayoko pa talagang umuwi dahil nag aalala ako na baka masaktan siya sakaling makipaglaban ulit ito.
"Oo na" pagsukong sabi ko at hinablot ang bag sa tabi ko. Nagpaalam narin kaming tatlo kina Doktor Gilberto.
Hawak ni Kapitan sa isang kamay ang tali ng kabayo niya habang hawak naman ng isa niyang kamay ang kamay ko habang naglalakad. Katulad kanina nasa likuran lang namin si Glenda na nakasunod. Napansin ko na kahit ako ang pinagsisilbihan niya ay nasa amo talaga niya ang loyalty niya.
"Kung pwede itali mo nalang siya bukas bago ka umalis Kapitan! Sigurado gagawa ng paraan ang binibini para matakasan ako" Sabi ni Glenda na inaaksyonan ko pa na sasaktan niya dahil sa mga sinasabi niya.
"Hindi naman natin bihag ang binibini para itali siya" Sabi naman ni Kapitan na tumingin pa sa'kin "idadaan ko nalang sa matinding pakiusap. Sana lang umubra" dagdag pa niya
"Paano kung hindi umubra?" Tanong naman ni Glenda
"Isa lang ang ibig sabihin, wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko" sagot niya na nagpataas ng kilay ko
"Hindi naman sa wala akong pake!" Sabi ko at huminto sa harap ni Kapitan at humalukipkip. "Hindi ba pwedeng nag aalala lang ako? Isa pa nakakainip sa bahay minsan nga wala pa si Glenda dahil may ginagawa". Sabi ko
"Kapag hindi naman kita nasasamahan pumupunta ka naman sa kusina at nakikipag kwentuhan sa mga tagaluto doon" sabat naman ni Glenda na sumilip sa likuran ni Kapitan
"Naiintindihan ko ngunit ngayon lang naman 'to binibini. Pagkatapos namin mahuli lahat ng sangkot sa pangunguha ng mga kababaihan ay babalik na ulit na sa normal ang lahat" Sabi ni Kapitan na tinitigan pa ako "mangako ka na hindi ka muna lalabas ng bahay hanggat hindi nalulutas ang problema upang hindi ako mag alala sa'yo" dagdag na sabi pa niya pagkatapos ay niyakap ako. "Konting tiis nalang mahal ko kailangan ko lang makasiguradong ligtas ka" Sabi pa nito
Bumuntong hininga nalang ako at gumanti saglit sa yakap niya habang nakasimangot at nakatingin kay Glenda. Ayoko naman na mag alala siya sa'kin habang nagtatrabaho siya.
"Pangako makikinig na ako sa'yo at hindi aalis ng bahay ng hindi nagpapaalam sa'yo" Sabi ko at humiwalay na sa pagkakayakap sa kanya at bumalik sa tabi niya para ipag patuloy ang paglalakad.
Huminto kami sa tapat ng tarangkahan at pinigilan ng pumasok pa si Kapitan. Gusto niyang ihatid ako mismo sa silid ko ngunit tumanggi ako. Alam kong kailangan na siya sa kampo at habang tumatagal siya dito ay mas matatagalan siya sa paglutas ng problemang pang kaligtasan na nangyayari ngayon.
"Mag ingat ka" huling sabi ko
Tumango siya
"Ikaw din" sagot niya bago ito sumakay sa kabayo niya at umalis.
Nakatingin lang ako sa likuran niya hanggang mawala na ito sa paningin ko. Inaya na ako ni Glenda na pumasok sa loob na siya naman ginawa ko.
*****